Twenty

HINDI ko na hinintay na bitbitin ako nang mga bodyguards nang lalaki palabas nang cafeteria. Masama ang loob ko habang naglalakad patungo sa classroom. Nakatungo lamang ako at hindi tumitingin sa daan. Ayokong makita nang lahat na umiiyak ako, na pinipigilan ko lamang ang pagtulo nang luha ko.

At dahil nga nakatungo ako at hindi tumitingin sa daan, nabangga ako dahilan para bumagsak ako sa sahig. Hindi ako agad tumayo, pakiramdam ko hinang-hina ako. Parang ayoko nang tumayo at lumaban. Ang nangyari sa cafeteria ay sapat na para makumpirma kong may relasyon sila. Hindi na kailangan pa nang kompirmasyon.

Sana pala pinigilan ko ang sarili ko. Sana pala hindi ako nagpadala sa damdamin ko. Sana pala nanatili na lamang siyang isang lihim na pagtingin.

Sana pala. Sana.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba silang makitang magkasama. It’s a torture for me. Jairus Patrick is my first love. Ilang buwan pa lamang kami pero ganito na agad ang nangyari. Nasaktan na agad ako. I thought love is pure happiness but I was wrong. Love is full of happiness, yes, but there’s always consequences.

“Kawawa naman. Bakit umiiyak ang prinsesa?”

In my blurry vision, nag-angat ako nang ulo para tingnan kung sino ang nagsalita. It’s full of sarcasm. Olivia Aguilar. Standing almighty in front of me.

“Don’t cry bitch, mas lalo kang nagiging kawawa.” Hinatak niya ang braso ko patayo. “Inagawan ka na nagpapatalo ka pa! Bitch!”

Hindi na ako nakapalag ng hilahin niya ako kung saan. Wala na akong lakas na manlaban.

“Guys!? Look who’s we have here!” malakas na turan ni Olivia.

Sa special section niya pala ako dinala. Kung kukutyain man nila ako dito at ibu-bully hindi ako lalaban dahil sa dami nila hindi ako makakapalag. Puro babae sila pero mayroon ding tatlong lalaki sa likod.

“What is she doing here? Para siyang kawawang pulubi.” Komento nang isa na dahilan nang tawanan nang lahat.

“Yeah, kaya pinulot ko! Alam niyo naman ang tsika, right?”

“Yes, girl.” Sabi nang babaeng unang lumapit. “Inagawan nang kaibigan, it hurts you know!”

“Oh, bakit mo naman iyan pinulot at dinala dito? Anong gagawin natin diyan?”

Umupo si Olivia sa teacher’s table. “Naawa naman ako, kaya dinala ko na dito.”

Nakatayo lamang ako sa harapan nila. Hinahayaan na kutyain nila ako, na pag-aralan nila ang hitsura ko at ang sakit na nararamdaman ko.

“Do we have a class today?” maarteng tanong nang isa na lumapit na rin sa akin at kinalkal ang paper bag na dala ko kung nasaan ang mga gifts na sana ay ibibigay ko sa mga kaibigan ko.

“Dito na muna iyan, kesa naman magpalaboy-laboy ‘yan at makita ang bestfriend at boyfriend niya na naglalampungan sa labas.”

“Syota ‘yan ni Agnila, di ba?” sabat nang isang lalaki na kaklase nila.

“Ex ata.” Sabi pa nang isa.

“Grabe talaga iyang si Agnila, ano? Lakas lang.”

Lumapit sa akin ang isa pang lalaki iginiya ako sa isang silya sa front row. “Upo ka dito, Miss.”

Nahinto na ang pag-iyak ko dahil sa panlalait nila sa akin. Hindi naman pala gaanong masama ang ugali nang mga babae sa special section lalo na ni Olivia na cheerleader. Halos lahat nang babae sa special class ay kasali sa cheering squad.

“Salamat.” Wika ko.

Inirapan lamang ako ni Olivia na tini-check ang nail polish niya sa kuko sa kamay. Bumuntong-hininga naman ang iba sa mga kaklase niya na tila wala nang magagawa. Sandali akong nanatiling nakayuko at maya-maya ay iniangat ko ang aking paningin saka inilibot sa kabuuan nang classroom nang special class. Wala namang pinagkaiba sa normal na room. Ang kaibahan lang talaga kakaunti lang ang chairs and table. Tapos ang floor nila, carpeted.

Since first day of school wala talagang klase kaya nanatili ako sa classroom nang special class hanggang sa magtanghali. Wala namang kaso sa kanila dahil halos naman parang anino lamang ako roon dahil hindi nila ako pina-pansin.

Busy sila sa kani-kanilang make up, nail polish at kung anu-ano pang mga pampaganda. Mababait naman pala sila.

“Ano, sasama ka? We’re going out.” sabi ni Melanie.

Hindi sila nagpakilala sa akin pero naririnig ko ang mga pangalan nila habang nagyayabangan sila nang mga cosmetics.

“Ahm... may I?” nahihiyang tanong ko. Kung sasama ako agad na hindi nagtatanong baka sabihin nila masyado naman akong feeling close.

“Oh sure, kaysa naman mag-isa ka diyan. Ngangawa ka lang!”

Nangingiti akong tumayo at kinuha ang bag ko. Hindi na nag-abala pang bitbitin ang paper bag na naglalaman nang mga pasalubong. Ano pa’t bibigyan ko pa sila kung binigo nila ako. Hindi man lang nila ako binigyan nang heads up na inaahas na pala ang boyfriend ko.

“You’re not bringing your gifts for your friends?” tanong ni Olivia with a sarcasm in her voice.

“Hindi na. Huwag na!”

Palabas na kami sa classroom nang bigla akong higitin nang isa pa sa kanila na si Kathy. Natigil tuloy ako sa paghakbang. “You’re not going out with that look, right? Oh! Huwag kang sasama sa amin na ganiyan ang hitsura mo, magmu-mukha ka lang yaya.”

“I-uh... ahm,”

“Tss.”

Nagulat ako nang muli niya akong i-upo sa silya saka inilabas niya ang mga gamit niya sa mukha at inayusan ako. Alam ko naman na dahil sa pag-iyak ko bahagyang namumugto ang mata ko at napalis na ang light make up na ini-apply ko.

“Maganda ka naman pala, huwag kang magpaka-tanga!” iniligpit niya ang gamit niya saka nauna nang lumabas.

“Salamat sa inyo,”

They role their eyes in unison. At kaniya-kaniya na nang labas nang room. Nauna nang umalis kanina ang mga lalaki. Akala ko sa labas sila nang Cuarteros kakain pero nang lumiko sila patungo sa cafeteria dinagsa ako ng kaba. Paano kung nandoon pa rin sila? Kaya ko na ba silang harapin kung kanina ko lang nalaman ang kahayupan nila.

Nagbakasyon ako nang masaya dahil akala ko sa pagbalik ko, maayos pa rin, may dadatnan akong mga kaibigan at boyfriend. But it turns out, problema pala ang dadatnan ko.

Itinuring ko siyang kaibigan pero ginago niya ako at talagang inagaw pa niya ang kasintahan ko na nagpaagaw naman. Siguro nga hindi naman niya ako mahal dahil ang bilis niyang nagpalit. Wala pa kaming maayos na date at sweet moments kasi nagsisimula pa lang kami, dumating naman ang Daddy niya.

Pinagbigyan ko, kasi kailangan niya iyon at sabik siya sa ama niya, okay lang kahit na mabalewala niya ako. All I think is his happiness in his father’s side.

Ang tanga ko lang.

PAPASOK na kami sa canteen nang may dumamba sa akin. May naalala ako doon, mahilig mandamba kapag gusto magpa-lambing I mentally shook my head.

“Amarie Zaraga! Sa’n ka nanggaling?” It was Aiza.

Natigil ako sa paglalakad, maging ang mga kasama ko ay natigil din at sarkastikong nakatingin sa amin at pinapanuod kami.

Naunang umalis si Kathy na bumubulong-bulong. “Plastic.”

“Ano daw?” tanong ni Aiza sa akin. Nakakapit siya sa braso ko. “Teka, bakit kasama mo sila?”

Sasagot na sana ako nang makita ko sa hindi kalayuan sina Lara at Jairus. This time silang dalawa lamang, wala ang naka-paligid sa akanilang MIB. Naka-tingin sa akin si Jairus. Natauhan ako. Agad kong inalis ang braso ni Aiza na nakapulupot sa akin.

“If you’ll excuse us, Ms. Palatino.” Nagulat si Aiza pero hindi ko na pinansin. Sumunod ako sa special class students sa napili nilang mesa.

“I’m sorry about that...” sabi ko nang maka-upo sa tabi ni Melanie.

“Oh! Akala ko makikipag-dramahan ka pa sa mga plastic.” Komento ni Olivia. “I am a bitch but not plastic, for you to know.”

“Salamat ulit.”

Nalukot ang mukha ni Olivia maging nang iba pa naming kasama sa table habang nakatingin sa pinto nang canteen.

“Let’s order.” Kaniya-kaniya sila nang tayo at pila sa counter.

Hinila rin ako ni Kathy. “Huwag kang tatanga lang, magmu-mukha ka lalong kawawa.”

Pumila kami. When it’s my turn to order may sumingit sa unahan ko. Lara.

“Hi, Bes! Sorry, ah. Nagugutom na kasi iyong boyfriend ko kaya pwede mauna na akong bumili?”

Lara’s a bitch pero hindi ko alam na ganito ka-bitch. Hindi ko alam na ganito kakapal ang mukha niya.

Tumango na lang ako. Habang iniha-handa ang order niya, sige ang kwento niya sa akin. “Where’s my pasalubong, Amarie? Nagtext ka sa’kin na may pasalubong ka for me, di ba?” nagpa-cute pa siya sa harap ko.

“Nakakasuka.” Narinig kong bulong sa likuran ko.

“See ‘ya around, Bes.” She wink, tumango naman ako.

Hinahapong bumalik ako sa table. Muntik ko pang mabitiwan ang tray na hawak ko. Alam kong crush ni Lara si Jairus but I never thought na aabot siya sa ganito na boyfriend ko na, aagawin pa niya.

“You’re a loser ‘e.”

Nginitian ko lang si Olivia. Nagsimula akong kumain kahit na halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa maya’t-mayang komento at panlalait nang mga kasama ko. Tinatawanan ko lang naman. Ilang oras ko pa lang silang nakakasama pero nakikita ko na sa kanila ang totoong sila.

Yes, mapanlait sila. Pero iyon ang totoo nilang ugali. Hindi sila plastic. Sinasabi nila kung ano ang gusto nilang sabihin at hindi sila nagda-dalawang isip.