Chapter 41 Cromello's Blood

I'm in dazed while diving deep under the water. All along, this operation was to save Sage's sister. Gaya ng naikwento noon ni Ms Anne, pinatay lahat ang pamilya ni Sage liban sa kapatid niya. Baka ang pakay lang talaga nila noon ay ang kanyang kapatid.

Ibig bang sabihin ay iisa lang ang salarin sa nangyari sa pamilya ni Sage at sa pagnakaw sa mata ni Dad? Sa nalaman ay nagulo na ang mga konklusyong napagtagpi-tagpi ko sa aking isipan. Kumbaga ay bumalik ulit ako sa simula.

I have a hunch that my father was the master mind of what happened to Sage's family and from what I learned earlier, I can't just put the blame on him without concrete evidence.

Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko nakita ang isang malaking sawa na palapit sa akin at biglang pumulupot sa katawan ko.

Nabitawan ko ang flashlight na hawak sa lakas ng aking pagkakaipit. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Halos mapisak ang katawan ko.

Kahit nasa tubig kami ay naamoy ko pa rin ang malansa nitong amoy.

Ako ang nasa likod kaya hindi nila napansin ang nangyayari.

Fear run through my system when I saw the snake's head. It's almost as big as human head!

Shit!

The snake hissed while looking at my face. Napaubo ako nang hindi ako makahinga. Water started to fill my lungs.

M-My oxygen..

Sa nanlalabong mga mata ay nakita kong may tumapat na ilaw sa aking mukha. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagluwag ng pulupot sa akin ng ahas. Mabilis akong sinalo ni Jayden at itinapat sa bibig ko ang oxygen upang makahinga.

"Stay focused damnit!" mura ni Sage na rinig naming lahat sa aming isipan. Siya ang nangunguna sa amin at bahagya siyang bumalik upang tingnan kung ano ang nangyari sa akin. Concern with a mix of irritation was plastered on his face.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Jayden. I nod as a response.

Fudge. Ang sakit ng katawan ko.

The snake was floating with a knife on his head. I feel useless. Nagiging pabigat lang ako sa kanila.

"This is water. There are many kinds of creatures like that that you will encounter so stay alert!" ani Sage saka nagpatuloy sa paglangoy.

They are using telepathy to communicate. That's one of Kyle's ability. But unfortunately, it won't work on me because I was born during full moon. I can hear their thoughts but I can't reach nor talk to them.

Nagpatuloy kami sa paglangoy. This time ay naging alerto na ako sa aking paligid. Tama si Sage. Nasa ilalim kami ng tubig na bahay ng samut-saring nilalang. Kailangan ko munang isantabi ang aking mga iniisip at magfocus sa aming layunin.

Kasabay ko na si Jayden na lumalangoy ngayon.

Nagsitigil ang lahat.

Nang tumingin ako sa unahan ay pinahawak ni Sage kay Kyle ang plato at binuksan ang pintuan ng tunnel na dadaanan namin. Inilawan ko ang paligid ng tunnel. Natatabunan ito ng malalaking bitak ng bato na nababalutan ng lumot.

"Jayden, close the door once you enter," aniya nang mabuksan ang pintuan at pumasok doon.

"Be careful," dagdag pa niya.

I can't help myself to admire him even more with his leadership and bravery. I have his oxygen with me and I'm amazed on how he can hold his breath for a long period of time.

Isa-isang pumasok ang lahat sa makipot na tunnel. Nang makapasok ako ay hinintay ko muna si Jayden na isinasara ang pintuan. Maraming sanga ng halamang tubig ang nagkalat dito sa loob. Meron pang mga matutulis na wire na nakakunektado sa tunnel.

Inayos ko ang cap sa ulo ko. Meron akong napanuod noon na movie about sa barkong binaliktad ng malaking alon. At habang lumalangoy ang babae ay naisabit ang kanyang mahabang buhok sa mga cables. Hindi niya iyon natanggal at naubusan ng hangin na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Mabuti na lang at nagdala ako. Kahit na may oxygen kami, it's better to be safe than sorry. Si Hazel naman ay nakapusod ang buhok. Good for this men, hindi sasabit ang buhok nila. Walang stress sa buhay. Magpakalbo kaya ako?

"We're close. Get ready," imporma ni Sage sa aming isipan.

Pagkalabas namin sa tunnel ay halos wala akong makita sa sobrang dilim. Ang tanging flashlight lang na hawak ng bawat isa ang nagsisilbi upang makita ko kung nasaan sila.

Tumabi sa akin si Sage at sumenyas na kailangan niya ng hangin kaya kinuha ko ang kanya at inilapat sa kanyang labi.

He inhaled deep.

"Listen carefully guys," wika niya pagkatapos kumuha ng sapat na hangin. "From now on, Kyle will lead you. I already instructed him on what to do. And like what I've said before, don't wait for me."

Malakas na kumabog ang dibdib ko. Nakabalatay sa mukha namin ang pangamba sa mga posibilidad na maaaring mangyari sa kanya.

Tinapik ni Kyle ang balikat ni Sage. "Count on us. We're going to take your sister back."

Tiningnan kami ni Sage isa-isa. Ako ang huli na nagtagal ng ilang minuto. May sinenyas siya kay Kyle na agad namang nakuha ng huli ang ibig sabihin. I felt a lost of connection from everyone except for Sage and me.

He kissed my forehead and whispered I love you.

Malakas na pumintig ang puso ko, hindi sa kilig kung hindi sa takot.

That word kept on echoing inside my head. Binigyan pa niya ako ng isang tingin bago lumangoy palayo sa amin. Bakit nasasaktan ako? The way he said it, it's like he's biding goodbye.

Lahat kami ay nakasunod ng tingin kay Sage na papalayo.

Walang nagsasalita, pansin ko iyon kanina pa. Pero kahit na walang lumabas na salita sa kanila ay ramdam na ramdam ko ang tensyon na nanggagaling sa katawan nila.

"Let's get going," untag ni Kyle at nauna nang lumangoy papunta sa kabilang direksyon.

Sumunod kami sa kanya.

Nagsilabasan ang ibat-ibang klase ng isda nang pumasok kami sa isang kweba. "We're going to wait here until Sage will clear the entrance for us."

"Where's the entrance? I can't see any door," tanong ni Hazel na humihithit ng hangin.

Hindi umimik si Kyle. Seryoso lang siyang nakasilip sa labas. Tahimik kaming nag-aabang sa kung ano ang mangyayari. Habang naghihintay ay nagawa kong umusal ng maikling panalangin, praying for everyone's safety.

Ilang minuto lang ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog.

Sage...

Humigpit ang kapit ko sa hawak na flashlight at pilit iniilawan kung ano ang nangyayari.

Unti-unti akong nakaramdam ng pagyanig. Nagsilabasan ang mga isda sa kanilang mga bahay at natatarantang lumangoy sa iba't-ibang direksyon.

"What's happening?"

The water current became strong. Mahigpit na hinawakan ni Kyle ang aking palapulsuhan kasabay ng kanyang malakas na pagsigaw.

"Hold each other tight! It's a seaquake!"

Nakarinig ako ng ilang mura galing kina Jameson at Morgan bago kumapit sa bawat isa.

The current was pulling us out from the cave.

"San Diego! Do something!" ani Jameson na nasa pagitan nina Clark at Bartender Morgan.

"I'm doing everything!" wika naman ni Jayden.

Jayden was holding all of our weights. Mahigpit na nakakapit ang isa niyang kamay sa isang stalagmite. His right arm now was three times bigger than normal with veins almost popping out.

Oh my, the gluttonous Jayden San Diego possess super strength!

"Ayaw ko pang mamatay! Jayden, iligtas mo ako!" palahaw ni Morgan.

Kanya-kanya silang ingay at mura.

Malakas na humampas sa akin ang isang isda at ang matulis nitong palikpik ay tumama sa bandang ibaba ng mata ko.

Nakita ko ang paghalo ng aking dugo sa tubig. Ilang sandali lang ay unti-unti nang kumalma ang paligid.

What the..

Was it a coincidence?

"Damn. That was scary," wika ni Jameson nang maayos namin ang aming mga sarili.

"Good job Jayden. Meron naman pa lang pinupuntahan lahat ng kinakain mo," wika naman ni Morgan.

"Of course. It doesn't put in a waste. It goes into my muscles. You should gave me tons of food after this," sagot naman ni Jayden.

Pinagtulungan nila si Jayden na asarin. Natigil lang nang makarinig kami ng malakas na huni na parang kumukulog.

Ngayon nagsink-in sa akin kung gaano kadelikado ang gagawin ni Sage nang makita ko ang unti-unting pagbukas ng isang napakalaking mata.

Sa pagbukas nito ay nagkaroon ng kaunting liwanag ang paligid.

"There he is!" wika ni Jameson nang mamataan si Sage.

Nakita namin kung paano kumislap ang mata nang makita ang hawak ni Sage na gintong plato.

The eye grew head and body.

The Guardian roared, saying that this place was his territory.

"W-Wh-What is that?!" gimbal na usal ni Hazel nang makita namin ang buong anyo ng halimaw na sinasabi ni Sage.

"O-Octopus?" si Jayden.

"Anong octopus?! That's a gigantic fucking kraken!" sansala naman ni Jameson.

"We're all going to die here!"

"Calm down guys," suway ni Kyle pero mahahalata ring kinakabahan lalo na nang may lumabas na sungay sa ulo nito at mga matutulis na spike sa mga galamay nito.

Nang umalis ang Guardian sa pwesto nito ay saka namin nakita ang isang pintuan.

"There's the door!"

Mabilis nitong hinabol si Sage. Abot langit ang tahip ng dibdib ko nang kamuntikan nang matusok si Sage ng galamay nito.

"Come on.. Come on," mahinang usal ni Kyle habang hinihintay na makalayo ang Guardian sa entrance.

"Go! Now's your chance!"

Sa sinabing iyon ni Sage ay nauna nang lumangoy palabas ng kweba si Kyle.

"Hurry up before the Guardian will notice us!"

Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko sa mga pangyayari. I've been into dangerous missions but this one is different. It was nerve wracking.

Malapit na kami sa may pintuan nang mahagip ng paningin ko ang pagbukas ng isang maliit na mata sa likod ng ulo ng Guardian at kasabay nun ang pag-igkas ng isa nitong galamay sa direksyon namin.

Masyado ng malayo ang pagitan namin kaya ang dulo na lang nito ang aabot. Sa sobrang bilis nito at dahil nasa tubig kami ay hindi ko ito maiiwasan. Ang nagawa ko na lang ay hintayin ang pagtama sa akin ng matulis nitong galamay.

Pero laking gulat ko nang kusa itong umiwas sa akin at bumubulusok papunta sa aking mga kasamahan!

I was froze for a moment.

Diretso ito sa taong nasa malapit sa akin.

And since I can't communicate with them ay hindi ko sila magawang balaan.

"Hazel!" sigaw ko sa aking isipan kahit hindi niya ako maririnig.

Bartender Morgan saw it coming kaya bago pa tamaan si Hazel ay mabilis niyang isinangga ang kanyang sarili.

Tinakpan ko ang aking bibig nang tumusok ang isang spike sa tiyan ni Morgan. Umubo siya ng dugo.

"Noo!" tili ni Hazel.

"Tangina! Morgan!" mura ni Clark.

Agad namin siyang dinaluhan. Nang gumalaw ang galamay pabalik ay sumama ang katawan ni Bartender Morgan.

"Hold him!"

Kanya-kanya kaming hawak sa katawan niya at hinila. Bumulwak ang masaganang dugo palabas sa kanyang sugat sa tiyan. Damnit! Aligaga kami kung ano ang gagawin.

"Go and get inside! The Guardian is coming back!" malakas na sigaw ni Sage.

"Shit!"

Natataranta naming kinuha si Morgan at mabilis na lumangoy papunta sa nag-aabang na pintuan.

Isang malaking paghinga ang ginawa namin nang makapasok kaming lahat sa entrance. We almost get caught with tentacles but we've already made it inside. Hindi nakakapasok ang tubig dito kahit na tinatakpan nito ang buong pintuan.

Napaatras kami nang tumitig sa amin ang mata ng Guardian. Nag-aapoy ang tingin nito bago kami tinalikuran.

Si Sage..

"Oh my ghad. Morgan," iyak ni Hazel habang hindi alam kung ano ang gagawin kay Morgan na nakahandusay at walang malay.

"Fuck this. We don't have first aid kit," ani Clark na nakasabunot sa buhok.

"Check his pulse," ani Kyle habang hinuhubad ang damit saka pinunit.

"It's weak," hikbi ni Hazel.

"We–"

Natigil sa pagsasalita si Jameson nang makirinig kami ng napakalakas na pagsabog mula sa labas. Napatingin kaming lahat sa entrance. Walang nagsasalita pero ramdam ko ang nararamdaman nila.

"Don't," pigil sa akin ni Kyle nang akma akong lalabas.

"How about Sage?!" Hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

"Then how about Morgan?" sansala naman ni Clark.

Napatingin ako kay Morgan na namumutla na sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Nagbikig ang lalamunan ko.

Napatingin ako sa entrance. Iiwan ko ba siya at ipagpatuloy ang misyon para sa tiyansang kaligtasan ni Morgan? But what if Sage needs help?

"M-Mauna na kayo. S-Susunod na lang ako."

"Hindi pwede iyang iniisip mo. Tutuloy tayong lahat. Walang maiiwan," tiim bagang na wika ni Kyle.

"But I can't leave Sage!" naiiyak kong wika.

"So do we!" sigaw niya. Namumula ang mga mata niya sa luhang pinipigilan. "Tingin mo ba ay ikaw lang ang nahihirapan? Mahirap din para sa amin ang iwan siya! It takes him many years to commence this operation and we don't want to fail him now!"

P-Putcha.

"We're going to loose them both if we don't make a move," wika ni Jameson na tapos nang lagyan ng benda ang tiyan ni Morgan upang maampat ang pagdurugo.

"If you trust him enough, then believe that he will make it. Let's go, we need to continue," wika ni Kyle bago ako tinalikuran.

Pinunasan ko ang luhang umalpas sa aking mata at tinalikuran ang entrance. Nahihirapan man akong ihakbang ang aking mga paa ay pinilit ko.

He promised me that he will come back so I will hold in to that.

"So this is Denholt," ani Clark habang pinagmamsdan ang buong paligid. We're in a wide open space. It's like an empty hall.

The floor was hard rock ice. Umuusok ito sa sobrang lamig pero kataka-takang hindi nilalamig ang paa naming nakaapak dito.

"We can't waste time," ani Kyle at maingat na inihiga si Morgan. "Stay with him Vanessa," aniya kay Hazel na mugto ang mga mata sa kakaiyak.

"Let's split up for a while. Sabrina can't communicate with us so Clark, stay with her."

"Inform everyone if you find anything," huli niyang bilin bago kami naghiwa-hiwalay.

Walang kibuan sa amin ni Clark. Sa dami ng pwedeng makasama ay siya pa talaga ang naatasan.

Gusto ko siyang kausapin at kamustahin pero pinigilan ko ang aking sarili. This isn't the time for that.

"I found her!" malakas na imporma sa amin ni Jameson. Halata sa boses niya ang tuwa at galak.

Natigilan kami ni Clark at nagkatitigan.

"Really?!"

"Where?!"

Mabilis na ibinigay ni Jameson ang direksyon at halos mag-unahan kami ni Clark na pumunta doon.

Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman. Finally, mailalabas na rin namin ang kapatid ni Sage dito. His mission has finally come to an end.

Ilang liko at pintuan ang aming napasok bago namin narating ang lugar na sinasabi ni Jameson.

Nang nasa pintuan na kami ay napatigil ako at namamanghang inilibot ang paningin sa aming paanan.

The floor was on fire.

"H-Hey you guys, is it fine to walk here?" ani Clark sa alanganing boses. Nandito na silang lahat.

"Hindi pa naman kami sunog," sagot ni Jameson.

Humakbang ng isa si Clark at pinakiramdaman muna kung mainit nga ba. Nang makasigurong safe ay tuluyan na siyang lumakad papunta kina Kyle.

Sumunod ako habang nakatingin sa itaas. Kung sa sahig ay apoy, sa taas naman ay nagtutulisang mga yelo na bahagya pang may tumutulong tubig.

"What should we do? We can't get out of here using a portal," rinig kong wika ni Jayden.

"Damn. She's beautiful," Jameson uttered in awe.

Bumaling ako sa kanila. They were gathered around in a big crystal. My eyes directed to the person inside of it. Suddenly, my heart stopped beating. Tinakpan ko ang tenga ko nang makarinig ako ng isang matinis na huni. And just like before, I saw images. It was blurred but I saw a new born baby. She's crying as the mark under her arm was glowing.

Masidhing kirot ang naramdaman ko sa kanang parte ng dibdib ko.

Naitukod ko ang kamay sa nag-aapoy na sahig. Habol ko ang hininga habang tagaktak ang aking pawis.

Bumaling ako sa harapan at matalim akong tumitig sa taong nasa loob ng crystal. Nangangati ang kamay ko. My intention suddenly changed. Gusto ko siyang patayin.

"Okay ka lang?" tapik sa akin ni Hazel.

Biglang nawala ang aking maitim na binabalak. Guminhawa rin ang aking pakiramdam. I blinked several times.

"Y-Yeah," sagot ko at tumuwid ng tayo. "Kamusta si Morgan?" tanong ko nang maalala ang kanyang kalagayan.

Nanlumo ang mukha ni Hazel. "He's getting weak. Madaming nawalang dugo sa kanya at kung hindi agad maagapan ay baka.." hindi niya natuloy ang sasabihin at umiyak na naman.

"He will be alright. Makakalabas tayong lahat dito," pagpapalakas ko sa kanyang loob. Malayong-malayo ang Hazel na nakikita ko ngayon sa Hazel na kilala ko.

Morgan was really important to her.

"We should get her out of the shell first," ani Kyle.

Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Jayden. Nang tumingin ako sa babaeng nasa loob ng crystal ay nablangko ang utak ko.

She's naked and the only part that we can see clearly was her face. She's way beyond beautiful. Para siyang anghel na natutulog. Her eyelashes were long and thick just like Sage. High cheekbones and pointed nose. They're almost have the same features.

Napalunok ako at hinaplos ang crystal na kanyang kinalalagyan. So, this is Preem.

Napaatras kaming lahat nang biglang nagkabitak-bitak ang crystal na kanyang kinalalagyan. It cracked but it only became sturdy.

Napatingin sila sa akin. Nagtatanong ang mga mata nila kung ano ba ang ginawa ko.

What? I didn't do anything.

"Look at this," tawag pansin ni Clark sa amin. "There's a needle here."

Tiningnan namin ang tinuturo niya at tama nga siya, merong maliit na karayom sa gitna ng maliit na pitak na bilog.

"Seems like we unlocked something," ani Jayden.

"What should we do next?" si Clark.

Kaagad nasagot ang kanyang tanong nang biglang may lumitaw na mga banyagang salita sa ibabaw ng crystal.

"What language is that?" ani Jameson na nakakunot ang noo.

"It's an ancient language," sabad ni Hazel.

"You can read it?" baling ko sa kanya.

"No. I just recognized it," sagot niya.

"Jayden?" untag ni Jameson.

Kanina pa siya tahimik at nasa malalim na pag-iisip.

"I've read this once in a book that I bought in Europe. It's not just an ancient language, it's also a code and I'm trying to decipher it," aniyang nakahawak sa baba.

Why would put all these effort to secure Sage's sister? Ano ba ang kailangan nila sa kanya?

"Bilisan natin. Inaapoy na ng lagnat si Morgan," nag-aalalang imporma ni Kyle na kasalukuyang sinusuri ang kalagayan ni Morgan.

"Jayden ano na?" naiinip na tanong ni Clark.

"Oo heto na," aniya. "But I'm not sure if this is the right message. I don't know the language. I only know the basics."

"What's the message?"

Huminga ng malalim si Jayden. "Only the true blood can unveil."

"Taena. Anong true blood? Meron bang pekeng dugo?" ani Jameson na hindi alam kung matatawa ba o maiinis.

"I told you, I'm not that familiar with those words."

"Walang mawawala kung susubukan natin," wika ni Kyle habang pinaglalagutok ang mga daliri. "I supposed that this is the use of this," tukoy niya sa karayom saka itinusok doon ang hintuturo.

Lumabas ang dugo sa daliri ni Kyle at dumaloy sa mga bitak ng crystal. Lumayo si Kyle nang umilaw ang kanyang dugo.

"It worked!" bulalas ni Jameson.

Saglit silang nagkatuwaan na agad ding natigil. Imbes na mawasak ang crystal ay dumoble ang kapal nito. Ang karayom ay lumaki at lalong tumulis.

"W-What the heck.." gulat na wika ni Kyle, hindi makapaniwala.

"Susubukan ko," ani Clark na pinigilan ni Jayden.

"Kung kumapal ulit iyan ay lalo lang tayong mahihirapan," aniya.

"At anong gagawin natin? Nasa bingit ng kamatayan si Morgan! Hindi ako tatayo at tutunganga na lang sa pesteng batong ito!"

"I'll try it," singit ko bago pa sila magkainitan. Kanina pa ako may napapansin. From the seaquake to the Guardian. I'm not sure if it's only coincidence but I wanna give it a try.

Noong una pa lang ay mahihirapan na kami na ilabas ang kapatid ni Sage dito. Kung hindi man uubra ay mag-iisip na lang kami ng ibang paraan.

Walang pumalag sa sinabi ko pati na si Clark.

Nanginginig ang kamay ko nang itutok ko ang dulo ng aking daliri sa karayom. Hindi pa gaanong bumaon ang karayom nang maramdaman kong kusa itong lumalim at walang habas na sinipsip ang aking dugo.

"Shit!" sambit ko nang hindi ko mabunot ang aking daliri mula sa karayom. Ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo ko palabas sa aking katawan.

Nataranta silang lahat nang makita ang napakaraming dugo na lumalabas sa akin.

"P-Pull out your finger!" sigaw ni Clark na nakahawak sa ulo at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

"I can't!" pasigaw ko ring wika dahil nagpapanic na ako. Nakakaramdam na rin ako ng kaunting pagkahilo. Kumikibot ang aking mga ugat sa braso.

Nagmura si Kyle bago hinawakan ang kamay ko at sinubukang hilahin.

"Sabrina your arm!" hilakbot na sigaw ni Hazel.

Nang tiningnan ko ang braso ko ay muntik na akong mahimatay. It dried up. It's all nothing but skin and bones!

"Fuck! Let her go!" galit nang sigaw ni Kyle sa karayom.

Maagap akong nasalo ni Jameson nang kamuntikan nang mauntog ang aking ulo sa bato dahil sa matinding pagkahilo. Mura siya nang mura habang nakaalalay sa akin.

"C-Cut my finger," walang lakas kong wika.

"What?!" bulalas nilang lahat.

"Sage will kill us all if he'll see that you're missing one finger!" ani Kyle sa pulang-pulang mukha.

"Who cares about his rage? Is her finger more important than her life?!" ani Clark. "Come on! She will die in blood lost!"

Puro mura ang naririnig ko galing sa kanilang mga bibig. Si Hazel ay namumutlang nakatingin sa amin sa tabi ni Morgan na namumuti na.

Madilim ang mukha ni Kyle nang kinuha ang isang patalim.

"I'm sorry Sage. I'm going to hurt her but this is for the best," aniya saka itinaas ang patalim na hawak upang putulin ang aking daliri.

I closed my eyes.

If this is the way that I can help them, then be it. It's just half of my finger anyway.