Chapter 51: Chaotic Night

Lander's POV..

I never thought things would end up this way. Wala ito sa plano.

When I've found out about Uncle Eustass and his agenda, I've ordered my cousin Vanessa to steal the eyes of my father.

What I did is a betrayal to our family but I don't have any regrets. I did it for our future, for me and my sister. Ayoko na mangyari sa amin ang paulit-ulit na madilim na kapalaran ng mga magkakapatid sa mga nagdaang henerasyon.

Ayokong saktan ang kapatid ko kaya habang maaga pa, habang hindi ko pa nakikita ang babaeng mamahalin ko at habang hindi pa napapasa sa akin ang mga mata, kailangan ko na itong wakasan.

Nang mapasakamay ng Uncle ko ang mga mata ni Dad ay ipinasok ko si Sabrina sa paaralan nito upang ilayo sa aming ama. I know that she will be safe there. Uncle Eustass will not touch her because she doesn't have any business with him.

But heck, things aren't going easy. My plan ended up backfiring and now, she's in danger.

Apparently, Sabrina should be the vessel but since she was born during fool moon, it shifted to Sage Montblac sister.

I thought that's it. That that is the end. But destiny is having fun of me. The mark reverted to her, the supposedly vessel.

I gritted my teeth. Sana hindi na ito umabot pa kay Dad lalo na't nakakatunog na siya.

Hazel's POV...

Hindi pa kami tuluyang nakakaalis nang mula sa lupa ay sumulpot ang mga itim na anino. Hugis tao ang mga ito pero may mga mahahabang sungay at may isang pulang mata sa kanilang noo.

The ritual has started.

"Tayo na. Lander told me that his men will arrive soon. Kailangan nating magmadali," wika ni Zeke.

Isang tango ang ibinigay ko kina Jayden at Morgan na maiiwan dito sa itaas.

Gaya ng lugar na ipinakita sa amin ni Kyle ay iyon ang inisip namin bago pumasok sa portal.

Nang makarating kami sa lugar na iyon ay tahimik ang lahat. Sobrang lamig ng lugar. Sobrang dilim din. Ang tanging maririnig lang ay ang paghinga ng bawa't isa.

"We need to jump and dive under water. I'll take the lead," wika ni Sage sa aming isipan.

This reminds me of our expedition in Denholt.

"Anong ginagawa ni Nicoli dito?" malamig na tanong ni Kuya Lander.

"A-Ahmm. They're friends with Sage."

He didn't respond but he's sending dagger looks to Nicole's back.

"That Montblac, boyfriend ba siya ni Bree?"

"Y-Yes Kuya," kinakabahan kong sagot. Bakit ngayon pa siya nagtatanong?

"And none of you dared to inform me?" aniya sa matigas na boses.

Nagkatinginan kami ni Zeke bago sabay na humingi ng tawad.

He sighed harshly. "Is he a good person?"

I was taken a back. Anong ibig niyang sabihin?

"I don't think so. He has a bad–"

"Yes. He is a good person," putol ko sa kung ano ang sinasabi ni Zeke. "Believe me Kuya Lander. Mabuti siyang tao kahit pilit niya iyong itinatago. He just build up a wall to protect himself kaya ganyan siya ngayon."

Alam niya kung ano ang ginawa ni Tito Enrique sa pamilya Montblac kaya alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

Hindi na nagsalita pa si Kuya Lander. Seryoso lang siyang nakatingin kay Sage na nagbibigay ng mga instructions.

Sage didn't even bother to drop a single glance to Kuya Lander since he arrived. It must be hard for him.

"If you can't hold your breath for 15 minutes, then better stay and go back."

With that, Sage jump from the castle without hesitation. Pinanuod namin siya hanggang sa bumagsak siya sa tubig.

Sunod na tumalon si Nicole na sinundan din ni Kyle. Tiningnan ko si Kuya Lander nang tinanggal niya ang jacket at basta na lang tumalon.

It's too high. Kung mahina ang loob mo ay mangangatog talaga ang tuhod mo. Pero hindi kami nandito kung takot ang namamahay sa aming mga puso.

Hindi na ako nag-isip pa at tumalon na rin. Huminga ako ng malalim at agad na sumisid upang sundan ang mga nauna na.

Medyo malayo-layo talaga dahil malapit na akong maubusan ng hangin. Pagtingin ko sa aking likod ay may ilan nang gumagawa ng portal pabalik.

Binilisan ko pa ang paglangoy hanggang sa makaabot ako kina Sage. Hinawi niya ang mga coral reefs na nakatabing sa isang butas bago tumingin sa likod at parang may hinahanap.

Nang magtama ang mga mata namin ay nagsalita siya sa aking isipan.

"We need your ability Vanessa."

Sinenyasan niya akong lumapit.

"This rock contains moissanite so it's impossible for us to break it," turo niya sa napakalaking parisukat na bato na nasa itaas namin. "The good thing is, it has small holes. Can you fit here?" tukoy niya sa isa sa mga maliliit na butas.

Lumapit ako at tinitigan ito nang mabuti. My fingers traced the tiny holes.

"What is the smallest fish? Or creatures in the water?" tanong ko sa kanilang lahat.

Katahimikan...

Tiningnan ko si Sage na blanko lang na nakatingin sa akin. What? He's smart but he didn't know?

"The smallest fish is Paedocypris. Paedocypris progenetica," ani Kuya Lander. "The smallest measures 7. 9 millimeters so I think you'll fit in there."

7. 9 millimeters? That's insane!

"Hurry up and shift," ani Sage.

Okay. I utter the name inside my head. Good thing about my shifting is I don't need a picture of the animals. All I need is their names.

Sa isang iglap lang ay naging pinong isda ako.

"Careful," rinig ko pang bilin ni Kuya Lander.

I entered the hole while Sage is giving me instructions. Ang alam ko lang ay merong ganitong lugar dahil minsan ko na itong narinig sa aking ama.  Pero si Sage ay kabisado ang mga pasikot-sikot eh hindi naman ganun kadali ang pumasok dito.

Nang makita ko na ang liwanag ay mabilis akong nagpalit ng anyo. Pag-ahon ko ay natagpuan ko ang sarili sa gitna ng kumikislap na kulay light blue na tubig tapos sa hindi kalayuan ay isang doorway.

"Vanessa? We're out of breath here," wika ni Jameson sa aking isipan.

Shit. Oo nga pala. Nakalimutan ko na sila.

Umalis ako sa tubig at agad lumapit sa estatwa na sinabi ni Sage. It's a naked woman holding a jar on it's head. Hinawakan ko ito at pinaikot ng anim na beses katulad ng sinabi niya.

Hinintay ko kung ano ang mangyayari. Ang tubig ay dahan-dahang gumalaw. Lumapit ako at tumingin sa ibaba. Bumukas ang bato na dinaanan ko kanina. Hindi nagtagal ay lumitaw na si Sage at ang iba.

"Thanks Van," tapik niya sa balikat ko bago nagmamadaling pumasok sa loob. Hinintay ko muna sila Kuya Lander saka sumunod sa kanila.

Nagmamadali ang galaw ng lahat ngunit tahimik at puno ng pag-iingat. Ginapangan na ako ng kaba habang tinatahak namin ang makitid na tulay.

Nang makapasok kami sa panibagong pinto ay doon namin nakita kung ano na ang nangyayari. Natigilan kaming lahat pati na si Sage.

May mga nakabalabal na itim na mga nilalang. Nagtipon-tipon at nakapalibot ang mga ito kay Sabrina.

They are chanting an out if this world words in chorus.

Saka ko lang napansin ang dugong nagkalat sa aking paanan. Iginala ko ang paningin at nahanap ko ang isang pares ng itim na mga mata na nakakalat.

Mga mata ito ng magaling kong ama. He's already wearing the eye.

Nakarinig kami ng pagsigaw. Ang isa ay kay Sabrina at isa naman sa hindi kilalang boses.

Naramdaman kong may marahas na hangin ang dumaan sa aking tabi. I found Kuya Lander attacking those enchanters in a high speed. Bago pa tumama ang kamao niya sa mga ito ay biglang lumitaw ang isang Reaper at sinalo ang kamao ni Kuya Lander.

Ang ginawang pag-atake ni Kuya Lander ay siyang hudyat ng lahat upang sumugod na. Nicole fights with another Reaper habang dalawa naman sina Zeke at Kyle sa isa pa.

Sina Jameson at Clark ang nanguna sa pagsugpo sa mga kalabang naglilitawan. While me and Sage rush towards the enchanters.

Sage punched two person at a time. Hindi sila lumalaban. Tumilapon ang mga ito sa kung saan pero patuloy pa rin sa pagsasalita.

"Sabrina!" sigaw ni Sage.

Tiningnan ko si Sabrina na sumisigaw. Dalawa ang boses na nanggagaling sa kanya. Nagwawala siya at kinakalag ang mga posas niya. Her eyes were switching from white to green. Ang mga ugat sa kanyang leeg at mukha ay nagsilabasan na. She's being possessed. Kapag hindi niya malabanan ito ay mawawala na siya nang tuluyan.

"Sage mag-ingat ka!" paalala ko nang sinimulan niyang kalagin ang mga posas ni Sabrina. Kapag nahulog sila diyan ay katapusan na nila. Pinulot ko ang takip ng kabaong at hinampas sa mga palapit na kalaban.

I cursed. Ang dami nilang sumusugod sa akin. Hindi ko kayang icover si Sage ng mag-isa. Sa gilid ng mata ko ay nahagip ko ang bumubulusok na maliit na ipu-ipo.

"Sage!" babala ko sa kanya pero huli na. Tinamaan siya at nahulog sa butas.

"Noooooo!" Sa ginawa kong pagsigaw ay napalingon ang lahat sa banda namin.

"Where is Sage?!" si Nicole. Sinubukan niyang lumapit sa kinaroroonan namin pero agad siyang pinalibutan ng mga kalaban.

"No no no no," paulit-ulit kong wika.

Sumilip ako sa butas at nakahinga ng maluwag nang makita ko siyang nakakapit sa posas na nakalas niya kanina kay Sabrina. Ang mga tao sa ibaba ay nakahawak sa kanyang mga binti at paa at pilit siyang hinihila pababa.

Tutulungan ko na sana siya upang makaahon nang isang malaki at malamig na kamay ang humawak sa leeg ko.

"Such a disappointment," wika ng isang boses sa aking likod bago ako malakas na inihagis sa ere.

"Ughh!" daing ko nang tumama ang likod ko sa matigas na bato. Ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking likod.

"Vanessa!" Rinig kong wika nila habang sinusubukang lumapit sa banda namin. They want to help us but their hands was full.

Lumapit sa akin ang aking ama at binigyan ako ng mabigat na suntok sa mukha. Tumabingi ang ulo ko at dumaloy ang dugo palabas sa ilong ko. Nakaramdam ako nang pagkahilo.

"Vanessa!"

He's about to hit me again when Kuya Lander suddenly appeared and blocked his fist. Sinipa niya ito pero mabilis na nakalayo ang aking ama.

"Hey are you okay?" nag-aalala niyang tanong habang inaalalayan niya akong umupo ng maayos. Meron siyang malaking sugat sa braso pero tinalo niya ang isa sa mga Reapers. Patunay iyon sa damit na suot ng Reaper kanina na naaapakan na.

Tiningnan niya ang likod ko at napamura.

"I-I'm fine Kuya. You need to get Sabrina."

Mataman niya akong tinitigan bago hinaplos ang ulo ko. "Huwag kang bibitaw. Tatapusin ko ng mabilis ito."

Mariin akong pumikit. I'm loosing a lot of blood. Kinuha ko ang syringe sa aking bulsa na naglalaman ng gamot. Tinanggal ko ang takip nito at marahas na itinurok sa aking binti. The drug will stop the bleeding and numb all the pain. This is enough for the meantime. I'll suffer the consequences later.

Morgan's POV..

Everything was in chaos. Lalo na't nagigising na ang ibang mga estudyante. Binilisan ko ang aking takbo kahit masakit pa ang aking sikmura. Jayden is leading the evacuation of the students.

Mabilis akong umilag nang akmang sasakmalin ng isang Yoebis ang aking ulo. They were aiming for our heads. Meron pa akong nakita kanina na ilang mga katawan na wala ng ulo sa daan.

We are doing our best pero sa dami ng mga estudyante at kalaban, hindi namin sila kayang protektahan sa aming kaunting bilang. We just managed to handle the situation when Lander Cromello's men came to rescue.

I pointed my gun in the Yoebis eye and shoot it. Iyon ang kahinaan nila. Agad itong naglaho sa hangin.

Nagmamadali ulit akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kapatid ni Sage. He left this job to me and I don't want to let him down.

Kinapa ko ang susi na bigay ni Sage kanina nang malapit na ako sa kanilang villa. Pero natigilan ako nang makita ko ang pintuan.

Sira. Wasak.

Kinabahan ako. Wala akong inaksayang oras at madaling pumasok sa loob. Ang mga iilang gamit sa sala ay nagulo na parang dinaanan ng bagyo. Umakyat ako sa second floor kung saan naroroon si Preem.

Mabilis ang tahip ng dibdib ko. Wala akong mukhang maihaharap kay Sage kapag may nangyaring masama sa kanyang kapatid.

Napansin ko ang mga ilang bitak pader na para bang merong matinding labanan ang nangyari.

Nangunot ang noo ko nang may naamoy akong nasusunog.

Humarap ako sa pintuan kung saan nanggagaling ang amoy. Puno rin ito ng mga mahahabang kalmot.

Inihanda ko ang  sarili ko bago ito malakas na tinadyakan. The scent of burning flesh lingered in my nose as I entered the room.

Tumambad sa akin si Preem na mahimbing na natutulog at walang kagalos-galos.

Dumako ang tingin ko sa pader na kaharap ng kama. Sa pader ay merong nakadikit na tao at nasusunog. Nagliliyab ang buong katawan nito kaya hindi na mamukhaan. Nakikita ko na rin ang ilang buto nito.

Medyo napaatras ako. Sino ang taong ito?

Duke's POV...

20 minutes earlier..

Nagsindi ako ng sigarilyo habang hinihintay ang pagdating ng taong kikitilan ko ng buhay ngayon.

I glanced at Preem Rose Montblac. She's damn beautiful. Dalton Sage is too stupid to left her alone unsecured. But I can say that she's lucky because her predator is my prey. It's like I'm hitting two birds with one stone.

Nasa pangatlong sigarilyo na ako nang maramdaman ko ang presensya niya. Narinig ko ang pagkawasak ng pintuan sa ibaba pati na ang pagkatapon ng mga gamit. I can hear harsh breathings.

Inubos ko muna ang sigarilyong hinihithit ko bago tahimik na lumabas sa kwarto.

Our eyes met. My blood immediately boiled upon seeing her disgusting face. I unleashed my dagger and jumped high to attack her. Her nails grow and she manage to stopped my attack.

Nagkatitigan kami.

"Duke.."

Napangisi ako. "Agatha."

We began throwing attacks. I gave her a kick midair. Tumama siya sa pader pero hindi man lang nasaktan.

"You know that you can't kill me Duke. So get out of my way," aniya saka sumugod.

Kumuha siya ng figurine at inihampas sa aking ulo. I hissed. This crazy bitch. She grinned wickedly when blood flows out of my wound.

"You're just human. You're no match against me."

"Are you sure about that?" I grimaced.

Using my magnetic force power, I motioned my hands and pull here the things under the drawer in my room.

Nabasag ang mga bintana. Ibinuka ko ang aking mga kamay upang tanggapin ang bumubulusok na bagay na papalapit. Tumingin doon si Agatha at nanlaki ang kanyang mga mata.

The knuckles glides perfectly on my fingers.

Agatha stepped back. I smirked. Yeah. That's right.

These are not an ordinary knuckles. They are made from a meteorite that had fallen during Renaissance Period.  These one came from Romania and I personally go there and had it blessed with the most powerful priest that they have.

It is blessed and sacred. Let's see if she can handle it.

"Come here bitch. You said that I am no match to you, right?" I asked, provoking her.

Sumigaw siya bago sumugod. Tumubo ang kanyang mga sungay at lalo siyang lumakas. Pinantayan ko ang lakas niya habang nagpapalitan kami ng mga atake.

I am a man. There's no fvcking way that I will loose to a woman. I'll show her who's stronger between the two of us. Lahat ng suntok ko ay sinasalag niya gamit ang matitibay niyang kuko. Iniiwasan niyang dumapo ang kamao ko sa katawan niya dahil kapag nangyari iyon ay katapusan na niya.

"What's wrong?" pang-aasar ko.

She got distracted for what I've said and she loose her focus. I grabbed that chance and punched her hard right on her heart.

I heard the cracking sound of bone. Her rib cage got broken.

Sinapo niya ang dibdib at nagsuka ng dugo.

"A-Aghkk. k.."

Mabilis siyang lumayo at nagtungo sa second floor. She's heading to the sleeping beauty.

Winasak niya ang pintuan pero bago pa siya tuluyang makapasok ay ipininid ko siya sa pintuan. She is scratching the door while crying.

How pathetic.

Mula sa likod ay sinakal ko siya. She's getting weak. Tinanggal ko ang isang knuckle na suot at ipinasok ang aking kamay sa parteng sinuntok ko kanina. Hinanap ko ang puso niya.

"P-Please.. t-tama na. U-Uhhlkk.. p-patawarin m-mo a-ako.." kandaubo niyang wika habang walang tigil siya sa kakakalmot sa pinto.

Hirap na hirap siya pero wala akong pakialam. Nang mahanap ko ang puso niya ay unti-unti kong ipinasok ang knuckle sa loob nun.

"A-Ahhhkk.!" sigaw niya.

Gusto kong makita ang mukha niyang nahihirapan kaya iniharap ko siya.

Malawak akong napangisi nang makita ko ang nakakatawa niyang mukha.

Nanlalaki ang mga mata niya. Takot na takot. Ang sungay niya kanina na tirik na tirik ay biglang nanlata. Kumbaga sa aso, bumahag ang buntot niya.

"Ughk.. I-Im S-Sorry."

Lalo kong ibinaon ang hawak sa kanyang puso. Hinawakan ko ang panga niya at mariing pinisil sa tindi ng nararamdaman kong galit.

Sorry? That's the word that I hated the most. Alam mong hindi tama ang gagawin mo pero ginawa mo pa rin tapos hihingi ka ng tawad sa huli?

That's bullshit!

Just like what she said, I'm just a human. I can't easily forgive.

Gael Cristobal. She is the reason why he's dead. The reason why my half brother is dead. This bitch used to like my brother. I told her not to touch him. She said yes but she is a goddamn liar! At ang masaklap pa doon ay nangyari ang mga bagay na iyon noong wala ako!

Sa mga ala-alang iyon ay lalong dumiin ang kamay ko sa kanyang panga. Alam kong hindi magtatagal ay pati ito ay mababasag.

I'm a spy of the Cromello so I've been working under her Dad. Mayroong pinatrabaho si Señor noon kaya umalis ako dito. Only to find out that it's only a diversion! This bitch requested it to her father in exchange of something I don't know.

She's a slut. A whore. Tinitikman kahit na sino. Bakit hindi na lang siya makuntento sa kanyang mga aso? Bakit kailangan pa niyang mangdamay ng inosenteng tao?

Sa gigil ko ay pasadlak kong ibinaon ang hawak ko sa kanyang puso. Bago ko hugutin ang kamay ko ay piniga ko muna nang mariin ang kanyang pusong mabilis na pumipintig.

Fvck. I can't believe na may puso ang mga katulad niya.

Bumulwak ang dugo sa kanyang sugat pagkatanggal ko sa aking kamay. Napaluhod si Agatha sa sahig habang namimlipit sa sakit. The knuckles is restricting her ability to heal herself.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Mahimbing pa ring natutulog ang kapatid ni Sage. Napangisi ako. Ang ganda niya talaga. Paano pa kaya kung gising siya? I wonder kung kulay asul din ang kanyang mga mata.

Naghanap ako ng pwedeng pamunas sa aking kamay. Mga damit at gamit pangbabae lahat ng aking makita. I would just forget it nang may nakita akong gray na damit. Malaki at panglalaki.

I smirked. This is Sage's. This is perfect to wipe off the filthy blood of his bitch. Damn him. He doesn't deserve a woman as perfect as Sabrina.

Umupo ulit ako sa upuang inupuan ko kanina at nagsindi ng panibagong sigarilyo. Tumingin ako kay Agatha habang pinapapak ang sigarilyong nakita ko lang kanina sa sala.

Parang uod na gumagapang si Agatha at pilit inaabot si sleeping beauty sa aking tabi. She needs to feed to regain her strength. Pero iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.

I raised my hand to lift her in the air. I slammed her hard on the wall and pinned her there.

Iyak siya nang iyak at patuloy na humihingi ng tawad.

"Tell me, anong pakay mo kay sleeping beauty?"

Alam kong siya ang nagsabi sa lokasyon ng dungeon kay Sage. Nagawa niyang saksakin sa likod ang sarili niyang ama. And now that Sage was out of her radar, she will now pull off her devious plan.

She's envious. Lalo na sa mga babaeng mas lamang ang kagandahan kaysa sa kanya. She wants to erase them and take half of their beauty. She's really crazy. She's beyond any repair.

But too bad. I know her better.

"I-I just w-want to see.. ughhkk.. Sage's s-sister."

"Wrong answer."

Kinuha ko ang galong dala ko kanina at lumapit sa kanya. Binuksan ko iyon at inilapit sa kanyang ilong upang maamoy niya. Nang malaman niya kung ano iyon ay nagpupumiglas siya.

"H-Huwag.. Huwagg!"

"Bakit? Ayaw mo bang mahugasan ang iyong mga kasalanan?"

Isinaboy ko ang holy water sa kanyang katawan. Nagsisigaw siya sa sakit dala ng pagkalapnos ng kanyang balat. Ang ibang natira ay inilagay ko sa loob ng kanyang sugat.

Nanginginig na ang kanyang katawan pero hindi ito sapat upang mamatay siya.

Kinuha ko ang huli kong alas laban sa kanya. Tinanggal ko ang itim na kumot na nakatakip sa maliit na kahon na hawak ko.

Tumambad ang bolang apoy na tumatalon-talon at gustong lumabas.

"N-No.."

This is St. Elmo's fire. Santelmo ang kadalasang tawag sa kanya ng mga tao. They say it brings bad luck and some say that it brings good fortune but there's more to that.

Tinitigan ko muna ito bago nagsalita.

"I command you to take her soul. Burn her body and be as whole. She's all yours. Bring justice to those who died on her hands. Take her to hell and lock her there forever."

"Nooooo!"

Tinanggal ko ang takip at walang inaksaya ang bolang apoy. Mabilis itong lumapit kay Agatha at sa isang iglap lang ay tuluyan nang nagliyab ang kanyang katawan.

Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang humihiyaw sa sakit. This isn't enough to pay her debts but this will do as long as she will never walk in this world again.

Ilang sandali lang ay natahimik na siya.

Ibinulsa ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim.

May her soul burn in hell.

Tinapunan ko pa ng isang tingin si sleeping beauty bago tuluyang umalis sa kanyang kwarto.