Chapter 43 Her Identity
Vanessa Haze's POV
Isang napakalaking portal ang lumitaw sa aming harapan. Ang normal na portal na ginagamit namin ay kulay puti habang siya ay pinagsamang kulay itim at pula, nagpapatunay lang kung gaano siya kasama.
"No thank you dad, Hades?" pang-iinis niya sa akin.
I can't believe this man. Nagmakaawa't lumuhod na nga ako sa kanya, hindi pa nakuntento at gusto pang magpasalamat ako. "Wala. At huwag mong gawing masama ang pangalan ko."
Pangarap niyang magkaroon ng anak na lalaki at Hades ang gusto niyang ipangalan dito. Hindi iyon nangyari kaya Hades ang madalas niyang itawag sa akin noon.
Tumawa ulit siya at naaasar na ako. But I should be glad na tinatawanan lang niya ang lahat sa kabila ng mga nangyari dahil kapag nagseryoso na siya ay patay kaming lahat dito.
"You go first," ani Sage kina Kyle.
Nagsipuntahan silang lahat at kami na lang ni Sage ang naiwan.
"Sage," tawag nila Kyle na naghihintay sa loob ng portal.
Nang akmang hahakbang na si Sage papasok ay biglang nagsalita si Eustass.
"Oh. Before I forget, is she the girl you're going crazy with?" tanong niya sabay tingin kay Sabrina na buhat ni Sage.
Malakas na kumabog ang dibdib ko. Buong akala ko ay hindi na niya papansinin si Sabrina.
"I heard from Agatha that you break up with her because of a girl named Sabrina. Siya ba iyan?" tanong niya.
"S-Sage umalis na tayo. Huwag mo na siyang pansinin," kinakabahan kong wika sabay tulak kay Sage papasok sa portal.
"Don't butt in Hades," aniya sa matalim na boses.
Biglang naumid ang dila ko nang makita ko ang mukha niya. Ito na ang kinakatakot ko, hindi na siya nagbibiro.
"Don't be so rude now. I'm being kind and generous here," aniya sa seryosong boses.
Kita kong namumutla na sa takot sina Clark na nasa loob ng portal na nakaharap sa amin.
Sa nag-iigting na panga ay nagsalita si Sage. "Yes. Her name is Sabrina."
Medyo nawala ang takot ko nang bumalik ulit ang palatawa niyang mukha pero ang pangamba ay nandoon pa rin. Pangamba sa kung ano man ang lalabas sa bibig niya.
"Bukod sa pangalan niya, kilala mo ba siya? Ang buong pagkatao niya? Kung saang angkan siya nagmula? Kilala mo ba ang ama niya?" ngisi niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Walang imik ang iba na nakikinig mula sa portal. Hawak niya kaming lahat sa leeg. Kapag nagsalita kami ng ikakagalit niya ay baka bawiin niya ang portal.
I'll just let him play his card this time. One of these days, he'll be out of moves.
"I love her and it doesn't matter where she came from," sagot ni Sage sa walang emosyong boses.
"Ahahaha!" Binalot ng itim na usok ang ibabang parte ng katawan ni Eustass saka paikot na lumipad sa itaas na tumatawa. "Loooove! It really defies everything!" aniyang aliw na aliw.
Pinanuod lang namin siyang nagsasaya. Kahit gusto ko nang umalis dito ay hindi pa pwede. We need his approval.
"Get inside Vanessa," ani Sage na hindi ko pinansin.
"That was a good response but stupid answer," aniya nang makababa.
Kita ko kung paano humigpit ang hawak ni Sage kay Sabrina sa sinabi ni Eustass. "I don't find any stupidity there."
Matamang tinitigan ni Eustass si Sabrina. "Just so you know, I've watched everything from afar."
"Mr. Eric," tawag niya kay Jameson na napaigtad pa sa gulat.
"Y-Yes Señor?"
"Do you still remember the message?"
"M-Message?.. Y-Yes. I still remember S-Señor."
"Care to share it with Sage? He looks clueless."
"Huh? S-Sure Señor." Tumikhim si Jameson. "It says that only the real blood can unveil."
"Only the real blood can unveil," pag-uulit ni Eustass sa sinabi ni Jameson.
"Ako lang at si Agatha ang may kakayahan na palayain si Stacy mula sa bato. Dugo lang namin. Dugong Cromello."
Please stop.
"But surprisingly, you managed to get her out of the crystal using her blood! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?" halakhak niya.
"It only means that the blood of Cromello runs through her veins!"
There it is. He dropped the bomb. Sinabi na niya ang katotohanang magpapabago sa lahat.
"Sage!" kinakabahan kong wika nang muntik na niyang bitawan si Sabrina.
"Bawiin mo ang sinabi mo," aniya sa napakalamig na boses.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong ibinibigay ni Kyle si Preem kay Jayden.
"It's the truth. She's my niece at ang ama niya ang nag-utos na patayin ang buong pamilya niyo!"
Mabilis ang naging galaw ni Sage at marahas na sinuntok si Eustass.
"Shit!" mura ko at mabilis na sinalo si Sabrina dahil bigla na lang siyang binitawan ni Sage. "Kyle awatin niyo si Sage!"
Nag-aalala ako. He's letting his emotions take control again. Mapapahamak lang siya.
Lumabas sina Kyle, Jameson, at Clark sa portal habang tinutulungan ako ni Jayden na ipasok sa loob si Sabrina.
Kung ano man ang mangyari ngayon, mas mabuting makaalis sila dito. We need to secure Sage's sister and the health of Sabrina and Morgan.
"Sage wake up! Wala tayong laban sa kanya!"
"He's a liar. I will kill him," iyon lang ang sabi niya sa marahas na paghinga.
"One wrong move Sage and I'll kill you all here."
Binalingan ko sina Kyle nang marinig ko ang babala ni Eustass.
"Tandaan mo na utang mo sa akin kung bakit buhay pa ang kapatid mo hanggang ngayon," paalala niya.
Medyo kumalma si Sage sa sinabi ni Eustass na iyon.
"Tayo na Sage. Kritikal na ang lagay ni Morgan. Kailangan na niyang madala sa hospital."
Tumabi kaming lahat nang dumaan si Sage papuntang portal. He didn't say any word but the murderous look in his eyes remains.
"Good luck!" iyon ang huling salita sa amin ni Eustass bago isinara ang portal.
Sa falls kami dinala ng portal. Tirik na ang araw at mukhang magtatanghali na.
Walang naglakas loob sa amin na magsalita. Nagpapakiramdaman lang kami.
"Take Morgan to hospital," bilin ni Sage bago binuhat ang kanyang kapatid.
"Kayo muna ang bahala kay Morgan. Dadalaw ako mamaya." Tinapik ni Kyle ang balikat ni Clark saka tinapunan ng nag-aalalang tingin si Sabrina. Tinanguan niya ako bago sila umalis ni Sage.
Sumunod ding umalis sina Clark at Jayden na bitbit si Morgan. Naiwan kaming dalawa ni Jameson dito kasama si Sabrina na nakahiga sa damuhan.
Sabrina lost a lot of blood but she will be fine. She will not die.
Pinili kong magpaiwan kasama siya dahil nahahalata kong ilag silang lahat kay Sabrina kahit ganito ang kalagayan niya.
Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi man lang siya tinapunan ni Sage ng tingin kahit isa.
Huminga ng malalim si Jameson saka binuhat si Sabrina upang dalhin sa lilim ng puno ng acacia. Sumunod ako sa kanya at pagod na umupo sa tabi niya.
Pareho kaming tahimik na nakatulala. Maraming nangyari. Marami rin silang nalaman. Hindi na ito bago sa akin but that is a big shock to them.
"Totoo ba ang sinabi ng tatay mo?" basag ni Jameson sa katahimikan.
"Yeah," walang buhay kong sagot.
"Hindi mo man lang sinabi sa amin o sana ay kahit kay Sage man lang." Rinig kong may bahid ng tampo ang boses niya.
"Hindi madali ang sitwasyon ko Jameson. Kapag sinabi ko kay Sage ang totoong pagkatao ni Sabrina noong una pa lang, mapapahamak ang pinsan ko. She doesn't know anything and be killed without knowing the truth is unacceptable."
"Imposibleng hindi niya alam na ang tatay niya ang nasa likod ng pagpatay kina Sage noon," aniyang hindi kumbinsido.
"Hindi niya alam."
Kahit na matapang siya ay naaawa rin ako sa kanya minsan. She grew up without a mother, wthout knowing her name and seeing her face.
Hindi siya pinakain ng mga kasinungalingan para lang pagtakpan ang mga iyon dahil labag sa batas nila ang pag-usapan ang tungkol sa kanilang ina.
Kaya heto siya, parang batang walang kamuwang-muwang. Walang kaalam-alam sa mismong pamilya niya, kung anong meron at kung ano ang nangyayari.
"She lied to us. Kung wala talaga siyang alam ay hindi siya magsisinungaling."
Binalingan ko si Jameson na diskompyado. "She's just following orders from her brother. She was ordered to study here, to lie and spy. But don't misunderstand me, lahat ng pinakita niya ay totoo. It's just her name."
"M-Magagamot ba siya sa hospital?" tanong ni Jameson na nakatingin kay Sabrina.
"Hindi. Tatakutin lang natin ang mga tao doon kapag dinala natin siya sa hospital."
Jameson went silent. If I'll be honest with myself, mas gusto ko si Jameson para kay Sabrina. Hindi sa ayaw ko kay Sage, mas gusto ko lang talaga si Jameson. Sa akin niya unang sinabi na gusto niya si Sabrina. Na nahanap na niya ang babaeng mamahalin niya. Noong una ay hindi ako naniwala pero nakumbinsi rin ako pagtagal.
Miminsan na lang siyang magpunta sa bar. Noon, kaliwa't kanan ang kanyang mga babae pero ngayon ay wala na akong makita ni isa. He changed but his sweet tounge doesn't, bolero pa rin.
Minsan ngang punta ko doon sa villa niya ay nakita kong nakadisplay sa kwarto niya ang nawawalang pares ng sapatos ni Sabrina.
Jameson is a good looking guy, hindi nalalayo kay Sage. Kawawa nga lang siya dahil si Sage ang nagustuhan ni Sabrina.
Tinapik ko ang balikat niya. "Huwag kang masyadong mag-alala. Meron akong kilalang makakatulong sa kanya."
Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga?"
Tumango ako. She isn't a doctor but she can do a lot more than a doctor can do.
Sabrina's POV...
I winced in pain when something hit my forehead. Woody scent infiltrated my nose and the calm drops of rain on the leaves filled my ears.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang kisameng kulang sa pako. Kinuha ko ang bagay na tumama sa noo ko at tinitigan.
Ang tingin ko ay lumipat sa aking kamay at braso. Bigla kong nabitawan ang hawak na pako dahil sa gulat. Napabalingkwas ako ng bangon at tinanggal ang kumot na tumatabing sa aking katawan.
Nanlata ako nang nakita ko ang aking sarili. Sinapo ko ang aking noo habang pilit na inaalala kung ano ang nangyari at kung bakit nandito ako sa bahay ng matandang nagbigay sa akin ng tattoo.
Bumukas ang pintuan. "Mabuti't gising ka na. May bisita ka," imporma niya sa akin pagkatapos ay lumabas agad.
Inabot ko ang isang makapal na jacket at isinuot bago marahang tumayo. Sa nanginginig na tuhod ay humakbang ako papuntang pintuan. Natigil ako sa paglalakad nang makita ko ang repleksyon sa salamin na nakasabit sa gilid.
Hinaplos ko ang kulubot kong mukha. Ngayon ay parehas na kami ng matandang may-ari ng bahay na ito. The only difference is that her body is still young and fresh while mine had completely dried up. Meron pa naman akong kaunting laman kaya nagagawa ko pang maglakad. Ang kanang braso ko lang talaga ang walang-wala na.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan kong may iniabot na kung ano si Hazel sa matanda. Wrinky na lang siguro ang itatawag ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya.
"Sige. Maiwan ko muna kayo dito. Maghahanda lang ako ng makakain," wika niya nang makita ako saka pumasok sa kusina.
"Sabrina."
Unang lumapit sa akin si Jameson. "O-Okay lang ba?" alanganing tanong niya.
Bahagya akong tumango at agad niya akong niyakap. Magaan lang ang yakap niya, nag-iingat, habang ako ay steady lang na nakatayo. Manhid na ata ako dahil wala akong maramdaman. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko pero hindi ako natutuwa sa naging kapalit nito.
Gusto ko kaninang sirain lahat ng mga makita kong gamit pero pinigilan ko ang kamay ko dahil hindi ko ito bahay. Wala rin naman mangyayari kahit na magwala ako. Mag-aaksaya lang ako ng lakas.
Nakaramdam ata ng pagkailang si Jameson dahil lumayo na siya at agad nagpaumanhin.
"Anong ginagawa niyo dito? Visiting a senior citizen?" malamig kong tanong sa kanila pagkaupo namin dito sa sala.
"Parang ganun na nga," sagot ni Hazel na agad sinuway ni Jameson.
"Kamusta ka? Wala bang masakit sa'yo?"
"Wala," tipid kong sagot.
Namayani ang katahimikan.
Gusto kong magtanong kung ano na ang nangyayari sa school. Kung ano ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay. Kung ayos na ba si Morgan at ang iba. Madami akong gustong tanungin pero may pumipigil sa akin na gawin iyon.
Mapait akong napangiti. He didn't come. Bakit? Dahil ganito na ang itsura ko? Na nagmumukha na akong matandang malnourished? Dahil hindi na ako maganda? Na buto-buto na ako? Na kulang na lang ng sabaw at gulay para maging bulalo?
Habang nakatingin ako kanina sa salamin ay nakagawa na ako ng desisyon.
I will stay in this rotting house for good. Mananatili ako dito hanggang sa mabulok ako kasama ng bahay na ito. Ayaw kong lumabas para lang may pagtawanan sila.
The society doesn't need a defective piece anyway.
"Magkakilala pala kayo ng bagong security head," ani Hazel.
Crap. Nakalimutan kong nandito pala si Zeke sa school at paniguradong nagrereport siya kay Kuya.
"Ilang araw na ako dito?" tanong ko.
"Almost a week."
Shit. Sinapo ko ang kulubot kong noo dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Alam ba niya ang nangyari sa akin?"
"Oo. Pumunta siya sa bahay at hinahanap ka. I make excuses about your absence but I didn't know that he is a sharp fella," wika ni Hazel.
"Tapos?"
"Ayun. Tinawagan niya si Kuya Lander at ipinakiusap sa akin. I can't lie to him kaya sinabi ko lahat ng nangyari."
"Oh. Meron pala kayong komunikasyon ng kapatid ko."
"W-Well.." Umilap ang kanyang mga mata at nag-iwas ng tingin.
Todo tanggi siya noon pero kilala pala niya ang kapatid ko. Kuya Lander pa ang tawag. Tss. Hinayaan ko na lang.
Malakas na nagkalampagan ang mga kaldero't kaserola sa kusina na sinundan agad ng katahimikan.
Tumayo na si Hazel. "Una na kami. Dumaan lang kami dito upang ibigay ang mga ito," turo niya sa mga kahon na naglalaman ng mga groceries at iba pa.
"Aalis na kayo?" tanong ni Wrinky na bahagyang sumilip sa pintuan ng kusina.
"Opo. May klase pa po kasi kami," magalang na wika ni Hazel.
"Ganun ba? Sige mag-ingat kayo," aniya saka bumalik sa kung ano ang ginagawa.
"Mauna na kami Sabrina. Magpalakas ka." Paalam ni James na tinanguan ko lang.
"Hihintayin namin ang pagbabalik mo Sabrina," ani Hazel saka lumabas sa pintuan. Kumaway muna si Jameson bago umalis.
Naiwan akong mag-isa dito sa tahimik na sala.
Naglakad ako at dumungaw sa bintana. Basang-basa ang lupa dahil sa patuloy na pag-ulan. I love it when it's raining. It's a good therapy for my inner self.
Sa napansin ko at akto nila ay mukhang sila ang nagdala sa akin dito. Hindi ko lang alam kung paano dahil hindi ganun kadaling makalabas ng paaralan.
Pilit kong binura ang nararamdamang tampo sa hindi pagbisita ni Sage. Malamang na busy siya ngayon sa pag-aasikaso sa kanyang kapatid. I shouldn't feel jealous over his sister.
"Hindi ka nag-iingat. Look at yourself," ani Wrinky pagkalabas niya ng kusina na may hawak na garapon na kinukulog.
"Mind your own business," bastos na wika ng bibig ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay naghanda siya ng makakain.
"Kailangan mong kumain ng marami. Kakailanganin mo ito para mamaya," aniya sa makahulugang boses.
Kaagad kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang amoy ng pagkain. Maingat ang mga hakbang kong pumunta sa mesa.
Dito na niya sa sala dinala ang mga pagkain. Naghugas ako ng kamay nang wala akong makitang kutsara na dala niya. Sa sahig kami umupo dahil mababa lang ang mesa.
"Ano ito?" turo ko sa matigas at itim na pagkain na parang dinuguan.
Hindi ako mapili sa pagkain. Kakainin ko lahat pero hindi ibig sabihin ay kakain ako ng pagkaing banyaga at ngayon ko lang nakita.
"That's a rat."
"Rat?" ulit ko.
"Oo. Daga."
Nakakain ba ang daga? Hindi na lang ako nagkomento at naglagay ng pagkain sa plato. Okay na ako dito sa kamatis at pritong galunggong.
"Ayaw mo?" tanong niya sa akin habang sarap na sarap sa pagngatngat sa karne ng daga.
"I'll pass."
We're talking here about nasty rats. They're not edible. Ayokong magkadiarrhea.
"Ang arte nito. Hindi naman ito daga diyan sa mga lansangan. Dalagang bukid ito."
"Dalagang bukid is a fish," irap ko.
"Dagang bukid ito. Kumakain lang sila ng mga tanim kaya malinis ito. Common sense naman diyan. Alangan namang kakain ako ng maruming daga."
"Okay," wika ko habang sinasawsaw ang isda sa kamatis.
"Come on. Try it. Masarap ito," pagpupumilit niya sabay abot ng isang piraso ng karne.
Tss. Ang kulit din ng kulubot na ito.
Pinagbigyan ko na para magtigil siya.
"Masarap?" excited niyang tanong na parang bata.
"Hmmm. Not bad," tugon ko. Lasang manok ito pero meron lang katigasan.
"Hindi mo ba alam ang magpalambot ng karne?" tanong ko kahit na puno pa ang bibig ko.
Ginamay-gamay ko ang isda at hinalo sa kamatis.
Sino ba kasi ang nag-imbento ng table manners? You're just restricting yourself from eating delicious foods.
"Alam ko, malamang. Akala ko kasi ay dito kakain sina Haze kaya minadali ko ang pagluluto," sagot niya na puno rin ang bibig.
Ang malaking kaldero na nasa mesa ay halos makalahati na namin ang laman.
"Ikaw ang kumuha nito?" tukoy ko sa daga.
Tumango siya. "Marami ngayong nagsilabasan dahil umuulan."
Tumango rin ako habang nagpaparamihan kami ng makakain.
Who would have thought that I'll be eating in this muddy place? In this little house with some unknown and mysterious woman?
Life is really unpredictable.
I must admit that I'm enjoying this cheap meal with her.
I can see the happiness in her eyes. May kumurot sa dibdib ko sa kaisipang ngayon lang ulit siya may nakasalo sa pagkain kaya sobrang saya niya.
Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkain.
Let's enjoy the delicious meal while the rain was still pouring.