Special Chapter
AT THE age of twenty six, nagpatuloy ako sa pag-aaral. Sinuportahan ako nang magulang ko at nang asawa ko. Jairus did not let me study again without marrying him first.
Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral sa kursong business administration.
Hatid-sundo ako ni Mayor Agnila sa University tapos ay sabay naman naming susunduin sa elementary ang anak naming si Jack Aleandro.
Tulad ng nakasanayan maraming nakasunod kay Jairus kaya naman talagang pinagtitinginan siya. Lalo na ngayon na Mayor na siya kaya mas lalong sumikat na ang lalaki.
Alam kong sa bawat galaw namin nang anak namin ay may mga nakasunod din. Ayaw ko man ay hindi naman pwede dahil para rin naman ‘yon sa kaligtasan namin.
“Amarie, anong meron sa inyo ni Mayor Patrick?” usisa nang isa sa kaklase ko na si Vina.
Hindi naman talaga kami close nang babaeng ‘to. Noong nakita niya lamang kaming magkasama ni Jairus lagi na siyang nakadikit sa akin at tinatanong ako ng kung ano-ano tungkol sa lalaki.
“Asawa ko. Bakit?” nakataas ang kilay na sagot ko bago bumalik ang atensyon sa papel. Kasalukuyan kasi kaming nagkakaroon ng quiz pero inuna pa rin niya ang pagtsismis.
Nalukot ang mukha niya. “Feelingera ka pala.”
Inirapan ako saka bumalik na sa pagsagot.
Sa halip na patulan ay hindi na lamang ako umimik sa paratang nang babae. Wala naman akong kailangang patunayan sa kaniya o sa kahit kaninong hindi naniniwala sa relasyon namin nang kanilang Mayor.
Hindi rin kasi engrande ang kasal namin. Magkabilang partido nang pamilya lamang at ilang malalapit na kaibigan ang imbitado. Ayaw ko nang engrande at maraming imbitado dahil ayoko sa atensyon.
Matapos ang quiz ay idinismiss na kami nang Professor. Tapos na rin naman ang klase kaya napagdesisyunan kong magtungo sa elementary building at sunduin na rin ang anak ko.
Malawak ang ngiti niya ng makita ako sa bintana ng kanilang classroom. Mahina pa siyang kumaway at humagikhik.
Naghintay ako ng ilang minuto sa labas bago sila palabasin nang kanilang guro.
“Mommy ko!”
Bahagya akong yumukod at pinaulanan siya ng halik sa mukha. “Kumusta ang pag-aaral, Jack? Very good ka ba kay Teacher?”
Magana siyang tumango. “Opo! May mga stars po ako sa notebook ko. Papakita ko kay Daddy mamaya.”
Sa kaniyang ama siya lagi nagpapakita ng mga achievements sa eskwela dahil may premyo. Nasanay na.
Sabay kaming lumabas sa gate ng Cuarteros Elementary at naghintay sa shed na naroon sa labas.
“Iti-text ko lang ang Daddy mo.” Sabi ko saka pinadalhan ng mensahe ang lalaki na narito kami sa gate ng elementary. Baka kasi pumasok pa siya sa College Department. Pagkakaguluhan pa siya roon.
Sikat kasi talaga ang mokong kahit na sa mga matatandang propesor. Huwaran raw kasi.
Mayamaya pa ay may humintong SUV sa tapat namin. Unang bumaba sa driver seat ang lalaking naka-uniporme bilang driver kasabay nang isang lalaking naka-black polo shirt sa passenger seat. Pinagbuksan nila ng pinto ang nasa back seat ng sasakyan.
Lumabas mula roon ang lalaking maaliwalas ang mukha at may malawak na ngiti sa mga labi.
“Hi, Beb! Hello, sa makulit kong anak!” saad niya hindi pa man tuluyang nakakalapit.
“Daddy!” sinalubong na siya ni Jack. “I have awards po. Nasa notebook ko!”
“Talaga? Anong gustong reward nang anak ko na ‘yan?”
Iiling-iling akong nakasunod sa kanila habang nakikinig na naman sa pang-i-spoil ni Jairus sa anak.
“I’ll think about it pa po. Wala kasi akong maisip.”
Halakhak ni Jairus ang pumuno sa loob ng sasakyan. Napapagitnaan namin siya ni Jack.
Binalingan niya ako. “How about si Mommy? Do you have any achievement so that I will give you rewards?”
Ang kanang kamay niya ay gumapang patungo sa likod ko at gumapos sa aking baywang. Ihinilig niya ang ulo sa aking balikat habang nakatingala sa akin. Ang kamay niya ay senswal na humahagod sa aking baywang.
Nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa ginagawa niya. Mukhang napansin niya ‘yon dahil sa mahina niyang halakhak at saka pinatakan ng magagaang halik ang aking tainga pababa sa batok.
“Stop! Nakikita ka ng anak mo.” Mahinang saway ko sa kaniya na mukhang narinig naman nang anak namin dahil nagtabon siya ng mukha.
“No po, Mommy. Hindi ako titingin.” Inosenteng aniya na nagpatawa hindi lamang sa amin kundi sa driver at bodyguard na nasa unahan.
Inabot ni Jairus ang anak saka hinaplos ang ulo. “Good boy, anak.”
“Hmm!” protesta nang bata. “May rewards din!”
Tawa kami ng tawa hanggang sa makarating sa Agnila Compound.
TUMUTULONG ako kay Tita Ronnie sa pagluluto ng hapunan nang pumasok si Kuya Roger sa kusina.
Ang lalaki na ang nagsisilbing head security nang pamilya dahil hindi na kinaya ni Roan. Sumuko na ang robot. Madalas na siyang mag-malfunction kaya ibinigay na ni Jairus sa Royal Guards sa Germany.
Iyak pa nga ng iyak si Jack pero kalaunan ay mukhang nakalimutan na rin nang bata.
“Kuya, bakit po?”
“Ipinatatawag ka ni Mayor sa library.”
Tumango ako saka nagpaalam sa mag-asawa.
Umakyat ako ng hagdan at nagtungo sa kahulihang pintuan sa hallway. Bahagyang nakaawang ang pintuan kaya rinig ko ang usapan mula sa loob.
“Huling taon mo na sa serbisyo, anak. May balak ka bang tumakbo ulit sa susunod na eleksyon?” rinig kong boses ni Mommy Pat.
Matagal bago ko narinig ang boses ni Jairus.
“Hindi na, ‘My. I want to focus on my family. Lalo na at pareho silang nag-aaral.”
“Habang nag-aaral ang mag-ina mo, why not manage our company? Alam mo namang kailangan rin ako nang Lolo at Lola mo sa Germany.”
“I’ll think about it first saka itatanong ko muna kay Amarie.”
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto pabukas bago tumikhim upang iparating ang aking presensiya.
“Beb?” malawak na ngiti ang niyang tumayo sa sofa na nasa library saka ako sinalubong.
Tumayo si Mommy Pat sa sofa to acknowledge my presence. Lumapit ako sa kaniya at nakipagbeso. “Tita...”
“Kumusta ang pag-aaral, Amarie?” hinawakan niya ang magkabila kong braso saka ako inalalayang umupo sa sofa sa tabi niya. Nakangiwi namang sumunod si Jairus.
“Ayos naman po.”
Hinaplos niya ang braso ko. “Kung may kailangan ka. Kung nahihirapan ka magsabi ka lang.”
“Mommy, parang ano... hindi pa gaanong mahihirapan ‘yan. First year college pa lang kaya ‘yang asawa ko.”
“E di sa susunod. Pwede naman ‘yon.”
Natawa ako. Hindi pa rin sila nagbabagong mag-ina. Mahilig pa rin silang mag-asaran. Naalala ko tuloy ‘yong panahon na pinayagan ko siyang manligaw sa akin tapos para siyang tangang nasabi sa ina kahit na aniya’y hindi niya sasabihin.
Nagmukha lang siyang boang.
DECEMBER came. Nag-aya si Jack na magbakasyon raw kami sa Germany dahil nami-miss na niya ang Lola Pat at ang Lola Duchess at Lolo Duke niya.
Kasalukuyan kaming nasa mansion ni Mommy Pat. Nakakahiya man pero ayaw kong mag-stay sa palasyo kung nasaan ang Duke at Duchess. Pumayag naman si Mommy Pat at sinabing dito na lamang mag-stay sa mansion niya.
“Mommy I want to play in snow po.”
Pinagbigyan na namin hanggang sa magsawa siya.
Nag-i-snow kasi dito ngayon sa Germany. Ang sarap nga naman maglaro sa snow.
December 22. Nag-ayang mamasyal si Jairus dahil birthday niya.
Pumayag nga rin ako sa pamamasyal dahil may inihanda kaming surpresa para sa kaniya. Hindi namin maisasagawa ng maayos kung kasama namin siya at nasa bahay rin lang.
“Mommy, ang tagal mo po.” sigaw ni Jack na binayo ng malakas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. “Kanina pa naghihintay si Daddy.”
Isang brown turtle neck long sleeve ang suot ko at pinatanungan ko ng red checkered dress at dahil malamig ay nagsuot rin ako ng kulay pulang bonet. Hinayaan ko namang nakalugay ang aking buhok.
Isang itim na leggings at pinaresan ng high heeled boots naman ang sa paa.
Sumulyap pa muli ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng silid dahil nagsisisigaw na naman sa labas ang bibo kong anak.
“Ito na nga po!”
Tatawa-tawa siya ng makalabas ako. mabilis niyang hinagilap ang aking kamay saka hinila ako pababa ng hagdan dahil naiinip na raw ang Tatay niya na kanina pa naghihintay sa baba.
Hindi siya sasama sa amin. Aniya’y magpapahinga siya dahil napagod raw siya sa paglalaro kahapon.
“Sa’n date natin?” tanong ko kay Jairus habang magkahawak kamay kaming naglalakad.
Itinaas niya ang kamay naming magkahawak saka pinatakan ng magaang halik ang aking kamay. “Parang gusto kong dumaan muna sa library diyan sa malapit lang. May titingnan lang ako about sa librong politics.”
Nagningning ang aking mga mata. Sa nakalipas na panahon ay nagustuhan ko na rin at nakahiligan ang magbasa-basa ng mga libro.
“Gusto ko ‘yon.”
Pwedeng hiramin ang libro at dalhin sa labas ng library basta ibabalik lamang at may ilang form na pipirmahan pa.
Hindi ko na nakita si Jairus sa loob ng library kaya nagpasya akong lumabas at doon na lang siya hintayin sa malapit na park.
Bitbit ang isang makapal na libro lumabas ako sa library at naglakad-lakad. Yakap ko ang libro habang ang isa kong kamay ay in-extend ko at sinalo ang ilang snow na pumapatak.
Normal lang naman ang mga tao na nasa park. Pero nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod ay nagulat ako ng makita ang Duke at Duchess ng Germany na kumakaway sa akin.
Akmang lalapit ako sa kanila ng senyasan nila akong magpatuloy sa paglalakad.
At sa muling pagharap ko sa daraanan ay halos matumba ako dahil sa taong nakaluhod sa aking harapan.
May luha sa mga mata ngunit may ngiti sa mga labi. Jairus Patrick Agnila, kneeling before me while holding a diamond ring on his hand.
“Beb? W-what is this?” I ask while the tears are falling in my eyes.
“Go, Daddy!”
Nabaling ang tingin ko sa batang sumigaw at tama nga ako ng hinala. Si Jack na malawak ang ngiti sa mga labi, nakataas ang dalawang kamay sa ere na parang ichini-cheer ang ama.
Si Mommy Pat na nakatayo sa tabi niya. Si Mommy at Daddy na umiiyak na. Si Kuya na hindi man nakangiti ay alam kong masaya para sa akin.
“Will you be the gift I will receive on my birthday?”
“Yes.”
END