Chapter 45 In Pain

"Pwede ba tayong mag-usap?" wika ni Clark nang makasalubong ko siya kinabukasan dito sa school.

Nag-alangan ako noong una pero nang makita ko ang mukha niyang nahihirapan ay pumayag na ako.

Susubukan ko sanang hanapin si Sage pero ipagpapaliban ko muna.

Tsaka nandito na sa harap ko si Clark. Maybe this is the right time to settle the the things between us.

We ended up on the gym's rooftops. I only have 10 minutes break before my next class at kung matatagalan man ang aming pag-uusap ay hindi ako manghihinayang na hindi pumasok.

Hindi na siya tulad ng dati. Wala na ang masiyahin na Clark na nakilala ko noon.

His face is gloomy like he's in a state of misery.

Walang naglakas loob sa aming magsalita. Nakatanaw lang kami parehas sa malayo.

Humugot ng malalim na hininga si Clark.

I glanced at him.

"I know that this is too late but I can't keep it anymore. Ang bigat na ng dibdib ko. I need to vent this out bago pa ako mabaliw," kapos ang hiningang wika niya.

Nagpatuloy siya. "Hindi ko alam kung kanino ako dapat magalit at kung sino ba ang dapat kong sisihin sa pagkamatay ni Soul."

Soul...

Humigpit ang hawak ko sa railings pagkabanggit niya sa pangalang iyon. So this is all about her all along. Nagdadalamhati pa rin siya hanggang ngayon dahil sa pagkawala niya.

"Soul is my friend, para ko na siyang kapatid. Ako ang takbuhan niya kapag may problema siya, mapabahay man o dito sa school. She's fragile and weak, a reason why she is always taken advantage."

Tahimik lang akong nakikinig dahil mukhang marami siyang gustong sabihin.

Ngayon naintindihan ko na ang mga inaakto noon ni Clark sa pagkamatay ni Soul. Masakit para sa akin na wala man lang akong nagawa noon kaya kung anu-ano ang mga sinabi at mga ibinintang ko sa kanila without thinking their own feelings lalo na kay Clark na mas malapit  kay Soul. I provoked him kaya heto ang kinalabasan.

Hndi ko siya masisisi kung ako man ang sisihin niya sa pagkamatay ni Soul. Sino pa bang iba eh ako naman talaga ang rason.

Soul's been energetic and happy na unti-unting nawala mula nang pumasok ako sa paaralang ito. I didn't even consider her as friend, she's just a plain housemate. Pero nang dahil sa akin ay nagkandamalas-malas na ang buhay niya. Sa galit at selos ni Agatha sa akin ay si Soul ang ginamit niya na sanhi ng pagkamatay niya.

Ayaw ko na sanang ungkatin pa ang bagay na ito dahil lumipas na pero kailangan kong bumalik, para sa closure namin ni Clark.

Silang dalawa ni Soul ang una kong nakilala dito at mahirap tanggapin na ganito ang nangyari sa kanila, dahil sa akin.

"Sa totoo lang, gusto kitang sisihin sa pagkamatay niya pero naisip ko na wala akong karapatang gawin iyon dahil ako nga mismo wala ring nagawa." Bahagya humina ang boses niya sa kanyang huling sinabi.

Sadness and regret was written all over Clark's face.

Tumingin ako sa ibaba kung saan naroon ang mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa. Merong mga nagtatawanan, merong mabilis ang lakad na parang may hinahabol, may kunot ang noo habang nagbabasa sa hawak na kung ano, may nangungulangot at wala sa sariling ipinapahid sa puno, meron ding tulala.

Everyone has their own life. Hindi natin sila kilala at hindi natin alam kung ano ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay. Kaya ako, kung maaari ay ayaw kong makialam dahil imbes na makatulong ay baka lalo lang akong makagulo.

"You can blame me. I'm fine with that," wika ko nang hindi tumitingin sa kanya. "I am fully aware that I am the root of all her sufferings, at hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad sa kanya."

"Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan sa nangyari sa kanya. Natanggap ko na ang nangyari pero mahirap lang talagang makalimot."

Mahirap talaga. Lalo na kapag importante sa uyo yung taong nawala.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nasabi ko noon sainyo, sa iyo," umpisa ko. I hope that it's not too late to mend our broken relationship.

Marahan na tumawa si Clark. "Ako dapat ang humingi ng tawad sa mga inasal ko. I can't think of any way to let this out kaya ganung laging mainit ang ulo ko."

Hinarap ko siya. Nakikita kong unti-unti nang nawawala ang dumadagan sa dibdib niya.

"We can't bring back the past. We can't bring her back. Kahit nalimutan na siya ng buong mundo, ang mahalaga ay nandito pa tayo na nakakaalala sa kanya. Her memories will reside and remain in our hearts."

"Y-Yeah," aniya at pasimpleng pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata.

"Can we start over again?" tanong ko sa kanya. "Can you be my friend, Clark Manuel?" nakangiti kong wika habang inilalahad ang aking kamay.

Saglit na tumingin si Clark sa kamay ko.

I thought that he'll reject it but I was shocked when he hug me, tight.

"T-Thank you," aniya sa garalgal n boses.

Saglit akong natigilan kapagkuwa'y gumanti rin ng yakap.

My vision became blurry. This feeling. It felt so good. Ang mga kinikimkim naming sama ng loob ay tuluyan nang nawala. The guilt finally fades. Para kaming nakalaya sa mga rehas na kami mismo ang gumawa.

"H-Hindi mo pa ako sinasagot," biro ko upang hindi kami tuluyang maiyak dito.

Nangingiting kumalas siya. "Ligawan mo muna ako. Binatang Pilipino kaya ako," biro naman niya na siyang nagpatawa sa aming dalawa.

I'm glad that he's finally back.

"Mango float tayo," yaya ni Alex sa akin matapos ang panghuli naming klase sa hapon.

Kami lang dalawa dahil nauna na raw umuwi sina Lucy at Angel.

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung may text ba o tawag galing kay Sage pero katulad ng dati ay wala.

Alam naman siguro niya na nandito na ako sa school pero hindi man lang magawang magparamdam.

"We don't have time to talk earlier kaya tatanungin na kita ngayon. Totoo ba?"

"Totoo ang ano?"

Naglalakad lang kami dahil nandoon sa may border ang nagtitinda ng mango float.

"Na wala na kayo ni Sage?"

Marahas akong bumaling kay Alex. "A-Anong sabi mo?"

"Totoo bang hiwalay na kayo ni Sage?" ulit niyang nakatingin sa akin.

"H-Hindi," utal kong sagot. "K-Kanino mo iyan narinig?"

Nangunot ang noo niya at medyo nag-alangan pang magsalita. "Sage broadcasted it to the whole school."

A-Ano raw?

"Sab?" untag sa akin ni Alex pero parang nabingi na lang ako. Ang tangi kong naririnig ay ang kakaibang tibok ng aking puso.

"Oooppss."

Nagising ako nang may bumangga sa balikat ko.

Tiningnan ko ang damit kong basa na ngayon.

"Oh! It's you!" nang-iinsultong wika ng babaeng bumangga sa akin.

Anger rose up on my chest when I see her damnable face in broad daylight.

"Agatha."

Tumawa siya. She's blooming. Para ring bumata ng ilang taon ang mukha niya.

"What happened to you? Nalosyang na?" nanunuya niyang tanong at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Mukha kang lola. No wonder kaya ka iniwan. Marami akong kojic, baka gusto mo ng isa?"

Nagtawanan ang mga estudyante sa sinabi niya.

Uminit ang ulo ko sa mga panlalait niya sa akin. Sariwa pa sa akin ang mga pinag-usapan namin ni Clark. Isang maling salita pa niya at dadanak ang dugo niya dito sa semento. Wala akong pakialam kung ilan ang buhay meron siya pero isa lang ang masisiguro ko, ilang beses man siyang bumangon, nakahanda ako hanggang sa mailagay siya sa kanyang kabaong.

"Here," aniya at pinunasan ang damit ko gamit ang kanyang panyo.

Nagulat siya nang malakas kong tinabig ang kamay niya. "Go to hell," mura ko.

"What is happening here?" Mula sa kumpol ng mga estudyante ay lumabas ang lalaking hindi mawaglit-waglit sa aking isipan.

"Sage.." mahina kong usal na halos ako lang ang nakarinig.

Ang taong laging laman ng aking isip ay nandito na sa harapan ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto ko ring malaman kung ano ang nangyari sa kaliwang mata niya. He's wearing an eye patch.

Ang balak kong paghakbang palapit ay natigil nang parang ahas na pumulupot si Agatha sa kanya.

Nalito ako. Why are they together?

"She's hurting me!" Agatha cried while pointing at me.

"What did you do to her, Suarez?"

I stepped back when I heard his distant voice. S-Suarez? He called me Suarez? Why use my surname?

"W-Wala." Sumagot pa rin ako kahit nalilito.

"Then why is she crying?"

Sa sulok ng mga mata ko ay nakikita ko ang nakangising mukha ni Agatha.

"Halika na Sabrina," untag sa akin ni Alex.

"A-Anong ibig sabihin nito Sage? Why are you with her?" lakas loob kong tanong sa kabila ng lamig na pinapakita niya sa akin.

Heck! Kailangan niyang magpaliwanag! Hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya tapos ganito? Ako ang biglang na-out of place sa aming tatlo? Anong kalokohan ito?

Imbes na magsalita ay linagpasan lang niya ako na parang hangin kasama ang tuwang-tuwang si Agatha.

Shuta. Ang sakit nun.

Pinigilan ko ang kamay niya. "Please.. Magsalita ka naman." Pumiyok pa ang boses ko na tinawanan ng mga nanunuod.

I don't care if they are laughing at me. I don't care if I'm acting desperate. What I care about right now is his words, his explanation and his confirmation that we're still on.

Binawi ni Sage ang kanyang kamay at bumaling sa akin.

His eyes.. I've never seen it this cold. Ngayon lang, habang nakatitig sa akin.

"We're done. And I don't need to explain myself to you Suarez."

Lumakad siya palayo habang ako ay naiwan ditong tulala, durog ang puso at gumuguho ang mundo.

Hinatid ako ni Alex hanggang dito sa pintuan ng aming Villa.

"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mong samahan ka namin nina Lucy?" nag-aalalang tanong niya.

Pinilit kong ngumiti. "I'm fine. Kilala ko si Sage. M-Maaayos din namin ito," wika ko sa pinasiglang boses.

Kita ko sa mukha ni Alex na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"P-Pasok na ako. Pakikumusta na lang ako kina bakla."

Marahan lang na tumango si Alex na hindi matanggal-tanggal ang tingin sa akin.

I gave her a reassuring smile before closing the door.

Sinalubong ako ng katahimikan. Wala si Hazel at tulog si Emma. Gusto ko ng tahimik na kapaligiran pero ngayon ay gusto kong makarinig ng ingay.

Tahimik akong umakyat sa aking kwarto.

Pinunit ko ang damit na binasa ni Agatha kanina at itinapon sa basurahan bago sumubsob sa aking kama.

Kaya pala ganun ang tingin ng mga estudyanteng aking madadaanan. Ilang araw lang akong nawala ay pinalitan na niya agad ako? At sa babaeng iyon pa. Bakit? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Nagkulang ba ako? Saang banda? Eh ibinigay ko naman lahat sa kanya ah.

Tangina sobrang sakit. Nakakamanhid.

Ilang oras din akong nakahilata at tulala. Sinapo ko ang kanang diddib ko nang maramdaman kong sumakit na naman ito.

Napapadalas na ito. I might visit a doctor tomorrow. Baka meron na akong breast cancer.

Tumayo ako at wala sa sariling tumapat sa shower. Pagkatapos kong mairaos ang pagligo ay pumunta ako sa aking closet at nagkalkal ng damit.

Napangiti ako ng matamis nang makita ang damit na aking hinahanap.

I dressed up and put my red lipstick on.

I won't give them the satisfaction that they want. They want me to see sulking and broken?

Nah. It ain't the end of the world but I'm gonna party like it is.

Sunod-sunod na pagkatok ang ginawa ko sa kwarto ni Emma.

"Wake up sleepy head!"

Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Emma na bagong ligo.

Nakamulagat niyang iginala ang mga mata sa akin. "I know that you're hot, but damn girl, you're smoking hot!"

Inirapan ko siya. Daming sinasabi. "Akala ko ba ay lalabas tayo?"

"Like I'd forget that?" tawa niya. "Hintayin mo na lang ako sa baba. Magbibihis lang ako."

"Bilisan mo."

"Oo. Mabilis lang ito."

Naghintay ako sa sala habang inaayos ang aking damit.

I'm wearing a mini tube dress that match up with my killer heels. Kitang-kita ang cleavage ko at lantad rin ang mahahaba kong binti.

Kung hindi lang sa husay kong magdala ay magmumukha akong pokpok nito, but hey, I look classy.

"Let's goooo!" excited na wika ni Emma habang pababa ng hagdan. Mabilis nga.

I smirked upon seeing her. Of course, Emma will never be left behind.

Tumayo ako. "Let's go."

And with that, we are ready to invade the Club Z.

Lahat ng aming madaanan ay namamagnet ang mga mata sa amin. May iba pang sumusunod sa aming likuran.

Napakaaktibo ng level 5 kapag ganitong gabi. Ilaw dito, ilaw doon.

Club Z. Ang lugar na laging dinudumog ng mga estudyante. Marami rin namang mga club at bar dito sa level 5 pero ito ang pinakasikat. Maaga pa lang ay halos punuan na dito sa loob. Ito ang unang beses kong dumaan dito sa main entrance. Wala kasi kaming kasamang bigatin kaya hindi kami pwede sa VIP entrance. Medyo hassle dahil pinipili lang nila ang pwedeng papasok. Maximum of 200 lang ang pwede.

"Hard drinks agad? Hindi ka naman siguro nagpapakalasing 'no? Ang aga pa kaya," ani Emma.

"Huwag mo akong pansinin. Magpakasaya ka lang diyan," bale wala kong wika habang lumalagok.

"Doon na ba sa hospital titira si Hazel? Hindi man lang magawang umuwi!" palatak niya.

"Siguro."

Inutusan pa ako ng bruha na magdala ng mga damit na gagamitin niya. I think she will stay there until Bartender Morgan will recover.

Matamis na ngumiti sa akin ang cute na bartender. I miss Morgan doing my drinks.

"What's your name cutie?" tanong ko sa bartender. He's still young. Maybe a freshman student.

Namumula ang pisnging nagsalita ito. "My name's Chrollo. Y-You're Ms. Sabrina, right?"

Tumango ako. Kinagat ko pa ang labi at bahagyang yumuko. Napailing na lang ako nang muntikan na nitong mabitawan ang boteng hawak.

Siniko ako ni Emma. "Hey, don't flirt with the kid!" natatawang suway niya.

The slow music changed when the new DJ takes over.

Booming sounds filled my ears. Namatay din ang ilaw at pinalitan ng mga makukulay na ilaw na umiikot.

Naghiyawan ang mga tao. Bumaha ang mga inumin at sigarilyo. The party has started.

"Let's dance!" yaya ni Emma sabay hila sa akin.

Dala ang inumin ay pumunta kami sa dance floor na punuan ng tao.

Natatawa na lang ako nang isayaw-sayaw ako ni Emma.

"Shake your booty, baby!" tawa niyang walang hiyang gumigiling-giling.

Pinagtitinginan tuloy nila kami. Ako talaga ang nahihiya sa mga pinaggagagawa ni Emma.

Wala pa akong tama kaya maayos pa ang pagsayaw ko. Tinutungga ko ang laman ng baso nang may naramdaman akong humaplos sa bewang ko. I stiffened when I smelled Sage's familiar scent. My heart jumped painfully. Lumingon ako pero ibang tao ang nakita ko.

Strong jaw and soft wavy hair. Intently looking at me was the famous varsity soccer player, Turner McKinley.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko. What is he doing? I still remembered how he attacked me and how he defended Agatha before.

Kung normal lang ako na babae ay malamang na naglulupasay na ako dito sa kilig.

Inayos ko ang aking damit nang tumingin siya sa bandang dibdib ko.

"What do you want?" malamig kong tanong.

Is he taking night class? He's wearing a crumpled uniform. Tinamad sigurong magplantsa. But nonetheless, it only make him more appealing. I'm not admiring him or what, that's just my honest opinion.

"Aren't you afraid to catch cold?" aniya habang nakatingin sa damit ko.

"No," tipid kong sagot bago nagmartsa paalis ng dance floor. Hindi ko na inabalang hanapin si Emma na basta na lang naglaho sa kumpol ng mga tao.

Nakita kong sumunod siya sa akin. I winced. Imbes na bumalik ako sa aking upuan ay dumiretso ako sa CR.

Huminga ako ng malalim saka humarap sa salamin. Hindi pa ako lasing pero pulang-pula na ang mukha ko.

"Ahhh."

Napalingon ako sa katabing cubicle nang makarinig ako ng impit na ungol.

Tahimik akong nakatingin sa pintuan habang nag-aabang sa susunod na ingay.

Wala akong ibang maririnig na tunog kundi mga mumunting ungol lang. If she has a partner, I should also hear grunts and growls, wet kisses and hot touches.

Nagtatakang sumilip ako sa ibaba.

There, on the floor, I found a pair of stiletto boots.

Tss. Tinadyakan ko ang pintuan pabukas.

Nakita ko ang babaeng nakaupo sa bowl at nakapikit na umuungol. Magulo ang mahaba nitong buhok at ang damit nito ay nakalihis. Nalasing siguro at nakatulog.

Hinanda ko ang kamay at binigyan ito ng malakas na sampal sa pisngi.

Muntik na itong matumba. Malakas itong suminghap sabay tingin sa akin.

"How was your dream?" tanong ko.

Confused, she answered, "I-It was great?"

Napaface palm na lang ako sa sagot nito.

"N-No. I mean.." anito habang inaayos ang sarili.

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at lumabas na sa CR. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na ang lalaking sumusunod sa akin.

"May I take this moment to acknowledge their arrival," agaw ng DJ habang tumitikhim.

Huminto ako sa paglalakad nang tumigil ang tugtugin.

May sumandig sa aking katawan. "Arrgh. I'm dizzy," anang babae kanina sa CR. Nakapikit ang mga mata nito at sapo ang noo.

"Naghiwalay man sila pero hindi naman nila kayang kalimutan ang isat-isa dahil sila talaga ang tinadhana," patuloy ng DJ.

Namasa ang mga kamay ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kung ano man ang sasabihin nito.

"Alam kong na-miss ninyo sila kaya huwag na nating patagalin pa! Let's welcome, our King and Queen!"

Naitulos ako sa aking kinatatayuan nang sabay na pumasok sina Agatha at Sage. Naghiyawan ang mga estudyante pagkakita sa kanila.

"That's it! Agatha is the perfect pair for Sage!"

"I've seen that Sabrina earlier. She looks like a slut with her dress! Geez!"

"I can't wait to see her face while our King and Queen fired up the stage!"

Nagtawanan ang mga ito.

This is a bad timing. I came here to forget and have fun. Sinusundan ba nila ako para ipamukhang talunan ako?

I clutched my chest. Should I leave?

"Ready to flee?" untag ng babaeng nakasandal sa akin.

"You know what.." anito at pinilit na tumayo ng tuwid. "Have some confidence! Magpapatalo ka na lang ba sa makating iyan?" wika niya sabay turo kay Agatha na naglalakad.

"Look at her face! She's starving for sex! That is what you called slut! A high class bitch!"

"Magpapatalo ka?" hamon niya.

Tumingin ako kina Sage at Agatha.

No. I'll stay.