Chapter 52 Sacrifices
Vanessa's POV..
Sage managed to get out from the hole. Ngayon ay sabay na nilang nilalabanan ni Kuya Lander ang aking ama. They were all moving in a lightning speed, mapataas man o sa baba.
Nakita kong nahihirapan sina Kyle at Zeke sa isang Reaper habang si Nicole ay duguan na pero malapit na niyang matalo ang kalaban.
Jameson and Clark are almost breathless dahil sa mga hindi maubos-ubos na mga kalaban. Ang ibang mga kasamahan namin ay bagsak na sa matigas na lupa na wala ng ulo.
Napamura ako. Kung ito ay magpapatuloy ay malamang na malagasan kami.
Nang maramdaman kong umepekto na ang gamot na itinurok ko ay muli akong lumapit kay Sabrina. Habang busy ang lahat at habang hindi pa ako napapansin ng mga kalaban ay ito na ang tiyansa kong itakas siya dito. Ang kinakailangan ko lang gawin ay kalasin ang iba niyang posas at gumawa ng portal papuntang ibabaw.
Nanginginig ang kamay ko habang kinakalas ang posas sa kabila niyang kamay. Patuloy siya sa pagwawala. Pawisan na rin ang katawan niya. Nag-iwas ako ng tingin. Naaawa ako sa kanya. Kung bakit ba kasi parehong baliw ang aming mga ama.
I'm in the middle of removing the chains on fer feet when I felt a strange aura. Natigil ako sa ginagawa. May bagong dating. At ang aura niya ay sobrang dilim.
"Don't touch my daughter," wika ng kalmado pero mapanganib na boses.
Nag-angat ako ng tingin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang kapatid ng aking ama.
Francisco Enrique Cromello is right in front of me. So intimidating and scary.
"Move," wika niya.
Umatras ako hanggang sa tuluyang nakalayo sa kanya. I can't defy his words. Why?
Agad akong dinaluhan nina Jameson at Clark.
"Dad?!" gulat na wika ni Kuya Lander.
Hindi ito nagsalita bagkus ay siya na mismo ang nagtanggal sa natitira pang posas ni Sabrina saka binuhat at inihiga sa tabi ng butas.
Tumayo ito at naglakad papalapit kina Kuya Lander na natigil na sa pakikipaglaban.
Ang mga Yeobis ay mistulang natakot sa kanya at biglang nagsilaho na parang mga bula. Ang dalawang Reapers na lang ang natira at agad na tumabi sa aking ama na nakakuyom ang mga kamao at nagngingitngit ang mga ngipin.
I know their history. I know that my father suffered so much pain because of his twin. At ngayon na nagkaharap muli sila sa loob ng maraming panahon, nakaramdam ako ng kaunting awa para sa aking ama.
Matalim ang tingin na ibinibigay nila sa bawa't isa.
Bumaling si Enrique Cromello kay Kuya Lander na medyo maputla ang mukha. This is the first time that I saw him like this. He's always confident and strong, pero ngayon ay takot siya sa sariling ama. Paniguradong alam na nito ang mga pinaggagagawa namin ni Kuya Lander.
"Lander my son, you're such a big fool," anito sa nakatungong si Kuya Lander. "A fool, but a useful fool." Ngumiti ito na hindi ko inaasahan.
"With your foolishness, you're making everything easy for me."
"Dad please–"
"Cut it out Lander. These is all your fault so I'm gonna use it to my advantage."
Crap. Akala ko ay tutulungan niya kami na iligtas si Sabrina. But they are really twin! Pareho sila ng layunin!
"Enrique Cromello." Napatingin kaming lahat kay Sage. His eyes were bloodshot. Namumutok ang kanyang mga ugat sa leeg at braso.
Everything is complicated. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin.
No one's even paying attention to Sabrina!
Wala ng nakapigil pa kay Sage nang sinugod niya si Uncle Enrique. Sobrang bilis ng galaw niya na pati si Uncle Enrique ay hindi agad ito napansin.
Tumama ito sa kisame at ang ilang mga bitak ng bato ay nahulog.
This can't he happening. Wala sa kondisyon si Sage upang makipaglaban sa kanya!
Swabeng tumalon pababa si Uncle Enrique habang pinapagpagan nito ang suot na damit na parang walang nangyari.
Si Sage ay naghahanda na ulit sumugod.
"Stop it Sage. Hindi mo siya kaya. Let's wait for the right time!" pigil sa kanya ni Kyle.
"Don't interfere," malamig lang niyang wika.
Lumapit si Nicole kay Sage habang pinaglalagutok ang kanyang leeg. "I will lend you a hand."
"I thought you were killed back there you damn brat? You want a death wish? Fine. I'll give it to you," seryosong wika ni Uncle Enrique.
"Dad stop it please. Hayaan mo na sila!" Pakiusap ni Kuya Lander pero wala ng nakikinig sa kanya. Si Zeke ay nasa kanyang tabi at madilim ang mukha.
"I'm going to eliminate every Montblac living in this world."
"Take Sabrina and get the hell out of here Vanessa!" sigaw ni Sage sa aking isipan bago nila sinugod si Uncle Enrique.
What? Iiwan namin sila?
Hinawakan ni Kyle ang braso ko. "Van, let's go. It's the best thing to do. Don't forget kung ano ang pinunta natin dito."
"B-But."
I looked at Kyle and his eyes were pleading. Nag-iwas ako ng tingin at hirap na tumango.
Kinailangan naming igapos ang mga kamay ni Sabrina upang hindi siya makapanakit. Habang ginagawa namin iyon naririnig namin ang mga mabibigat na suntok at sipa ng mga naglalaban.
It pains me to hear those violent clashing. Tahimik lang kaming apat. Alam kong gusto nilang tumulong pero laban ito ni Sage. Wala rin kaming laban sa kanila.
Binuhat ni Kyle si Sabrina at pumasok na sa portal na gawa ni Clark.
"We're g-going Sage," wika ni Jameson sa kanyang isipan.
Tumingin ako sa aking ama. Wala na kay Sabrina ang focus niya kundi nasa kanyang kapatid na nakikipaglaban. Bumukas sara ang kanyang mga kamao at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Vanessa," pukaw sa akin ni Jameson. Nasa loob na sila at hinihintay ako. Nakaiwas sila ng tingin sa banda nina Sage.
Tumalikod na ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng labang ito. Importante silang lahat sa akin. Ayaw kong may mawala sa kanila kahit isa.
"Vanessa ano ba?!" singhal ni Clark. "I'm at my limit here!"
"I'm coming! Can't you wait a little longer?!" ganti ko saka mabilis na pumasok sa portal. Isasara na sana ni Clark ang portal nang makarinig kami ng malakas na pagsigaw.
Bumaling kaming lahat sa naglalaban at nanlaki ang aming mga mata. Nicole was on his knees while holding his right arm. Bumaba ang tingin ko sa braso niya at natigagal ako sa aking nakita. Tumatalsik ang dugo kung saan naputol ang kamay niya.
"Nefertari," bulong ni Uncle Enrique sa hangin. Sa kanang kamay niya ay may kulay itim na espadang unti-unting nabubuo.
Wala sa sariling humakbang ako palabas.
"Nicole!" ani Sage at dinaluhan ang kaibigan.
Mabilis na naglaho sa hangin si Uncle Enrique. Paglitaw niya ay nasa likuran na ito ni Sage na nakatalikod at dinadaluhan ang kaibigan.
"Dad no!"
Parang kidlat sa bilis ang mga pangyayari. Natagpuan na lang namin na sinalo ni Nicole ang saksak na para kay Sage na inihagis niya sa 'di kalayuan.
"M-Mammon.." mahinang bigkas ni Nicole sa kanyang demonyo. Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring nagpapakita. Wala man lang nagparamdam.
"How naive of you kid. This is not your territory. You can't call him for help."
Iniumang uli nito ang espada upang tapusin na si Nicole pero mabilis na nakabalik si Sage at pinigilan ang espada gamit lang ang mga kamay niya.
Nanghihina na siya, alam ko iyon. Kakamarka lang niya kanina at nakakahina ang prosesong iyon. He need days to rest before he can use it's full strength. We calculated everything. Ang hindi namin inaasahan ay ang pagdating ni Enrique Cromello.
Hindi ko na napigilan at umalpas na ang aking mga luha. It's hopeless. W-What should we do?
Namalayan ko na lang na lumabas na sila Kyle sa portal at walang pag-aalangang sumugod kay Uncle Enrique.
"Nefertari," ulit niyang bigkas. May mga lumitaw na mga espada sa ere. Isang kumpas ng kamay ni Uncle Enrique ay bumulusok ang mga ito pasalubong kina Kyle. Tumusok ang mga ito sa mga kamay nila at marahas na hinila pataas at ipinako sa magaspang na pader na bato.
Napasinghap ako.
Dumaing silang tatlo sa sakit ng pagkakatusok ng kanilang mga kamay. No one's supporting their weights except the blades. Kapag nagtagal sila doon sa ganitong pwesto ay mapipilas ang kanilang mga kamay.
Napahawak ako sa aking ulo habang marahang umiiling.
Hindi ko kayang makita ito. Mababaliw ako!
Bumwelo ako. I put all my strength on my legs. I need to jump high and move quick to remove the blades one at a time.
Pero naudlot ang aking plano nang isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.
The two Reapers immediately aide them. Malakas na pumapagaspas ang kanilang mga malalaking pakpak habang tinatanggal nila sa pagkakapako ang tatlo.
W-What's happening?
Inilibot ko ang paningin pero wala na ang aking ama. Tumingin ako sa aking likod at wala na rin si Sabrina!
"Stay out of this Lander!"
Napabaling ako sa nangyayari sa kabila nang marinig ko ang malakulog na boses ni Uncle Enrique.
Sakal nito sa isang kamay si Kuya Lander habang ang isa ay nakahawak sa espada na pinipigilan ni Sage na tumama sa kanya at kay Nicole.
"Bitawan mo si Lander!" sigaw ni Zeke at malakas na siniko ang tagiliran ni Uncle Enrique. Nabitawan niya si Kuya Lander pero nagawa pa niya itong sipain palayo.
"You fool!" May lumitaw na espada at sinaksak si Zeke sa sikmura.
"Zeke!" Tili ko.
Matalim na bumaling sa akin ang mga nagbabagang mata ni Uncle Enrique. Agad kong itinikom ang nanginginig na labi at itinigil ang balak na pagsaklolo kay Zeke.
Natatakot ako. Hindi ko siya kayang harapin.
"Why doess everyone protecting this Montblac kid?!" Malakas niyang hinila ang espadang hawak ni Sage at iniangat sa ere.
"I'll show you how I end things my way!" aniya kasabay ng pagtama ng espada sa dibdib ni Sage.
Wala nang nagawa si Sage kundi ang tanggapin ang talim ng espada na gumuhit ng mahaba sa bandang dibdib niya. Bumagsak siya sa tabi ni Nicole na hindi ko alam kung buhay pa.
Pinilit kong huwag gumawa ng ingay kahit gustong-gusto ko ng magsisigaw. Gusto ko siyang murahin! Gusto ko siyang pagsalitaan ng masama at sabihin kong gaano siya kawalang-hiya! Isa siyang demonyong nagkatawang tao!
"I'm going after your sister once I'm done with you."
"J-Just kill me. But p-please, don't hurt my s-sister," hirap na salita ni Sage.
Kumawala ang isang hikbi sa aking bibig. Sage. Nasasaktan ako para sa kanya. He's begging to his enemy just to spare his sister. He's been in so much pain since that fateful day. Ano ba ang kasalanan ng pamilya niya sa mga Cromello at kinakawawa sila ng ganito? Wala ba siyang karapatang maging masaya at mabuhay ng payapa?
Hindi ko na napigilan ang aking paghikbi at naging tuloy-tuloy na ito. Ang sakit. Sobrang sakit.
"I don't take orders. I am Francisco Enrique Cromello, I am the one who give orders."
Iniba niya ang hawak sa espada, nakaharap na ito pababa. The black color of the sword turns crimson red.
Bumilis ang pintig ng puso ko. Wala sa sariling bumaling ako kina Kyle. Wala na silang malay. Namumutla na sila at ang kanilang kamay ay kulay indigo na. May lason ang mga espada.
"Nos vemos en el infierno Montblac. Adiós," salita niya bago itarak ang espada sa puso ni Sage.
"Saaaaggee!" sigaw ko at mabilis na sumugod. I shifted my right hand in to Rhinoceros horns.
Wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam! Mas gugustuhin ko na lang na mamatay na lumalaban kasama sila kaysa ang mabuhay mag-isa na puno ng pagsisisi at pagdurusa!
Pero bago pa ako makarating sa kanila ay meron nang nauna. Ang mabilis kong pagtakbo ay unti-unting bumagal habang ang labi ko ay nakaawang.
Mayron nang nauna. Si Kuya Lander. Natigilan ang kanyang ama at nanlaki ang kaninang walang emosyon nitong mga mata.
Mabilis nitong hinugot ang espadang nakatarak sa dibdib ni Kuya Lander at bahagyang napaatras palayo.
"M-My son.." aniyang wala sa sarili.
Natutop ko ang aking bibig. Malakas na kumakabog ang aking dibdib. Hindi ako makahinga.
Nagsuka ng dugo si Kuya Lander at tuluyan nang napaluhod sa lupa.
Sinalo niya ang atakeng para kay Sage. Prinotektahan niya si Sage!
Sa nanginginig na ngipin ay kinagat-kagat ko ang aking mga daliri. Nalilito ako. Gulong-gulo ang isip ko. Wala na ako sa tamang pag-iisip dahil sa mga pangyayari.
"V-V-Vanessa..."
Natauhan ako nang narinig ko ang nanghihinang boses ni Kuya Lander. Agad kong inayos ang aking isipan at nilapitan siya.
"K-Kuya Lander.." hikbi ko. Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang balikat upang hindi matumba.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Lalo lang akong napahagulgol sa ginawa niya. Niyakap ko siya at nag-iiyak sa kanyang balikat habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan niya.
Ever since, I envy Sabrina for having a caring and loving brother. Kahit na lagi kaming magkaaway ay alam kong mahal niya ako katulad ng pagmamahal niya kay Sabrina. Mahigpit na ipinagbabawal ng aming mga ama ang magkita noon pero tumatakas pa rin kami at namamasyal sa kung saan-saan.
Siya ang kapatid na hinihiling ko. Siya ang pumuno sa espasyong iniwan noon ni Hazel Van, ang babaeng multo na nagpapakita kay Sabrina. At kung mawawala pa si Kuya Lander ay hindi ko na makakaya pa.
"Y-You said that.. he is aa good person.. r-right? T-That he is m-my sister's boyfriend?" aniya saka mahinang natawa kahit nahihirapan.
Si Sage ay tuluyan ng natalo at pareho sila ni Nicole na naliligo na sa sarili nilang mga dugo.
"I saved him b-because... he doesn't have any fault. Kami ang may malaking k-kasalanan sa kanya."
"Vanessa ..." aniya at tinitigan ang aking mga mata. His eyes were in tears na lalong nagpabigat sa aking dibdib.
"Subukan ninyong mabuhay. At pakisabi kay Sage na alagaan ng mabuti ang k-kapatid ko. I love her so much.. as well as you."
Tumango ako na tigmak ang mga luha. Sinubukan kong pahintuin ang pagdurugo ng kanyang dibdib. Sumang-ayon ako sa sinabi niya pero hindi ako sumasang-ayon na ito na ang huling bilin niya!
"D-Don't touch my son, you filthy woman!"
Humigpit ang hawak ni Kuya Lander sa akin. Lumingon ako sa likod at napangiti ng mapait nang makita ang espadang papalapit.
Hinarap ko si Uncle Enrique ng buong tapang.
I guess this is my end. Life is unfair. Mamamatay ako na hindi man lang nagawang libutin ang buong Pilipinas kasama ng aking mga kaibigan na nasa bingit na ng kamatayan. I never once felt happy. Gusto ko sana na bago ako mamaalam ay maranasan ko naman na magroad trip kasama sila. Iyong wala kang iniisip na problema. Iyong puro tawanan lang.
Napangiti ako kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Gusto kong iyon ang huling laman ng aking isipan bago mawala.
Ilang sandali lang ay hindi espada ang tumama sa akin kundi isang malapot na likido. Pagmulat ko ay puno na ng dugo ang katawan ko. Sa harap ko ay ang espada at putol na kamay ni Uncle Enrique.
"Don't you dare touch my daughter! I won't let you take another precious person in my life again!"
"F-Father," bigkas ko sa hindi makapaniwalang boses.
Biglang lumitaw ang napakalaking portal na galing sa aking ama. Hinigop nito sina Kyle na walang malay at isinunod ang iba pa. Binitawan ko si Kuya Lander nang maramdamang hinihigop siya ng portal papasok.
Nasa loob na silang lahat at ako na lang ang nasa labas.
May binigkas siyang pangalan at may lumabas sa kanyang likuran na apoy pero hugis demonyo.
"Sabrina is in good hands. I left her to the custody of Jayden and Morgan," kausap niya sa akin kahit na nakatalikod siya. Nakaantabay siya kay Uncle Enrique na kasalukuyang tumutubo ang naputol na kamay.
"W-Why?" hindi ko napigilang itanong. For the last time, I want to talk to him because I have this feeling that I will never see him again.
"Don't ask! Just go before you have the chance. I'll keep him busy until you get out of this school."
Mayroon siyang ibinato sa akin palikod. Maagap ko iyong nasalo.
"I got that from Sage. You'll need that to open the main gate."
Tinitigan ko ito. A detonator.
Mahigpit ko iyong hinawakan bago tinitigan ang kanyang likod. "T-Thank you."
I don't know if I'm hallucinating but I heard him chuckled. Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun.
Tinalikuran ko na siya at naglakad patungong portal. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobrang bigat ng dibdib ko. I should be glad na makakaalis na kami pero bakit merong malaking parte ng pagkatao ko ang maiiwan dito?
"Vanessa Haze," tawag niya sa malumanay na boses.
Akala ko wala na akong mailuluha pa pero meron pa pala. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag niya ako sa aking pangalan. Natutuwa ako.. pero nasasaktan.
"I-I'm sorry for everything."
Tuluyan na akong pumasok sa portal habang walang tigil sa kakadaloy ang aking mga luha. Nanatili akong nakatalikod habang sumasara ang portal. Ayaw kong makita ang masakit na tagpo sa aking likuran.
Fajardo Eustass Cromello, take care, my father.
Morgan's POV..
"Naevacuate na ba ang lahat?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Lander Cromello.
"Hindi pa sir. Pakalat-kalat pa rin ang ibang estudyante. Sa sobrang panic nila ay nagtakbuhan na sila sa kung saan-saan. Tinatakbuhan din nila kami. Akala nila ay mga kalaban kami."
"How many casualties do we have?" tanong ko habang naglalakad. Nandito kami ngayon sa loob ng gymnasium. It's crowded. Sobrang ingay at madami ring nag-iiyakan.
"124 headless bodies," imporma niya.
Natigilan ako at hinarap siya. "Is that confirmed?"
"Yes sir."
Mas madami ito kaysa sa inaasahan. Tumuloy ako sa itaas ng gym kung saan nandito si Sabrina. Kasama ko si Jayden, si Preem at ang isang babaeng nagpakilalang Rebecca.
Kasama niyang dumating kanina si Señor na bitbit si Sabrina. Nagtaka kami. Bakit siya nandito at nasaan sina Sage? Akala namin ay maghahasik siya ng lagim pero ibinigay lang niya sa amin si Sabrina at umalis din agad. Napatda kaming dalawa ni Jayden kanina. Bakit niya sinusoli si Sabrina? Hindi ba ay siya ang dumukot dito?
Hindi sa ayaw namin siyang makuha, nakapagtataka lang talaga ang mga pangyayari. Pero bakit wala pa sina Sage kung ligtas na si Sabrina? Ano ng nangyari sa kanila?
"Nasaan na ang bulaklak?" tanong ni Aling Rebecca.
Inabot ko sa kanya ang bulaklak na pinapakuha niya. Galing ito sa mga halaman sa gilid ng daan sa school.
Tumingin ako kay Sabrina na kumalma na. Wala na ang espiritong gustong pasukin ang katawan niya. Grabe ang pagwawala niya kanina habang nag-oorasyon si Aling Rebecca. Kinailangan pa naming hawakan ang mga paa at kamay niya.
Kasalukuyan siya ngayong inaapoy ng lagnat. Madaming nakapalibot na kandila sa kanya upang tanggalin ang masamang enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawan.
Linapitan ko si Preem na kasalukuyang pinapakain ni Jayden. She's sitting on a wheelchair. She needs months of therapy bago siya tuluyang makalakad.
Hinaplos ko ang ulo niya. Buti na lang at walang nangyaring masama sa kanya kanina. Nahuli ako pero lihim akong nagpapasalamat sa kung sino man ang taong nagbantay sa kanya kanina.
"Masarap?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti lang.
She has a mind of a 5 year old kid. Totally ay nakakapagsalita dapat siya kahit mga simpleng salita lang pero wala. Puro ngiti at tango lang ang ginagawa niya. Ngiting-ngiti rin siya kay Jayden na pinapakain siya.
"How's everything?" tanong ni Jayden.
"Not good. Kailangan ko ulit lumabas upang masigurong maliligtas ang lahat." Tinapik ko ang balikat niya. "Ikaw na muna ang bahala dito."
Tumango siya. Walang anu-ano ay nakarinig kami ng sigawan sa ibaba. Madali akong dumungaw sa ibaba upang tingnan kung ano ang nangyayaring kaguluhan.
Napatda ako sa aking nakita.
A big portal appeared in the center of the gym. Naging marahas ang paghinga ko. Ang mga kaibigan ko, lahat sila ay naghihingalo!