Chapter 49 First Move
Sa edad na bente-sais ay ganap ng binata sina Enrique at Eustass. Sila na ngayon ang namamahala sa kalahati ng sandamakmak na business ng kanilang ama.
"Eustass, darating na raw bukas ang anak ni Manang Leticia na papalit sa kanya," bigay impormasiyon ni Enrique. Pumasok ito sa opisina ni Eustass na kasalukuyang pumipirma ng maraming papeles.
Nag-angat ng tingin si Eustass sa kapatid at nahahapong hinilot ang sintido. "Right, I nearly forgot."
Marahang tumawa si Enrique. "Puro trabaho kasi ang inaaatupag mo. Halos dito ka na rin tumira. Hindi ka na umuuwi sa bahay. Ang seryoso ng buhay mo bro. Maaga kang mamamatay niyan," halakhak nito.
Hindi pinansin ni Eustass ang sinabi ng kapatid at pinagpatuloy ang ginagawa. Sanay na siya. Sa kanilang dalawa ay si Enrique ang go-with-the-flow na tipo ng tao, at higit sa lahat ay isa itong talamak na babaero. Kalat dito, kalat doon. Iyon ang kinaiinisan niya dito.
Umingos si Enrique. "Ang seryoso nito. Humanap ka kaya ng kabebe time mo," tawa na naman nito.
"Tigilan mo nga ako. Saka lang ako magkakajowa kapag tumino ka na."
"Hah. No way."
Napailing si Eustass sa sagot ng kapatid. "Anyway, naayos na ba ang kwartong titirhan ng anak ni Manang Leticia?"
"Yeah."
Si Manang Leticia ang mayordoma sa mansiyon nila. Matanda na ito at marami nang dinaramdam na sakit sa katawan. Hindi na nito kaya ang mga gawaing bahay kaya nagpasya na silang patigilin na ito sa pagtatrabaho.
Binigyan nila ito ng malaking halaga para sa retirement fee ng matanda pero sinabing papalitan daw siya ng anak nito. Ayaw sana nina Enrique at Eustass pero mapilit ang matanda, gusto raw nitong may maiwang magbabantay sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi ang pumayag.
Sa araw na iyon ay naisipan ni Eustass na umuwi sa kanilang bahay upang pormal na salubungin ang pagdating ng anak ni Manang Leticia. Sigurado kasi siyang wala na naman ang kambal niya.
"Sir nandito na po ang anak ni Manang Leticia. Nandoon po siya sa sala," imporma ng isang kasambahay nila.
Tumango siya at bumaba sa kanilang sala. Naabutan niya doon ang isang babaeng nakaupo sa sofa. Nakatalikod ito kaya ang likod lang ng ulo nito ang kanyang nakikita.
Sinuklay niya ang magulong buhok palikod. Maaga pa kaya hindi pa siya nakakapag-ayos.
Habang naglalakad siya ay malakas siyang tumikhim upang kunin ang atensiyon nito. Nakita pa niya na napapitlag ito.
Unti-unti itong lumingon sa kanya.
Nang tuluyan na niyang nasilayan ang mukha nito ay natigilan siya. Biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo niya. Mabilis din na pumintig ang puso niya. Bumaha ang paghanga na kanyang nararamdaman habang nakatingin sa sobrang amo nitong mukha.
Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng ganitong uri ng ganda.
"M-Magandang araw po S-Sir," nahihiya nitong wika na bahagyang nakatango.
Napalunok siya. Her voice was soothing and calming the riot inside his chest.
"Ako nga po pala si I-Isabella.. hmm.." anitong hinidi alam kung ano pa ang sasabihin.
Tumikhim ulit siya at pasimpleng inayos ang magulo niyang damit. Nakatungo pa rin ito at halatang kinakabahan.
Lumapit siya dito. "Isabella, ako nga pala si Eus–"
Mariin siyang napapikit nang matisod siya. Nakakahiya. Putangina.
Maagap siyang naalalayan ni Isabella bago pa siya mauntog sa gilid ng sofa.
"S-Sir a-ayos lang po ba kayo?" anito sa tarantang boses.
Hindi agad nakapagsalita si Eustass. Sobrang lapit nito. Sobrang bango. Ang mahaba nitong buhok na nakalugay ay sobrang halimuyak. Ang amoy nito bilang isang babae. Ang malalambot nitong kamay na nakahawak sa kanyang braso at bewang. Ang mainit nitong katawan na nakadikit sa kanya. Muntik na siyang mawala sa katinuan.
Gwapo siya at matipuno. Maganda ito at mabini. Walang duda na bagay silang dalawa.
Napamulagat siya. Putangina talaga. Anong nangyayari sa kanya?
Napapaso siyang lumayo mula dito. Ramdam niya ang pag-iinit ng tenga at leeg niya. Napamura ulit siya.
"S-Sorry po. Hindi ko po sinasadyang h-hawakam kayo," paumanhin nito, mahahalata ang hiya na nararamdaman nito. Namumula ang mga pisngi ni Isabella.
Humugot siya ng malalim na hininga at inayos ang nagkabuhol-buhol niyang utak.
"I-It's okay. Nice meeting you Isabella. My name is Eustass. Welcome and feel at home," wika niya sa pormal na boses.
Tinawag niya ang isang kasambahay upang ihatid si Isabella sa kwarto nito at ilibot sa buong mansiyon dahil kapag siya ang gumawa ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Isang sulyap pa ang ginawa niya dito bago umalis.
Dumaan ang mga araw at napapansin ni Eustass na palagi na lang siyang nasa bahay at miminsan na lang pumasok sa opisina. Ang mga trabaho niya ay inuuwi na lang at ginagawa sa kwarto. Napapadalas din siya sa kusina kung nasaan si Isabella at alam na alam niya kung bakit.
Gusto niya ang dalaga.
Pero hindi lang si Eustass ang nagkakagusto kay Isabella kundi pati na rin ang kambal niya.
Madalang na lang itong gumimik at tulad ni Eustass ay sa kusina rin naglalagi si Enrique.
Isang araw ay nagtapat si Eustass ng nararamdaman niya kay Isabella. Umaasa siya na tutugunin ng dalaga ang pag-ibig niya pero nabigo siya. May mahal daw itong iba na siyang ikinalungkot niya ng sobra.
Kahit ganun ay hindi siya sumuko. Mahal na mahal niya ito upang ibigay na lang ng basta sa iba. Sa bawat pagdaan ng mga araw ay lalong tumitindi ang nararamdaman niya para dito.
Pero isang gabi ay gumuho ang mundo niya nang makita si Enrique at Isabella na naghahalikan sa kanilang bakuran. Nanikip ang dibdib niya habang pinapanuod ang dalawang taong nag-iibigan. Bawat galaw ng labi ng mga ito ay puno ng pagmamahalan.
Tumalikod siya sa mga ito na luhaan. Ang unang pag-ibig niya, sakit pala sa puso ang dala.
Hindi nagtagal ay ikinasal ang mga ito at dinaluhan ng maraming tao. Umuwi rin ang bunso nilang kapatid galing sa Colombia na napagpasyahang manatili na sa Pilipinas pero hindi nakadalo ang kanilang ama.
Nagpaubaya siya dahil masaya ang dalawa sa isa't isa, nakikita niya iyon sa mga mata nila. Masaya siya para sa kambal niya dahil tuluyan na itong nagbago at nagkaroon ng direksiyon sa buhay.
Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay meron pa ring kirot sa puso niya. Iniibig pa rin niya si Isabella.
Biniyayaan ng anak ang dalawa matapos ang isang taon, isang lalaki. Pagkatapos ng limang taon ay nagbuntis ulit si Isabella at sa isang hindi inaasahan na pagkakataon ay nasawi ito pagkatapos manganak.
Sobra ang sakit na naramdaman ng magkapatid dahil sa pangyayaring iyon. Hanggang isang araw ay napansin ni Eustass ang kakaibang kinikilos ni Enrique at ang kakaibang tingin nito kay Rebecca.
Bigla ang pagragasa ng mga ala-ala ni Eustass noon na pilit niyang kinakalimutan. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari. Na mauulit ang mga malagim na pangyayari noon.
Isang araw nga habang nasa opisina si Eustass ay tinawagan siya ni Rebecca at sinasabing natatakot na ito kay Enrique lalo na't nakita nito ito na may hawak na maso.
Walang inaksaya na oras si Eustass at mabilis na bumalik sa kanilang bahay. Pagkababa pa lang niya sa kanyang sasakyan ay naramdaman na niya ang itim na aura na bumabalot sa buong kabahayan.
Pumasok siya sa loob ng bahay at sinalubong siya ng malamig at nakakakilabot na hangin. Wala na ang mga tagapagsilbi dahil pinaalis lahat ni Enrique.
Nakarinig siya ng pagsigaw galing sa ikalawang palapag.
Bago siya umakyat ay kinuha niya ang isang baseball bat na nakalagay sa isang malaking vase sa gilid ng pintuan. Malalaki ang mga hakbang niya na tinahak ang hagdan. Nanginginig ang mga kamay niya. Natatakot siya sa kung ano ang madadatnan niya.
"Huwag.. K-Kuya Enrique." Rinig niyang wika ni Rebecca sa nanghihinang boses.
Bago pa mahuli ang lahat ay sinipa niya ang pintuan ng kwarto ni Rebecca. Bagsak sa sahig ang bunso nilang kapatid. Duguan ang ulo nito at ang katawan ay bahagyang nangingisay. Ang mga mata nito ay halos nakatirik na. Alam niyang buhay pa ito. Ililigtas niya ito.
Humigpit ang hawak niya sa baseball bat na hawak saka tumingin kay Enrique na nakatalikod sa kanya. Wala itong suot na pang-itaas. Pawisan ang katawan nito habang nagtataas baba ang mga balikat. Bumaba ang tingin niya sa hawak nito. Isang maso, at tumutulo ang masaganang dugo doon.
Nandilim ang paningin niya. Lahat ng katinuan niya ay biglang naglaho. Paano nito nagawa ang bagay na ito sa kapatid nila?
"Stay out of this Eustass. Wala kang kinalaman dito," bigkas ni Enrique.
"Walang kinalaman? Kapatid ko ang pinapaslang mo! Kapatid kita! Kapatid natin siya! Bakit mo ito ginagawa sa kanya?!"
Matagal bago ito nakasagot.
"I.. I just want my w-wife back."
"Putangina! Gumising ka! Patay na siya! Patay na si Isabella! Wala na siya kaya tumigil ka na!"
Mabagsik na humarap sa kanya si Enrique.
"She's alive!" wika nito saka iwinasiwas ang hawak na maso upang hatawin siya sa ulo. Mabilis siyang yumuko. Hinigpitan niya ang hawak sa baseball bat at malakas na hinampas ito sa sikmura. Tumulo na ng tuluyan ang kanyang mga luha.
Wala na. Sira na ang pamilya nila. Sirang-sira na.
Tinuhod niya ang sikmura ni Enrique saka sunod-sunod na nagpakawala ng mga suntok. Hindi niya hahayaang makabawi pa ito dahil ayaw niyang lalong dumanak ang dugo.
Habol ang hininga niya nang bumagsak si Enrique sa sahig na wala ng malay. Agad niyang dinaluhan si Rebecca. Malamig na ang katawan nito pero meron pang kaunting pulso. Binuhat niya ito. Isang tingin ang ibinigay niya kay Enrique bago tuluyang lumabas sa kwarto. Alam niyang sa paglabas niya sa silid na ito ay hindi na maibabalik ang dati. Magbabago na ang lahat.
Isang taon din ang nagugol bago tuluyang gumaling si Rebecca. Isinalaysay nito kay Eustass ang mga nakita at nalaman nito nang nasa bingit ito ng kamatayan, kung ano ang meron sa pamilya nila.
Ngayon ay naiintindihan na ni Eustass ang mga pangyayari noon.
Ginawa nila ang lahat upang magtago kay Enrique. Malaki ang impluwensiya nito lalo na't tumutulong ang kanilang ama sa paghahanap sa kanila. Kaya ang ginawa ni Eustass ay nakipagkasundo siya sa mga nilalang sa kadiliman.
He gained power and security. Pero si Rebecca ay hindi natakasan ang sumpa ng kanilang pamilya. Tumanda ang mukha nito at nagdusa. Nakulong ito sa kagubatan at hindi pwedeng makita ng ibang tao. Walang nagawa si Eustass kaya ipinangako niyang igaganti niya ito.
Eustass became mad and heartless.
Alam na niya kung bakit madalas na magkasama si Enrique at David noon. Alam ni Enrique ang posibleng mangyari noon kay Isabella pero pinakasalan pa rin nito.
Ito ang may kasalanan kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal niya at kung bakit nagdurusa ang bunso niyang kapatid na siyang huling iniwan ng kanilang ina.
Masama bang gumanti? Sa tingin niya ay hindi.
Babawiin niya ang lahat ng kinuha nito. Gagawin niya ang lahat kahit na sa masamang paraan pa ito. Kukunin niya ang taong mahal niya at pababagsakin niya ito hanggang sa lumuhod ito sa lupa. Ang pangakong iyon ay itataga niya sa bato.
• Present time..
Hazel's POV.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Parang sinisilihan ang pwet ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko na parang may masamang nangyayari.
Marahas akong bumangon mula sa kama at pumunta sa veranda.
Ang dami kong pinoproblema. Iyon siguro ang dahilan kaya hindi ako makatulog.
Naalala ko na naman si Sabrina. I clenched my fist. Nagdadalawang isip ako kung ipapaalam ko ba ito sa iba. May pakialam ba sila? Si Sage ay matagal ng tahimik simula nung nakuha na namin ang kapatid niya. The main reason why Sage is doing all of these is because of his sister. And now that we've retrieved her, there's no reason anymore to fight against my Dad. Ang nangyayari na ngayon ay problema na ng pamilya namin.
Malalim akong napabuntong hininga. I get my phone and dialed Kuya Lander's number. Alam kong pagagalitan niya ako kung bakit ngayon ko lang ito sasabihin pero bahala na.
He needs to know bago pa tuluyang lumabas ang marka kay Sabrina at malaman ng magaling kong ama.
Habang nagriring ang kabilang linya ay napansin kong kanina pa hindi gumagalaw ang isang lalaki sa kinatatayuan nito. Nasa labas ito ng gate ng kanilang villa. Medyo malayo ito pero kita ko na may hawak itong cellphone pero hindi naman gumagalaw ang mga kamay.
Iginala ko ang tingin sa buong paligid sa ibaba. Kapansin-pansin na sobrang tahimik. Wala ring ingay galing sa mga panggabing insekto. Ang mga dahon ng mga kahoy ay steady lang. The air is calm. Bumalik ang tingin ko sa lalaki, ganun pa rin ang ayos nito.
Kinutuban ako ng masama.
Itinigil ko ang pagtawag kay Kuya Lander at dali-daling bumaba sa sala. Napatitig ako sa malaking orasan na nakasabit sa dingding.
The clock stopped ticking.
Namawis ang mga kamay ko. Mabilis akong lumabas ng bahay at hinanap ang lalaking nakita ko kanina. Napamura ako. Hindi nga ito gumagalaw.
The time stopped.
Sa nanginginig na kamay ay idinial ko ang number ni Sage.
My father finally made his first move.
"Come on pick it up."
Hindi siya sumasagot. Tinawagan ko ulit at nakahinga ng maluwag nang narinig ko ang boses niya sa kabilang linya.
"What is it Vanessa?" bungad niya sa malamig na boses.
"Where are you? Look outside! The time stop–"
Hindi ko natuloy ang sinasabi nang makita ko ang marahas na pagkasira ng bubong sa kabilang villa.
A man wearing a cloak came out of it. His big wings was flapping through the air.
Bahagya akong nagtago nang dalawa pa ang sunod-sunod na lumabas mula sa butas. I can't be mistaken. They are the angel of death, the personal guards of my father.
My eyes landed to the person one of them is holding. She's unconscious and blood was dripping from her forehead.
Fuck.
It's Sabrina. What the hell is she doing there?!