Chapter 40 Mission
"Get out!" singhal sa amin ni Sage.
Matapos makabawi ay nagmamadaling lumabas sina Lucy na halos magtulakan. Nakalimutan pa ni Angel ang bag kaya mula sa labas ay maliksi niyang inabot ang bag saka kumaripas ng takbo papalayo.
Napalunok muna ako ng laway bago tumingin sa labas. Nasa school na pala kami.
"I-Ingat ka," wika ko kay Sage saka binuksan ang pintuan. Pahamak talaga ang baklang iyon. Maganda ba kasing sabihin yun sa harap ni Sage?
"Where's my kiss?"
"K-Kiss?"
"Yes. Give me a kiss," aniya saka itinuro ang kanyang pisngi.
"O-Okay."
Dumukwang ako palapit sa kanya. I gently hold his jaw and slowly move closer to kiss his cheeks.
Nakatitig lang siya sa akin kaya medyo nailang ako. What's with this embarrassment? It's just a kiss. We did a lot of things more intense than kissing.
Ako na lang ang pumikit. I felt his soft skin against my lips.
There it is, his addicting scent.
Bago pa ako mabaliw ay naglagay na ako ng distansya sa pagitan namin.
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan. "Take care. Tawagan mo ako kapag magkaproblema."
"Sige. Ikaw, saan ka pupunta?"
"Just need to arrange something," maikli niyang sagot. He's preparing for tonight.
"Don't push yourself too much. You should sleep," nag-aalala kong wika. Ilang oras ba siya natutulog sa isang araw? Hindi ko nga siya masyadong tinatawagan o kinukulit dahil nag-aalala akong baka magising ko siya.
"I'm sleeping. Don't think about me."
Nagpaalam na ako dahil ayaw kong magalit na naman siya sa akin. Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng ilang estudyante. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang ilang mga bulongan.
I turned around when I heard the word 'slut' and 'two timer'.
Galing iyon sa babaeng nakapig tail ang buhok at nakataas ang kilay sa akin.
"What did you say?" malamig kong tanong.
"You are a slut," matatag niyang wika.
Biglang kumulo ang dugo ko nang inulit nga niya.
Tinaas baba niya ang tingin sa akin. "You are indeed beautiful, and you know how to use it."
"Tinanggap namin ang desisyon ni Dalton. We accepted you as his girlfriend because we respect him! May narinig ka bang reklamo galing sa amin? Wala! Hindi kami nagsalita! But the hell girl! Nagawa mong kaliwain si Dalton!" nagagalit niyang sigaw.
"What do you mean?" kalmado kong tanong sa gitna ng galit niya.
"Playing dumb?" natatawa niyang turan.
Kumuyom ang kamao ko. Nakakarami na siya pero nagtitimpi lang ako.
"Our king is beyond perfect! Most of the girls in the campus admired him! And you, his girlfriend, caught dating with another man is a big insult to us!"
"I'm not dating Zeke Beider," wika ko nang marealize kung ano ang sinasabi niya. Peste. Ang bilis kumalat ng balita, mali-mali naman.
Natigil sa akmang pagsasalita ang babaeng kaharap ko nang may tumama sa unipormeng suot ko. Nang tingnan ko ito ay nagkalat ang itlog sa harapan ng uniform ko. May isa pang tumama sa ulo ko at nabasa ang buhok ko.
Nagtawanan ang grupo ng mga kababaihan na bumato sa akin. Sa paanan nila ay ang isang tray ng itlog. Mukhang inabangan talaga nila ako.
"Hahaha! Iyan ang bagay sa iyo! Malansa! Malandi ka kasi! Gusto dala-dalawa!"
Nagtawanan ang lahat ng mga nanunuod.
Kaya ko namang makipag-usap ng mahinahon. Gusto nila ng away huh? Pwes pagbibigyan ko sila.
Sa malalaking hakbang at sa maingay na takong ng sapatos na suot ay nilapitan ko sila.
"Batuhin niyo!" sigaw ng pinakaleader nila. Nagsipulutan ang mga uto-uto niyang alipores at ibinato sa akin ang hawak na mga itlog. Madali ko lang na naiwasan ang nga iyon at bago pa sila makakuha ulit ay nasa harapan na nila ako.
Let me join the fun too.
Kumuha ako ng isang itlog at malakas na hinampas sa mukha ng babaeng dada nang dada kanina.
"My face!" maarteng tili niya. Mahigpit kong hinawakan ang buhok niya upang hindi siya makawala.
Pinanlisikan ko ng mata ang mga kaibigan niya nang akma silang tutulong. Napaatras sila at ang tanging nagawa ay panuorin kung paano ko pagtripan ang kaibigan nila.
"What happened to the fun that you're having earlier?" nakangisi kong wika sa kanya.
"You're a bitch!"
"Oh?" ani ko na natatawa. Pumulot pa ako ng isa saka malakas na hinampas ang itlog sa noo niya. Kinalat ko sa mukha niya ang itlog. Pumalag siya pero hindi ko pinakawalan.
"Come on, let's try to enjoy this," nadedemonyo kong tawa.
Kulay dilaw na ang mukha niyang pumuputok kanina ng make-up. Nagmumukha na siyang itlog. Tumawa ako.
Tinigilan ko lang siya nang makita kong tumutulo na ang sipon niya. "Ewww. Kadiri ka," nakangiwi kong wika. Ginawa kong pamunas ng kamay ang damit niya.
"Be careful who you bully," wika ko bago nakangising naglakad paalis.
The girl became a laughingstock. Kung kanina ay ako ang pinagtatawanan nila, ngayon ay nakikitawa na sila sa akin.
Mga tao talaga. Kumakampi lang sa kung sino ang alam nilang lamang. Tss. Tss.
Bago ako langawin ay pumara na ako ng cab at umuwi. I didn't attend my class. Alangan namang papasok akong amoy itlog.
Nadatnan ko si Hazel na natutulog sa sofa. Dahil inis pa rin ako ngayon ay kinuha ko ang unan sa tabi niya at itinakip sa mukha niya.
"Hmmp! Hmmp!" aniyang pilit na inaabot ako.
Umigkas ang paa niya at sinipa ako. Medyo napaatras ako kaya mabilis siyang bumangon na nanlalaki ang mga mata at ilong.
"Gago ka! Papatayin mo ba ako?!" singhal niya sa akin na habol ang hininga.
"Hindi ako pumapatay ng kabayo."
"Sinong kabayo?!" gigil niyang tanong.
"Ikaw. Alangan namang ako," ismid ko.
Hahampasin na sana niya ako ng unan nang magsalita ako. "Huwag kang masyadong high blood pinsan," ngisi ko.
Gaya ng dati ay mukha siyang matatae. Tss. Akala niya siguro ay hindi ko malalaman.
"We're not cousins," kaila niya.
"Deny pa more," wika ko at naglakad papuntang hagdan.
"Where did you get that idea?" habol niya.
"Sa kapatid mo."
She snorted. "And you believe her? You know she's crazy."
"It's not Agatha. It's Van. Hazel Van."
KATATAPOS ko lang maligo at kanina pa katok nang katok si Hazel sa kwarto ko. Hindi ko siya pinagbuksan. Bahala siya. Kung gusto niyang pumasok at kausapin ako ay pwede naman niyang buksan ang pintuan dahil hindi iyon nakalock.
Bakit hindi na lang kasi niya sabihin ang lahat-lahat nang matapos na.
Tumingin ako sa pintuan nang tumigil na siya sa kakakatok.
Mapride talaga ang babaeng iyon.
Abala ako sa pagpupunas ng buhok nang may kumatok ulit. This time ay malumanay lang.
"My lady," anang boses.
Zeke? Ang sabi niya ay tatawag siya! Baka magsumbong na naman si Hazel nito!
Agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang busangot na mukha ni Zeke. Lalong gumulo ang magulo niyang buhok. Namumula rin ang ilang parte ng leeg niya.
"Are you friends with a gay named Luciano?" salubong niya.
"Lucy? Oo bakit?" nagtataka kong tanong.
"I've made some rounds on level 2. He harassed me. And the girl with him is like a dog, she wants to bite me," pagsusumbong niya.
Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas sa sinabi niya. Gosh! Ginawa talaga nila iyon kay Zeke?
"Pagsabihan mo nga sila sa susunod," aniya nang maisara ang pintuan.
"You don't like it?" natatawa kong tanong.
"No."
"We're even then. Thanks to you, I've got bullied," wika ko nang maalala ang nangyari sa akin kanina.
"Bullied? You?" hindi naniniwalang tanong niya.
"Oo. So, what brings you here?" tanong ko habang pinagpatuloy ang pagpupunas ng buhok.
"Does Lander know that you have a boyfriend?"
Saglit akong natigilan sa tanong niya.
"You should tell him," aniya saka umupo sa aking study table at binuksan ang laptop ko.
"He doesn't need to know," wika ko.
"He needs to know. He is your brother and you are his only sister. He is worried about you kaya pinadala niya ako dito," pag-aamin niya.
"Sasabihin ko naman sa kanya. And I can take care of myself. Sana hindi ka na lang niya inabala."
"Because you're taking too long to complete your mission." Humarap siya sa akin. "Lander can't hold back your father anymore. He wants to pass on your family's legacy to him and in order to do that, he will be needing his eyes."
"It'll be a matter of time bago niya malaman na wala na sa inyo ang mga mata niya. He will go berserk and you know what he can do," dagdag pa niya.
"Bakit hindi sinabi sa akin ni Kuya ito?"
"Kailangan pa ba niyang sabihin? Alam mo kung ano ang dapat mong gawin. He entrusted you this mission and you are supposed to fulfill that."
Shit. Hinilamos ko ang mga palad sa aking mukha. Ano ba kasing pinaggagagawa ko?
"Do you have any leads?" tanong niya habang nagscroscroll sa Facebook account ko.
"W-Wala pa."
Hindi nagsalita si Zeke. Tahimik lang siya na nagbabasa ng mga conversations namin nina Lucy.
"Leave the mission to me," aniya maya-maya.
Marahas akong bumaling sa kanya. "Tatapusin ko ang nasimulan ko."
"May nasimulan ka ba?" bara niya na siyang ikinainis ko. This is what I hate about him. Sinasabi niya lahat ng gusto niyang sabihin masakit man o hindi. He didn't intend to offend me, he's just blunt.
"Do what you want to do Zeke and I'll be doing my part."
Nababanas akong lumabas ng kwarto at iniwan siyang mag-isa sa loob.
Nakakainis din minsan ang taong iyon. Hindi pwede ang sinasabi niya. Kung gusto niyang tumulong ay tumulong siya pero sisiguraduhin kong ako ang tatapos ng misyon.
11:28 PM
"WHAT did you say?!" malakulog na sigaw ni Sage.
Nandito kami ngayon sa meeting place nila, ang falls. Base sa narinig ko noon ay dito sila dadaan papunta sa lugar na pupuntahan nila.
"Sasama ako."
Nauna akong dumating sa kanila ng isang oras at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ni Sage nang makita akong naghihintay sa kanila.
Kumpleto silang lahat. Sa kabila ng away na nangyari sa pagitan nila Clark at Sage ay nagawa pa ring sumama ni Clark. Pero halata ang pagiging mailap niya.
"And who gave you the permission?!" malakas niyang sigaw sa mukha ko.
"Wala."
"Then you're not coming!"
"I just want to help you!" giit ko.
"I don't need your help!"
Naumid ang dila ko. Kanina pa ako nahihiya sa mga kaibigan niya dahil sinisigawan niya ako sa harap nila pero taena, ang sakit ng sinabi niya. Para bang sinasabi niyang wala akong silbi. Kahit hindi ako manalamin ay ramdam kong bumalatay ang sakit sa mukha ko.
"Shit. That's not what I meant," ani Sage nang marealize kung ano ang sinabi niya.
Binitawan niya ang hawak na bag. "Who told you about this in the first place?" tanong niya sa mahinahon ng boses pero mahahalatang tinitimpi lang niya ang galit.
Nang hindi ako nagsalita ay matalim niyang tiningnan si Hazel na tahimik lang na nakamasid sa amin.
"Ako na naman?!" depensa ni Hazel sa sarili.
"Alangan namang ako?" singit ni Kyle. "Eh maghousemate kayo."
"May sinabi ba akong ikaw?" sikmat ni Hazel.
Huminga ng malalim si Sage saka hinawakan ang magkabila kong balikat. "We can do this. Just save your energy."
"But I want to help you," giit ko pa rin.
"Bakit ba ang kulit mo?!" Hindi na niya napigilang sumigaw.
"Eh bakit ba ayaw mo?!"
"Delikado ang gagawin namin at ayaw kong mapahamak ka!"
"Kaya nga gusto kong tumulong!" hindi nagpapatalong wika ko.
"Okay fine! Have it your way!" aniya saka nagpupuyos sa inis na tinalikuran ako.
Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti kina Jameson na alanganin ding nakangiti sa akin.
Binuksan ni Sage ang bag at inilabas ang mga laman nun.
Flashlights. Small oxygen tanks. Big gold plate. Bombs and tranquilizing drugs.
"Get your things," wika ni Sage sa mga kasama.
Nagsipagkuha sila ng tig-iisang flashlights at oxygen. Nag-agawan pa sina Jameson at Bartender Morgan sa flashlight eh pare-pareho lang naman.
Binalingan ako ni Sage. "Here. Use these," abot niya sa mga gamit na dapat ay sa kanya.
"Thanks but I already have mine." Nginitian ko siya.
Sage narrowed his eyes. "That's great. You've come prepared," sarcastic niyang wika.
"Girl scout yan eh," tawa ni Hazel na nakasalampak habang sinusubukan ang oxygen.
Imbes na pansinin si Hazel ay lumapit ako kay Sage at tiningnan ang kanyang ginagawa.
"Para saan iyan?" nagtataka kong tanong.
He's attaching the bombs and drugs on the other side of the plate. One look and I knew that the plate was made of pure gold.
"That creature is attracted to gold. I will lure the guardian away from the entrance."
"We're ready!" sigaw ni Jayden.
"Sigurado ka bang kakagat iyon?" tanong ni Kyle habang nagtatanggal ng sapatos.
Tumango si Sage at ikinuwento ang nangyari sa kanya noon. He barely escape but his gold necklace saved him. Aside from him, when he dropped his necklace, the guardian diverted his attention on it and followed it in the depths of water.
"Here's the plan. I'll be the decoy–"
"No you won't," putol ko kay Sage. "A-Ako na ang bahala sa tagabantay," wika ko at bahagyang napalunok.
Napabaling silang lahat sa akin pero hindi ako pinansin ni Sage at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
"If I won't show up, don't wait for me, proceed immediately–"
"I-I can do the job. I'm a great s-swimmer. I can keep the guar–"
"Huwag mo akong galitin ngayon Sabrina," aniya sa malamig at may babalang boses.
"But–"
"I already gave you what you want! Leave this to me!"
"But I can't let you die!" naiiyak kong wika. Sa sinabi pa lang niya kanina na muntik na siyang hindi makabalik noon ay parang mamamatay na ako. Tapos ngayon ay itataya na naman niya ang buhay niya.
"I'm not going to die!" nauubusan ng pasensya niyang wika.
"We can't assure that! Please.." Hinawakan ko ang kamay niya. "Let me do it."
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at mariin akong tinitigan. "Stop this nonsense."
Tumingin ako sa baba habang pinipigilan ang mga luha. "I should be the one to do it because it's my fault," mahina kong wika.
"This should be easy if you have Agatha right? Hindi mo sana ilalagay sa panganib ang buhay mo. Kaya hayaan mo na ako," pagmamakaawa ko.
Alam kong walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako pero ang mahalaga ay magampanan ko ang dapat na gagampanan ni Agatha. I can't bear to see Sage sacrifice his life because of my selfishness.
"Let her do it," wika ni Clark na sa unang pagkakataon ay ngayon lang nagsalita.
Bumaling siya sa akin. "I'm impressed that you're aware with your own mistake. You are the reason why we're here on this hard situation."
Dahil sa pagsasalita ni Clark ay biglang naging alerto ang lahat.
"That's why I'm here to compensate," wika kong nakatitig sa kanyang mga mata.
"One more word from both of you and I will throw you away from here," babala ni Sage.
Wala ng nagsalita sa amin ni Clark.
Sage gave me a cold look. "Kung ipipilit mo ang gusto mo ay mas mabuting umuwi ka na lang," aniya at naglakad papunta sa likod ng malaking bato.
Damnit. Sinundan ko siya. Kung ayaw niya ay hindi ko na pipilitin. Hindi dapat siya sumabak kapag ganitong galit siya. Imbes na makatulong ay heto ang ginawa ko. I need to talk to him and apologize.
"Sage," tawag ko at sumilip sa likod ng bato.
"What is it?" boses niya.
"I–shit," mura ko at agad na tumalikod nang makita ko ang itsura niya. He's changing his clothes and he's only wearing briefs!
Mahina kong sinampal ang aking namumulang pisngi.
He's into boxers but I think briefs is much needed this time, I guess?
"Why are you looking away? You've seen and touch every part of my body," wika niyang parang wala lang habang heto ako at sobrang naiilang.
"B-Bilisan mo na lang."
"I'm done," aniya maya-maya. Humarap ako at nagsusuot na lang siya ng manipis na t-shirt. His muscles were flexing with his every move. Damn. How can he be so perfect?
"You're gonna be fine, right? Promise me." Bahagya pa akong pumiyok.
Huminga siya ng malalim saka naglakad palapit sa akin. He placed his right hand on the stone behind me while scanning my face.
It took a minute before he speak.
"I promise. I can see a bright future waiting for me after all these chaos and mess. I can't let that slip."
Kunot-noong pinunasan ni Sage ang luhang umalpas sa aking mata. "Don't shed tears. I'm still alive."
"I'm sorry if I'm stubborn."
"Don't mind it. I know that you're strong but please, stay safe. Stay close to them," paalala niya.
Matapos naming mag-usap ay bumalik na kami at namataan naming nakahanda na silang lulusong sa tubig.
"Huy, mamaya na nga kayo maglabing-labing diyan! Kailangan muna nating tapusin ito!" sigaw ni Morgan.
Tumabi sa akin si Hazel at bumulong. "Anong ginawa niyo sa likod ng bato?" tukso niya na inirapan ko lang.
"Morgan, gusto daw ni Hazel ng goodluck kiss," tawag ko kay Bartender Morgan.
"Huh?"
"Wooyy!" gulat na wika ni Hazel saka ako pabirong sinakal.
"Stop that," suway sa amin ni Sage at inagaw ang pansin ng lahat. "Our mission is to save Preem. We only have one shot so let's do everything to get her, whatever it takes. Survive and don't you dare die. Understood?"
"Aye!" sigaw ng lahat.
"Will you hold it for me?" aniya sa kanyang oxygen tank dahil bibitbitin niya ang malaking plato.
"Preem?" nagtataka kong wika sabay kuha ng tank niya.
"Yes." He pinched my chin. "She's my sister and you'll meet her soon," ngiti niya sa akin bago lumusong sa tubig.