Chapter 37 Hideout
Tahimik akong sumisimsim ng kape dito sa aking veranda. It's only 5 in the morning at medyo madilim pa.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil tumawag si Dad kagabi.
Ayon sa kanya ay maayos na naisagawa ang kanyang eye transplant at ngayon daw tatanggalin ang benda.
He wants me to book a flight to Colombia. Meron daw siyang importanteng ipapagawa sa akin and he wants me to go there along with his eyes.
Puro 'oo dad' ang sagot ko kahit hindi naman. Pagkatapos niyang tumawag ay si Kuya naman ang tumawag at mukhang aburido. Siya na raw ang bahala kay dad na gumawa ng excuse basta't hindi ko sasabihin kung nasaan ako at kung ano ang nangyayari dito sa Pilipinas.
Madami siyang ibinilin at hindi man lang niya ako binigyan ng tiyansang magsalita.
Yumugyog ang sanga ng puno na malapit dito sa aking veranda. Pagbaling ko doon ay nanlamig ang mainit na kapeng aking iniinom nang lumitaw ang mukha ni Sage.
Walang kahirap-hirap siyang sumampa sa baradilya at naglakad palapit sa akin.
Halata ang pagod sa madilim niyang mukha. Ang aga niyang pumunta dito. Natutulog pa kaya siya?
Nahalata ko lang, kapag may bibisita sa akin ay dito sila dumadaan. Anong silbi ng pintuan sa harapan?
Ibinaba ko ang hawak na kape. Sana ay hindi na siya galit sa akin sa ginawa ko kagabi.
"Kape?" alok ko nang umupo siya sa katapat kong upuan.
"Yeah," walang gana niyang sabi at kinuha ang aking mug at uminom mismo doon.
"May problema ba?" tanong ko nang nakatitig siya sa laman ng mug na hawak niya.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong niya rin ako. "What kind of brain do you have?"
"W-What do you mean?"
Nag-angat siya ng tingin at sumeryoso ang mukha. "Do you know the consequences of having that mark?"
Naumid ang dila ko.
Of course he knew. He saw my back last night so he'd probably saw my tattoo too.
"Yes it gives you the power and the abilities but in return, it will take your life."
"My l-life?"
"2 years for the normal tattoo. But with you, 4 years of your lifespan will be deducted every end of the school year."
Holy–
"That is a forbidden tattoo. That was used for experimentation before. And if you wouldn't able to remove that within 5 years, you'll live in the darkness just like what happened to Agatha."
Malakas na kumabog ang dibdib ko sa mga narinig.
W-Why would that woman gave me this mark? I saw the genuine concern in her eyes for me so why gave me the tattoo if my life will be at stake?
Totoong nagbunyi ako noon hanggang ngayon sa pagkakaroon ko ng tattoo pero sa mga narinig ko kay Sage, gusto kong magwala.
Paano ito matatanggal? Paano kung hindi ko ito maalis sa loob ng limang taon? Ang isiping magagaya ako kay Agatha ay nakakasira ng bait.
"You understand now? Instead of you living a hundred years, you only have 96 years and lesser!" galit na wika ni Sage.
Eh baliw pala siya eh. How did he know that I'll live for 100 years? Manghuhula ba siya? Tss.
"How about you? You only have 92 years then? Kasi meron ka na niyan noong first year pa? Ilan ang nawala sa iyong taon? Eight? Seven years?" wika ko na may halong sama ng loob.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Nanikip ang dibdib ko sa katotohanang nawalan siya ng pitong taon na mabuhay dito sa mundo.
Paano kung 40 years lang pala ang lifespan niya? Eh di makakasama ko lang siya ng labing tatlong taon tapos mamamatay na? Powta. Gusto kong kasama siyang tumanda.
"Oh ba't di ka makapagsalita?" pukaw ko kay Sage.
Uminom ulit siya ng kape saka tumingin sa malayo.
Changing the topic, "Pumunta ka ng Casa," aniya pagkatapos ng kaunting katahimikan.
Bumaling siya sa akin. "You leave no evidence but your scent is lingering all over my place."
"W-What would you think that it's me?" kinakabahan kong tanong.
"Nakatatak ka na sa aking puso't isipan Sabrina. Kahit nakatalikod ka, kahit nakaabungot ka, makikilala at makikilala kita. Now, anong ginagawa mo doon sa Casa?" nanunuri ang mga matang tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Alam kong nakita ni Sage ang wasak niyang sahig na sinira ko pero hindi niya iyon tinatanong ng diretso. Imposibleng hindi niya iyon nakita dahil iyon ang dahilan kung bakit bumalik siya ng Casa.
"I just want to see you. That's all," sagot ko na totoo naman.
Tumaas ang kilay niya na parang hindi naniniwala. "Kung gusto mo talaga akong makita, bakit umalis ka agad nang dumating ako sa Casa?"
Bakit nga ba? Dahil natatakot akong mahuli o dahil sa aking nakita?
Pareho siguro.
I don't wanna be caught and I don't want him to see the shock on my face so the best thing to do is to flee.
"Ayaw ko lang na mahuli sa akto," pag-aamin ko.
Huminga siya ng malalim. "Okay. Next time, if you want to see me, just give me a call and don't sneak in like a rat again."
Bahagya akong tumango habang nakatitig sa kanya. Hindi ba dapat ay tinatanong na niya ako tungkol sa bagay na nakatago sa ilalim ng sahig niya? Sage is staring at me too but I can't read what's running inside his head.
Tutal ay nandito na siya ay inaya ko ng dito na mag-agahan. Pagkababa namin ay siya ring pagdating nina Hazel at Emma galing paaralan.
"Dalton!" gulat na wika ni Emma nang makita si Sage na nasa aking likuran. "Kaya pala absent ka kanina dahil nandito ka pala," aniyang nakangisi.
"Eherm." Pumeke ng ubo si Hazel. "Mukhang nagkalindol dito sa bahay ah. Buti hindi nagiba," aniya at inilibot ang paningin sa buong kabahayan.
Humagalpak ng tawa si Emma at tinapik-tapik pa ang balikat ni Hazel.
"Ano ka ba? Matibay naman itong bahay," wika naman ni Emma. Nagtawanan ang dalawa na parang baliw. Akala ko ay may kakampi na ako dito, nakalimutan kong parehas pala silang may tama sa ulo.
"Don't worry. We did it somewhere else," Sage said nonchalantly.
Natigil ang dalawa sa pagtawa at sa namumulang mukha ay pinanlakihan ko siya ng mata. Kailangan pa bang sabihin iyon?! Grrr.
Sumipol si Hazel bago umakyat sa taas para magpalit ng damit. Nauna nang pumasok si Sage sa kusina.
Umangkala sa akin si Emma. "I've been wondering about this for sooo long. So tell me, how was his performance? Is he good? Is he delicious? The abs? Did you lick it? You know the rumors? Is it true that he has a big–"
Tinakpan ko ang bibig ni Emma bago pa kung ano ang masabi niya. Wala man lang preno ang bibig ng isang ito. Uso ang filter. Tss.
"H-Huwag ka ngang tsismosa!" wika kong naaasiwa.
"Uy, namumula siya oh. Totoo nga?" aniyang tumatawa at kiniliti pa ako. Baka si Agatha ang nagpakalat ng balitang iyon. Proud gf eh, este, ex pala.
"H-Hindi," wika ko at nag-iwas ng tingin. Ano ba itong mga pinagsasabi niya? Naiilang ako.
"So maliit?" nakataas kilay niyang tanong .
"Malaki nga!" wala sa sariling sagot ko.
"Pfft!" Bumunghalit ng tawa si Emma.
"Tss." I want to defend Sage on that part. Totoo naman kasi ang mga tsismis tungkol sa ano niya. Muntik pa nga akong mamatay eh. Well, sa ibang paraan. Haha.
After breakfast ay nagbihis na ako. Hindi pa umalis si Sage dahil ihahatid niya raw ako sa school.
Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko si Sage sa sala na nagbabasa ng magazine.
"Tayo na," yaya ko sa kanya.
Tumayo siya nang makita ako. Pinasadahan niya ako ng tingin at lumapit sa akin.
"Huwag kang masyadong magpaganda," aniya saka inayos ang pagkakabutones ng aking uniform.
Napangiti ako sa sinabi niya. Sa kanya lang naman ako nagpapaganda eh.
I slightly gasped when his hands grazed the top of my left chest. I don't know if he did that on purpose or just an accident. Nang tiningnan ko siya ay parang wala naman. Ako lang siguro itong malisyosa.
FLEXIBLE pala ang bunganga ni Lucy. Ang laki ng pagkakabukas dahil sa kanyang pag-atungal. Night class pa rin sila at nakasalubong ko lang kaninang pag-uwi nila.
"Akala ko ay patay ka na!" si bakla na parang ahas na nakalingkis sa akin.
"Akala namin ay hindi ka na namin makikita," segunda naman ni Angel na sinang-ayunan ni Alex.
"Huwag ka sanang magalit Sab, pero inakala namin talaga na patay ka na. You're imprisoned for almost a week. No one, as in no one can escape the chains of heat. At kung sino man ang pumasok sa kulungang iyon ay hindi na makakabalik pa. Ikaw pa lang ang una."
Wala talagang makakalabas sa kulungang iyon dahil mamamatay ka sa gutom at uhaw. Swerte mo kung malalagutan ka agad ng hininga bago ka lapain ni Agatha dahil hindi mo na makikita ang kanyang nakakahilakbot na itsura at kung gaano kasakit ang mangatngat ng buhay.
"Alam niyo ba kung saan ang lokasyon ng kulungang iyon?" tanong ko.
"Walang nakakaalam liban sa ilang piling mga tauhan at kina Sage," sagot ni Alex.
Ito iyong mga bagay na hindi namin magawang pag-usapan noon. They knew about the mark, it's perks and the catch.
"Ikaw, hindi mo ba matandaan?" nagtatakang tanong ni Angel.
Umiling ako. Hindi sa hindi ko natatandaan. Pagkalabas ko noon sa pintuan ng kulungang iyon ay malawak na karagatan agad ang sumalubong sa akin. Mula sa taas na aking kinalalagyan ay napapalibutan ito ng tubig na walang hanggan. It's like a tower in the middle of unending water.
"Wag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga ay nakaalis ka ng ligtas sa lugar na iyon," wika ni bakla.
Matapos ang maikli naming pag-uusap ay nagpaalam na ako dahil magsisimula na ang aking klase. Meron akong mga namumukhaan na nga kaklase na kasama ko noon sa night class. Halos lumipat silang lahat.
Nakatanaw ako sa labas nang mamataan ko ang pamilyar na uwak na lumilipad mag-isa sa himpapawid. Nahihiwagaan talaga ako sa isang ito dahil para kasing may sarili itong isip.
May kumalabit sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa lalaking katabi.
"Bakit?" tanong ko. I don't know his name. Madami rin kasing naidagdag sa klase namin na galing sa ibang section.
"Pansin mo rin?" tanong niya.
"Ang alin?"
Itinuro niya ang uwak na pinagmamasdan ko kanina.
"Looks mysterious, right?"
Ohh. He noticed it too. Pasimple kong pinagmasdan ang istura niya. Mukha siyang normal na estudyante. He's just like Jayden but this one has a glitter of mischievousness in his eyes. A kind of person that you shouldn't get associated with, sly and dangerous.
"Sorry for being rude." He chuckled. "I'm Duke," pagpapakilala niya.
"Sabrina."
"Nice meeting you Sabrina Cro– Suarez."
Naningkit ang mga mata ko sa pagkakadulas niya. He's supposed to say 'Cromello' pero mabilis niya iyong binawi. Pinalagpas ko iyon at hindi na pinansin pa. Kung alam niya ang totoo kong pagkakatao ay nararapat lang na layuan ko siya.
Kakatwang hindi na siya umimik pa pagkatapos ng kaunti naming pag-uusap. Ang buong atensyon niya ay nasa guro at ang itinuturo nito.
"PSSSST.."
Tumigil ako sa paglalakad nang may narinig akong mahinang pagsitsit.
Hindi ito sitsit ng isang manyakis na tao.
Naulit pa ang pagsitsit kaya sinundan ko ito kung saan nanggagaling. Lunch time ngayon kaya lahat ng estudyante ay nasa canteen at kumakain. Lumiko ako sa kabilang parte ng aming building nang nakarinig ako ng mumunting hagikgik.
"Van!" bulalas ko. It's been awhile since I've seen her. Humarap siya sa akin at napaatras ako sa itsura niya. Dumudugo ang mata niya at tumatawa.
"Y-Yow," bigkas ko sa nangangatal na labi.
Her right hand pointed in the blue sky. "Follow that thing."
Bago ko pa maproseso ang sinabi niya ay tumakbo siya palapit sa akin. I stood my ground. Before her bloody clothes touches mine, she vanished, leaving her foul odor in the air.
I heaved a sigh of relief.
Bumaba ako sa aming building at pasimpleng binabantayan ang galaw ng uwak na lumilipad pa rin. Walang sinabi si Van kung bakit pero sundan ko raw ito.
The bird headed north. Alam ko na kung saan ito papunta. Pumunta ako sa likod ng auditorium. Nang masigurong walang tao ay pumikit ako at madaling gumawa ng portal papuntang level 6.
I hide in the bushes while looking at the sky. Traveling by air is a lot faster than land but portal? Nah, that's the fastest.
I concealed my presence when I saw the bird coming. Gamit ang mga sanga at dahon ng puno ay nagawa kong ikubli ang sarili habang sinusundan ito. Maingat ang bawat hakbang ko upang hindi makagawa ng ingay.
Taena. Para akong taong gubat na humuhuli ng makakain sa ginagawa kong ito.
The bird's crimson eyes became brighter and smoke started to flow out of it's body. Diretso ang lipad nito papunta sa malaking puno. Madali akong nagtago nang pumatong ito sa isang sanga at nagmasid sa paligid. Pagkatapos nun ay tumalon ito sa likod ng puno.
Nag-abang ako kung ano ang mangyayari. Suddenly, a quick light flashed behind the tree.
Ilang segundo lang ay lumitaw ang isang tao mula sa likod ng puno. Her hazel brown eyes were sharply scanning the surroundings.
H-Hazel?!
What the heck is the meaning of this?!
She walks towards my direction. Mabilis akong umakyat sa taas ng puno bago pa niya ako makita.
"Everything's going smoothly," aniya nang ilabas ang cellphone at may tinawagan. Rinig na rinig ko ang sinasabi niya dahil nasa tapat ko siya mismo. If I haven't concealed my presence, she would've spotted me easily.
"Right now?... But how about the– Okay. Got it..."
Hazel kept on talking over the phone until she left level 6. May nabanggit siyang lugar kanina at natitiyak kong doon ang punta niya. For her not to sleep after her night class, there must be something important.
"Kung susulpot ka, magsabi ka!" singhal ko kay Van na basta na lang lumitaw sa aking tabi. Muntik rin akong madulas. Mabuti na lang at maagap akong nakakapit.
"Sorry. Hehe."
Maayos na ang itsura niya hindi tulad kanina na nagawa pa akong pagtripan. Pasimple ko siyang inakbayan saka marahang hinila ang kanyang buhok.
"Ugh," daing niya. Kung pwede ko lang sana siyang gulpihin kaso baka magghost mode ulit siya kaya huwag na lang.
"Create a portal," utos niya. Ayaw ko sa tono ng pananalita niya na para bang tatay ko siya kung kausapin niya ako. But I still did because she's leading me to something big.
"Huwag kang mag-isip ate," aniya at hinawakan ang aking kamay. "Susundan natin siya."
"Is that possible?" Tukoy ko sa gagawin niya. Ako ang gagawa ng portal tapos siya ang iisip ng pupuntahan namin.
"Yes. Just clear your mind and relax."
We both closed our eyes. I felt a strong force pulling us. Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong wala na ang kamay ni Van na nakahawak sa akin.
Naiwan akong mag-isa dito sa madilim at malamig na pasilyo. Sinimulan kong maglakad paabante at ang tanging maririnig lang ay ang mga yapak ko. Ito siguro ang lugar na nabanggit kanina ni Hazel. Kinapa ko ang pader at nalamang gawa ito sa brick stone katulad ng castle sa level 2.
Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa meron akong narinig na mga boses nag-uusap. Umatras ako ng kaunti nang marating ko ang dulo ng hallway. May karugtong itong mahabang hagdan pababa kung saan naroon ang mga taong nag-uusap.
It's so deep. It's like a big well.
Pabilog ang style nito at napapalibutan ng nagtataasang mga bookshelves na kinalalagyan ng maraming libro. Para siyang library. I think this is a secret lair na para lang kina Hazel.
Sa gitna mismo ay namataan ko sina Hazel kasama si Sage at ang kanyang mga kaibigan. Mataas ang kinalalagyan ko at sa tulong ng dilim ay hindi agad ako makikita. Wala akong ideya kung bakit ako dinala ni Van dito kaya ang mabuti ay makinig na lang ako sa kung ano man ang pag-uusapan nila. Sumilip ako at tumanaw sa ibaba.
"Ang tanong ay kung paano tayo makakapunta doon," boses ni Kyle.
"If only Agatha–" Hindi natuloy ni Clark ang sasabihin nang sikuin siya ni Bartender Morgan.
Jayden was here also.
Kita ko kung paano mag-igting ang bagang ni Sage dahil doon.
Damn I'm right. Sage is here for a mission at hindi lang iyon, kasama pa sina Hazel. At sa tingin ko ay hindi lang isang simpleng misyon kundi isang malaking operasyon at mukhang kinakailangan nila si Agatha upang isagawa iyon.
"Don't get me wrong but we can't execute the plan without her," si Jayden.
"I've found a secret passage," wika ni Sage na siyang nakapagpatigil sa kanila pati na sa akin.
"Where?" tanong ni Hazel.
"In the falls. There's an underground tunnel there connecting to Denholt."
The falls!
Ngayon alam ko na kung bakit bigla-bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko noon!
"Meron naman palang ibang daan," palatak ni Jameson. "Kung lalangoy lang tayo ay walang problema. Leave the oxygen tanks to me."
"There is a one big problem," pigil ni Sage. "The door is guarded.. by a gigantic monster."
Kita ko ang pag-awang ng bibig nilang lahat. Kulang na lang ay lumuwa ang kanilang mata.
"G-Gigantic?" namumutlang wika ni Jayden.
"M- monster?" hindi naman makapaniwalang usal ni Jameson.
"Then there's no other way! We can't beat a monster! Even if Sage has the mark, he can't defeat a gigantic beast!" si Clark.
"H-How can we go through?" si Bartender Morgan.
"I have a plan but I'll be needing one person as a decoy. And the chance of survival is 20%."
Malakas silang nagsinghapan. Buti na lang at natakpan ko ang bibig ko bago ako makagawa ng ano mang ingay.
Ngayon ay hindi na maipinta ang kanilang mukha. I doubt kung meron bang magpeprisinta na maging pain with a 20% survival rate.
"I'll do it," walang emosyong wika ni Sage.
Malakas na kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Gusto kong magprotesta pero pinigilan ko ang aking sarili at nanatili sa aking posisyon.
"What? Hindi pwede! Paano kung hindi ka palarin? Paano na ang–" naputol ang sinasabi ni Hazel nang sumingit si Clark.
"You know how much respect I have for you Sage pero bakit ka nagpadalus-dalos sa desisyon mo? Hindi mo man lang ba naisip ang posibilidad na ito? Kung sana ay hindi mo hiniwalayan si Agatha ay mapapadali sana ang lahat!"
Kumuyom ang mga kamao ni Sage at nandilim ang kanyang mukha. Namilog ang mga mata ko nang hablutin niya ang damit ni Clark at basta na lang ibinalibag sa mga nakahilerang libro. Nataranta ang lahat at halos lahat sila ay pinagtulungan si Sage upang pigilan.
"If all you can do is complain, then better leave this group! I don't need a gutless man like you!"
"What do you need then huh? A woman like Sabrina? A woman who kills without mercy? A woman we don't know her real identity? A woman we only know by name? A mere transferee?! Iyon ba ang kailangan mo?!"
Sage's eyes turned pitch black. Sa isang iglap lang ay nakawala siya sa hawak nila Kyle. Huli na kay Clark para makatakbo dahil hawak-hawak na siya ni Sage sa leeg.
"Be careful with your words Manuel," he growled. "The woman you're talking is the woman I love! The woman that I need in my life!"
Nagkagulo na silang lahat. Hindi alam ng mga lalaki kung pipigilan ba nila si Sage dahil nag-alalala rin sila sa kanilang sariling kaligtasan.
"Shit! Shit! Shit!" aligagang mura ni Hazel habang may tinatawagan.
"Look for tranquilizers!" aniya sa namumutlang si Jameson.
"O-Okay."
"Fuck! Mamatay na si Clark! Bilisan niyo! Nasaan na ang gamot para sa baliw?!" histerya ni Bartender Morgan.
Inihagis ni Sage ang hawak na si Clark at si Bartender Morgan naman ang isinunod na sinapak.
"Morgan!" tili ni Hazel.
Bababa na sana ako upang tumulong nang biglang lumitaw si Ms. Anne na may dalang kahon.
"Hold him!"
"You don't need to," nagatatagis ang bagang na wika ni Sage. Binitawan niya si Morgan at muntik pa itong matumba. Agad itong dinaluhan ni Hazel.
"You know the meeting place but if you're scared then better go home because I will not abort the mission. I'll do it even if I'm alone. Let's go Kyle."
Pagkaalis nila Sage at Kyle ay naiwan sina Hazel na tulala at ako na naluluha.