Chapter 39 Zeke Beider

Nagawa naming lumabas ng sasakyan kanina bago ito sumalpok sa pader nang mawala na ang kung ano mang pumipigil dito.

Katatapos ko lang bendahan ang kamay ni Sage na nagkaroon ng malaking sugat. Nagulat pa kanina si Hazel sa biglaang pagdating ko kasama si Sage na dumudugo ang kamay. Mabuti na lang at wala si Emma dito sa bahay.

Kahit na hindi ako mapakali sa nangyari ay pinilit kong kumalma. Ilang beses ko na bang natakasan ang kamatayan? Baka sa susunod ay hindi na ako palarin at tuluyan nang matuluyan.

Kanina pa ako tinatanong ni Sage kung may masakit ba sa katawan ko. Bukod sa mga mumunting sugat na natamo ko dahil sa malakas na pagsabog ng salamin ay wala na.

"How's your investigation?" matalim na tanong ni Sage sa kararating lang na si Kyle na nakauniporme pa.

"No traces. I also checked the nearby CCTV's but I found nothing," imporma niya. "Wala ba kayong nakita na sumusunod sa inyo o napansin na kahina-hinala?"

Nanatiling tikom ang bibig ko. Pinakinggan ko lang silang mag-usap. Ayaw kong sabihin ang nasa aking isipan at kung sino ang nasa likod ng pangyayari.

"Isa lang ang sigurado. Base sa kwento niyo ay si Sabrina ang target ng kung sino man ang may gawa nun," rinig kong wika ni Hazel.

That bitch is targeting me. She intended to kill me. But how come that she's alive? I'm 100% sure that she's dead that time. I ripped off her head and left her lifeless body in that cold cell so what the heck is happening?

"Huy Sabrina!" untag sa akin ni Hazel. "Kanina ka pa namin kinakausap."

Nag-angat ako ng tingin at nakatitig silang tatlo sa akin lalo na si Sage na salubong ang kilay.

"Meron ka bang ideya kung sino ang nagtangkang pumatay sa iyo?" tanong ni Kyle.

"Huh? W-Wala," kaila ko.

I need to fix this on my own. I don't want to involve anyone with the problem that I've caused. I can handle her. Kumuyom ang kamao ko.

Mula sa titig sa akin ni Sage ay halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "You almost died. I hope you didn't forget that. If you have a suspect in your mind, you'd better tell me now," aniya sa madilim na mukha.

"W-Wala nga. Wala naman akong kaaway," pangungumbinsi ko.

Hindi na nagpumilit si Sage. Inihatid ko sila sa may pinto nang umalis sila ni Kyle. Sinulyapan ako ni Sage nang pasakay na siya. Nginitian ko siya at bahagyang kumaway. He just nodded.

Nanatili akong nakasandal sa hamba ng pintuan kahit na nakaalis na sila.

"It's Agatha. Tama ba?" pukaw sa akin ni Hazel.

Huminga ako ng malalim. "Paano mo nalaman?"

Bakit ko pa ba ikakaila kung alam naman pala niya. I know Hazel. Siya ang tipo ng tao na hindi pakialamero. Ayaw kong sabihin kay Sage dahil baka kung ano na naman ang gawin niya na makakasira sa kung ano mang plano nila.

Marahang tumawa si Hazel. "You came out alive in that prison. It only means that you've get rid of her."

"She's alive," wika ko.

"I know," sagot naman niya.

Hinarap ko si Hazel. "Ano bang meron dun sa kapatid mo?"

Umirap siya sa akin. "Huwag mo ngang mabanggit-banggit na kapatid ko siya."

"Ano nga?" inis kong tanong.

"Basta. Pero ito lang ang masasabi ko, mag-ingat ka, lalo na kapag may nararamdaman kang kakaiba," babala niya.

"You don't need to tell me," wika ko at naglakad papuntang kwarto.

Next time that I'll see her, I'll run her through all nine of her lives.

"And by the way," lingon ko kay Hazel. "Thanks for the concern.. my dear cousin."

Bago ako matulog ay inayos ko ang mga gamit na gagamitin sa aking lakad bukas ng gabi. Natatawa akong medyo napapailing kapag pumapasok sa isip ko ang itsura kanina ni Hazel na akala mo ay tinuklaw ng ahas.

Binuksan ko ang pintuan sa veranda upang lumanghap ng malamig na hanging panggabi. The night was getting cold. Tumingala ako sa itaas. The moon was so bright. Mukhang full moon bukas.

Tulala akong tumitig sa mga bituwin. Sana maging okay ang lahat bukas.

"Zeke? Napatawag ka?" hindi makapaniwalang usal ko. Never niya akong tinawagan. Laging ako ang tumatawag sa kanya kapag may sasabihin ako o mangungumusta. Anong nakain niya ngayon?

"How are you doing princess?" he asked in a monotonic voice.

Bahagya akong napangiti nang marinig ko ang walang gana niyang boses. Paniguradong nakaharap na naman siya sa kanyang computer, battling with thousands of codes.

"Himalang tumawag ka?" panunukso ko. "Lasing ka ba?"

"You know that I don't drink and smoke," aniya. Tinawanan ko lang ang sinabi niya.

Nakarinig ako ng mabibilis na pagtipa ng keyboard. Dati ay gustong-gusto ko na pinapanuod siyang magtype. Namamangha kasi ako sa bilis ng kanyang kamay at ang sarap pakinggan ang tunog ng keyboard.

"You don't have class?" maya-maya'y tanong niya.

"Meron. Bakit?" nagtataka kong tanong. I'm already on my way at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang aking klase.

"Let's meet."

Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga upang tingnan kung si Zeke nga ba talaga ang caller.

"What are you talking about? You know that I can't get out."

Because even if I can create a portal to go to places that I want inside the university, I can't go outside the gates. I tried it many times but I always ended up on the same spot.

"Did I tell you to go out?" bored na tanong niya. Tumaas lang ang kilay ko.

Bahagya akong ngumiti nang may makasalubong akong grupo ng mga estudyante na bumati sa akin.

"Pwede bang diretsahin mo na ako," nababagot kong wika.

"I'm here in your school. Come and meet me here at Placid Restaurant my lady," aniya na nakapagpaawang sa aking labi.

He's here?! Paano siya nakapasok?!

"ZEKE!" malakas kong bulalas nang makita ko siya sa pinakadulong parte ng restaurant.

Madali lang siyang hanapin. Bukod kasi sa pinagtitinginan siya, kapag may makita kang matangkad at maputlang tao ay siya na iyon.

If Hazel was pale, Zeke is way paler. Hindi ko alam kung talagang kulay lang niya talaga o dahil sanhi ng hindi siya nasisinagan ng araw.

Nagkukulong lang kasi siya sa kanyang bahay at parang paniki na lumalabas lang kapag gabi. Kung lalabas man siya na tirik ang araw ay lagi siyang may dalang hoodie o cap. Para siyang bampira na allergic sa araw.

I sometimes worry about his kind of lifestyle. This dude needs to get a life!

Madali akong lumakad palapit sa kanya. The ogling girls transferred their gaze towards me with a curious look.

May kaharap siyang laptop at isang tasa ng kape sa kanyang gilid. "It's really you!" I exclaimed in disbelief.

Sa lakas ng boses ko ay napapatingin ang iilang estudyante sa direksyon namin. I can't help it! This is a surprise!

Pinasadahan niya ng tingin ang unipormeng suot ko. "Mukha kang tao ngayon," puna niya.

"Tao naman talaga ako," irap ko. "Kailan ka dumating?"

"Last night."

Marahan akong tumango. I noticed that he didn't change the color of his hair. The bleached part was still there.

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya bahagya niyang ginulo ang kanyang buhok.

"I like it this way," aniya.

Tumango-tango ako. Sabagay, bagay naman sa kanya.

"You comb your hair today. That's great. You're improving."

Imbes na pansinin ang pang-aasar niya ay umupo ako sa kaharap niyang upuan. "What are you doing here?" tanong ko pagkalapag ng aking bag sa mesa.

"Guess it."

Saglit akong nag-isip. Tapos na siyang mag-aral. Accelerated siya dahil genius siya kaya mas nauna siyang natapos kaysa sa akin.

"Hindi ako manghuhula," turan ko nang wala akong magandang maisip.

"You didn't even try," aniya at bahagyang sumimangot.

Isinara niya ang laptop at tumanaw sa labas habang ineenjoy ang pag-inom ng kape. Seriously?  Parang wala siyang kasama at kausap ah.

Matapos siyang makapagmuni-muni ay pinagtiklop niya ang kanyang mga kamay at humarap sa akin. Tumaas ang kanan niyang kilay na may lining sa dulo. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Taray eh.

His assets are his eyes and thick eyebrows. His eyelashes are long and dark that compliments his nude lips. Yes. It's not red or pink, it's nude.

"Remember Mr. Romualdo?" aniya.

"Oo. Bakit?" kunot-noo ko.

"I'm his substitute. I'll be your campus security head."

"What?!" gulat kong bulalas. "How the hell did that happen?" mulagat ko.

"They're looking for someone who has the potential for the position so I applied."

"And you got hired?"

"Yes."

"That easy?" duda kong tanong.

"Yes," ulit niyang sagot.

Natahimik ako. Maraming butas sa mga sinabi niya. If they are looking for a replacement of Romualdo then it should be the same as his age.

It's true that Zeke has the potential but he's still young and lacks experience. Nakapagtataka pa na silang dalawa ni Romualdo ay parehong galing sa aming mapagkakatiwalaang tauhan.

O pinadala siya ni kuya?

"Don't think too much princess," aniya saka binuksan ulit ang kanyang laptop.

Habang nasa gitna ako ng pag-iisip ay nakarinig ako ng singhapan na sinundan ng katahimikan. Ilang segundo lang ay may narinig akong baritonong boses galing sa aking likuran.

"Princess huh?"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Sage!" ika ko at bahagyang napatayo. "W-Why are you here?" I stuttered. Damn. I sounded defensive. Pakiramdam ko ay nahuli akong nangangaliwa sa katirikan ng araw.

"You're with?" malamig niyang tanong.

Nahagip ng tingin ko si Hazel sa may pintuan na may hawak na cellphone at nakangisi na para bang sinasabing siya ang nagsabi kay Sage na may kasama akong ibang lalaki.

I hissed. I really want to strangler her neck right now.

"Who is he?" pag-uulit ni Sage sa tanong.

Unti-unting umangat ang tingin ni Zeke sa amin at sa kamay ni Sage na nakahawak sa braso ko.

"H-He's–"

My words were cut off when Zeke stood up and introduced himself. "I'm Zeke and I'm Sabrina's friend."

Walang akong maapuhap na sasabihin. Pinapagitnaan ako ng dalawang matatangkad at gwapong lalaki. They're almost have the same height and built and they are looking each other with a deadpan look. Habang tumatagal ay bumibigat ang tensyon kaya nagsalita na ako kahit na kinakabahan.

"I-I think I should go now. Zeke.." Pinanlakihan ko siya ng mata.

His brow arched. "Take care. I'll call you later."

Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Sage kaya tiningala ko siya. Bahagyang nakaangat ang gilid ng kanyang labi pero ang kanyang mga mata ay nagniningning ng hindi maganda.

"Come on Sage. L-Let's go," wika ko at bahagya siyang hinila.

"My girlfriend will not answer your call so don't bother," malamig niyang turan kay Zeke saka naunang naglakad palabas ng restaurant.

I gave Zeke an apologetic look bago ko patakbong sinundan si Sage, not minding those stares and murmurs.

Naabutan ko si Sage na naghihintay sa labas ng kanyang bagong sasakyan. Salubong ang kanyang kilay na nakatingin sa akin. He looks pissed and jealous.

"Bakit mo kasama ang lalaking iyon? Anong sinabi niya sa iyo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kaibigan ko nga siya. Nagkamustahan lang kami. That's al."

"And you skip your first class just to meet that guy? Hindi ba iyan makapaghintay?"

"Hindi ako naniniwalang nandito siya kaya ko siya pinuntahan."

Tinitigan lang niya ako at bahagyang lumambot ang kaninang madilim niyang mukha.

"Okay na?" tanong ko at bahagyang ngumiti. Mas mabuting sagutin ko na lang lahat ang mga katanungan niya ng diretso kaysa sa mag-away na naman kami.

He whispered something bago binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"May sinabi ka?"

"Wala," inis niyang wika. "So you're friends with the new security head of the school."

"You know?"

"You think I wouldn't know?" sarcastic niyang saad.

"Sungit," bulong ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, this is kuya Lander's doing. Tinulungan niya si Zeke na makapasok dito. Naiinip na siguro kaya nagpadala siya ng tutulong sa akin sa misyon ko at ginawa lang na cover-up ang pagiging security head niya.

Kung may magsagawa man ng background check kay Zeke ay puro good things lang ang nakalagay at mahahanap mo. He is good in faking and hiding data to the point na nagmumukhang totoo at lumalabas na kapani-paniwala.

Like what he did to my bio. Walang mahahanap na impormasyon sa akin bukod sa fake na personal information ko.

I'm fine with it but I never thought that some of Sage friends will dig deeper about me gaya ng narinig ko noon sa pag-uusap nila. I should be careful lalo na kay Clark.

"Where are your sneakers?" untag sa akin ni Sage.

Tumingin ako sa suot na 3 inch black shoes. Kay Emma ito.

Nakasuot na kanina ako ng sapatos nang katukin niya ako kanina sa kwarto, manghihiram daw dahil wala siyang white sneakers. Ayaw ko sana dahil linabhan ko ang iba at ang suot ko lang ang pwede kaso nag-iiyak siyang parang kambing na nagpapaawa. Kaya upang tumahimik na siya ay hinubad ko ang sapatos saka ibinato sa kanya.

Nakakainis din ang isang iyon. Ang daming sapatos sa mall pero manghihiram pa sa akin.

Kaya heto ako ngayon, suot ang sapatos niyang bawat hakbang ay malanding lumalagatok. Nahihiya tuloy akong maglakad dahil sobrang lakas ng huni ng takong ng kanyang sapatos. Pinasadya niya ata ito dahil gustong-gusto niyang nakakahakot ng pansin kapag naglalakad siya.

"I washed them," sagot ko.

"I don't like it. It's accentuating your long legs," aniya sa aburidong boses.

"What?" natatawa kong wika.

Iritado ang mukha niya nang pinasadahan ang skirt na suot ko. "Ang iksi pa ng suot mo. Ipaextend mo nga iyan."

Hindi ko na napigilang humalakhak. This is Sage's complaining side. Ilang beses na niya akong nakita sa ganitong suot pero ngayon lang siya magrereklamo?

"Don't laugh. I'm serious," badtrip niyang wika.

"Okay okay," wika ko na pinipigilan ang pagtawa.

"Isabay natin sila," kalabit ko kay Sage nang mamataan ko sina Angel na nasa gilid ng daan na merong pinagkakaguluhan sa cellphone'ng hawak ni Lucy. Day class na ulit sila at mukhang papunta na sila sa school.

"Why would I? Ikaw lang ang gusto kong isakay," sikmal niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tingnan mo ito. Ang sama ng ugali.

Wala siyang nagawa nang pinilit ko siya kaya itinigil ni Sage ang sasakyan sa tapat nila mismo. Hindi nila napansin ang pagtigil namin. Ano bang tinitignan nila?

"Wuyy!" tawag ko sa kanila nang maibaba ang bintana ng sasakyan.

Nagulat sila sa pagtawag ko lalo na kay Lucy. "Ayy! Ang asawa ko!" tili niya nang muntik nang mabitawan ang hawak na cellphone.

"Bad ka!" aniya pang nakalabi kaya napatawa ako.

"Get in," yaya ko sa kanila na para bang pag-aari ko ang sasakyan.

"Sigurado ka?" ani Alex at bahagya pang sinilip ang katabi kong si Sage na tahimik lang.

"Oo. Huwag kayong mag-alala," paniniguro ko sa kanila.

Naunang pumasok si Angel at huli si Lucy na tutok pa rin sa screen ng cellphone.

"He's really hot!" kinikilig na turan ni Angel nang nagsimulang umusad ang sasakyan.

"Ano 'yan?" nakaharap na tanong ko sa kanila.

"Zeke Beider," wika ni Alex saka hinablot ang phone ni bakla at pinakita sa akin ang pinagkakaguluhan nila.

I creased my forehead when I saw a stolen picture of Zeke sitting comfortably in the restaurant where I've been a couple of minutes ago.

"Ang gwapo niya! Ang sarap kagatin ng labi niya!" ani Angel na kagat-kagat ang sariling labi.

"Some are telling that you're with him earlier! Is that true? Kilala mo?" excited na tanong ni bakla.

Tumango ako.

Tumili sina Lucy at Angel samantalang si Alex naman ay tahimik na nakikiramdam tulad ko.

"Bagay kayo!" malakas na bulalas ni bakla.

Marahas na nagpreno si Sage na dahilan ng pagkakauntog ko sa sandalan ng upuan. Sina Lucy ay nakasalampak na sa ibaba at namumutla ang mga mukha.

Sa marahas at galit na boses ay nagsalita si Sage.

"Get out!"