Chapter 50: Battle Starts
Dalton Sage's POV
Tahimik kong pinagmasdan ang kapatid ko na natutulog. She can't walk, she can't speak, she can't talk. At dahil iyon sa matagal niyang pagkakakulong sa crystal na bato sa mahabang panahon.
Lumabas ako at nagtungo sa sala saka pabagsak na umupo. Tinanggal ko ang damit ko at basta na lang itinapon sa kung saan.
I lit one cig and leaned my head on the sofa.
What now?
I stared on the smoke for a couple of seconds and then image of Sabrina appeared in my head. Marahas kong ibinuga ang usok na galing sa aking baga.
I wonder what she's doing right now.
I still can't accept it. The woman I love is the daughter of the man who killed my family. I want to hate her, detest her for lying to me. Sobrang sakit ng ginawa niyang pagsisinungaling sa akin. Pero kahit ganun ay mahal ko pa rin siya. It's just too painful to see her right now.
I can accept it if only she told me about it earlier.
I can forgive her but not her father.
Now that I've got my sister, I don't have business here anymore. I'm going to execute the plan B as early as possible. I want to end this and live my life in peace.
My thoughts was cut when my phone started vibrating. Vanessa is calling. Isa pa ang isang ito. Patuloy lang ito sa pagtawag kaya sinagot ko na.
"What is it?"
"Where are you? Look outside! The time stop–"
Nawala ang boses niya sa linya. Tinitigan ko muna ang cellphone bago pinatay ang tawag. Mabilis kong inubos ang sigarilyo at nagtungo sa banyo. I feel hot all of a sudden. I need to take a cold shower.
Hindi pa ako tapos maligo nang makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog ng pinto. Galing iyon sa sala. I slammed my fist on the tiled wall when the banging never stop.
I grabbed the towel and put it around my waist and walk to the main door. I didn't bother to dry my naked body. The banging gets louder and harder and it's getting on my nerves already.
Marahas kong binuksan ang pintuan. My irritation doubled when I saw Vanessa's face.
"What do you want?" I asked, pissed.
"Si S-Sabrina.." aniya sa nanginginig na boses.
"What about her?"
I studied her. Maputla ang mukha niya at nanginginig ang mga labi. Ang mga kamay niya ay hindi mapakali.
"What's wrong? What about Sabrina?" ulit ko sa matigas na boses.
"They.. They took her! Oh my god. I'm sorry Sage I couldn't do anything!" she cried hysterically.
My heart stopped beating for a second. My blood runs frantically creating a havoc on my system.
Nagpalakad-lakad si Vanessa sa harapan ko at hindi mapakali. Hinablot ko ang braso niya at tumitig sa kanyang mga mata.
"Anong ibig mong sabihin? Where is she?!"
"I don't know! Pero nakita kong buhat buhat siya ng isa sa mga Reapers kanina! And look at the surroundings! The time stopped! You know the meaning of this right?!"
Marahas ko siyang binitiwan.
"W-Why?"
"The mark was transferred to her."
"Fuck!" Mura ko at malakas na sinuntok ang pintuan. My breathing was uneven.
I can't..
"I know that you're already out of this. I j-just want you to know," wika ni Vanessa.
Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. "Who told you that I'm out of this? Call everyone. Let's proceed to the original plan."
Umawang ang bibig niya. "B-But why?"
"Tinatanong mo talaga kung bakit Vanessa?" Nanliit ang mga mata ko. "You know the goddamn reason!"
I maybe mad at her but that's not an excuse not to save her. I can't loose her. I just can't.
"Go and gather everyone Vanessa. I need everyone's strength. I'm counting you on this," wika ko bago siya tinalikuran.
Damnit. I'm so stupid.
Mabilis ang pintig ng puso ko habang tinatawagan si Nicole. Makailang ring lang ay sumagot na ito. I put the speaker on and find some clothes to wear. Sa sobrang pagmamadali ko ay naghalu-halo na ang lahat.
"Sage? What's up dude? I thought you wouldn't contact me anymore!" anang boses sa kabilang linya.
"I need your help guys."
Natigilan ang nasa kabilang linya. "Right now? I thought it was cancelled?"
"Some unexpected things happened. I'll explain it all to you once you're here," wika ko habang inaayos ang sinturon ko.
Humalakhak ito. "But of course! You don't know how disappointed we are when you cancelled the mission."
Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Dahan-dahan kong tinanggal ang benda sa aking mata. The color is still blue but it's already an artificial. This is fine as long as I can see everything.
Kinuha ko ang cellphone at lumabas na. "Thanks bro."
"You know that I can't turn you down. Besides, everyone is ready and waiting for your call."
Art Nicole Nicoli. He's one of my trusted friend. He's into dirty doings but that didn't stop us from being a good acquaintance because unfortunately, we share the same luck.
He's based in Europe and leading the biggest drug cartel there and currently expanding in US. He's almost as influential as the Cromello's. Mafia Cromello maybe in the top ladder but Nicole on the other hand is almost on the same level.
"It's time to get our revenge Sage," wika niya.
"Yeah."
He's right. It's time to end this.
Sabrina's POV..
"Sabrina baby, don't give in. Please don't give in. You are strong. I know you can make it darling."
"M-Mom," usal ko sa babaeng kaharap ko. Ang maamo niyang mukha, ang mata niyang puno ng saya, this is my mother. My tears fell. I've finally meet her.
"Sshh. Don't cry darling. Listen, even if I'm not with you anymore, I'm always watching you."
"Mom.."
"My soul will try to take over your body soon. I don't have a control over that so please, be strong and don't loose yourself."
Tumango ako habang umiiyak.
She sweetly smiled. "Good girl. Now go back. I want to be with you but this isn't the right place for you." Hinaplos niya ang mukha ko bago umatras palayo.
"And always remember that I love you."
Luhaan ang aking mga mata nang magmulat ako. I'm happy that I got to see my mother. Even though it's just a brief moment, I'll treasure it till my last breath.
"Aaaaaahhhhh! Ahhhhhhh!!"
Saka lang ako tuluyang bumalik sa realidad nang marinig ko ang mga nakakakilabot na palahaw at mga sigaw.
"O-Oh my god.." nahintakutan kong usal nang makita ang kalagayan at kung nasaan ako.
I'm wearing a white dress. Nakahiga ako habang nakatali ang aking mga kamay at paa sa isang malaking krus na kahoy.
And behind me.. behind me is the hell.
Sa bawat gilid ng malawak na butas ay may mga taong nakalabas at pilit akong inaabot. Ang dulo ng buhok ko na naabot nila ay sunog na.
I see fire everywhere.
The people were screaming in pain and agony.
They don't have any skin because of the intense heat that burned it. They don't have hair, they don't have lips. Their eyes are popping from the tormenting pain and suffering. Their color are intense orange, the color of fire that's punishing them. Their eyes are pleading, asking for help.
My falling tears instantly vaporized due to the immense heat.
Thinking about it, people alive today are so damn lucky because they still have the chance to change the way they live. Unlike these people who already reap what they sow. Regrets are in their eyes but it's too late, they've already hit the last journey of a person's life.
Pumikit ako at nag-iwas ng tingin. I can't do anything to help them.
What should I do is to get out of here and start a new chapter of my life.
Nakatingin ako sa itaas habang pilit kinakalas ang aking mga posas. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. I should escape. I can only rely on myself because no one will dare to help me. No one even knows that I'm abducted.
Habang nakapako ang tingin ko sa itaas ay meron mukha ng isang babae ang unti-unting lumabas sa batong kisame.
Natigilan ako sa ginagawa nang tuluyang lumabas ang isang babae mula sa kisameng bato. Nanlamig ang katawan ko.
Mataas man ang kinaroroonan nito ay namumukhaan ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang babaeng nasa kisame ay walang iba kundi si Eba. Ang kasintahan ni Prometheus!
Anong ginagawa niya dito?! Matagal na ang nakalipas pero bakit hindi siya matahi-tahimik?
But she looks different from what I saw before. The first time I saw her, her face was frightening. Right now, her face is peaceful and beautiful.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga boses na papalapit. Pumikit ulit ako at umaktong tulog pa. The place suddenly became eerie. This presence, it's coming from Uncle Eustass and the three men wearing cloacks.
Sumilip ako ng kaunti at tama nga ang hinala ko. Nagsasalita sa ibang lengguahe ang tatlong lalaki pero si Uncle ay natural lang na salita ang ginagamit.
I remembered why I ended up in this situation. Matapos magkwento ni Uncle Eustass ay meron siyang ibinulong sa hangin at bigla akong nahilo. I tried to run pero hinawakan ako ng mga alagad niya. I looked at their faces behind the cloak but all I could see is darkness.
And then, Uncle Eustass inserted his point finger on my forehead. It's not that deep but it's enough to trigger my brain. Images appeared inside my head, showing me the mark that I have, it's strength and it's weakness.
Sage told me before that the mark was used for experimentation so it has many flows and imperfections.
Isa sa mga imaheng nakita ko ay si Agatha. Siya ang kauna-unahang gumamit ng markang ito. She was like a scientist guinea pig at ang scientist ay ang kanyang ama at mga kampon niya.
Lubos ko na ngayong naiintindihan kung bakit ganito ang katauhan niya. She loose herself and gone crazy. Sunod-sunuran din sa lahat ng gusto ni Uncle Eustass.
And all those misfortunes that she experienced was blamed on me, to my family. Naiintindihan ko na siya ngayon. Naiintindihan ko rin si Uncle Eustass.
They were all victim of my father or should I say my grandfather? Or Prometheus? No. It's all Nefertari's fault and the curse that she bestowed.
All of us are victims. This should be end. This madness should end here.
Naramdaman kong tumigil sila Uncle Eustass sa kung nasaan ako.
"Bring the coffin," aniya.
C-Coffin?
Nakarinig ako ng tunog na parang may mabigat na hinihila. Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang tunog ng pagbagsak ng isang bagay.
And then a fowl odor came.
"Isabella.."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagmulat ng mga mata. Nagimbal ako sa aking nakita. Uncle Eustass is kneeling beside the golden coffin at sa mga bisig niya ay isang kalansay. Hinahaplos niya ito ng masuyo at hinahalikan ang bungo nito.
"H-How dare you.."
Lumingon siya sa akin at napangiti. "You're finally awake!"
"How dare you disrespect my mother!" sigaw ko kasabay ng pag-uulap ng aking mga mata. "She's already resting! Stop disturbing her and let her be in peace!"
"I'll bring her back. Aren't you happy?"
"No! At sa tingin mo ba ay natutuwa siya sa nangyayari? Na natutuwa siya sa ginagawa mo? You might bring her to this world but she will not love you the way she did to my father!"
Alam kong masakit ang mga binitawan ko pero iyon naman ang totoo. Maibalik man niya ang aking ina, may kasiguraduhan ba na mamahalin siya nito?
Ang ngiti ni Uncle Eustass ay unti-unting nawala. Naging purong itim ang kanyang mga mata at bahagyang yumanig ang lupa. Ang mga tao sa impyerno na nasa aking likod ay nagwala.
"I thought you understand me," malamig niyang saad.
Yes I understand his pain but this is not the right thing to do!
"Kung hindi sana kita kailangan ay baka matagal ka nang hindi humihinga."
"Bring me the eyes!" Sigaw niya sa mga kampon niya. Kagyat na naglaho ang mga ito at nang bumalik ay hawak na nila ang matang sinasabi niya.
My father's eyes.
Damnit! Now I'm certain that the person who stole it in our hide out was Hazel!
Is she dumb? She's helping her father!
Binuhat ni Uncle Eustass ang buto ng aking ina at lumapit sa akin. Hinalikan pa niya ito ng isang beses bago ito binitiwan at ihulog sa ibaba.
I gritted my teeth. Damn him.
Lumingon ako sa ibaba. Malakas itong nagliyab. Sa sobrang init ay napapaso na ako. Ang mga sigaw ng mga taong nasusunog kanina ay naging iyak. Malakas na umalingawngaw ang iyak nila habang nakatingin sa isang pigura ng babae na nakalutang.
It's my mother's soul. It's all white but her body was covered with dark veins.
Malakas na humalakhak si Uncle Eustass.
"Now let's start the ritual."
Hazel's POV...
It's 8 o'clock in the morning. Usually ay medyo maliwanag at may kaunti ng sinag ng araw pero ngayon ay wala. Ang mga ulap na dating tumatakip sa araw dito sa paaralan ay lalong kumapal upang takpan ng mabuti ang araw.
Simple lang ang sagot sa nangyayari, ang kadiliman ay takot sa liwanag. That's the reason why they're hiding in the shades of these thick clouds.
Parang gabi pa rin.
Sa itaas ay kumikislap ang barrier na nagkukulong sa mga tao sa loob ng paaralan at upang pigilan ang mga nagnanais na pumasok.
"They're late!" singhal na naman ni Sage.
Tiningnan ko siya. Gusot-gusot na ang damit niya pati na rin ang buhok niya. Para siyang ginahasa ng limang bakla. I tilted my head to remove the unwanted thoughts. This is not the right time to joke.
"Calm down Sage. Alam mo naman kung saan sila manggagaling diba? Lalo na at biglaan ang mga pangyayari," wika ni Kyle.
Nandito kaming lahat sa school field. I managed to get the boys and I'm thankful na lahat sila ay gustong tumulong.
"I can't wait any longer! Habang dumadaan ang oras ay lalong nanganganib ang buhay ni Sabrina!"
Walang nagtangkang umimik ni isa sa amin dahil tama siya. But we can't go and fight with just the seven of us. Alam namin ang lugar na posibleng kinaroroonan nila pero hindi pwedeng mauna si Sage dahil wala na siyang marka. Nagkabalikan man sila ni Agatha pero hindi ibig sabihin nun na pati ang kakayahan niya ay bumalik.
We can't take him with us just like before. He need to have any mark that will serve as a permission to enter the dungeon. And unfortunately, siya lang ang nakakaalam sa eksaktong lugar.
That's why we're waiting for Nicole. He can give a mark to Sage but it's different from what we have.
It's the emblem of his empire, another mark from another devil. In order to compete with the Cromello's, you need to be like them and have a contract with demons.
Kanina pa tahimik ang iba liban kay Sage na mura nang mura. Everyone were anxious and tensed. Matagal na naming pinaghandaan ang araw na ito pero natatakot pa rin ang lahat sa kung ano ang mangyayari.
We're only human but we are fighting an army of fiends.
Isang humaharurot na big bike ang tumigil sa harapan namin. Madilim ang mukha ni Zeke na nakatingin kay Sage. Bumaba siya at ang angkas niya, si Duke Foster.
"Where is she?" He asked in a cold tone.
Nagsalita si Jameson. "Woah. Hey man, how come you're moving? And who are you?" Baling niya kay Duke.
"They are under Cromello's that's why they are not affected. He is Duke, Zeke's cousin," sagot ko sa mga tanong niya.
"Ahh. So magkakakilala pala kayo?" ani Clark. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o ano.
"Tinawagan mo na ba si Lander?" tanong ni Zeke.
"Yeah." At pinagalitan niya ako ng sobra.
Tumingin siya kay Sage. Parehong masama ang tingin sa isa't isa.
"What the heck are you doing Montblac Sage? How the hell did they get her? I thought she's safe because she have you but you didn't protected her!"
"What did you say?" Mapanganib na wika ni Sage.
"I trusted her to you but you are goddamn useless!"
"Bastard!"
Nagsuntukan na sila sa harapan namin. Nasapo ko ang aking noo. Sinenyasan ko si Duke at Kyle na umawat na dahil nanunuod lang ang mga ito.
"Get off me Kyle! I'm gonna kill this cocky bastard."
"You're all nothing but talk! You should've do that to the abductors of Sabrina!"
Patuloy lang sila sa pag-aaway kaya lumapit ako kay Sage saka binigyan ng malakas na sampal. Isinunod ko si Zeke.
"I can't believe you two! Nag-aaway talaga kayo sa oras na ito?! Ano bang problema ninyo? Why don't you save your energy to fight the enemy? Hindi yung nag-aaksaya kayo ng lakas sa walang katuturang bagay!"
"Yeah. I shouldn't waste my time and energy to some irresponsible man," walang ganang wika ni Zeke.
Agad kong pinigilan si Sage nang akma siyang magsasalita. Nagtagis lang ang kanyang bagang bago tumalikod at umupo sa tabi nila Jayden sa bleachers. Guilt and anger is visible on his dark face. Nakakuyom din ang mga kamao niya.
I sighed. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong sinisisi niya ang sarili sa pagkakakuha kay Sabrina. Pero nangyari na. Mangyayari at mangyayari ito. Ang kinakailangang na lang gawin ay iligtas siya.
The tension subsided when we heard a choppers engine. And it's not only coming from one but many.
"They're here!"
Tumingin kaming lahat sa itaas kung nasaan ang mga helo na sunod-sunod na dumarating. Mula dito ay matatanaw ang mga taong sakay ng mga ito. Nakahinga ako ng maluwag. Finally.
Nagring ang cellphone ni Sage. "We're in the school field," wika niya sa kausap.
Ang ilaw ng isang helicopter ay tumutok sa amin. Tinakpan ko ang mga mata upang hindi masilaw habang nakatingin sa itaas.
"Ang dami nila!" Bulalas ni Jayden.
"Come and get your ass here Nicole. We're wasting so much time," ani Sage sa kausap sa phone.
Maya-maya lang ay iniladlad na nila ang mga tali at nagsimula nang bumaba. Napangisi ako nang lumusot sila sa barrier na walang kahirap-hirap. They will not come here in the first place if they can't enter the barrier.
Biglang gumapang ang kuryente sa aking katawan. Kung sa excitement ba o takot ay hindi ko alam.
Sunod-sunod na silang nagsibabahan. I was in awe. Ang dami nila.
Ang huling bumaba ay si Nicole. He's very tall, a few inches taller than Sage. He is Italian but since he lived here in the Philippines for how many years, he knows our language and all the things about the country.
Art Nicole. His aura screams wealth and danger. Isa siya sa pinakamaigting na kalaban ni Kuya Lander pagdating sa legal at illegal na mga negosyo.
Pinasadahan niya ako ng isang tingin bago bumaling kay Sage. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng tuwa.
Sage explained the situation right away. Tumango ng isang beses si Nicole bago tinawag ang mga tauhan. They're all wearing black shirt. Tattoos and piercings were all over their body and they look so badass as hell.
"Men! Half of you will remain here on the grounds and half will come with us underground. We need someone to watch over the students at froze."
Hindi pwedeng pumunta kaming lahat sa dungeon. Dahil sa oras na magsimula ang ritual ay malalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyanteng nandito. Isa pa sa inaalala ko ay si Agatha, kanina pa siya walang paramdam.
"Are you okay?" tanong ni Morgan nang lumapit sa akin.
Kasalukuyan ngayong inihahanda ang markang ilalagay kay Sage.
"Yes. At hindi ka dapat nandito."
Hindi pa siya tuluyang gumagaling pero nagpumilit siyang sumama.
"Hindi natin maiiwasan ang panganib kahit saan man tayo pumunta. Hangga't nandito tayo sa loob ng paaralan na ito ay walang ligtas na lugar ang bawat isa."
"I know but please, stay up here. Hindi ka pa magaling."
Tumango siya. "Gustohin ko mang sumama pero sa akin ibinilin ni Sage ang kapatid niya."
Ohh.
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Promise me that you'll come back in one piece. Matagal ko nang gustong umalis sa lugar na ito na kasama ang lahat, kasama ka. Gusto kong buo tayong aalis at walang maiiwan," aniya.
Walang maiiwan..
Pilit akong tumango. Bakit parang merong ibang kahulugan ang salitang iyon sa akin? Na merong mananatili dito at maiiwan? Nanakit ang dibdib ko sa isiping iyon.
"Guys let's go! Everyone create a portal!" imporma ni Sage.
With the help of Kyle's ability, ipinakita niya kung saang lugar kami pupunta. It's a castle in the middle of unending water. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito pero tiyak kong dito naikulong si Sabrina noon. This information came from Sage dahil nakapunta na siya doon kasama si Agatha.
We're about to enter the portal when we heard the wild sound of incoming helicopter.
May nahuli ba sa mga tauhan ni Nicole?
Walang gumagalaw sa amin habang hinihintay ang pagdating ng sasakyang panghimpapawid.
Bumungad sa amin ang magara at malaking sasakyan. My jaw dropped when I noticed the initials on the chopper's tail boom.
LCM.
Lander Cromello.
Wala pang isang minuto ay merong tumalon na tao mula sa helicopter. Lumusot ito sa barrier at mabigat na bumagsak sa lupa.
I gulped when I saw Kuya Lander in his murderous and deadliest look. O-Ofcourse he will come. There's no way that he will not come.
Ang lupang binagsakan niya ay nagkabitak-bitak. He's indeed the next ruler of Cromello's empire. Walang normal na tao ang kayang tumalon ng ganon kataas.
"Lander." Rinig kong bigkas ni Nicole.
Medyo napaatras ako nang tumingin siya sa akin. Hindi siya nagsasalita.
Lumapit si Zeke sa kanya. Si Duke? Hindi ko na alam kung saan nagpunta.
"Lander. Forgive me. I didn't—"
Pinatigil siya ni Kuya Lander. "Don't worry about it," aniya saka tumingin kay Sage.
"I'll bring my sister back."
Ang pinakamabigat naming kalaban ay ang mga Reapers at si Dad. And now that kuya Lander is here, I think our chance of winning is already guaranteed.