Twenty Two

IT’S BEEN three months since Jairus and I made love inside his car. Masaya ako doon at wala akong pinagsisisihan.

Tuluyan na rin akong lumayo kina Aiza at nakatulong naman na hindi kami magka-kaklase. Tuluyan akong napasama sa grupo nila Olivia. Kapag may practice sila nang cheer dance isinasama nila ako, sabi pa water girl daw nila pero tinatawanan ko na lang.

Nang magising ako kinabukasan nang mag-bar ay parang pinu-pukpok ang ulo ko. Sa sobrang sakit ay nagpalipas pa ako nang isang oras sa kama. Masakit rin kasi ang katawan ko lalo na yung ibaba ko. Wala kaming naging usapan nang lalaki matapos iyon. Hinatid niya ako sa bahay na walang sinasabi. Hinalikan lamang niya ako sa noo bago ako pababain sa sasakyan niya.

Nagkakasalubong kami sa hallway o kaya sa field pero ngingitian lamang niya ako saka aakbay kay Lara halos ayaw na kasing umalis nang babae sa tabi niya.

Madalas na rin akong sumama kina Olivia mag-bar pero hindi na ako umiinom, tama na ang ilang shot na tama lang para hindi ako malasing. Naalala ko kasi na may inilagay sa inumin ko ang babae last time kaya para akong babaeng in heat.

Minsan ay nakakatagpo din namin si Jairus doon kaya kasama na namin siya sa table. Wala lang naman iyon sa mga kasama ko. Akala ko magagalit sa akin si Olivia dahil sa tuwing kasama namin siya sa bar sa akin siya tumatabi at parang ahas na lumilingkis sa katawan ko. Siya din ang naghahatid sa akin pauwi.

And thankfully, Lara doesn’t know that. Hindi rin nagsasalita ang mga bago kong kaibigan about our rendezvous sa bar. Akala ko ‘yun na, malapit na akong makontento sa panakaw naming mga sandali. Malapit na akong makuntento sa ganoon kahit na ba ako iyong inagawan, ako pa rin ang nakiki-amot nang oras.

But what happened to me can’t do little time of his attention.

Nagising ako nang madaling araw dahil sa pag-ikot nang sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo patungo sa banyo at sumuka. Wala naman akong nakaing masama kagabi pero bakit nag-aalburuto ang tiyan ko. Saka tubig lamang ang isinusuka ko.

Anong nangyayari sa akin?

Nanlalata akong bumalik sa kama. Alas Cinco pa lang nang umaga may ilang isang oras pa ako bago bulabugin ni Mama. Muli akong nakatulog ngunit nagising rin dahil sa ingay ng boses ni Mama sabayan pa ng hampas niya nang unan sa akin.

Mabilis akong bumangon dahil sa muling paghalukay nang aking sikmura. Nahihilo man ay nagawa kong tumakbo patungo sa banyo. Nagtataka namang sumunod si mama.

“Anong nagyayari sa’yo, Amarie? Napapansin ko rin na ilang araw ka nang matamlay.”

“Wala ‘Ma. May nakain lang siguro ako.”

“Anong nakain? Ni ayaw mo ngang kumain.” Tiningnan niya ako nang may mapanuring tingin.

“Bakit ‘Ma?” naglakad ako pabalik sa kama. Nanlalata ako parang gusto ko lamang ay humilata maghapon.

I was left alone in my room confused when my mother storm out. Binalot ko ang sarili ko sa comforter at ipinikit ang mga mata. Hindi alam nila Mama na hindi kami okay ni Lara maging ni Jairus. Hindi nila napapansin kasi halos hindi na rin naman sila umuuwi nang bahay dahil sa trabaho.

Maaga silang aalis katunayan gigisingin lang niya ako tapos aalis na sila patungo sa trabaho. At uuwi kapag tulog na ang lahat hindi ko alam kung natural na iyon o nangangailangan talaga sila nang madaming pera halos hindi na kasi sila tumitigil sa pagta-trabaho.

Nagulat ako nang pabalyang bumukas ang pinto nang silid ko at pumasok muli doon si Mama, may bitbit siyang cellophane. Hinigit niya ako patayo sa kama at itinulak papasok sa banyo, iniabot rin niya sa akin ang dala.

“Use that.”

“Ano ‘to, ‘Ma?” nagtataka na talaga ako sa ikinikilos niya.

Pero sa halip na sagutin at ipaliwanag sa akin pabagsak niyang isinara ang pinto ng banyo.

I have no choice but to obey what she said. Binuksan ko ang cellophane at laking gulat ko nang makakita ako roon nang tatlong pregnancy test kit. Bakit niya ako pagagamitin nito? Then it hit me. Walang ganang kumain, matamlay, nagsusuka. That’s all symptoms of pregnancy. At isa pa hindi pa ako dinadatnan nang monthly period ko.

Napaupo ako sa bowl nang ma-realize iyon. Nagbunga ba? Hinaplos ko ang impis kong tiyan. May baby ba sa tiyan ko? There’s only one way to find out. Lakas loob kong binuksan ang kit saka binasa kung paano gagamitin iyon. I follow the instruction. Ginamit ko rin ang tatlong PT para sigurado.

I don’t know but I cried when two lines pop up. Sa pangalwa at pangatlo ay ganoon din. May baby sa tummy ko. Hindi ako nagsisisi sa nangyari sa amin ni Jairus but I don’t know kung handa na ba akong maging mommy. Lalo na rin ngayon na hindi kami okay. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ‘to sa kaniya dahil alam ko naman na after Lara’s twentieth birthday ipapakasal sila kahit na hindi pa tapos sa pag-aaral.

Nabitiwan ko ang test kit nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mama. “Amarie, what’s the result?”

Umiling ako hindi kayang magsalita. Paano na ang pag-aaral ko?

Si Mama na ang pumulot ng kita. At gaya ko, tulala rin siya at hindi makapag-salita.

“Mama...”

“I knew it.”

“H-huh?”

Inalalayan niya akong lumabas sa banyo mukhang nawala na sa isip niya ang pumasok sa trabaho. Pinaupo niya ako sa kama. “Magpahinga ka. Don’t think anything stressful, okay? Makakasama sa baby mo.”

Napaiyak ako lalo dahil sa sinabi ni Mama sa halip na magalit siya, heto siya at inaalagaan ako.

“Mama, si Papa?”

“It’s okay. Ako nang bahala sa papa mo. Sleep, my Amarie.”

“Thank you, Mommy.”

Nakatulog ako sa haplos ni mama sa buhok ko. Ang swerte ko talaga sa magulang ko but all I did is to disappoint them. Pakiramdam ko ay ilang minuto pa lang akong nakakatulog ay muli akong nagising sa mga boses na nagsasalita sa paligid ko.

“Armando, iyang bunganga mo magigising ang anak natin.”

“Hindi lang ako makapaniwalang magkaka-apo na tayo?”

“Papa, hindi man lang kayo galit? Dapat nag-aalburuto na kayo diyan because some idiot screw my sibling and got her pregnant.”

“Alam mo ‘Tian, wala na tayong magagawa diyan. Alangan naman ipatanggal natin ang bata, aba! Hindi naman ata tama iyon? Ang mabuti pa tawagin mo si Patrick dahil siya lang naman itong boyfriend ni Amarie, sige na!”

Kusang tumulo ang mga luha ko sa mga naririnig mula sa pamilya ko. Nagkamali na ako pero hindi pa rin sila nagagalit hindi nila ako pinagsasalitaan nang masama.

“Papa...” Kuya’s hesitant voice is evident. Tila nagda-dalawang isip siya kung sasabihin ba niya o hindi. “Wala na sila nang hayop na iyon!”

“What!?”

May narinig akong nabasag.

“Kailan pa?” galit na ang boses ni Mama. “Kailan pa, Christian?”

“Ahm, pagdating natin galing bakasyon.” Pahayag ni Kuya. “Hindi ko lang agad nalaman kung hindi pa nabanggit sa akin nang kaibigan niya.”

Lalo akong naiyak. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa gawi nila pilit kong pinipigil ang hikbi para hindi marinig nila mama.

“Si Lara?”

“No. Lara is Patrick’s new girlfriend.”

“Fuck that shit.” Narinig ko ang pagtayo ni papa kaya agad akong bumangon para pigilan siya.

“Papa...”

Agad akong dinaluhan ni mama dahil sa pag-iyak ko. “Stop crying, Amarie! Makakasama ‘yan sa apo ko.”

“Bakit hindi mo sinabing niloko ka nang walang hiyang iyon?” nanggagalaiti si papa na lumapit sa akin.

Itinaas niya ang kamay niya kaya napayuko ako. Akala ko sasampalin niya ako pero naramdaman ko ang kamay niya na magaang humahaplos sa buhok ko. I cried even harder.

“Amarie, ano ba? Sabing tahan na, baka mapano ang apo ko sasamain ka sa’kin.” Biro ni papa.

Maging si Kuya ay lumapit na din. “Binugbog ko na, Amarie. Huwag kang mag-alala.”

Nangunot ang noo ko. Paano niya mabubugbog e ang daming security no’n?

Natawa si kuya tila nabasa ang iniisip ko. “Nah! Pumayag siya.”

“Huh!?”

“Sinabihan niya ang mga bodyguard niya na walang makikialam.” Napailing ito. “Mahal ka nang gago! Tanga lang.”

Nabawasan ang kaba ko dahil tanggap ako nang pamilya ko kahit na nagkamali ako. Kahit na nagbuntis ako nang maaga. Nahinto ako sa pag-aaral pinipilit pa rin ako nila mama na pumasok kahit online pero tumanggi ako. Napagpasyahan ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral kapag nakapanganak na ako. Isang linggo akong hindi lumabas nang kwarto nahihiya sa mga kasama namin sa bahay.

But after a week, sinundo ako nila Ate Edith sa kwarto ko. Ipinasyal nila ako sa hardin.

“Huwag kang mahihiya sa amin, Amarie. Tanggap namin, ano ka ba! Kailangan mo rin mainitan dahil kailangan ‘yan sa pagbu-buntis.” Ani ate Edith. Naka-ngiti naman si Manang Liz maging ang iba pa naming kasama.

Nanatili ako sa hardin. Nagpaalam sila na mag-aasikaso muna bago makipag-kwentuhan ulit sa akin. Wala akong paramdam sa lahat. Sa mga kaklase ko. Sabi ni Papa, napa-drop out na niya ako sa Cuarteros kaya okay na. Pinakiusapan ko sila na walang sasabihan nang nangyari sa akin not until Olivia and the group barge in. Nasa sala ako nang dumating sila. Kasalukuyan akong nanunuod nang mga new mommies video.

“Amarie!” palahaw nila. Sunod-sunod na pumasok sa bahay. “Letse ka! Bakit nagdrop out ka!? Demonyang ‘to!”

“What are you doing here, guys? May pasok, di ba?” miyerkules pa lang kasi.

“We ditch class. Wala kaming mautusan do’n ‘e!” umupo si Kathy sa tabi ko. Itinaas sa center table ang paa.

“Bakit nanunuod ka nang ganiyan?” tanong ni Kim. Inagaw niya sa akin ang remote at inipat iyon nang channel.

“Magiging mommy ka na ba?” nagulat ako sa tanong ni Olivia at nakita niya iyon. “Oh! I hit the bulls eye, ‘e!”

“Oh my god!”

“We’ll be the godparents, okay?”

Natatawa ako sa mga reaksyon nila, si Kim na busy na sa panunuod nang kdrama sa Netflix ay automatic na ibinalik sa channel kung saan ako nanunuod kanina at sinabing manuod na raw ako.

Tanghali nakakagulat na umuwi si Mama kasunod si Papa. Nagulat pa sila nang makita ang mga bisita ko tila naman maaamong tupa ang mga babae na tumayo pa at nagmano isa-isa.

“Wait, I’ll just need to call someone.” Maya-maya ay paalam ni Olivia. Lumabas siya nang silid ko habang nagda-dial sa mamahalin niyang cell phone.

Nag-kwentuhan kami hanggang sa mag-tanghali. Nakahilata sa kama ang mga ito habang ako ay nakaupo sa sofa sa paanan. Pagbalik ni Olivia agad din naman siyang nag-aya na aattend naman nang klase. Ihinatid ko sila hanggang sa pinto nang mansion. Hindi na nila ako hinayaang lumabas hanggang sa gate dahil mainit raw at masama sa baby baka raw nasa tiyan ko pa mangitim na.

Pagpasok ko sa sala ay siya ring paglabas nina mama at papa galing sa kusina at natigilan ako nang makita kung sino ang kasama nila.

“Jairus?”

“Beb...”

Bumaling ako kina Mama. “Anong ginagawa niya dito ‘Ma?”

Si Papa ang sumagot. “Pananagutan ka raw kaya nandito.”

“How d-did you...”

“Tinawagan ako ni Olivia and I immediately decided,” lumapit siya sa akin. “Aalis ako. Isasama kita para mabantayan at si baby. Pumayag naman ang magulang mo basta mag-update daw tayo sa kanila.”

Napatingin ako kina Mama at naluha na naman ako ng tumango sila habang nakakaunawang ngumiti si Papa.

“Basta mag-iingat kayo. Walang kaso!”

“SAAN tayo pupunta?”

Jairus just shrugged his shoulder. Kanina ko pa siya tinatanong pero sadyang ayaw niya akong sagutin.

“Ang tino mong kausap, ah?” Hinampas ko siya sa balikat. Pero marahan lang dahil nagma-maneho siya. "Saan nga?"

“Just wait and see, darling!” Kumindat siya.

“Akala ko beb?”

“E di beb,”

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at inabala na lamang ang sarili sa nadaraanan namin. Malayo-layo na din ang nala-lakbay namin may nadaraanan na kaming palayan at kakahuyan sa tabi.

Matapos makausap ni Jairus ang magulang ko pinayagan nila kaming umalis kinabukasan. Inihanda ni mama lahat nang kailangan ko.

“I'm nervous...” Bulong ko pero sadyang ipinarinig ko sa kaniya.

At hindi nga ako nabigo narinig ko ang mahina niyang halakhak. “At bakit naman, babae?”

“Baka ipa-salvage mo 'ko...” Mahina kong sagot. Kinakalikot ko ang mga daliri ko at bahagyang sumusulyap sa kaniya.

“Baliw kang babae ka!” Pahayag niya na bahagyang tumatawa. Pasulyap-sulyap siya sa akin at minsan ay ngumingiwi dahil sa maputik at lubak-lubak na daan. “Ipapa-salvage? Nasira na ata ulo mo. Sa sobrang addict na 'yan.”

“Addict?” I pressed my lips into thin lines. Napikon.

“Yeah,” prente niyang isinandal sa steering wheel ang isang braso niya at ang isa ay ipinatong sa nakabukas na bintana habang ginugulo niya ang sariling buhok.

I hugged myself while glaring at him. “Ang sama mo! Kung, kung... Uh, ano...”

“Ano? You tell me,” Naglalaro ang ngisi sa mukha niya. “Addict ka.”

I sniffed. Aartehan ko na lang siya. “How could you!”

“Addict,” he paused. “Sa akin.”

My face flushed and I feel my cheek turn red.

“Oh? Natahimik ka naman? Daldal mo kanina, di ba?”

“Addict...”

“Eh? That's my line. But yeah, addict din ako... Sa'yo.”