Twenty Three

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pakiramdam na lumulutang pero hindi ko pinagka-abalahang i-mulat ang mga mata ko dahil talagang hinihila ako nang antok siguro’y dala na rin ito nang pagbu-buntis ko.

I heard someone chuckled but I didn't mind who it was kasi alam ko naman na si Kuya iyon. Hindi ako natiis na matulog sa sofa. Palagi kasi niya akong pinatutulog sa sofa kahit na sa sarili kong silid hindi naman niya ako matiis. So sweet!

“Antukin talaga.”

Pero bakit nag-iba ang boses ni Kuya? Biglang nag-evolve ang boses niya saka umuwi si Kuya sa bahay? Bago iyon, ah.

Malaki at malagom ang boses niya kaya nga nakakatakot siya kapag sumisigaw. Samantalang itong may buhat sa akin ay husky at medyo malamya ang boses baka naman dahil sa bagong gising siya o ako, naapektuhan na pati pandinig ko.

Hanggang sa muling hilahin ako ng tuluyan nang antok ay iyon ang nasa isip ko. Nagising lamang ako nang lumundo ang kama ramdam ko na rin ang init nang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Kinapa ko ang unan sa tabi ko upang itakip sa mukha ko nang may umagaw niyon kaya naman comforter ang hinagilap ko upang ipang-takip sa mukha ko. Nag-tangka pa siyang hilahin iyon pero inangilan ko na.

“Sasapakin kita, Kuya. Shit ka!”

Narinig ko siyang tumawa.

“Get up, little fella!” Dahan-dahan pa niyang hinihila-hila iyong comforter. “Gusto pa bang matulog ni baby, hmm?”

Bakit ba iba pa rin ang boses ni Kuya? Bagong gising pa rin?

“Little fella mo mukha mo!” Sikmat ko. “Naantok pa ako!”

“Sige na nga, bukas na lang tayo pasyal.”

Nahimigan ko ang tampo sa boses niya pero mas lamang ang lambing. Ano bang meron kay Kuya ngayon?

“Wala akong sinabing papasyal tayo, Gago! At saka may pasok ako.”

Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko saka ako niyakap. “Sige, let's just cuddle!”

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. “What the! Kuya, baliw!”

Pero mukhang ako ang mababaliw dahil hindi si Kuya ang katabi ko kundi si Jairus Agnila. Saka ko lang naalala na umalis nga pala kami sa syudad at ewan kung saang lupalop ako dinala nang lalaking ngayon ay nakayakap sa akin. Napabangon ako nang muling tumama sa mukha ko ang sikat ng araw kaya agad akong bumangon.

“Akala ko ba matutulog na lang tayo? ‘lika na, baka kulang pa sa tulog si baby natin.” Reklamo ni Jairus at hinila muli ako pahiga pero nagmatigas ako.

“Umaga na?”

“Gaga! Hindi. Gabi pa, kaya matulog pa tayo.”

“Bakit may araw?” pagsakay ko sa kalokohan niya.

“Binago na.”

Hinampas ko siya sa dibdib kaya napabangon na rin siya. “Masakit.”

“Ano nga kasi?”

Banas na kinamot niya ang magulong buhok. “Hapon na nang makarating tayo. Tinulugan mo kasi ako kaya binuhat na lang kita. Sarap nang tulog mo ‘e, tulo laway pa.”

“Where are we?”

As if on cue, may kumatok sa pinto nang silid kung nasaan kami agad na tumayo at binuksan nang lalaki ang pinto. Maliit lang ang silid kung nasaan kami tila silid lamang iyon nang average na tao, I mean hindi mayaman pero hindi rin mahirap.

“Yes po?” nabaling ang atensyon ko sa pinto.

“Kakain na, hijo! Masama sa buntis ang nalilipasan nang gutom.” Boses nang matandang babae sa labas.

“Salamat, Tita. Lalabas na po kami.” Bumaling sa akin ang lalaki at sinenyas na lalabas na kami.

“Wait, maliligo muna ako.”

“Di uso dito ‘yan. Mamaya ka na maligo pagtapos mag-breakfast.”

Hindi na ako nakipag-talo lumapit ako sa kaniya at sabay na kaming lumabas. Sala ang bumungad sa amin paglabas nang silid kita na rin ang kusina mula doon. The house is bungalow type.

Sinalubong kami nang isang matandang babae sa kusina naghahain siya nang pagkain at halos mapangiwi ako nang puro gulay ang nakahain.

Napalingon ako kay Jairus sa tabi ko nang mahina siyang tumawa. “What?”

“Tita, wala po bang... sorry po, pero wala po bang meat?” tila nahihiyang tanong ni Jairus sa ginang.

Natigil ang babae sa pagsasandok ng kanin. “Bakit? Ayaw niyo ba sa gulay?”

“Hindi po siya kumakain ng gulay.” Turo ni Jairus sa akin na tila ba napakaling kasalanan niyon. Napayuko ako.

“Meron naman, sandali at sasandukin ko.” nagtungo siya sa lababo. Kumuha nang mangkok at may sinandok sa kaserola. “Kaya lang, hija, masama sa buntis ang panay karne ha, kumain ka rin nang gulay kahit kaunti lamang.”

“Opo,”

Malakas na natawa si Jairus pero inaasikaso pa rin naman niya ako. Natapos ang agahan na puro pang-aasar ni Jairus ang naririnig sa kusina. Ang babae pala na tinatawag ni Jairus na tita ay asawa nang head security niya na si Kuya Roger at nasa kanilang probinsiya kami.

“NAGPAALAM ako kay mommy,” paliwanag nang lalaki.

Kasalukuyan kaming nasa harap ng bahay na tinutuluyan namin. May upuan kasi doon at doon namin napagpasyahan na tumambay sa kagustuhan na rin ni Tita Ronnie. Nakasandal ako sa dibdib niya.

“... nasa Germany si mommy bibisita kina lola, pero alam niya ang gusto kong mangyari when it comes to my dad but she didn’t say any word. Pero this days, uhh... nagagalit na sa akin si mommy maging ang grandparents ko lalo na nang malaman nila ang kasal daw ‘kuno’.”

Mataman akong nakikinig sa kaniya. Nakakaramdam nang kaunting sakit na kumukudlit sa bata kong puso pero hindi ko na pinansin.

“Tapos kagabi tinawagan ako ni mommy, pinagalitan ako ng katakot-takot. Sa kabobohan ko daw, pati ang mag-ina ko pinababayaan ko na dahil sa kagustuhan ko nang atensyon ni daddy.”

Napaalis ako mula sa pagkakasandal sa lalaki. “Paano niya nalaman kung nasa ibang bansa si Tita Pat?”

“May tumawag daw sa kaniyang babae at sinabi raw na nagpapaka-gago ako sa wala.”

I thought of Olivia when I heard that.

“Paano si Lara? Ang daddy mo? Hindi ba magagalit sa’yo ‘yon kapag nalamang kung nasaan ka nagpunta?”

“I don’t care about them anymore,” hinalikan niya ako sa sintido. “Ang mahalaga kasama ko kayo.”

“Paano pag nahanap ka nang daddy mo? Magagalit iyon, mawawala ang pangarap mong mapansin nang daddy mo?”

Nagkibit-balikat siya. “Okay lang. My grandparents won’t allow me to get hurt. Saka naiirita na rin ako kay Lara, she’s so clingy! Wala na akong pakialam sa kaniya. Gusto rin ni daddy na pagka-graduate ko papasok ako sa politika but I declined. Magulo sa politika e.”

Naiiyak akong yumakap sa leeg niya ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya I even kissed him there.

“Bibitiwan ko ang pangarap kong mapansin nang daddy ko kapalit ang makasama ka. At saka hindi naman tayo pababayaan nina mommy, lolo at lola.” He sexily chuckled. “Don’t cry, Beb.”

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. Halos ayaw nang bumitaw.

“Emotional ba talaga ang buntis?” tanong ni Jairus.

“Perks of being a royalty eh.” Ngayon naman ay natatawa na ako.

“I’m not. Sina lolo at lola lang saka si mommy.”

“Sus! Ikaw din, kasi apo ka.” Kumandong ako sa kaniya na malugod naman niyang pinaunlakan. Mahigpit niyang niyakap ang mga braso niya sa bewang ko ngunit sapat naman para hindi maipit ang tiyan ko.

“Ngayon naman tumatawa ka. Weird ng buntis ‘no?”

“Ay naku! Ganiyan talaga, mabuti nga at hindi humihingi nang kung anu-ano!” nagulat ako nang may sumabat sa usapan namin. si Tita Ronnie pala, nakatayo sa tabi ng pinto.

“Ganoon ‘ho ba? Naku! Gusto ko maranasan iyon. Hingi ka nga Beb, dali!”

Natawa si Tita Ronnie dahil sa sinabi ni Jairus. “Naku! Mahihirapan ka.”

“Okay lang po, para feel na feel ko maging daddy.”

Hanggang sa mag-six months ang tiyan ko wala akong hininging kung anu-anong pagkain kaya disappointed ang lalaki. Malapit na lang daw ako manganak pero wala pa rin akong hinihingi.

Panatag ako dahil hindi pa rin kami natatagpuan nang daddy ni Jairus na senador at ni Lara na nagwa-wala na raw sa galit dahil hindi niya makita ang lalaki. Nalaman ko lang ang balitang iyon nang tumawag ako kay mama. Nai-kwento nga niya, nagpunta pa raw si Lara sa bahay at nag-eskandalo.

Nakakahiya na talaga ang ugali nang babaeng iyon. Sina Olivia naman daw panay din ang bisita sa bahay at nagdadala nang mga gifts para kay baby. Lalo na at nalaman na namin ang gender. A baby boy.

Minsan na ring dumalaw si Tita Pat sa amin. Iniuwi na si Kuya Roger dahil nandito naman daw ang binabantayan. Naitanong ko rin sa kaniya kung bakit hindi pa kami nahaanap ni Senator Del Mar sabi niya mas malakas ang connection niya keysa sa senador. Tita never brag about her status just that day.

Si Kuya dumadalaw rin minsan nagdadala nang mga prutas at kung anu-ano pa. Tinanong rin niya ako kung mag-aaral ako matapos manganak and I said yes.

Minsan napag-usapan na rin namin iyon ni Jairus at ganoon din ang desisyon niya. Sasabayan raw niya ako para hindi kami maghiwalay tumigil na rin kasi siya sa pag-aaral. Kung tutuusin naman kaya niyang mag-aral online pero matigas siya at sinabing sasabay siya sa akin.

Sumang-ayon na lang ako para iwas away. Habang nagkakasama kami, nakikilala namin ang isa’t-isa nang lubusan. Minsan may away pero agad rin namang naso-solusyonan sa tulong nang mag-asawang kasama namin sa bahay.

Not until one day... Natagpuan kami ni Lara.