Twenty Five

JUST like that, nagising na naman ako na nakahiga sa kama but this time I have IV on my pulse and the smell of hospital is lingering on my nose. Dahan-dahan akong umupo sa kama at sinuyod ko nang tingin ang kabuuan nang silid. On the look of the room, it’s a private room inside the unknown hospital. Ano na naman ang ginagawa ko sa kama, nakahiga at nangangapa na naman.

Nanatili akong naka-upo sa kama at naghihintay nang papasok sa silid. A minute later, pumasok ang isang doktor na may dalawang nurse na kasama. Nagulat sila nang makitang naka-upo na ako sa gitna ng kama.

“How are you feeling, Ms. Zaraga?” tanong nang doctor.

“Okay na po, Doc. Nasaan nga po pala ako?”

Hindi pa man nakakasagot ang doktor ay may nagbukas nang pinto ng silid. Napangiwi pa ako ng malakas na humampas ang pinto sa pader.

“Anak ko!?”

Si Mama at Papa pala ang pumasok kasunod si Kuya ‘Tian na may suot pang hard hat. Mukhang sa pagmamadali ay hindi na naalis pa.

“Ma...” bati ko kay Mama. Siya ang unang lumapit sa akin.

“Misis, si Ms. Zaraga ay mayroong partial amnesia due to bumping of her head on the hard thing tulad nga nang sinabi ko noong una palang. Pero wala po kayong dapat ipag-alala, darating din po ang oras na babalik lahat ang nawala niyang alaala. Ang kailangan lamang po ay pahinga at huwag piliting makaalala para maiwasan ang pananakit nang ulo, Ms. Zaraga.”

Nang magising ako wala akong maalala so I concluded na may amnesia ako and I was right. Nang maipaliwanag nang doctor ang kailangang gawin agad na rin siyang umalis dahil mayroon pa daw itong ibang pasyente na aasikasuhin.

“Anak ko! Miss na miss ka na ni Mama, Amarie.”

Agad niya akong hinapit sa isang mahigit na yakap at humagulgol sa balikat ko. Maging si papa ay pumapatak ang luha, si kuya naman ay umiwas nang tingin sa akin pero nakita ko pa rin ang pangingilid nang luha sa kaniyang mga mata.

“Anong meron ‘Ma? Hindi naman ako nawala nang matagal, isang linggo lang ako doon sa bahay na mag-isa.”

Narinig ko ang lalong paglakas ng hikbi ni mama. “Anak ko...”

“Mama talaga, miss na miss mo ’ko ‘e. Isang linggo lang tayong hindi nagkita.”

Ilang minuto pang yumakap sa akin si Mama saka ako binitawan. Si Kuya naman ay umupo sa aking tabi sa kama habang si Papa ay hinaplos lamang sandali ang aking ulo saka tumabi na kay Mama sa sofa at pinakalma ito.

“Parang miss na miss niyo ako ‘e,” pagbibiro ko sa kanila. Hinampas ko si Kuya sa braso pero wala siyang reaksyon. “Ayos lang kasi ako, nawalan lang ako nang malay.”

Natigilan ako nang may maalala. “Nga pala, sino pala iyong nagdala sa akin dito, Kuya? Ikaw ba?”

He shook his head.

“Then who? Pero alam niyo ang ganda naman doon sa hacienda na tinuluyan ko nang isang linggo, ‘yun lang nag-iisa naman ako. Tapos Mama...” tawag ko sa atensyon ni Mama na agad akong binalingan. “Nakakatawa yung ref doon pero minsan nakakatakot, sa tuwing bubuksan ko may pagkain nang ready to eat kaya hindi na ako nagluluto.”

Nakita ko ang biglang pag-iyak na naman ni Mama. Bakit?

May sinulyapan siya sa bukas na pinto and I saw a man standing outside the door. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ang lalaki. Yung lalaki na napapanaginipan ko at yung lalaki na nasa picture?

“W-what are ... you doing h-here?”

Umiling siya saka umalis akma ko siyang hahabulin nang pigilan ako ni Kuya na bumaba nang kama.

“Kuya siya iyon... Kuya, napapanaginipan ko ang lalaking iyon. ‘Ma... tapos may cell phone akong nakuha doon may picture niya tapos picture namin na magkasama.” Nagwawala na ako sa kama pero nagagawa naman akong pigilan ni Kuya. “Papa. ‘Ma, sino siya?”

Hindi ako mapapakali kung hindi ko siya makikilala pakiramdam ko malaki ang bahagi niya sa pagkatao ko.

MATAPOS ang isa pang linggo sa hospital nagpasiya sila Mama na i-uwi na ako sa mansion at doon na magpatuloy sa pagpa-pagaling. Ramdam ko pa rin ang panghihina nang katawan ko at kaniya-kaniya pa ring tunugan ang mga buto ko.

“Amarie, kakain na.” narinig kong tawag ni Manang Liz mula sa labas nang silid ko.

Kasalukuyan akong nagbabasa-basa dahil papasok na ulit ako sa school pero hindi ko pa iyon nasasabi kina Mama. Gusto ko na ulit pumasok dahil baka mapagalitan naman ako nang mga teacher ko dahil halos dalawang linggo akong absent.

“Susunod na po,”

Iniligpit ko ang mga gamit ko sa eskwela at nagmamadaling lumabas nang silid. Hindi ko pa natitingnan ang mga gamit at uniform ko sa closet dahil abala na agad ako sa pagbabasa ng mga notes.

Pagbaba ko nang hagdan isang bata ang nadatnan ko sa sala. He seems six or seven years old. He’s handsome, too.

“Hello, handsome!”

“Hello, Mommy ko!”

I missed one step of the stairs because of the child answer and I fell on the floor. Tumama sa semento ang ulo ko at nakaramdam ako nang hindi matawarang sakit at pagkahilo.

“Mommy ko! Mama La, Papa Lo... Mommy ko nahulog sa hagdan.” Palahaw nang bata na hindi malaman kung hahawakan ako o hindi. “Mommy ko!”

My vision got blurry nahilo ako pero hindi nawalan ng malay. Maraming alaala ang pilit pumapasok at umuukilkil sa utak ko kaya napapasigaw ako sa sobrang sakit. Mas gusto kong mawalan nang malay pero hindi naman nangyayari.

“Anong nangyari, Jack Aleandro?”

Lalong sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang baritonong boses na papalapit sa amin. Rinig ko ang bawat nagmamadaling yabag na papalapit sa gawi namin ng bata.

“Nahulog po siya sa hagdan, Daddy. Sorry po, I think nagulat ko po siya. Sorry, daddy.” narinig ko ang hikbi ng bata sa tabi at tila may pumilipit sa puso ko nang marinig ang hikbi nito.

“Amarie... Crishan Amarie! Can you hear me?”

Naramdaman ko ang paglutang ko sa ere at ang matitigas na brasong nakapalibot sa katawan ko. Naramdaman ko ang mabilis na paghakbang nang lalaking may buhat sa akin. Naramdaman ko ang pagbaba niya sa akin sa upuan nang sasakyan sa backseat.

“Manang Liz, pakitawagan sila Mama saka si ‘Tian, Manang.” Narinig ko ang pagbuhay nang makina nang sasakyan. “James alalayan mo si Mommy, okay?”

“Yes, dad.”

Ramdam ko ang mabilis na pag-usad ng sasakyan ganoon din ang magaang kamay nang bata na naka-alalay sa ulo ko, ang isang kamay niya ay bahagyang hinahaplos ang noo ko kaya’t medyo nababawasan ang sakit ng ulo ko.

“Mommy ko, sorry if I startled you po.”

Bakit niya ako tinatawag na mommy? I can’t understand.

Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan at ang muling pagbuhat sa akin. Bago pa kami tuluyang makapasok sa hospital ay iginupo na ako nang sobrang sakit ng ulo. Hinila ako nang karimlan at kadiliman.

SA tatlong beses kong nagising mula sa pagkawala nang malay this third one is what I like. Kung noong dalawang una wala akong namulatang kasama sa kwarto this time, may nakayupyop sa tabi nang kama ko at may batang nakahiga sa sofa sa paanan, natutulog. Hinaplos ko ang buhok nang lalaki sa tabi ko dahilan nang biglaang pag-angat ng ulo niya.

“Beb? You’re awake? Oh my God! Wait, I’ll call the doctor.” Nagmamadali siyang lumabas at pagbalik niya ay kasunod na niya ang doctor at nurse.

Chineck ako sandali nang doctor at naka-ngiti siyang bumaling sa akin. Pinalabas niya kasi ang dalawang kasama ko sa silid. Tinanong niya ako nang ilang mga katanungan at nasagot ko naman iyon nang maayos.

“Congratulation Ms. Zaraga, you’re now healed. After seven years of being in coma you’re now healed.”

Seven years? Nanlaki ang mata ko. Eight years?

“Seven years?”

“Uh-oh!”

“Doc?” Hindi niya ako pinansin ng pumasok muli ang lalaki kasama ang bata.

“Magandang gabi! Mayor Agnila, maayos na po ang lagay ni Ms. Zaraga. More on rest po muna siya, Mayor. Para hindi siya mapagod at makapahinga nang maayos. Huwag munang mai-stress huh, Miss Zaraga.”

Mayor? Mayor na siya? I thought ayaw niya sa politika, bakit Mayor na siya?

Nang lumabas ang doktor ay masama ang tingin ko sa lalaking papalapit sa akin. “Mayor, huh!”

“Beb, uh...”

“Don’t talk to me, sinungaling.”

Akala ko lalapit siya sa kin pero nanatili siyang nakatayo sa tapat ng kama nagtatago sa likuran niya ang bata.

“I’m happy you’re now awake at magaling ka na,” dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tinatantiya kung magagalit ba ako sa paglapit niya but I did not stop him. Umupo siya sa kama sa tabi ko. “Ang sakit sa dibdib na inaalagaan kita habang wala kang malay. Ang sakit-sakit isipin na naratay ka sa kama for almost seven years dahil sa kagagawan nang daddy ko, sa kasakiman ko sa atensyon niya...”

“... hindi ko iniisip na hindi pala iyon ang totoong pangarap ko sa buhay, ang makuha ang atensyon nang ama ko na matagal kong hindi nakasama. Tinanggap niya ako para lamang pala gamitin sa pansarili niyang interes, hindi ako nakinig sa mommy ko nang pigilan niya ako na makipaglapit at makipagkita sa kaniya.” Umiiyak na siya na nakaluhod sa harap ko.

“Stop crying, Jairus Patrick Agnila! Ang pangit mo!”

Natawa siya pero may luha pa rin sa mga mata. “Mahal mo naman,”

“Uh-oh! Years ago, maybe?”

Naalarma siya dahil sa sinabi ko. Tumayo siya at hinawakan ang mukha ko. “Beb!?”

“Oo nga,” napansin ko ang bata na nanatiling nakatayo at pinapanuod kami ni Jairus. “Bebe natin?” tanong ko.

“Jack, halika!” tawag ni Jairus sa bata na nakayukong lumapit napansin ko ang pagyugyog ng balikat niya.

“Bakit umiiyak ang bebe ko?” malambing kong tanong sa anak ko. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan ng paulit-ulit habang tumutulo ang luha sa mata ko. “Ang laki na nang anak ko.”

“Anak ko rin ‘yan,” singit ni Jairus.

Lumapit rin siya na may luha pa sa mga mata, yumakap din siya sa amin ikinulong kami ni James sa mga bisig niya. Matapos ang iyakan, masaya na kaming nagku-kwentuhan sa silid habang hinihintay namin sina mama na katatawag lang at sinabing papunta na.

“Mommy ko... na sa’yo po ‘yung phone, di ba?” tanong ni James na nakaupo sa kandungan ko.

Kanina pa nga siya sinasaway ni Jairus na umalis mula sa kandungan ko pero ayaw niya. Mahigpit lamang siyang yumayakap sa leeg ko.

“Nasa akin nga bebe, bakit?” hinalikan ko siya sa leeg na ikinahagikhik niya. “Sa’yo pala iyon?”

“Hindi po, kay daddy. Suma-sama ako sa kaniya pag pupunta na siya sa villa tapos nung nagising ka na sumasama rin ako kapag naghahatid si daddy ng pagkain at inilalagay sa ref.” pinaglalaruan niya ang buhok ko. “Sinadya ko pong iwan yung phone para makuha mo at makita mo yung mga pictures.”

Naluha ako dahil doon. Sila palang mag-ama ang nag-alaga sa akin sa loob ng walong taon habang nag-aaral ang lalaki.

Hindi matapos-tapos ang kwento ni James simula nang magising ako na nakalimutan na niya na gabi at kailangang matulog. Kaya naman nang sumapit ang madaling-araw plakda na siya sa tabi ko.

Sandali lang din bumisita sila mama kasi nga gabi na at may trabaho pa raw kinabukasan. Naiintindihan ko naman sila, ganoon na sila noon pa man so I won’t stop them just to be with me. Sapat na na dinalaw nila ako, hahayaan ko sila sa gusto nila ngayon dahil malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil hindi nila ako ikinahiya nung mga panahong maaga akong nabuntis. Sa halip tinulungan nila ako, tinanggap pa rin nila ako.

Masyado silang mahalaga para rendahan sila para bantayan ako kung mayroon namang magbabantay sa akin bukod sa kanila.

Tungkol naman kay Mayor Jairus, hindi pa namin napag-uusapan kung bakit naging mayor siya. Ayaw niya nga kasi sa politika. Hindi ko pa rin nauusisa kung ano ba talaga ang nangyari nang mga panahong iyon.

I need rest for awhile. Makapaghihintay naman ang mga gusto kong malaman.