Chapter 48 Flashbacks
Warning: This chapter contains gore scenes. Read at your own risk.
Mabilis ang lakad ko habang alertong nakikiramdam sa paligid. Para kasing biglang nag iba ang ihip ng hangin. Sumama rin ang pakiramdam ko na parang may masamang mangyayari.
Offered souls? Are they collecting it to revive someone from the dead? Ito ba? Ito ba ang layunin ng paaralan na ito? Ang gawing alay ang mga estudyanteng nag-aaral dito?
Sino ba ang gustong buhayin ni Uncle?!
Ipinilig ko ang aking ulo. I shouldn't be thinking that right now. Ang dapat kong isipin ay kung paano ako makakalabas sa paaralang ito.
Hindi ko na kailangan pang makita ang ebidensiya na nasa aking dibdib dahil ramdam na ramdam ko ito.
I don't know how and why but I am the goddamn vessel!
The bearer of it should be Sage's sister! How the hell it transferred to me?!
Shit! Shit! Shit!
I need to get a rope. Aakyatin ko ang pader at wala akong pakialam kung gaano pa ito kataas.
Akma na sana akong tatalon papunta sa aking veranda nang may malamig na kamay ang pumulupot sa aking leeg mula sa likod.
"Not so fast darling," anang boses.
Namalayan ko na lang na tumilapon ang katawan ko sa ere. Sumulpot ako sa pader sa katabing Villa at pasadsad akong tumigil sa sala.
Hindi pa ako nakakabangon nang merong mabibilis na mga anino ang pumalibot sa akin. Namalayan ko na lang na nakatutok ang limang matutulis na katana sa leeg ko. Halos kita ko na ang repleksiyon ko sa sobrang kintab ng mga ito.
I am surrounded by three big men wearing cloacks. Ramdam ko ang maitim na awra na nanggagaling sa mga ito. Their presence gives me chills as if saying that if I make one wrong move, I'm doomed.
Who are these people?
"You've gotten weak," anang boses galing sa nawasak na pader. Tumingin ako doon at bumungad sa akin ang nakakalokong ngisi ni Agatha. This bitch.
"What are you trying to do this time?" malamig kong tanong sa kanya.
Humalakhak siya ng malakas. "Nothing. I'm just here to restrain you. And oh, by the way, someone wants to meet you."
Pagkasabi nun ay merong lumitaw na napakalaking itim na portal at lumabas doon ang isang lalaking nakangiti.
"D-Dad!" gulat kong wika.
"It's Uncle Eustass darling," ngiti niya.
Biglang naumid ang dila ko. So this is Dad's twin. I finally got to see him in person.
Mataman ko siyang tinitigan. Saang anggulo ko man siya tingnan ay magkamukhang-magkamukha silang dalawa ng aking ama. Ang tanging pinagkaiba lang nila ay masayahin ang mukha niya samantalang si Dad ay seryoso.
Gumalaw ako upang tatayo sana pero kagyat na bumaon ang dulo ng mga katanang nakatutok sa aking leeg.
Marahas akong tumingin kay Eustass na malawak ang pagkakangiti.
"Pakawalan mo ako," mariin kong wika sa kanya.
Tinawanan lang niya ang sinabi ko at naglakad palapit sa akin. Walang awa niyang pinagsisipa ang mga estudyanteng nakaupo sa sofa. Ngayon ko lang napansin ang mga ito. Hindi sila gumagalaw na para bang tumigil ang mundo nila. They were ice froze.
Napatda ako nang malakas na nauntog ang ulo ng lalaking nakangiti sa sahig dahilan ng pag-agos ng dugo palabas sa ulo nito.
Marahang umupo si Eustass sa sofa na parang walang ginawang mali, na para bang mga laruan lang ang mga pinagsisipa niya.
I gritted my teeth. Sa likod pala ng maamo niyang mukha ay nagkukubli ang masama niyang budhi. Wala silang pinagkaiba ni Dad. Magkapatid nga sila.
Si Agatha na kanina lang ay dada nang dada ay biglang naging maamong tupa.
Tinitigan niya ako ng mabuti.
"Ahh. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina," aniya saka tumingin sa malayo na mukhang nagpapantasya.
His eyes, it's sparkling with love and admiration.
"I supposed you've already met Rebecca."
Tumingin ako sa kanya na kunot ang noo.
Rebecca. Siya ang babaeng laging tumutulong sa akin. Ang misteryosang babaeng nakatira sa inaanay at nabubulok ng bahay.
"She's my sister," aniyang nakapagpatigil sa akin.
I'm expecting that she's some kind of distant relative but didn't think that she is really my Aunt, na kapatid nila Dad.
"Nakita mo naman siguro kung ano ang kalagayan niya diba? Kung ano ang itsura niya?"
I slowly nod. Alam kong kailangan ko nang tumakas pero mukhang magsisimula siyang magkwento ng mga bagay na hindi ko nalalaman. I need to listen and besides, I don't have any escape route. Kanina ko pa sinusubukang gumawa ng portal pero hindi ko magawa. Someone was restricting it.
"At alam mo ba kung sino ang may kagagawan?" aniya na kagyat na bumagsik ang mga mata.
"S-Sino?"
"Ang iyong magaling na ama," wika niya sa malamig na boses.
"A-Ano?"
"At ganun din ang sasapitin mo o higit pa sa kamay ng kapatid mo."
Biglang nanginig ang labi ko. A-Ano bang pinagsasabi niya? Bakit gagawin iyon ni Dad? At bakit gagawin iyon sa akin ni Kuya?
"Still clueless?" Untag niya sa pag-iisip ko. "Bilib na talaga ako kay Enrique sa ginawa niyang pagpapalaki sa iyo. Ginawa ka niyang bobo."
Gusto kong umalma sa itinawag niya sa akin pero walang lumabas sa aking bibig. Bobo nga siguro ako dahil wala akong alam sa mga importanteng bagay na ito tungkol sa pamilya ko. Si kuya Lander, meron ba siyang nalalaman? Nanubig ang mga mata ko. Bakit wala man lang siyang sinabi sa akin?
Nakita ko ang marahang pag-iling ni Uncle nang makita ang lugmok kong itsura.
"Before I perform the ritual, I want you to know what happened in the past and the past generations of our family, so listen carefully my dear niece."
I blinked several times.
I silently listened when he started his storytelling way back when he's still a young adult.
** FLASHBACK **
Year 1950...
"Ma, ano pong pangalan ni baby?" tanong ni Eustass sa kanyang ina na kasalukuyang nasa bakuran at nagbabasa ng magazine.
Itinabi ng kanyang ina ang binabasa at marahan siyang hinila palapit. Masuyo nitong hinaplos ang tiyan na malaki na dahil kabuwanan na nito ngayon.
"Hmmm.. Maganda ba ang pangalang Rebecca?"
"Opo! Tapos ang itatawag ko sa kanya ay Rebreb! O di kaya'y Becbec!"
Malakas na humalakhak ang kanyang ina. "Ikaw talaga," anito na bahagya pang pinunasan ang gilid ng mga mata.
Hinaplos nito ang buhok ni Eustass at pinagmasdan ng buong suyo. "Huwag na huwag mong pababayaan si Rebecca naiintindihan mo Euss? Aalagaan mo siya ng mabuti, kayong dalawa ng kambal mo okay?"
Marahan lang na tumango si Eustass habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng kanyang ina. Hindi alam ni Eustass pero nakaramdam din siya ng munting kirot sa kanyang puso.
Tahimik na naglalakad si Eustass sa malawak nilang pasilyo nang marinig niya ang pamilyar na huni ng sasakyan.
Nandito na ang kanyang Papa at ang kambal niya!
Mabilis siyang tumakbo at sinalubong ang mga ito sa sala.
"Eustass! Eustass! Look! I bought you a Kabuto Beetle!" masayang wika ni Enrique na may hawak na container na naglalaman ng mga paborito niyang insekto.
Bumadha ang tuwa sa mukha ni Eustass pagkakita sa hawak ng kapatid.
Umupo ang mga ito sa sofa at masayang pinaglaruan ang mga insekto.
"Hey Eustass," anang isang baritonong boses. Si David Cromello, ang kanyang ama.
"Dad!" Binitiwan ni Eustass ang hawak at niyakap ang ama na kapapasok lang ng bahay. Ilang araw din na wala ang kanyang ama dahil sa inaasikaso nitong mga negosyo nila at nito lang mga nakaraang linggo ay napansin niyang lagi nitong isinasama ang kanyang kakambal. Gusto sanang sabihin ni Eustass na isama rin siya pero pinili na lang niyang manahimik.
"Kumusta ang mama mo? Inalagaan mo ba siya habang wala ako?"
"Opo Pa. Kanina ka pa nga po niya hinihintay. Nandoon siya sa likod bahay."
"That's my boy," wika ni David saka marahang ginulo ang buhok ng anak.
Umupo si Eustass sa tabi ng kanyang kambal habang pinagmamasdan ang kanyang ama na nakaharap na ngayon sa salamin habang tinatanggal ang suot na contact lens.
Ngumiti si David mula sa salamin nang mapansin na nakatingin si Eustass dito. Kakaiba ang mga mata ng Papa niya. Natatakot minsan si Eustass kaya mas gusto niyang nakasuot ito lagi ng lense.
"Saan kayo galing ni Papa?" tanong niya sa kambal nang sila na lang ang natira sa sala.
At gaya ng dati ay secret lang ang sinabi nito.
Ayaw mang aminin ni Eustass pero merong umuusbong na inggit at tampo sa kanyang dibdib. Bakit si Enrique lagi ang kasama ng kanilang ama? Alam niyang pareho silang mahal ng kanilang Papa pero bakit hindi man lang siya magawang isama sa mga lakad nila?
Nasa ganung pag-iisip si Eustass nang makarinig siya ng malakas na lagutok ng sapatos.
Sabay na umangat ang tingin nila ni Enrique sa babaeng bagong dating.
"Tita!" Magkapanabay pa nilang wika sa magandang babae na madaming bitbit na mga bagahe.
"Oh my!" bulalas nito at nilapitan ang kambal. "Who's Enrique? Who's Eustass? Hmm?"
Sumimangot si Enrique. "Tita Irish, we're already twelve but you can't still recognized us?"
"I'm sorry baby! You two really looks the same and the fact that I only stay here once in a while is a huge factor right?" Paliwanag nito habang pisil pisil ang magkabila naming pisngi.
Irish Cromello is the definition of beauty. Lagi itong out of town dahil sa trabaho nito bilang isang sikat na modelo. Nag-iisa rin itong kapatid ni David Cromello.
"So, you're Eustass?" tanong nito kay Enrique.
"Tita! It's Francisco! Francisco Enrique!" inis na turan ng aking kambal.
Malakas lang na halakhak ang tugon ni Tita Irish.
Sabay-sabay silang kumain ng gabing iyon. Sa wakas ay nakumpleto ulit sila. Napakahaba ng kanilang hapag kainan. Wala pa sa kalahati ang nauukopa pero ang mga pagkain at ulam ay pinuno ang espasyo ng lamesa. Hindi naman nanghihinayang si Eustass dahil ang mga tira o hindi nagalaw ay pinabibigay nila sa kanilang mga kapit-bahay.
"Kumain ka ng marami Irish. Ang payat-payat mo."
"Hmp. Sexy ko kaya."
Liningon ni Papa ang kanyang kapatid. "Wala ka bang trabaho ngayon Irish?"
"Wala pa. Maybe next month again? Kaya medyo mahaba ang bakasyon ko ngayon," sagot nito na bahagya pang may patango-tango.
Kinalabit ni Enrique si Eustass "Pakiabot nga nung pusit," nguso nito sa ulam.
Sa pagkakaabot ni Eustass ng ulam ay nakita niya kung paano humigpit ang hawak ng kanyang ama sa hawak na kutsara.
Kinuha ni Eustass ang ulam at pasimpleng tumingin sa kanyang ama. Madilim ang anyo nitong nakatingin sa sariling plato.
"Bakit hidi ka magbakasyon sa ibang bansa o 'di kaya'y magtour ka?"
"Kuya, I'm always out of the country. Gusto ko naman dito sa bahay."
Hindi na nagsalita pa si Papa pero madilim ang mukha nito. May problema ba? Ayaw ba nitong nandito si Tita?
Lumipas ang ilang linggo at dumating na ang araw ng panganganak ng kanyang ina. At sa mga nagdaan na araw na iyon ay laging nag-aaway sina Tita at Papa tungkol sa pananatili dito ni Tita Irish.
Hindi maintindihan ni Eustass ang kanyang ama. Bakit nito pinapapalis ang kapatid sa sarili nilang bahay?
Tahimik na naghihintay sina Eustass at Enrique sa labas ng kwarto kung saan kasalukuyang isinisilang ang bunsong kapatid ng mga ito. Pareho sila na hindi mapalagay sa hindi malamang kadahilanan.
Maririnig sa loob ang mga impit na sigaw ng kanilang ina habang umiire, ang masuyong pagpapakalma ng kanilang ama at ang doctor na salita nang salita.
Maya-maya pa ay umalingawngaw na ang iyak ng isang sanggol sa loob ng kabahayan. Masayang nagkatinginan ang kambal. Pero agad ding naglaho ang ngiti sa kanilang mga labi nang nakarinig sila ng mga sunod-sunod na mga pagsuntok sa pader.
Lumabas ang nurse na hawak ang bagong panganak na sanggol, kasunod nito ang doctor na malungkot ang mga mata.
Isa-isa nitong hinaplos ang buhok ni Eustass at Enrique bago tuluyang umalis upang asikasuhin ang sanggol.
Naguluhan ang kambal sa nangyayari. Mga sunod-sunod na pagkabasag ang kanilang narinig galing sa silid. Hindi na nakatiis ang mga ito at madali silang pumasok sa loob.
Basag lahat ang mga gamit. Nakita nila ang kanilang ama na yakap-yakap ang kanilang ina habang tahimik itong umiiyak. Duguan ang mga kamao nito.
"P-Pa.."
"Dad..." Tawag nila pero parang walang narinig ang kanilang ama.
Doon nila napagatanto ang lahat. Nag-ulap ang kanilang mga mata at patakbong lumapit sa kanilang ina. Sabay silang tatlong umiyak habang yakap ang malamig na katawan ng kanilang ina at pinakamamahal na asawa ng kanilang ama.
Isang buwan na ang makalipas simula nang mawala ang ilaw ng tahanan ng mga Cromello. Simula rin ng araw na iyon ay tahimik at hindi na makausap pa si David. Lagi itong nagkukulong sa kwarto at gustong mapag-isa.
Si Irish ang nag-aasikaso sa lahat pati na ang kambal at ang bagong panganak na sanggol.
Pinababalik na si Irish sa kanyang trabaho pero hindi nito magawang iwan ang kanyang kapatid at mga pamangkin.
Sobrang tahimik ng napakalaking bahay. Kahit saang sulok ka pumunta ay ramdam ang lungkot at pagluluksa.
Lumabas si Eustass sa kwarto nito. Lalagpasan na sana niya ang kwarto ng ama nang makitang bukas ito. Wala sa sariling sumilip si Eustass sa loob mula sa maliit na siwang. Iginala nito ang paningin sa loob ng madilim na kwarto. Natagpuan nito ang ama na nakaupo sa gilid ng kama, may hawak na libro at mukhang may binabasa.
Hindi maaninag ni Eustass ang mukha ng ama dahil sa dilim. Aalis na sana ito nang umilaw ang cellphone ng ama na nasa mesa katabi ng librong binabasa.
Dahil doon ay nasinagan ang mukha ni David. Biglang namutla si Eustass sa nakita. Nangatog ang tuhod at hindi alam kung ano ang gagawin.
Sobrang laki ng mga mata ng kanyang ama at lalong tumingkad ang kulay. Parang may sarili itong buhay habang mabilis na binabasa ang kung ano man ang nakasulat sa libro. Nanginginig din ang mga kamay nito.
Biglang dumako kay Eustass ang mga mata ng kanyang ama kahit hindi siya nito linilingon. Umatras si Eustass at bumagsak sa sahig. Narinig nito ang yapak ng ama. Nataranta si Eustass at mabilis na tumakbo pabalik sa kanyang kwarto saka inilock ang pinto.
Namamawis sa takot si Eustass habang pinapakinggan ang mga yapak na papalapit sa kanyang kwarto.
"M-Mom.." Bigkas nito sa nangangatal na labi.
Tumigil ang mga yapak. Ilang segundo lang ay narinig na ni Eustass ang papalayong mga yapak ng ama.
Nagtalukbong ito at humagulgol sa labis na takot. Hindi na ito ang kanyang ama. Hindi na niya ito kilala pa.
Matapos ang insidenteng iyon ay madalang na lang na lumabas si Eustass sa kanyang kwarto. Dinadalhan na lang siya ng pagkain ng mga katulong at kung minsan ay binibisita siya ng kambal dala si Rebecca upang kamustahin at aliwin.
Isang araw na lumabas si David sa kwarto nito ay napansin ni Irish ang kakaibang tingin nito sa kanya.
Ipinagsawalang bahala niya ito pero sa pagdaan ng mga araw ay kinikilabutan na siya hanggang sa nakapagdesisyon ito.
Gabi. Kasalukuyan itong nag-iimpake ng gamit nang pabalibag na bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napatalon sa gulat si Irish nang makita ang kapatid na hingal na hingal.
"Kuya.. m-may p-problema ba?" anito na pilit pinapakalma ang sarili.
Hindi nagsalita si David. Lumapit ito kay Irish na nasa kama.
Umurong si Irish. "K-Kuya please." Hindi na napigilan ni Irish ang mapaluha. Natatakot siya. Natatakot na siya sa inaasta ni kanyang kapatid. Madilim ang mukha nito pero nakangiti ng nakakaloko. Ang mga mata nito ay nagliliyab, nagliliyab na parang demonyo.
"Kuya!" Hinablot ni David ang braso ng kapatid at marahas na inilapit sa kanya.
"K-Kuya David." Iyak ni Irish habang nakatingin sa mukha ng kanyang kapatid. Her loving brother has gone. Ang taong kakampi at pumoprotekta sa kanya ay wala na, ito na mismo ang nananakit sa kanya.
"Please s-top it."
Nagsalita ito sa kauna-unahang pagkakataon matapos mamatay ang asawa nito.
"I'm sorry Irish. I need your life to bring back my wife."
And with that, Irish found herself slammed in the wall as she felt an excruciating pain on her head.
Walang awang paulit-ulit na hinampas ni David ang ulo ng kawawang kapatid sa pader, pader na ngayon ay puno na ng tilamsik ng dugo.
David was chanting foreign words while smashing the head of his sister.
Irish was loosing life. With a blurry vision, she saw her brother's face for the last time. Contentment and fulfillment, without any hint of regret nor sadness.
She closed her eyes. She hoped that he will be fine after this.
Nang tuluyan nang nalagutan ng hininga si Irish saka lang tumigil si David. Taas baba ang balikat nito habang habol ang hininga.
The room reeks with Irish's blood. Malansa. Amoy ng masahol na pagpaslang.
Naguluhan si David nang makita ang wala ng buhay na kapatid. Hindi na rin ito mamukhaan dahil sa sinapit. A-Anong..
Pero bago pa ito makapag-isip ng tuwid ay may pwersang humatak sa kanya pabalik sa kadiliman. Agad na lininis ni David ang mga dugo na nagtilamsikan sa pader at sahig. Pagkatapos mawala ang mga ebidensiya ay binuhat nito si Irish. Binuksan ang bintana at mula sa 4th floor, inihulog nito ang katawan ng kapatid. Unang bumagsak ang ulo nito sa semento na siyang sanhi ng pagkawasak nito.
Tahimik na pinagmasdan ni David ang bangkay ng kapatid. Nagising lang ito nang makarinig ng mga pagsigaw galing sa ibaba. Nalilito ito at dali-daling lumabas ng kwarto.
Naalimpungatan si Eustass dahil sa mga sigaw. Pupungas-pungas siyang naglakad patungong pinto. Pagbukas nito ng pintuan ay nahagip ng mga mata niya ang ama na pababa galing 4th floor. Mabilis na isinara ni Eustass ang pintuan at bahagyang sumilip sa kaunting siwang na itinira. Tuluyang ng nagising ang diwa niya.
Pinag-aralan niya ang ama. Puno ng kalituhan ang mukha nito at ang mga galaw nito ay natataranta. Pero merong nahagip ang kanyang mga mata. Dugo. May bahid ng dugo sa damit ng kanyang ama.
Nang makapasok si David sa kwarto nito ay agad ding lumabas si Eustass. Tinungo ang hagdan papunta sa baba kung saan maririnig ang mga pagsigaw at iyak.
Naabutan ni Eustass ang mga kasambahay at tagabantay sa labas ng kanilang mansiyon. Takot at sindak ang makikita sa mga mukha nila.
Nakita niya si Enrique na tulala. Agad niya itong linapitan. "W-What's wrong Enrique? Anong nangyayari?"
"Tita Irish.. she's d-dead."
"A-Ano?"
"Don't." Pinigilan ni Enrique ang kapatid nang akma nitong titingnan ang bangkay. "Her head is crushed and her body is deformed. She jumped from 4th floor. She committed suicide."
Nabigla siya sa narinig. Walang nagawa si Eustass kundi ang umiyak.
"Tita Irish.." Iyak ni Eustass habang tinatanaw ang katawan nito na natatabingan ng puting tela.
Dumating ang mga pulis matapos makuha ang katawan ni Irish. Kinausap ng mga ito ni David. He's back to his old self, strict and cold.
Walang isinagawang imbestigasyon. Iyon din ang una at huling pagpunta ng mga pulis sa bahay ng mga Cromello.
Suicide, yun ang naibalita sa lahat. Ayon pa sa balita ay may depression si Irish at hindi na kinaya kaya nagpakamatay.
Naniwala ang lahat, liban kay Eustass.
Gaya ng lagi niyang ginagawa ay tinikom niya ang bibig. Bata pa siya. Anong laban niya sa ama? Makapangyarihan ang kanyang ama. Ayaw niyang sapitin ang sinapit ng kanyang Tita Irish.
Umalis si David at nagtungo sa Colombia kasama si Rebecca. Naiwan sila dito ng kambal kasama ang mga mapagkakatiwalaang mga tauhan at tagapagsilbi. Paminsan-minsan ay tumatawag ang kanilang ama at kinakamusta sila.
Lumipas ang maraming taon.
Sina Enrique at Eustass ay lumaki bilang mabuting magkapatid. Palaging magkasama. Karamay nila ang bawat isa kapag may problema. Walang iwanan, yun ang pangako nila.
Si Rebecca ay malaki na rin at balak na umuwi sa bahay nila sa Pilipinas.
Masaya na ang lahat at linimot na ang nakaraan, pero lahat ng bagay may hangganan.
Isang pangyayari ang hindi inaasahang dumating. Sa paglaki at pagbibinata ng dalawa ay marami silang nakilala at nakasalamuha. Pero hindi nila inakala na iibig sila.. sa iisang dalaga.