Chapter 54: Epilogue

"Ate Sabrina? Umiiyak ka na naman," untag sa akin ni Imee.

"Huh?" Hinawakan ko ang aking pisngi at basa nga ng luha.

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Tita Rebecca at Aling Crisselda. Nandito kami sa kusina at naghahanda ng mga lulutuin para sa araw na ito. Ang pinagkakaabalahan namin ngayon ay ang karinderya at sari-sari store na ipinatayo namin gamit ang mga sandamakmak na perang naiwan sa akin.

I donated some of the money to different kinds of foundations especially for the abused children.

Ang iba ay ginamit ko upang tulungan ang maliit na bayan na ito. Ang mga lubak-lubak na mga kalsada noon ay pinaayos ko. Pinalagyan ko rin ng solar street light ang bawat daan upang kahit walang kuryente ay maliwanag pa rin ang mga kalsada.

I gave a huge amount of money to the municipality for the funds and livelihood of the people living here. Ang iba nga ay sinasabihan akong tumakbo sa susunod na eleksiyon pero wala akong interes sa bagay na iyon.

I just want to live a simple and normal life. I want to get rid of the money that I have kaya ipinamimigay ko ang mga ito sa mga nangangailangan. It's just too many for me. Hindi ko naman ito basta na lang ipamigay sa mga tao. I want to give it to the people who really needs it and has a good heart.

Money should be handled with care and moderation because if not, it will make you evil and greedy.

Tinalikuran ko na ng lubusan ang buhay na kinagisnan ko noon. Gusto kong magsimula ulit. Yung hindi na ako hahawak ng baril at papatay ng tao. Gusto kong makalimot kaya nagpakalayo-layo ako at napadpad sa lugar na ito. Sa bahay nila Soul.

Ngayon na wala na ang paaralan ay bumalik na ang mga ala-ala ni Soul kina Aling Crisselda.

Sobra silang nagluksa sa pagkawala niya. Ang mga larawan kung saan siya nabura ay muling nagbalik. At sa tingin ko ay ganun din ang nangyari sa ibang mga estudyante na nakalimutan ng kanilang mga pamilya.

Everything has returned, except for my heart.

"Sabrina, okay ka lang ba anak?" tanong ni Aling Crisselda.

She's calling me 'anak' and happy I'm for that.

Pagkalabas ko noon sa hospital ay dito ako dumiretso kasama si Auntie Rebecca. Ang balak ko sana ay bumili ng lupa at magpatayo ng maliit na bahay malapit sa kanila pero pinigilan ako ni Aling Crisselda. Bakit daw pa ako gagasto kung meron namang mga bakanteng kwarto sa bahay nila.

Kaya ngayon ay dito na kami nakatira ni Auntie Rebecca. Sa dating kwarto ako ni Soul natutulog at si Auntie naman ay sa nag-iisang kwarto na para sa mga bisita.

Masaya dito sa lugar nila. Ang babait ng mga tao at ang sasaya nilang kasama. Kahit papaano ay nakakalimot ako. Pero ang sakit ay nananatili pa rin sa aking dibdib. At sa tingin ko ay babaunin ko ito sa aking pagtanda.

"A-Ayos lang po ako. Pwede po bang maiwan ko muna kayo dito? May pupuntahan lang ako," wika ko.

"Pupunta ka na naman doon?" tanong ni Auntie Rebecca na naghihiwa ng carrots.

"Opo Auntie."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Sige, mag-iingat ka."

Hinaplos ko ang ulo ni Imee at Arlo bago lumabas ng kusina.

Nagtungo ako sa kwarto at kumuha ng jacket na pangpatong sa manipis na damit na suot ko. Kapapasok namin sa ber months kaya malamig na ang panahon lalo na sa umaga at gabi.

Alas singko pa lang ng umaga kaya pinili kong gamitin ang bisikleta na may malaking basket sa harapan.

Lumabas na ako sa maliit na gate at tinahak ang daan patungo sa lugar kung saan halos araw-araw akong nagpupunta.

Binabati ako ng mga mangilan-ngilang residente na nagkakape sa harap ng kanilang mga bahay.

"Magandang umaga ma'am Sabrina," bati ng isang ginang na nagtatanim ng mga bagong halaman.

Ngumiti rin ako. "Magandang umaga rin po."

People here calls me ma'am. Sinabi ko naman na sa kanila na tawagin na lang ako sa aking pangalan pero nahihiya raw sila. Kaya kahit naiilang ako ay hinayaan ko na lang.

Pagkalagpas ko sa mga kabahayan ay binilisan at idiniin ko ang pagpadyak sa bisekleta dahil paakyat na ako sa isang burol. Hindi naman ito gaanong kataas. Mahaba ang pahalang na daan kaya kailangan pa rin ng malakas na pagpadyak.

Nang makarating ako sa tuktok ng burol ay lumanghap ako ng sariwang hangin. Bumungad sa akin ang malawak na taniman ng mga bulaklak.

Ang lupang ito ay pag-aari nila Aling Crisselda na pamana pa raw sa kanya ng kanyang mga magulong. Pero isinanla ito ng kanyang asawa para lang may pangtustos sa mga sugal at bisyo nito.

Noong nalaman ko ang bagay na iyon ay agad kong tinubos ang kanilang lupa. Ayaw pa noon ng matanda na ibigay dahil maganda raw ang pwesto nito at balak nito itong patayuan ng bahay.

So I negotiated and get back the land triple from it's original price. At heto na siya ngayon, taniman na siya ng mga bulaklak. Hindi problema ang klima dahil malamig naman ang lugar dito. Sakto ang mga ito sa buwan ng November at December.

Pumitas ako ng dalawang bulaklak bago umakyat sa isa pang maliit na burol kung saan nakatayo ang isang napakalaking puno sa gitna nito. Dito kami madalas magpicnic nila Imee.

Umupo ako sa ilalim ng puno, sa tabi ng mga dalawang magkatabi na lapida. Inilagay ko ang dalawang bulaklak na dala sa ibabaw ng mga ito.

Hinaplos ko ang pangalang nakaukit sa isang lapida. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha.

Ilang taon na ba ang nakalipas mula ng araw na iyon? Tatlo na siguro.

Tatlong taon na pero heto pa rin ako at nagdurusa.

Tatlong taon na ang nakalipas pero heto pa rin ako, nasasaktan at umiiyak.

Naikwento lahat sa akin ni Auntie Rebecca ang mga pangyayari sa araw na iyon. Madaming nasawi, madaming nawala, madaming nagsakripisyo at kasalanan ko ang lahat ng iyon.

Ang ikinasasama ng loob ko ay wala man lang akong nagawa. Prinotektahan nila ako pero naging pabigat pa ako.

Ang hirap na hanggang ngayon ay namumuhay pa rin ako sa nakaraan, sa mga ala-alang hindi ko makakalimutan. Nagpakalayo-layo nga ako pero ang mga bagay na ito ay hindi ko matatakasan kailan man.

"Sage.." bigkas ko sa pangalan ng lalaking pinakamamahal ko. Ang tanging ala-ala na meron ako sa kanya ay ang unang larawan naming dalawa  na kuha sa rest house nila Lucy. I'm glad na pinilit ko siya noon. Na kahit wala na siya ay nakikita ko pa rin ang mukha niya kahit na sa larawan na lang.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. I gasped for air. Ang isipin siya ay nakakakapos ng hininga. Sobrang sakit na hindi ako makahinga. Pero kahit ganun ay lagi siyang nasa aking isipan, ano mang oras at kung saan man ako magpunta.

Sana kasama na nila akong nawala dahil ang hirap maiwan ng nag-iisa kasama ng kanilang mga ala-ala na kahit kailan ay hindi na maibabalik pa.

Pinunasan ko ang aking mga luha at inipit ang ilang takas kong buhok sa likod ng aking tenga.

I cut my long hair months ago. I did it to look different, to change my look. I have a long hair ever since and this is the first time that I cut my hair this short. It's now above my shoulders.

The birds started chirping as the sun started to rise from the East.

Sumandal ako sa puno at pinagmasdan ang pag-ahon ng haring araw.

This is one of my favorite view.

The sunrise.

Nanatili ako ditong nakaupo hanggang sa tuluyan ng mag-umaga. Hinaplos ko ang dalawang lapida. Nag-usal muna ako ng maikling panalangin bago tuluyang bumaba sa maliit na burol na iyon.

Dumiretso muna ako sa maliit na gulayan at kumuha ng mga ilang rekados na gagamitin sa bahay. Inilagay ko ang mga iyon sa basket ng bisikleta at sumakay na.

I removed the stand. Sumulyap pa ako sa kinatatayuan ng puno. Umihip ang malamig at mabining hangin.

I closed my eyes for a second and tried to calm my unstable emotions.

Pagmulat ko ay tinahak ko na ang daan pababa ng burol.

The pain will be etched permanently inside my heart. Those memories will be kept alive in the deepest part of my soul.

It's bittersweet but despite those scars, I will continue to live for them.

And wherever they are, I hope they're fine. Wala man sila sa mundong ito, alam kong darating ang araw na magkikita ulit kaming lahat. It will not be here but I know that we will.

Someday...

Somewhere.

                         THE  END