Twenty One
NATAPOS ang maghapon ko sa unang araw nang pasukan na ang mga kasama ko ay ang grupong dati kong pinaka-iiwas-iwasan. Ngayon ay siyang sumalo sa akin, ngayon ay siyang umalalay sa akin nang abandunahin ako nang mga itinuring kong kaibigan.
Unang araw sa pasukan sa aking college journey pero iyon ang sumalubong sa akin. Ikalawang araw. Pinilit ko ang sarili kong bumangon sa kama, maligo at pumasok.
As usual, nasa one week business trip na naman sina Mama at Papa. Si Kuya nagsimula na agad sa trabaho sa construction firm namin kaya halos hindi ko na siya maapuhap. Sana walang mabalitaan si Kuya. Sure naman ako na hindi mababalitaan nila Mama hangga’t wala sila sa bansa.
Sa labas nang gate nang Cuarteros University ako nagpababa kay Manong Tony. Napaaga ako ngayon sa pagpasok kaya gusto kong lakarin for the first time ang pagpasok sa gate ng Cuarteros.
But I think it’s a wrong decision. Jairus Patrick is standing at the entrance of the college of Business Management building. He seems oblivious of his surroundings. Baka naman hinihintay ang girlfriend niya. Pare-pareho kasi kami ng course na kinuha.
Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hihintayin siyang umalis doon. At the end I choose the latter. Akmang tatalikod na ako nang may sumigaw nang pangalan ko buhat sa likuran.
“Amarie...”
Hindi ko siya pinansin. Wala siyang bodyguard ngayon.
“Amarie talk to me, please...”
Lalagpasan ko sana siya nang hawakan niya ang braso ko at hilahin ako sa isang sulok. Napapiksi ako nang makaramdam ako nang kuryente sa pagdaiti nang amin mga balat.
Akala ko wala nga siyang kasamang bodyguard but I’m wrong. Nang sumenyas siya ay agad na may humarang sa entrance building, mayroon din sa itaas nang hagdan. Tila haharangin ang lahat nang papasok upang hindi kami maistorbo sa paguusap. As if I’m going to talk to him.
“Let me go, Agnila.” Bulong ko.
“No. we’re going to talk.” Idinikit niya ang katawan sa akin. Hinawakan rin niya ang dalawa kong kamay upang hindi ako makapiglas. “Please,”
Bumuntong-hininga ako. “Okay, what do you want to talk about?”
“This is my dad’s entire fault, Amarie.” He seems helpless.
My forehead creased. Pero hindi ako nagsalita hinayaan ko lang siya.
Ipinatong niya ang kaniyang noo sa balikat ko. “I’m sorry, Beb.”
As if on cue my tears fell. Nag-uunahan silang dumaloy mula sa mata ko pababa sa aking pisngi. Beb?
“Shh, don’t cry... I’m sorry, sa kagustuhan kong sundin lahat nang gusto ni daddy para matanggap niya ako, nasasaktan kita.” Naramdaman ko ang pagkabasa nang balikat ko. “Sa kagustuhan kong maging proud siya sa akin ang kapalit pala niyon ay masasaktan kita. Lara Villas is nothing to me, Beb. Hindi lang ako maka-ayaw sa daddy ko kasi I want him to be proud of me... kaya nang sabihin niya na he’s arranging me into marriage pumayag ako...”
“... sabi ko, mauunawaan mo naman, saka mapapakiusapan ko naman siguro ang magiging bride ko. Lumakas ang pag-asa ko na makakawala ako sa arrangement especially nang malaman ko na si Lara pala ang babae, your best friend. But I thought wrong, nang kausapin ko siya hindi siya pumayag. Wala siyang pakialam kung masaktan ka, she said she’s going to grab the opportunity.”
Lumalakas na ang hikbi ko maging ang pag-iyak niya. Hindi ako nagsalita hinayaan ko siya sa lahat ng sasabihin niya pero hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa lumapit ang isa sa bodyguard niya.
“Sir, Miss Villas is here.”
Ayaw niya pang bumitaw sa akin pero itinulak ko siya. Ayaw kong makita kami ni Lara sa ganitong ayos. Mabilis kong pinahid ang luha ko at tinalikuran si Jairus. Sa halip na sa classroom ako mag-diretso sa banyo ako pumunta. I need to calm myself. Naghilamos ako nang mukha para hindi mahalata na umiyak ako.
Napaatras pa ako paglabas ko nang banyo dahil nandoon ang isa sa security nang lalaki.
“Kuya Roger?”
“Ma’am, pinabibigay ni Sir.” May iniabot siya sa aking isang puting panyo.
“Salamat po.”
Bahagya siyang yumukod saka umalis. Tinitigan ko ang panyo sa kamay ko. Hindi niya kayang punasan ang luha ko gamit ang mga kamay niya pero nagpadala siya nang panyo pamunas sa luha kong siya ang dahilan kung bakit tumutulo.
Nang marinig ko ang paliwanag niya tila ba nabawasan ang galit ko. Alam ko nahihirapan din siya, kahit kasi hindi niya sabihin sa akin sabik na sabik siya sa atensyon nang ama. Kaya hindi ko siya masisisi kung gagawin niya ang lahat makuha lamang ang simpatya nito.
Nakapasok ako sa room na walang pumapansin. Hawak ko pa rin ang panyo sa kamay ko. Wala namang masyadong pinagawa ang teacher namin. Just a little introduction on our subject at pakilala sa isa’t-isa dahil nga iba-ibang mukha na naman.
Every period ay ganoon lang kaya natapos ang maghapon ko nang hindi masyadong nakakapagod. Hindi pa ako nakakatayo sa upuan para lumabas ay tumunog ang cell phone ko. There was a text message.
‘Meet us at the parking. Waiting...’
Napakunot-noo ako.
“Sino ‘to?” bulong ko sa sarili.
I did go to the parking at nadatnan ko doon ang grupo nang special class na kaniya-kaniya nang retouch.
Unang nakapansin sa akin si Kathy. “Pa-VIP, ‘te?”
“Ahm... s-sorry,” I said. “Kayo iyong nagtext?”
Melanie raise her hand. “Me. We want you to loosen up kaya sasama ka sa amin.”
“Saan?”
“Bar,” Maiksing sagot ni Olivia. “Let’s go girls.”
Kaniya-kaniya sila nang sakay sa sasakyan samantalang ako ay nanatiling naka-tanga sa labas. May naalala kasi ako sa sasakyan. Black SUV.
“Wag kang umasa na pagbu-buksan ka pa namin ng pinto. Abuso ka na!” singhal nang isa.
Binuksan ko ang pinto sa backseat. Nag-aalala ako. Bakit kami pupunta sa bar? Hindi pa ako nakaka-apak man lang sa lugar na iyon.
Lalong tumindi ang kaba ko nang makapag-park na sila sa tapat nang isang bar. Kaniya-kaniya ulit sila nang retouch ng make-ups. Si Melanie ay inayusan din ako mabuti na lang hindi pa kami nagsu-suot ng uniform. First week of the school year hindi required na mag-uniform kaya kaniya-kaniya nang OOTD.
“Papapasukin ba tayo diyan?”
Nagtaka ako nang magtawanan sila. Olivia creased her nose and rolled her eyes at me and said. “My family owns this.”
“Saka hindi na tayo mga minor, ‘no.”
At totoo nga, parang password ang pangalan ni Olivia dahil nang sabihin niya ang pangalan niya ay agad kaming pinapasok. Wala pang gaanong tao sa loob dahil maaga pa nga. Diretso kami sa second floor. VIP section. Paakyat pa lang kami sa hagdan ay umiindak-indak na ang mga kasama ko na animo sanay na sanay sila mag-bar.
Agad nila akong binigyan nang shot. Umiinom rin naman ako kapag may occasion pero sa bahay lang iyon at wine lang. Pero ang alak na ininom ko ay matapang, gumuhit ang init niyon sa lalamunan ko. Nasamid pa nga ako na inani nang tawanan sa mga kasama ko.
Maya’t-maya ang bigay nila sa akin nang shot na hindi ko naman tinatanggihan. I want to try being drunk. Kasi sabi nila pansamantala raw na makakalimutan ang problema kapag nalalasing. Hindi ko na nga rin pinansin nang may ihulog si Olivia sa baso bago ipainom sa akin.
Ramdam ko ang epekto nang alak sa akin. Gumagaan ang pakiramdam ko na para akong lumulutang at nag-iinit ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nga nagha-hallucinate na ako dahil nakikita ko si Jairus sa harap ko. Naka-kunot ang noo niya kaya natawa ako.
“Hey, Beb! What are you doing here?” tanong ko saka humalakhak. Muntik pa akong matumba nang tumayo ako para maabot ko ang mukha niya. “You’re handsome, ‘e!”
Narinig ko ang tawanan nila Olivia.
“Anong pinainom niyo sa kaniya?” narinig ko ang galit na boses nang binata habang nakayakap ako sa kaniya.
“Beb, wala alak lang! Yuhoo!” nagsimula akong sumayaw at igiling ang katawan sa kaniya. He made me stay still by holding my waist firmly.
“Fuck!” mura na naman niya. “Wait here, kukuha ako nang tubig.”
Sandali niya akong iniwan siyang paglapit naman ni Olivia sa tabi ko na malaki ang ngisi. May pinainom na naman siya sa akin na agad kong tinanggap.
“Kung hindi rin lang naman mapapasa-akin iyang si Agnila, lalo namang hindi ako papayag na mapunta lang siya sa bestfriend mong ahas.” Bulong niya sa may tainga ko.
Humagikhik ako at akmang bubulong din sa kaniya nang ay humablot sa akin. Si Jairus. He’s holding a glass of water pinilit niya iyong ipainom sa akin. “I-uuwi na kita.”
Nang hapitin niya ako at magkiskisan ang aming mga balat ay lalong nag-init ang pakiramdam ko.
“Beb, ang init.”
Narinig ko ang sunod-sunod na mura nang lalaki habang karga ako palabas nang bar. Hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto kong maghubad. Ang sakit sa balat nang madaitihan nang damit ang balat ko. Ipinasok ako ni Jairus sa isang sasakyan. Nang mailapag niya ako ay agad akong naghubad nang damit. I also unbutton my jeans.
“Fuck! Amarie, hihimatayin ako sa ginagawa mo!” ani Jairus nang pumasok siya sa driver’s seat.
Humagikhik ako. “Why naman po?”
“Magdamit ka nga! Aatakehin ako sa puso.”
May inabot siyang jacket sa likod nang sasakyan ibinalot niya iyon sa akin. Nang lumapit siya agad kong hinablot ang batok niya at mariin siyang hinagkan. I feel his body froze but in no time gumanti rin siya nang halik. He’s now dominating our kissing scene.
“Shit baby, don’t temp me again like that. Maiksi lang ang pasensiya ko, tandaan mo iyan.”
“Ayoko umuwi...” I said slurred. “Uwi mo’ko sa bahay niyo.”
“Bawal sa bahay walang tao do’n. Saka papagalitan ako ni Nanay Azon.” Mahinang sabi niya halata sa boses ang pagpipigil.
I giggled. “Basta! Ayaw ko umuwi po, gusto ko sa bahay mo po...”
Hinawakan ko siya sa hita na nakapag-paigtad sa kaniya.
“Huwag mo’kong hawakan. Baka mabangga tayo, Crishan Amarie! Sinasabi ko sa’yo!”
Lalo lamang akong nagsumiksik sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ihinto ang sasakyan sa tabi. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ang init-init nang pakiramdam ko. Animo may bumubulong sa akin na halikan ko ang lalaki upang mapawi ang init na nararamdaman ko.
And I did. I kissed him. Kumandong na rin ako sa mga hita niya. Tila doon napigtas ang pagpipigil niya. He ravished my lips at dahil wala na akong damit pang-itaas madali niya na ring naigala ang kaniyang mga labi sa mula sa labi ko, sa panga, sa leeg hanggang sa aking dibdib.
That night we did it. My first time is inside his white Xpander car.