Chapter 38 First Date

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong sa amin ni Emma.

Kasalukuyan kaming kumakain at kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Hazel na nangingitim ang ilalim ng mga mata. Walang akong ganang kumain. Pinilit lang ako kanina ni Emma na sumabay.

"Hindi ako papasok," wika ni Hazel.

"What? Teka nga, ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo?"

Bumaling sa akin si Hazel.

"Masama lang ang pakiramdam ko," palusot ko at nag-iwas ng tingin.

"Hays. Minsan tuloy ay iniisip ko na magkapatid kayo. Parehas kasi kayong moody."

"Hindi kami magkapatid," masungit na wika ni Hazel.

"Girl, alam ko," masungit din na sagot ni Emma.

Hindi nga kami magkapatid, magpinsan lang. Hindi ko nga lang alam kung sa ina ba o sa ama. Tss.

Nakarinig kami ng mga katok at si Emma ang nagpresinta na magbukas ng pintuan.

"Sabrina! Jowa mo!" sigaw ni Emma mula sa sala.

Nagkatinginan muna kami ni Hazel bago ako tumayo at tinungo ang sala. Kinindatan pa ako ng nakangising si Emma nang makasalubong ko siya.

"Sage."

"Hey," aniya at niyakap ako. Himalang maganda ang mood niya ngayon at ang mas nakakagulat ay dumaan siya dito sa pintuan.

"Hindi ka papasok?" tanong ko. Nakaporma siya pero hindi pormang pangskwela.

"No," tipid niyang sagot. Gaya ni Hazel ay hindi rin siya papasok. I wonder kung papasok din sina Jameson dahil sa nangyari kanina.

"Eh anong ginagawa mo rito?"

"Masama bang makita kita?" suplado niyang tanong.

"Hindi naman," sagot ko. Ayaw kong pumupunta siya dito kapag ganitong nandito sina Hazel dahil kataku-takot na pang-iinis ang gagawin nila.

Pinasadahan niya ako ng tingin. "Change your clothes."

"Why?" nakataas kilay kong tanong.

He smirked. "Date tayo."

Naglalakad si Sage sa aking likuran at rinig na rinig ko ang kanyang pagrereklamo.

Napapailing ko siyang binalikan at hinawakan ang kanyang kamay at marahang hinila.

"I prepared something," inis niyang wika na nagpapatianod sa aking paghila.

"Mamaya na 'yon. I'm craving for street foods."

Nandito kami ngayon sa level 5.  Naalala ko kasi ang hilera ng mga street foods nang sinundan ko noon si Clark dito. Gustong-gusto kong kumain dito kaso laging nawawala sa isipan ko. At ngayong nag-aya si Sage na lumabas kaya ko naisipang dumaan dito saglit. Amoy pa lang ay katakam-takam na.

Patok sa mga estudyante ang paninda rito. Meron pang mga nakauniporme at ang iba ay nakatingin sa amin.

"You're having cravings?" aniyang nagtataka. "Are you pregnant? Nabuntis na ba kita?"

Namilog ang mata ko at tinampal ang kanyang bibig. Meron pang iilan ang napatingin sa amin ni Sage. Anong buntis?! Gusto ko lang kumain ng mga tusok tusok, buntis agad?

"What? I only emptied it inside you once–" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Namumula ang pisnging isinalampak sa bibig niya ang meat balls na nahawakan. Isa pa ang isang ito na walang preno ang bibig. Hindi man lang ba siya nahihiya na baka may makarinig sa kanyang mga pinagsasabi?

Hinawakan niya ang stick at masama ang tingin niya sa akin habang ngumunguya. Inirapan ko lang siya. Naglalaway na kumuha ako ng fish ball saka isinawsaw sa sauce.

"Hmmm." Pumikit ako habang ninanamnam ang lasa nito. Ang pinaghalong tamis at alat, it's crunchiness and tenderness.

Nakangiti ako na kumakain pero agad din iyong napawi nang may manguya akong napakalaking bilog na paminta. Napangiwi ako at pinayapayan ang aking bibig. Si Sage na nakatitig sa akin ay malakas na tumawa. Natatawa siyang kumuha ng palamig na pandan flavor at iniabot sa akin.

"Huwag ka kasi masyadong magfocus sa sarap ng kinakain mo. Lahat ng pagkain ay meron tayong ayaw na rekados katulad 'yang nakain mong paminta. Ang isda may tinik. Ang karne may buto. Ang aruskaldo ay may malaking luya na akala mo manok."

Joke ba iyon? Hahaha. Napapangiti akong umiinom dahil sa haba ng sinabi niyang straight na tagalog. May sense of humor naman pala siya minsan.

Inakbayan niya ako habang kumakain kami ng isaw. Wala siyang arteng kumakain ng street foods hindi tulad ng mga ibang rich kid na maaarte.

"You know what," aniya saka inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga. "I'll be the happiest man in the world if I got you pregnant." Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya ay ramdam kong nakangisi siya.

"I'm not."

"You will. Soon."

Bago pa kung saan humantong ang usapan ay pinitik ko na ang noo niya.

Naubos namin ni Sage ang tinda sa isang stall kaya kami na rin ang nagluto ng aming kakainin. Habang kumakain kami ay nakikipagkwentuhan ako kay Manong na nagtitinda. I've found out that these foods aren't free. Parang sa labas lang din na naghahanap-buhay sila but hey, they are paid for their service. Tip na lang nila ang kanilang pinagbentahan. I gave a salute to the owner of this school for that part.

Sagot lahat ni Sage ang aming kinain. I know that he can pay but I want it 50/50. Nagtalo pa kami pero gaya ng dati ay siya pa rin ang nanalo sa huli.

"Excuse me." I burp. "Busog na busog ako. Hayy. Hindi na ata ako makakalakad nito."

"I'll carry you then," aniya at tiningnan ang oras. "We need to hurry."

"Huh? Saan tayo pupunta?"

Hindi na siya sumagot. Yumukod siya at hinawakan ang likod ng aking mga binti.

I protested when he carried me. "Ibaba mo ako Sage! Nakakahiya!" wika ko at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

I bit my lips when I smelled his scent. Grabe ang pagpipigil ko na huwag sapian ng kalandian pero malakas talaga ang kamandag sa akin ni Sage.

Patuloy pa rin siya siya sa mabilis na lakad papunta sa kanyang sasakyan.

"I really love your scent. Ano bang pabango mo?" tanong niya na hindi ko pinansin. I opened my mouth and slowly kissed his neck.

Ramdam kong nanigas siya pero itinuloy ko pa rin ang aking ginagawa. Mas masarap siya kaysa sa ano mang street foods na nakain ko kanina.

Sage groaned under his breath.

"I like your taste," bulong ko sa tenga niya habang hinahaplos ko ang buhok niya.

"Stop it," matigas niyang wika.

"Stop what?" I teased and kissed his clenching jaw.

"You want me to do you in my car?" babala niya.

Natauhan ako sa sinabi niya at agad kong itinigil ang aking ginagawa. Bahagya rin akong lumayo sa leeg niya.

Wala siyang imik nang ibaba niya ako sa passengers seat bago umikot at binuksan ang pintuan sa kabila.

Kasalukuyan kong inaayos ang aking seat belt nang may pumigil sa kamay ko. Paglingon ko sa aking kanan ay namilog ang mata ko nang halos gahibla na lang ang layo ng mukha ko kay Sage.

Napasandal ako sa pintuan sa agresibong paghalik niya. Mahigpit kong hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit nang lumalim ang kanyang halik. He pulled me closer to him and put my right leg on his waist.

Habol ko ang hininga nang pinakawalan niya ang labi ko.

"Don't do that again," bulong niya habang hinahaplos ang aking binti.

Hinawakan ko ang pisngi niya upang matitigan ang kanyang mukha. Kahit madilim ay litaw na litaw ang kulay asul niyang mga mata. Halos nakadagan na siya sa akin at hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw ko.

He is dominating me and I like it.

"I love you," wika ko sa mahinang boses habang nakatitig sa kanyang mata. Kahit na ganito siya na laging may mood swings ay mahal ko siya at alam kong ganun din ang nararamdaman niya. Sana lang pagkalabas namin dito ay walang magbago. I want to be with him till my last breath.

Tumaas ang kilay niya at bahagya ring tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Really?"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Heto ako at seryoso pero siya ay nagloloko. Marahan siyang tumawa na tila ba naaaliw sa itsura ko. Tss.

Sa nangingislap na mata ay pinawi niya ang kunot sa aking noo gamit ang kanyang hinalalaki. "Pasensya ka na kung ganito ako. I don't tell what I feel. I'll just show it using my own way," malambing niyang wika. "Nadulas lang talaga ako noong una."

"Heh!" wika ko at bahagya siyang itinulak.

Natatawa siyang umayos sa kanyang upuan kaya natawa na rin ako.

Kinindatan niya ako bago binuhay ang makina ng sasakyan. "Put your seatbelts on and get ready coz this is gonna be a wild ride baby."

Wild nga talaga. Walang humps humps sa kanya. Diretso lang sa mabilis na patakbo. Kung sa totoong highway lang kami ay malamang na hinahabol na kami ng mga pulis dahil sa over speeding at duda ako kung magpapahuli si Sage. Baka maghahabulan lang sila.

Nandito kami ngayon sa kanyang condo at ang pinakamataas na floor ay okupado niya kaya doble ang lawak nito kesa sa pangkaraniwan.

He owns also the rooftop kung nasaan kami ngayon. Merong carpet na nakalatag at dalawang upuan. Ang nagsisilbing liwanag dito sa rooftop ay ang maliliit na mga light bulbs. Ang ganda ng setup pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang malaking telescope na ginagamit para sa star gazing.

"Y-You prepared this?" baling ko kay Sage. "It's not our monthsary."

"I know," aniya at pinisil ang tungki ng ilong ko. "Is it bad if I wanna be romantic to my girlfriend?" ngiti niya habang masuyong nakatitig sa akin.

"O-Oh." This is the first time that he exert effort para magkasama kami. Ito rin ang unang beses na makita ko siyang maging mabait at malambing, pasensyoso sa akin at hindi nagagalit. Kanina ko pa iyon napapansin pero hindi ko na isinatinig dahil baka mag-iba na naman ang mood niya.

"Thank you," wika kong hindi maitago ang ngiti. Niyakap ko siya at pasimpleng pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"What?" aniyang natatawa habang hinahaplos ang likod ko. "This is only simple for you to be emotional. Paano na lang kaya kung magpropose na ako?"

"Tss. Of course I'll say I do."

"I do? That is for the wedding vows." Halakhak niya.

Oo nga pala. Sa kasal pala yun. Napahiya ako dun ah.

"Come on. Baka wala na tayong maabutan." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa telescope.

"This is Celestron NexStar 6SE," manghang usal ko.

"Yeah," aniya habang nakasilip sa butas at inaayos sa magandang anggulo. "This is the peak night of Leonids meteor shower."

"Leonids? The Leo?" ika ko. Bigla akong naexcite.

I've always like things outer space. Miminsan lang ako makakita ng meteor dahil hindi ko naman alam kung kailan sila lalabas. Kapag may napanuod naman akong balita kung kailan at kung anong oras ay lumalabas ako noon sa bahay pero malas ata ako dahil wala man lang akong makita ni isa hindi tulad sa star gazing na pwede kong gawin kahit anong oras ng gabi.

"Uh-huh. We're late but I hope that we can still see some."

"Sinabi mo sana ng mas maaga," wika ko. Pwede ko naman sanang ipagpaliban ang pagkain pero itong pagkakataong ito ay miminsan lang.

"I don't want to ruin your mood," sagot lang niya. "What you want is what matters to me the most."

Kinagat ko ang labi ko at bahagyang tumango. "Hmm. May I?" turo ko sa mga beer na nakalublob sa ice na natutunaw na.

Tumingin siya saglit sa akin saka nagthumbs-up.

Light beer lang ang binuksan at ininom ko habang hinihintay si Sage. Inilibot ko ang paningin sa buong rooftop. This is a perfect place for dates. You can see from here the city lights. Well, kahit anong view pa iyan, wala ng mas gaganda pa sa paborito kong view.

Tinitigan ko ang likod ni Sage. Ang tangkad talaga niya. Ang ganda rin ng pwet niya.

"Come here," aniya na nagpaigtad sa akin mula sa pangmamanyak ko sa kanya sa aking isipan.

Tumabi siya nang lumapit ako at pumwesto siya sa likod ko. I closed my left eye and look into the telescopes eyepiece.

Astonishment filled me when I saw the stars in a clearer view.

"What is your zodiac sign?" tanong ni Sage na nakayakap sa akin mula sa likod.

"Libra. How about you?" balik tanong ko habang nag-iintay ng isang meteor na dadaan.

"It's–"

"There it is! I've seen one!" I exclaimed when I saw a green meteor falling from the sky. I almost jumped in happiness. Nanlaki ang mga mata ko nang sunod-sunod na ang pagbaksak ng mga bulalayaw.

"Woaahhh," mahina kong usal habang pinapanuod ko ang pagbagsak at paglaho nila. This is fantastic!

Humigpit ang yakap sa akin ni Sage.

"How was it?"

"It's beautiful," manghang sagot ko.

I heard him chuckled. "Make a wish then."

A wish? I never experienced to utter a wish. I didn't experienced to blow a candle and make a wish during my birthdays. Bukod kasi sa hindi ko iyon kinaugalian ay wala naman akong gustong hilingin.

Pero noon 'yon. I closed my eyes when a bright orange meteor past through. Matapos akong humiling ay niyapos ko ang mga braso ni Sage na nakayakap sa akin.

He's extra caring today despite what happened in their hide out earlier. I erased that taught. I'm here to enjoy our time together.

"What is your wish?" usyoso niya.

"It's a secret." And it's a selfish.

Ramdam ko ang pagngisi niya.

"Are you happy with me?" out of the topic na tanong ko.

Pinaharap niya ako at sumalubong sa akin ang kunot na kunot na noo niya. "What's with the sudden question?"

"Tinatanong ko lang kung masaya ka ba sa akin."

"Anong klaseng tanong iyan?" Medyo inis ang boses niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Damnit. I think I'm gonna ruin our night. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at natanong ko iyon.

"Masaya ako na kasama ka. And even if I'm not always by your side, I'm still happy because you're in my heart and mind. Ikaw, masaya ka ba sa akin?" seryoso niyang tanong sa matiim na titig.

"M-Masaya," wika ko.

"Then what's with your question?"

"W-Wala lang."

I can feel that he's getting annoyed with my words. "I'm going to say this once so listen carefully."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at mataman na tinitigan ang aking mga mata. "You are the best thing that ever happened to me. Before I met you, I'm like a lost wolf, alone and lonely. I'm only leaving for myself and my reasons. But when I saw you, everything's changed. You painted my dark life with bright colors. You changed my perspective. You pick up the broken pieces of myself. You pulled me from the darkness that I'm leaving for how many years. Your presence makes me calm. You gave me the love that I am yearning."

Huminga siya ng malalim. "I love you if that's what you want to hear. Mahal kita, sobra-sobra." Sage's eyes were blood shot from suppressing his tears to flow. "Sabrina, you completed my life so don't you ever dare question again my feelings for you."

Tumalikod siya sa akin at tumingala habang ako ay sumisinok na.

I sobbed. I'm so happy with what I've heard but there's that feeling again, the uneasiness and the feeling that I'm gonna break him.

PAREHO kaming tahimk ni Sage habang nasa daan kami. His back to his expressionless face again while driving.

This is all my fault. Masaya na sana ang gabing ito kung hindi lang dahil sa matabil kong dila.

I tried to open a conversation. "Ahhmm. M-Mag meryenda ka muna kaya sa b-bahay?"

"I'm full," maikli niyang sagot. Kinagat ko ang labi ko at tumahimik na lang. Is he ashamed that he confessed or pissed because of me? I think it's the latter.

Pipikit na sana ako upang umidlip dahil ayaw niya akong kausapin nang mahagip ng mata ko ang isang bulto ng babae sa gilid ng madilim na daan. Nakaitim itong damit at hindi ko maaninag ang mukha nito. While looking at the back, wala sa sariling hinagilap ng kamay ko ang braso ni Sage at kumapit doon dahil sa unti-unting paggapang sa akin ng kaba.

"Is there a problem?" tanong niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang may narinig kaming pumutok.

"Shit," mura ni Sage nang mawalan siya ng kontrol sa manibela dahil sa pumutok na gulong ng sasakyan doon sa likod.

Handa na sana akong lumabas kasama si Sage nang kusang tumigil ang sasakyan.

"What. the. fvck?!" hindi makapaniwalang mura ni Sage. We're going down the slope road at ang pagtigil ng sasakyan sa gitna nito ay isang nakakapangilabot na pangyayari.

Sinubukan niyang paandarin ang sasakyan pero hindi gumagana.

"What the hell is happening?" matigas niyang wika sa madilim na anyo.

Akma siyang bababa nang pigilan ko ang kamay niya. "S-Stay inside."

A few meters away from me, I felt something that's going to hit me. With it's lightning speed, it's too late for me to dodge it.

The car's windshields broke into pieces. The shockwave was so strong that it creates a loud screeching noise.

Things happens so fast. Namalayan ko na lang ang bagay na hawak-hawak ni Sage.

A spear. It's violently shaking pero mahigpit itong hawak ni Sage upang hindi kumawala.

Namutla ako nang halos isang pulgada na lang ang layo ng matulis na sibat sa noo ko. Nanlamig ang katawan ko. Kung hindi ito napigilan ni Sage ay sumulpot na ito sa bungo ko at tumilapon palabas ng sasakyan.

My lips were trembling with fear. Blood flowed out from Sage's hand. With his dark face and clenching jaw, he broke the shaking spear using his one hand.

Hindi pa ako nakakarecover sa shock nang nabasag ang salamin ng sasakyan sa gilid ko. Through the shattered mirror, I saw a person that I didn't expected to see anymore. The last person that I killed.

I saw Agatha's sinister face, smiling wickedly at me.