Chapter 44 Changes
"I can go back to normal? How?" I asked in disbelief.
Katatapos lang naming kumain at may inilabas siyang isang baso na naglalaman ng berdeng inumin.
"I have the cure but you need to go through excruciating pain. Kaya mo bang tiisin ang sakit ng ilang oras?" aniya at sumulyap sa akin.
Kung meron naman palang paraan para bumalik ako sa dati ay titiisin ko ang lahat. I don't have to waste my life living in this gloomy house.
"Drink this. It will at least ease the pain," aniya at inabot sa akin ang baso.
Kinuha ko iyon at inamoy. Malansa ito at nakakasuka.
"Don't smell it," suway niya.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka inisang lagok ang laman ng baso. Tinakpan ko ang aking bibig nang makaramdam ako ng pagsusuka. Sobrang pait. Mahapdi rin ito sa tiyan.
"Go to bed. Hintayin mo ako doon," aniya saka lumabas ng bahay kahit umuulan.
Habang naghihintay ako sa kanya ay napaisip ako. Saan niya nakuha ang gamot? Did she make it? Posible dahil mukha siyang albularyo.
Medyo natagalan siya sa pagbalik kaya napaidlip ako.
"Sabrina.." tawag sa akin ng isang boses.
Luminga-linga ako pero wala akong makitang tao.
"Sabrina.." ulit ng boses na papalapit.
"Sino–"
May bumulong sa akin mula sa likod. "You can't run away from your destiny."
Nanayo ang balahibo ko sa lamig ng boses nito.
"Wha–"
Paglingon ko sa aking likod ay naabutan ko ang nakangising mukha ng kapatid ni Sage. Gone her angelic face. She's grinning like a devil.
"You can hide.." pakanta niyang wika habang unti-unting naglalaho sa dilim. ".. but you can't run."
Pagmulat ko ng aking mata ay naabutan ko si Wrinky na ginagapos ang aking mga paa sa dulo ng kama.
What the?!
Ngayon ko lang rin napansin na nakagapos na ang magkabila kong kamay!
"What are you doing?!" singhal ko.
"I'm tying you up," kasawal niyang sagot.
Nang matapos siya sa ginagawa ay tumayo siya sa tabi ko at tinitigan ako.
"Anong napanaginipan mo?" tanong niya.
"It's not a dream. It's a nightmare."
Tumango-tango siya. "That's good." aniya bago tumalikod. "It takes a lot of courage and fighting spirit to wake up from nightmares."
Itinigil ko ang walang lakas kong pagpupumiglas. I'm so weak, I'm just draining my energy.
"And I think, you're ready for this," wika niya at biglang humarap.
"W-What's that?!" I asked, startled.
"This is the cure," nakangisi niyang wika.
"A-Ano?!" Nagimbal ako. "Stay where you are!" sigaw ko nang humakbang siya palapit.
Tumawa siya. "Akala ko ba ay gusto mong gumaling?"
"Hell no!"
Damn. Is she serious?! She's holding a big syringe with some dark liquid inside of it and.. worms! Many worms! They are alive and excitedly swimming on the liquid!
Is she going to inject to me those hype worms?! She's crazy! They're gonna eat my innards!
"Ilayo mo sa akin iyan!" naiiyak kong wika nang mariin niyang hawakan ang aking braso. "I'd rather die like this! Just kill me! Kill me!"
Nagulat ako ng isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. Tumabingi ang ulo ko at hindi nakapagsalita.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" malamig niyang tanong. "Every day, people are fighting for their lives! Those cancer patients who only have a year, months, days to leave! They are helplessly, hopefully praying to live longer! They want to live for their loved ones! Pero heto ka na gusto nang mamatay! Mabuti sana kung iyang buhay mo ay pwedeng idugtong sa iba! Hindi mo pwedeng gawing exuse ang kamalasang nangyayari sa buhay mo! Life is a blessing! Itatak mo iyan sa kukote mo!"
Nagbikig ang lalamunan ko. Hindi ako makaimik. What she said was more painful than her slap.
"You're lucky that you're still alive today," aniya bago lumabas ng kwarto at pabalibag na isinara ang pinto.
Kahit nakalabas na siya ay nakatagilid pa rin ang mukha kong nakatitig sa sahig.
Mapait akong napangiti. What is happening to me? Am I just overreacting or I'm loosing myself?
Lahat ng sinabi niya ay masakit na katotohanan para sa akin. I acted like a spoiled brat bitch.
And the way she said it, it's not just a simple situation, it came from her deep emotion.
Who is she? Am I missing something?
Pagkaraan ng ilang oras ay bumalik na siya. My mind is clear now at mukhang ganun rin siya.
"I'm not gonna force you to take this. Nasa sa'yo na kung gusto mong gumaling," aniya sa walang ganang boses.
"I-I'll take it," wika kong hindi makatingin sa kanya. I feel awkward.
Lumapit siya sa akin at marahang itinurok ang malaking karayom sa aking leeg.
Pilit kong iwinawala sa aking isipan kong ano ang itinuturok niya.
"This isn't a normal worms. Hindi ako baliw para turukan ka ng kitikiti. Right now, bacteria is constricting your muscle tissues to grow. Their duty is to fight and eat the bacteria. And once they're done with their job, they'll be obliterated and become part of your body as a fighting cell."
I blinked several times. Mainit at nakakakiliti ang daloy ng gamot sa aking mga ugat.
"And for the liquid," aniya nang mahugot ang karayom at punasan. "That is for your fast recovery."
Tumayo siya at tumingin sa maliit na orasan. "It'll be a 6 straight long hours. You're gonna experience a torture hell so don't die on the process."
Rebecca's POV
I looked at the clock beside me. It's almost six hours since the healing process began.
I continued knitting clothes while listening to Sabrina's nonstop screams of agonizing pain.
I can't help her on that part. She needs to bear the pain alone and survive it.
Hinawakan ko ang basong naglalaman ng mainit na kape at uminom.
The rain won't stop. It's been a week. The weather was getting cold due to the cool breeze from Northeast.
Inilagay ko sa mesa ang hawak at lumakad papuntang pintuan nang tumigil na ang mga pagsigaw.
I can hear a loud and heavy breathing.
Humugot ako ng malalim na paghinga bago tinulak ang pintuan pabukas.
She's ready to leave.
Sabrina's POV..
Matapos kong maisintas ang aking sapatos ay humarap ako sa salamin.
There's no trace of wrinkles on my face and body. It's hard to believe but like a magic, I'm back to my normal appearance.
I can't explain the feeling that I felt when I'm on the process of healing. Sobrang kirot, sobrang sakit, parang pinipilas ang laman ko. Basang-basa kanina ang aking higaan ng pawis at ang mga kamay at paa kong nakagapos ay nagkasugat-sugat.
Masakit at nanghihina pa ang katawan ko but I chose to go back to school. Hindi na ako kumain at uminom lang ako ng maraming tubig upang mapalitan ang mga tubig na nawala sa aking katawan.
Isinuot ko ang mahaba at itim na coat na umabot sa ibaba ng aking tuhod. Kay Wrinky ito at inarbor ko lang dahil nagustuhan ko. Mukha pang mamahalin.
"Aalis ka na talaga?" tanong ulit niya na nag-aabang sa akin sa labas ng kwarto.
"Oo. Salamat sa lahat," wika ko at bahagyang yumukod.
Gumawa ako ng portal. Regarding my tattoo, hindi na ako magtatanong. Ayaw kong aalis na sumbat ang iiwan ko sa kanya. It's done. I'll just go with the flow besides, I still need it. I'll just figure out on how to get rid of it later.
"I'm going Wrinky," paalam ko.
"Anong Wrinky?! Call me Auntie!"
"What?" Tama ba ang narinig ko?
"I-I said call me Becky. My name is Rebecca."
I smiled and held her hands. "Nice name. I'm glad that I met you," sinsero kong saad. I awe her everything. Sana balang araw ay masuklian ko ang kabaitan niya at ang mga bagay na nagawa niya para sa akin.
I saw how her eyes shines as it clouded with tears. "Ako rin, masaya na nakilala at nakasama kita kahit saglit lang. Sige na. Lagi kang mag-iingat."
Tumango ako. Sinulyapan ko muna siya sa huling pagkakataon bago pumasok sa portal.
I hope that I can do something to lift up the curse that bestowed to her so that she can live a normal life again.
Pasimple akong lumabas sa comfort room dito sa mall. Pakiramdam ko ay maraming nagbago dito sa school kahit wala naman.
Malakas na hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng mall.
"Kuya, anong oras na?" tanong ko sa guard.
"Mag-aalas singko na po ma'am," sagot nito.
"Salamat. May bagyo po ba?" tanong ko ulit dahil sobrang dilim ng kalangitan. Maaga pa naman pero sobrang dilim na ng paligid.
"Ay hindi ko po alam ma'am. Wala namang sinasabing may bagyo o ano," sagot nito.
Nagpaalam ako at nagpasyang maglakad pauwi. Mahigpit kong hinawakan ang suot kong coat sa lamig ng hangin.
May nakakasalubong akong estudyante na grabe kong tumitig sa akin. May ibang parang nangungutya, may natatawa at nagtataka.
Anong problema nila?
Isang humaharurot na big bike ang tumigil sa tapat ko.
"Get on my lady."
"Z-Zeke."
He looks badass riding a big bike. The bleached part of his hair was the highlights of his all black outfit.
Kung ikukumpara ko siya kay Sage ay halos parehas lang sila, from charisma to looks. The only difference was Sage is intimidating while Zeke is just in between.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba sa akin?" aniya sa walang buhay na boses pero mahahalata sa mukha niya ang inis.
Walang salitang umangkas ako sa likod ng motor niya.
"You need to explain a lot of things," aniya bago mabilis na pinaharurot ang motor paalis.
"YOU made us all worried! Paano kung hindi ka bumalik sa dati? You risked your health because of your boyfriend's sister?!" sermon ni Zeke.
"His name is Sage. And tone down your voice will you? Baka magising si Emma."
Nandito kami ngayon sa kusina dahil nagugutom ako.
"This is not you. You're loosing your cool," dagdag ko.
Mukhang natauhan si Zeke kaya kinalma niya ang kanyang sarili.
"Hindi ka nag-iingat. Hindi ka naman ganito dati ah? Dahil ba ito sa boyfriend mo?"
"You don't understand."
"Hindi talaga. Better call your brother. He's fuming mad when I told him what happened to you," aniya saka lumapit sa akin at sumandig sa mesa.
"But I'm glad that you're fine now princess." aniya at ginulo ang buhok ko. "You should take a bath. Mabaho na ang buhok mo."
Inis kong inalis ang kamay niya sa ulo ko. "Umalis ka na nga. Wala ka bang trabaho?" tanong ko. Daming oras eh.
"No. This school is low maintenance. My men is enough to arrange some small knots.
Wow. May my men na siya ngayon. He's acting like a big boss.
"Okay."
Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa akin gamit ang blangkong mukha.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba sa'kin?" panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Umirap siya pagkatapos ay sumeryoso.
"Mahal mo ba siya?"
Natigil ako sa pagsubo. "Bakit ka nagtatanong?"
"Pwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko?" May bahid na asar ang boses niya.
"Oo. Mahal ko siya," diretso kong sagot.
"Mahal ka ba niya?"
Marahas ko siyang tiningala. "What kind of question is that?" inis ko nang tanong. "Of course, mahal niya ako." Sinabi niya iyon at pinaramdam, pinakita niya.
"May problema ba?" dagdag ko.
Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko. Dumako ang mata niya sa aking labi at tumitig doon.
Nangunot ang noo ko nang gumalaw ang kamay niya papunta sa labi ko.
Bahagya pa akong napaatras pero pinigilan niya ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa gilid ng aking labi at parang may kinuha.
"Ang kalat mong kumain," aniya saka nilagay sa plato ko ang isang piraso ng kanin.
Tumikhim ako. "Bakit mo pala iyon natanong?"
"Sa mga araw na nawala ka ay maraming nagbago. Lalo na sa boyfriend mo. I don't know him personally so I don't know what's gotten to him."
"M-May nangyari ba?" nalilito kong tanong.
Nagkibit balikat siya. "Who knows," aniya at tumuwid ng tayo. "Guard you heart princess." He pinched my nose.
"Aalis na ako. Don't forget to call Lander," bilin niya bago lumabas ng kusina.
Tinitigan ko ang aking kinakain. Mabilis ko iyong inubos at nagmamadaling umakyat sa aking kwarto. I need to charge my phone.
Matapos kong maligo ay sinubukan kong tawagan si Sage, disregarding my brother's messages and missed calls. Pero nagulat na lang ako sa narinig.
The number you have dialed is incorrect.
Tiningnan ko kung number ba niya iyong naidial ko. Tama naman.
I feel anxious.
Baka mali itong number niya dito sa phone book ko? Kabisado ko ang number niya kaya pumunta ako sa dial pad at inilagay doon at sinubukang tawagan.
The number you have dialed is incorrect.
Nanghihina kong ibinaba ang cellphone . H-He changed his number? But why? Bakit hindi man lang siya nagsabi? Pwede naman niyang imessage ang bago niyang numero.
Kinalma ko ang aking sarili. Hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano.
"Sabrina? Magaling ka na?" gulat na wika ni Emma nang maabutan ko siya sa baba na umiinom ng gatas.
"I tried to visit you in the hospital but they said that you are not accepting visitors!" she complained.
Nasabi kanina ni Rebecca na excuse ako sa klase ko dahil pinalabas daw nila Hazel na nagkadengue ako at hindi ako tumatanggap ng bisita.
"Aalis ka? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"
"Oo," maikli kong sagot.
She eyed me. "You look sick. Medyo pumayat ka rin. Saan ba ang punta mo?"
"Diyan lang sa level 5," sagot ko.
"I wanna go with you! But we have a long quiz tonight," aniya sa dismayadong mukha.
"Sige," paalam ko.
"How about tomorrow night?" pahabol niya.
"What about tomorrow night?" lingon ko.
Kinindatan niya ako. "Let's have a good time at club Z."
Saglit akong nag-isip. "Okay. Tomorrow night."
She jumped. "Yes!"
"Miss, dito ba nakaconfine si Morgan Lim?" tanong ko sa nurse na nakatalaga sa station.
"Morgan Lim..." anito habang hinahanap kung meron nga bang pasyenteng Morgan Lim ang pangalan.
"Oh. There it is."
"Anong room number niya?" tanong ko. Walang limit ang visiting hours dito kaya pwedeng bumisita kahit gabi at madaling araw.
"Are you his friend? May I know your name please?" aniya habang nagtitipa sa computer.
"Sabrina Suarez."
Ilan pang mabibilis na pagtipa bago siya tumingin sa akin at ngumiti. "Room 37 ma'am. Enjoy your visit!"
"Thank you," ngiti ko bago hinanap ang kwarto ni Bartender Morgan.
Kumatok ako ng tatlong beses bago marahang pinihit ang pintuan pabukas.
Una kong nabungaran si Hazel na kunot na kunot ang noo habang naglalaro ng online games. Her headset is on kaya hindi niya narinig ang pagkatok ko.
Isinara ko ang pintuan saka tumingin kay Bartender Morgan na nakahiga sa kama at walang kagalaw-galaw. Maraming mga machine at apparatus ang nakalagay sa tabi ng kanyang kama pero bukod sa IV na nakasaksak sa kanyang kamay ay wala na.
Nakahinga ako ng maluwang. He's stable pero mukhang hindi pa nagigising.
Umupo ako sa sofa na kinauupuan ni Hazel. Tinanggal ko ang headset sa kaliwa niyang tenga at nagsalita.
"How is he? Anong sabi ng doctor?"
"Katatapos lang magrounds ni Doc. Ang sabi niya ay magaling na siya. Iyon nga lang ay hindi pa nagigising," sagot niyang nakatingin pa rin sa linalaro.
"How about Sage's sister?"
"Si Preem? Okay lang naman. She– Shebrina?!" gulat niyang wika nang bumaling sa akin at bahagya pang lumayo.
"You're here?! Already?!"
"Nakakagulat ba?"
"Oo! And... you're healed. That was fast," usal niyang hindi makapaniwala. "Kaninang umaga ka lang namin binisita."
"Kanina iyon. Gabi na ngayon," irap ko.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. This room is spacious. Merong isang bed na tutulugan ng magbabantay. May cr, ref, sala set at malaking flat screen TV. Hindi mabuburyong ang magbabantay dito.
"Nandito ba ang kapatid ni Sage?" baling ko kay Hazel na nagbobrowse na sa internet.
"She's on the top floor."
"I want to see her. Maybe I'll just drop by later."
"Hindi pwede," pigil niya sa akin.
"At bakit hindi?"
Umilap ang mga mata niya. "H-Hindi pwedeng bumisita."
"Kahit tayo?" kunot-noo kong tanong.
"Oo. Kahit tayo," sagot niya.
Wala akong maapuhap na sasabihin. Bakit ganun? Eh kasama naman kami noon sa pagliligtas sa kapatid niya ah?
"Anong balita kay Sage? I can't reach him. He changed his phone number."
Nag-iwas ng tingin si Hazel. "Wala akong alam diyan."
Halatang umiiwas siya. Halata ring meron siyang alam na ayaw sabihin sa akin.
I need to talk to him first before jumping to wrong conclusions.
Kung iniiwasan man niya ako, pwes, kailangan niyang magpaliwanag.