Last
AFTER another week, nakalabas na rin ako nang hospital at dumiretso kami sa Agnila Compound dahil na rin sa pakiusap ni Jairus sa mga magulang ko na agad naman nilang pina-unlakan.
Nagkakasiyahan kami sa sala nang palasyo ng mga Agnila. Wala si Tita Pat, dahil matapos raw magdesisyon ni Jairus na gusto niyang pumasok sa politika umalis siya at nanatili na lamang sa Germany kung nasaan ang Duke at Duchess nitong magulang.
Okay lang naman daw sa binata dahil hindi naman siya pinababayaan nang ina at lolo at lola niya. Ginagabayan pa rin naman daw siya.
Kaming mag-anak lamang ngayon ang nasa sala. Nagkukulitan.
“Beb, ang payat mo na lalo.” komento ni Jairus habang nakaupo siya sa carpet at nasa harap niya si James, ako naman ay nakaupo sa sofa sa likuran ng mag-ama.
Sinapak ko siya. “Eh bakit, gumwapo ka ba? Hindi naman, ah.”
Natawa ang anak namin na matamang nanunuod habang naglalaro siya sa cell phone ng ama. Iyong phone na nakuha ko noon sa villa. Nilagyan niya ng games.
“Nga pala beb,” sabi ko nang may maalala. “Saang hacienda iyong villa na nagisingan ko noon?”
Natawa siya. Maging si Jack na nananahimik ay nakatingin sa akin at tumatawa.
“Di naman hacienda ‘yun mommy ‘e,”
“Huh?”
Humawak si Jairus sa tuhod ko saka bahagyang kinurot ang daliri ko sa paa na nakapatong sa balikat niya. “Sa dulong bahagi lang nitong compound ‘yun, beb.”
Nagulat ako. “Really? Ang lawak talaga nitong cmpound niyo, saka lalong dumami ang MIB mo, ah.”
Tumawa lang siya.
“Pwede kaya pumunta ulit do’n? Balik tayo, beb. At saka teka... bakit doon? Pwede naman dito na lang sa palasyo niyo?”
“Pwede naman pero may mas maganda tayong pupuntahan, do’n sana tayo magde-date noon e, naburyong lang daddy ko.” Ngayon naman ay nakaunan na siya sa legs ko. “Saka teka pala, Jack, nasa’n?”
Naguguluhang tumingin ang bata sa ama na nasa harap niya. Naka-kunot pa ang noo nang anak ko. Kapag ganoon ang reaksyon niya kamukha-kamukha siya ni Jairus.
“Ano, dad? I can’t understand you.”
“Yun nga! Asan na siya?”
Tila may na-realize naman ang bata. “Ah oo, wait I–”
“Anong oo, Jack Aleandro?”
“Opo,” mabilis siyang tumakbo paakyat sa hagdan.
“Careful, bebe.”
“Yes, mom.”
Hinaplos ko ang buhok ni Jairus hanggang sa batok niya at leeg. “Ano iyon, Beb?”
“Wait a little longer,”
Wala akong nagawa. Humiga na lang ako sa sofa habang hinihintay ang kukunin daw nang anak ko.
“Bakit pala parang hindi pumapasok si Jack, Jairus?” hindi ko kasi siya nakikitang umalis ng bahay. Wala rin siyang ginagawa o nagbabasa man lang. Palaging naka-tunganga sa akin o di kaya ay sa ama.
“Nag-aaral ‘yan, akala mo lang hindi. Binabasahan ka nga niya nang stories noong coma ka pa.” nilingon niya ako at nginitian. “Hindi siya aalis sa villa hangga’t hindi ka niya nababasahan ng kwento.”
“He’s so sweet, ang swerte ko sa anak ko.” Wala sa loob na humawak ako sa dibdib.
“Parang aning!” Rinig kong reklamo nang lalaki na tumayo mula sa kinauupuan niya kanina at sumiksik sa tabi ko sa sofa. “Hindi tayo kasya, saka aning ako kaya alis diyan baka mahawa ka!”
“Just kidding Beb, mahal naman kita kaya kahit aning ka tanggap kita.”
Nagtagumpay siyang tumabi sa akin sa sofa. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Ngayon ko lang rin ulit naramdaman ang walang tigil sa pagtibok kong puso. At alam kong rinig na rinig niya iyon.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa dibdib niya. “Feel my heart Beb, pakinggan mo!”
Katulad nang puso ko, malakas din ang tibok ng puso ni Jairus. Tila ba nagkakarera sila kung sino ang unang makakarating sa lugar kung saan silang dalawa lamang ang naroroon upang maisiwalat nila kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.
“She’s here!”
Agad kong itinulak si Jairus kaya nahulog siya sa carpet. “A-aray...”
Nagulat ako nang makita kung sino ang hila-hila ni Jack habang pababa siya nang hagdan. “Roan?”
“Do you know her, Mom?” tanong ni Jack ng makalapit kasama si Roan.
“Yes, bebe.” Agad akong tumayo hindi pinansin si Jairus na nanatili sa sahig at hinihimas ang balakang. Lumapit ako kay Roan at agad siyang niyakap. “Woah! Na-miss kita, Roan!”
“I missed you too, Ms. Zaraga. You’re beautiful as always.”
“Bola,” narinig ko ang mahinang bulong ni Jairus na nakaupo na sa sofa.
Ilang oras kaming nag-kwentuhan sa sala kasama si Roan, as if she’s not a robot and not Jairus primary security.
KINABUKASAN maaga akong ginising ni Jairus may pupuntahan raw kami. At heto, nakasakay kami sa kabayo patungo sa kung saan na kahapon pa sinasabi ni Jairus na dating place raw sana namin.
Iniwan namin si Jack sa yaya nito. Ang dami ko talagang hindi alam sa kanila. Ang daming sandali ang ninakaw sa akin nang walong taon na iyon at wala akong masisi dahil hindi sinasabi sa akin nang mga tao sa paligid ko ang nangyari sa aksidente at matapos niyon. But for now, i-enjoy ko na muna ang sinasabi ni Jairus. Malalaman ko rin naman lahat sa tamang panahon.
Ngayon ko lang nalaman na sa likod ng palasyo nang mga Agnila may malawak na damuhan at sa gilid ay kwadra nang iba’t-ibang breed ng kabayo. At ito nga, gamit namin ni Jairus ang isa. Marunong pala siyang mangabayo.
Totoo nga na marami pa kaming hindi alam sa isa’t-isa dahil sa kakaunti naming oras na nagsama. Isang kabayo lang ang gamit namin dahil hindi naman ako marunong mangabayo.
“Sigurado ka? Magugustuhan ko doon, ah.” sabi ko maya-maya.
“Oo nga,”
“Paano pag hindi?”
“Oo nga kasi,”
At tama nga siya, nagustuhan ko ang lugar kung saan ako dinala nang lalaki. Sa tree house sa likod nang Cuarteros. Miss na miss ko ang lugar na ito magmula nang hindi na ako ulit dalhin nang lalaki dito.
Dali-dali akong tumakbo sa mini-elevator nang makababa ako sa kabayo. Nangingiti namang nakasunod sa akin si Jairus na nakasilid sa bulsa nang suot nitong pants ang dalawang kamay.
“Excited?”
“Yes.” I beamed.
May pinindot siya sa gilid at tumaas ang mini-elevator. Mula sa taas nang puno ay tanaw ko ang lahat. Tanaw rin sa hindi kalayuan ang palasyo nang mga Agnila dahil nga sa taas nang tayo namin ngayon at sa taas nang palasyo na ‘yon.
Malawak na kaparangan at sa hindi kalayuan ay mga bulaklak na nagkalat. Iba’t-ibang kulay. Ang ganda nilang pagmasdan.
“Bakit hindi ko nakita noon ang palasyo niyo?” tanong ko kay Jairus at itinuro ang mansion nang mga Agnila sa hindi kalayuan.
“Hindi naman kasi tayo nagtagal dito.”
Tumango ako. “Oo nga naman,”
Nilibot ko ang buong tree house. Walang pinagbago.
Nang mapagod ay humiga ako sa kama na naroon sa gilid. Tumabi naman sa akin si Jairus.
“Paano ka naging mayor?”
I felt his body stilled. “H-huh?”
“Walang ulitan sa bingi.”
“Ah, alam ko kasi na hindi na ako kikilalanin ni daddy na anak kaya nagtake ako nang Political Science sa College at nagpasyang tumakbo sa politika. In that way, kahit na hindi na niya ako anak may koneksyon kami, Politics...”
Nalungkot ako dahil sa sagot niya.
“... ayaw niya nga rin na palitan ko ang apelyido ko nang apelyido niya. So, ang sa akin naman okay lang, dahil mas maraming connections ang Agnila.” Tumawa pa siya. Pero halata ko naman ang lungkot doon.
“Yung nangyari noon...” I paused then take a deep breath and continue. “Yung aksidente, may kinalaman ba siya? O si Lara?”
“Ang pagkawala nang preno? Nope. Sinadya iyon, dahil iyon kay Lara. Hindi mo kasi sinabi sa akin na nagpunta siya doon.” paninisi niya sa akin.
“I’m sorry, natakot na rin ako e.”
“Shh, it’s okay... ang mahalaga okay na tayo. Ipinakulong rin agad si Lara.”
“How about the truck?”
“Iyon ang aksidente. Lasing raw ang driver at nakatulog.”
Napabuntong-hininga ako. Hinaplos ang pisngi niya. “Ikaw? What happen to you?”
“Hindi naman grabe ang natamo ko, ako na nga iyong ikinubli ka ikaw pa ang malala ang natamo.” Nanghihina na aniya. “Few fracture lang ang natamo ko and scratches. Nagising ako agad after a week, hinanap kita and I found you on the ICU. Walang malay, comatose...”
“... pinakiusapan ko ang parents mo na ako ang mag-aalaga sa’yo at dadalhin kita dito sa compound, luckily, pumayag naman sila. I enrolled myself online kaya nag-aaral ako habang nasa tabi mo. Dinala muna ni Mommy si Jack sa Germany para maalagaan nang maayos at doon ipagamot dahil nga nadamay siya sa aksidente, iniuwi siya ni mommy dito nang mag one year old siya at ang parents mo na ang nag-alaga sa anak natin since then.”
Tuloy-tuloy ang luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Hindi maawat. Ang dami niya nang isinakripisyo para sa akin.
“Mahal na mahal kita kaya lahat gagawin ko para sa’yo at sa anak natin.”
“Mahal na mahal din kita.”
I GOT all I need.
Ang lalaking minahal ko sa mula sa malayo. Ang lalaking unang nagpatibok sa bata kong puso. The star of Cuarteros University. The only high school student who has lot of men in black lurking around him.
Jairus Patrick Agnila, ang lalaking naghanap nang atensiyon ng isang ama ngunit nabigo. The royal grandchild... ay asawa ko na ngayon. I successfully claimed the Cuarteros Star. The dream I like to love.
Matapos ang lahat nang daluhong nang kamalasan sa aming pagmamahalan, kami ay nagtagumpay. Natalo namin ang hamon nang tadhana.
Hindi namin nai-explore ang aming pagmamahalan sa unang hagupit nang pag-ibig sa aming batang puso ngunit mayroon naman kaming habambuhay para bumawi.
This is Crishan Amarie Zaraga-Agnila, and I believe that Love without pain is just a game. Sa pagmamahal kailangan munang masaktan para malasap ang tunay na kasiyahan.
Signing off!