Twenty Four
“WHAT are you doing here?” nanlalaki ang mata kong tanong nang mapagbuksan ko siya nang pinto.
Sinuyod niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot lamang ako ng maternity dress at nakataas ang buhok ko dahil sa init ng panahon.
“Mangungumusta lang,” hinawi niya ako at naunang pumasok sa loob ng bahay.
Wala doon si Jairus, isinama sandali ni Kuya Roger sa pagha-harvest nang palay. Si Tita Ronnie naman nasa palengke kaya nag-iisa ako sa bahay.
“Lara...”
“Don’t worry, hindi ko isusumbong kay Tito Ben na nandito kayo nagtatago.” Prente siyang umupo sa silyang kawayan. "Gusto ko lang makita ang kalagayan niyo, kung masaya ba si Patrick sa pinili niyang daan."
“How did you know where here?”
“Ahm, sinundan ko si Christian.”
Tumango ako. “Okay, makakaalis ka na.”
Naalarma ako nang tumayo siya sa harap ko. Akala ko kung anong gagawin niya pero hinaplos niya ang naka-umbok ko nang tiyan.
“Ilang buwan na?”
“Kabuwanan ko na,”
Nanlaki ang mata niya sa gulat. “Oh!”
“Yes,”
Nakikita ko sa kaniya ngayon ang dati kong best friend but I can't be sure baka mamaya may plano siya at mapahamak kami ni baby. Hindi rin siya nagtagal nagpaalam rin siyang aalis na tumango lamang ako bilang sagot at nakahinga nang maluwag.
Pero hindi rin ako mapakali dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Nang dumating naman si Tita Ronnie galing sa palengke hindi ko masabi sa kaniya. Ganoon din nang dumating na sina Jairus at Kuya Roger.
Pinili ko na lang ang manahimik dahil hindi ako makahanap ng tiyempo. Pero bumabagabag talaga sa akin ang pagdating niya at ang hindi niya panunumbat. Parang may mali ‘e, kinakabahan ako.
I HUG Jairus as tight as I could. Hindi naman niya ako binigo, gumanti siya nang mas mahigpit na yakap.
"Mahal na mahal kita!"
Naramdaman ko ang halik niya sa tuktok nang ulo ko. "You're weird. Ano na namang nakain mo?"
"Wala lang," Kinalas ko ang yakap ko sa kaniya. Umupo ako sa duyan na nakakabit sa malaking puno ng mangga.
"Wala lang, pwede ba ‘yon?" Nagpunta siya sa harap ko at tumayo do’n. Nakapamewang niya akong pinagmasdan.
"Oo pwede," humawak ako sa braso niya. "Ayaw mo?"
"Sinong aayaw?" Nginisihan niya ako. "'Lika nga, pasok na tayo sa bahay bawal sa'yo ang mahamugan."
Gabi na kasi pero gusto ko pa ring manatili sa duyan sa labas. Malakas kasi ang hangin at masarap sa pakiramdam. This past few days kasi napaka-init nang pakiramdam ko. Masyadong maalinsangan.
"Maya na, gusto ko pa dito."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Bawal nga sa'yo ang mahamugan, tara na!"
Ang kulit. "Oo na nga, parang tanga e!"
"Grabe siya sa akin, oh? Concern lang naman ako sa baby ko."
Wala akong nagawa nang alalayan ako. ng lalaki paalis sa duyan at akayin patungo sa bahay. Hindi pa man ako nakaka-hakbang papasok sa bahay ay sumakit ang tiyan ko.
"Ano ba yan, beb, ang tanda mo na bakit umiihi ka pa sa shorts?" Pang-aalaska na saad niya pero nang makita niya ang pagngiwi ko napalitan iyon ng pag-alala. "M-manganganak ka n-na...?"
“Ata... masakit ang tiyan ko, Jairus.”
Dali-dali niya akong binuhat at dinala sa sasakyan. Wala kaming kasama ngayon sa bahay dahil inimbita sa isang kaarawan nang kaibigan sina kuya Roger. Kaya kami lang sa bahay, at ngayon pa naisipan ni baby na lumabas. Habang nasa biyahe pilit kong pinipigilan ang mapasigaw sa sakit. Ang sakit-sakit talaga.
“Beb, konting tiis pa malapit na tayo!”
Mas bumibilis na ang pagmamaneho nang lalaki. Natatakot na rin ako sa bilis nang takbo ng sasakyan. Nagtaka ako nang humigpit ang hawak ni Jairus sa manibela at paulit-ulit niyang tinatapakan ang preno pero lalo lamang bumibilis ang sasakyan.
“Jairus? Anong nangyayari? Beb?” binalot ako nang kaba nang umigitng ang panga niya saka bahagyang umiling.
Humihilab na ang tiyan ko at sobrang sakit na niyon na nakapanlalabo na sa mata ko. But before I close my eyes nakita ko ang rumaragasang truck na pasalubong sa amin. Mahigpit na yakap ang naramdaman ko bago banggain ng truck ang sasakyan namin. Nakita ko pa ang ngiti nang duguang si Jairus bago tuluyan akong hinila nang karimlan.
NAGISING ako sa isang maaliwalas na paligid. Huni nang ibon ang gumising sa akin. Bumangon ako sa kama at bahagyang napangiwi ng magtunugan ang mga buto at kasu-kasuhan ko parang ang tagal kong natulog at hindi kumilos.
Sumilip ako sa bintana nakita ko ang malawak na parang at maraming pastol na mga hayop. And I concluded that I am in someone's hacienda. Lumabas ako sa silid na kinaroroonan ko at laking gulat ko nang isang malawak at mahabang hallway ang mabungaran ko.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa matagpuan ko ang hagdan pababa. Wala akong mahagilap na tao sa paligid. Naglakad-lakad ako hanggang sa maramdaman ko ang pagkulo nang tiyan ko.
"Ugh, I'm hungry as fuck!"
Hinanap ko ang kusina and luckily natagpuan ko rin naman kahit na malaki ang bahay. Luckily, may pagkain sa ref. Mabilis ko iyong inilabas at kinain not minding my surroundings basta nagugutom na ako at kakain ako. Marami namang maaring iluto sa ref pero wala ako sa mood magluto dahil nararamdaman ko pa ang panghihina.
Matapos kumain ay lumabas ako ng kusina at bahay. Nilibot ko ang buong paligid ng bahay pero wala talaga akong makitang tao.
Nasaan ba ako?
Muli akong pumasok sa loob nang bahay at naligo. Nangunot ang noo ko nang mayroon doong mga damit at sa banyo may mga gamit din sa paliligo.
Isang bestidang puti ang napili kong isuot. Pinagmamasdan ko lang ang sarili ko sa harap ng salamin habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. Sa pagkakatanda ko hindi naman ganoon kahaba ang buhok ko. Masyado rin akong maputla. Ano bang nangyari sa akin? Para akong batang nangangapa. Pinili ko ang maglibang kaysa magisip dahil sumasakit ang ulo ko.
Muli akong humiga sa kama at nagpahinga. Natulog. At nang magising ako ay umaga na ulit. Ganoon lamang ang routine ko sa araw-araw. Sa tuwing gigising ako may pagkain na sa ref. Hindi ko na lang pinansin dahil baka hindi ko lang matiyempuhan ang may-ari ng bahay o di kaya ay care taker.
Naisipan kong i-explore ang malawak na kaparangan hanggang sa mapadpad ako sa isang burol. Maganda roon, kita halos lahat. Iyon ang naging tambayan ko. Araw-araw ko ring tini-check ang phone na nakita ko sa ibabaw nang side table sa tinutuluyan kong silid. Baka sakaling may magtext o tumawag.
Hindi ba man lang ako hinahanap nila mama at papa? Isang linggo na ako dito pero walang humahanap sa akin. Saang lupalop ba ako napadpad?
Lulugo-lugo akong pumasok sa kwarto nang muling matapos ang maghapon na wala pa ring sinuman ang naghahanap sa akin. At walang nagti-text at tumatawag sa phone.
Wala pa rin akong tao na nakikita sa bahay pero araw-araw naman may bagong luto sa ref. Isa pa iyang ref na 'yan, hindi ako nagluluto pero may pagkain na ipinagkibit-balikat ko lang.
Wala akong mapag-libangan kaya't nanatili na lamang ako sa burol. Wala rin naman kwenta ang phone dahil ni walang sim card. Pero dinadala ko pa rin everywhere I go.
A PEACEFUL sorroundings. A fresh air. A beautiful view.
Just like any other day nasa taas ako ng isang burol. At sa tuktok niyon ay may isang malaking puno na maaring tambayan. Naglakad ako paalis sa lilim ng puno upang dumapo sa aking balat ang init ng araw sa umaga.
Sabi nila mama, maganda raw sa balat ang pang-umagang araw lalo na sa tulad ko. Idinipa ko ang aking mga braso para madama ang malakas na samyo ng hangin. Umikot-ikot pa ako. Nang mapagod ay muli akong umupo sa lilim ng puno.
Nagkasya na lamang ako sa pagtanaw sa magandang tanawin. Hanggang sa bigla akong nalungkot.
Hindi ko alam pero bigla ding bumigat ang aking pakiramdam at bumuhos ang luha sa aking mga mata. Nakakaramdam ako nang hindi matawarang sakit. Iyong tipong parang nabibiyak ang puso ko sa sobrang pighati.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kanina lamang ay masaya kong tinatanaw ang paligid.
It feels like I am missing someone. Nababaliw na ata ako dahil sa pag-iisa at pag-iisip sa malaking bahay na iyon. Nang mahimasmasan, pinili kong maglakad-lakad sa malawak na kaparangan na may mga nakapastol na baka at kalabaw. Sa kanilang palibot ay may mga tagak na nanunuka.
Kinapa ko ang bulsa ko kung nadala ko ba yung phone ko para makunan ko ng litrato ang tanawin. And I jump when I hold it inside my pocket. Hindi na ako nag-aksaya nang pagkakataon, kinuhanan ko agad ang magagandang tanawin.
Nang makuntento, naglakad-lakad ulit ako habang tinitingnan ang mga larawan na nakuha ko. Nangi-ngiti ako habang tinitingnan ang magagandang kuha ko but my bright smile faded when the next picture was not the beautiful view anymore.
It's me together with a man or a boy? Mukhang kaedad ko lang kasi siya. Parehas kaming naka-ngiti sa camera. This guy is in my dream. Napa-panaginip-an ko siya simula nang magising ako. I look for another picture, kami pa rin ng lalaki but this time hindi ako nakatingin sa camera iyong lalaki lang, naka-ngisi siya habang nakaturo sa busangot kong mukha.
The third one is, pareho kaming naka-uniform nang Cuarteros. It's a picture of us until the fifth one. Sa pang-anim, ako na lang iyon but what shocked me is that my tummy got bigger as if I was pregnant. I browse another one, ganoon pa rin, and another and another.
But what shocked me the most is the last picture. A baby.
Kanino ba talagang phone 'to? Nagdilim ang paningin ko sa halo-halong alaala na nagsi-siksikan sa utak ko.
Nang hindi ko na kinaya ang sakit tuluyang nanlabo ang paningin ko hanggang sa bumagsak ako but not on the grass kundi sa matitipunong braso na mabilis akong sinalo at ikinulong sa maiinit na bisig na iyon.