Nineteen
NAKAUWI ako sa bahay nang ipahatid ako ni Tita Pat sa driver nila. Nag-sorry pa siya habang ihinahatid ako sa sasakyan. Matapos kasi ang nangyari ay nagkulong si Jairus sa kaniyang silid nang magpakilala si Senator Del Mar na ito ang tatay niya.
Nawala sa isip niya na kasama ako iniwan niya ako na nakatayo sa sala kasama ang magulang niya but I didn’t mind it. Excited pa siyang isinama ako sa bahay nila para ibalita sa Mommy niya na kami na but it turns out wrong. Ang sabi pa nang lalaki su-surpresahin namin ang Mommy niya pero siya ang nasurpresa.
Habang nasa sasakyan kanina ay tahimik lang ako. Iniisip ang nangyayari pero wala naman akong karapatan na mag-demand. Oo nga at girlfriend niya ako pero alam ko naman na sabik din siya sa atensiyon nang ama.
Papasok pa lamang ako sa loob ng bahay nang salubungin ako ni Kuya. Umuwi pala siya.
“Kuya?” nginitian ko siya para hindi niya mahalata na malungkot ako.
“Mama called me, kayo na pala?”
“Ano?” tinalikuran ko siya.
“Kayo na. Saya mo ‘no?” pang-aasar pa ni Kuya. Nakasunod sa akin paakyat sa hagdan sinusundot ang tagiliran ko.
“Para kang baliw diyan.” Sabi ko. “Tigilan mo ako, isa!” humagalpak na ako nang tawa at tumatakbo para makalayo pero sadyang makulit ngayon si Kuya. Sinundan ako hanggang sa loob ng kwarto ko. “Alis na! Matutulog na ako.”
“Dito ako matutulog,” nauna pa siyang humiga sa kama ko. Nakabuka ang mga braso at binti kaya sakop niya lahat nang space sa kama ko.
Hinila ko ang binti niya. “Alis! Kuya! Do’n ka sa kwarto mo!”
Sandali kong nalimutan ang nangyari sa Agnila Compound dahil sa kakulitan ni Kuya.
“Dito nga ako matutulog, diyan ka na lang sa sofa.”
I scoffed. At talaga namang magaling ang lalaking ito. “At bakit? Sarili kong kwarto ‘to baka akala mo!”
Namewang ako sa gilid nang kama at hinihigit ang braso niya para umalis siya sa kama ko. Pagod na ako dahil galing pa kami sa pag-beach kanina tapos wala pang pahinga.
Napatili ako nang hilahin ako ni Kuya kaya bumagsak ako sa tabi niya. “Arte mo lang, pwede namang tabi tayo.” Niyakap niya ako. “Tulog na, Amarie. Alam ko ang nangyari huwag kang magpanggap.”
Bumuntong-hininga ako. “Okay lang naman ako, I understand him.”
“Dapat lang, ganoon sa relasyon kailangan naintindihan niyo ang isa’t-isa.”
Napabangon ako nang may maalala. “Paano mo pala nalaman?”
Umupo rin si Kuya sa kama sa harap ko. “Tumawag sa akin si Patrick kanina lang kaya umuwi ako dito.”
Hindi pala totoong si Mama ang tumawag sa kaniya.
“Bakit tumawag?”
“Papasundo ka daw sa kanila dahil nga may nangyari lang na emergency. Nag-sorry pa nga.”
Napangiti ako. Hindi naman pala niya ako nakalimutan.
“Sus, ngiti-ngiti ka na diyan.” Hinigit niya ako at niyakap. “Dalaga na.”
“Kuya naman ‘e.” itinago ko ang mukha ko sa leeg ni Kuya. Nahihiya.
Natawa si Kuya nang mahina. “Nahiya ka pa!”
“Ikaw, kumusta naman ang love life mo?”
Sa gulat ko ay itinulak ako ni Kuya at bumalot siya sa comforter kaya nagtaka ako. Anong mayroon? Nagtanong lang naman ako.
“Kuya, hoy?”
“Tulog na.”
Nagtataka man hindi ko na siya kinulit alam ko namang umiiwas siya sa topic. Nahiga na lang ako sa tabi niya.
KINABUKASAN nagising ako na wala na si Kuya sa tabi ko. Walang nambulabog sa aking pagtulog kaya tinanghali na naman ako ng gising. Linggo naman kaya siguro hinayaan ako na matulog.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama agad kong hinagilap ang cell phone ko sa side table upang i-check kung may nagtext man lang sa akin. Kung nagtext man lang ang boyfriend ko but it was nothing.
Excited akong gumising kahit na tinanghali dahil nga sa text ni Jairus pero wala. Wala man lang. Baka busy lang siya to settle his issues with his parents.
Naligo ako at bumaba sa sala. Tahimik ang bahay, siguro nasa trabaho na sila Mama at Papa. Ewan ko lang kung nasaan si Kuya. Nagdiretso ako sa kusina upang magtingin nang makakain. Brunch na ang kain ko dahil sadyang tanghali na.
Nagtingin ako sa ref kung anong makakain. May isang Bavarian cake, inilabas ko iyon saka inilagay sa counter nagsalin ako ng juice sa baso. Doon na ako kumain sa counter. Gusto ko sanang kumain nang kanin pero wala namang ulam kundi gulay nang tingnan ko sa lalagyan.
So I settle myself in the cake.
Napangalhati ko lamang ang isang buong cake at busog na ako. Akma ko nang itatabi sa ref ng dumating si Kuya at pinigilan ako.
“Kakain ako.”
Nagsalin ulit ako nang juice para naman kay Kuya. “Saan ka galing?”
“Sa labas, bakit?” tanong niya habang puno nang cake ang bibig.
Minsan para siyang bata, minsan naman nakakaasar dahil sa sobrang tahimik hindi na mamamansin.
“Just asking. Sila Mama nasa trabaho na ulit?”
“Oo,”
That day swiftly passed by. Pumasok kinabukasan until Friday, wala namang nangyari sa loob ng isang linggo na iyon. Ayos na ulit si Jairus, sabay kaming kumakain nang lunch, nang miryenda at minsan inihahatid niya ako pauwi.
Maayos naman kami hanggang sa sumapit ang graduation namin. Nang magbakasyon, dinala kami ni Papa sa Maldives. Regalo din daw kay Kuya dahil nga graduate na siya sa college at magsisimula naman ako. Wala kaming ibang ginawa kundi ang mamasyal. Masaya ako kasi buo kaming pamilya sa pamamasyal pero hindi ko ramdam.
Simula kasi magbakasyon hindi nagpaparamdam sa akin si Jairus. Nito kasing mga nakaraang araw palagi niyang kasama ang kaniyang ama. Tumatawag ako kay Tita pero isang beses lang niyang sinagot at mabilis lang din nasabi niya lang na magkasama nga ang mag-ama at halos hindi na niya makasama ang anak.
I love Jairus pero pakiramdam ko balewala na ako. Hindi pa kami nagtatagal at parang hindi ako kuntento pero pinipilit ko huwag lang kaming mag-away. Iniintindi ko siya dahil alam ko namang miss niya ang Daddy niya kaya palagi silang magkasama at halos hindi na ako maalala.
Hanggang sa matapos ang bakasyon ay hindi niya ako kinontak man lang. Nakikita ko naman ang mga pictures na ipino-post niya sa kaniyang social media account at kontento na muna ako doon. Halata naman kasi sa mukha niya ang saya habang kasama ang ama. Tanggap din si Jairus nang pamilya ni Senator Del Mar.
Bumili ako nang pasalubong para sa mga kaibigan ko at para kay Jairus, binilhan ko na rin ang mga kaibigan nang lalaki. Excited akong pumasok sa university kahit na-late ako nang enroll. Iyan tuloy hindi ko kaklase sinoman kina Aiza at Lara. Iba-iba na rin kasi kami nang courses na kinuha.
Nakangiti akong bumaba sa sasakyan nang maiparada ni Manong sa parking lot. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita si Jairus na pababa sa sasakyan. May kasama na naman siyang mga bodyguards. Akma ko siyang tatawagin nang umikot siya sa kabilang pinto at may pinagbuksan doon.
My smile froze when Lara Villas step out from the car malaki ang ngiti nito. Kinuha ni Jairus ang bag ni Lara at siya ang nagbitbit. Mabilis akong sumilid ulit sa kotse nang makitang madaraanan nila ang pwesto ko. Naka paikot ang mga MIB sa kanilang dalawa habang nagtatawanan sila. Halata ang saya sa mukha nang kaibigan ko at ganoon din sa boyfriend ko.
What was that?
Habang nasa bakasyon naman ako, palaging tumatawag sa akin si Lara at nagku-kwento. Nai-kwento nga rin niya na may boyfriend na rin siya hindi ko naman alam na si Jairus ang sinsabi niya. Ang saya-saya ko pa nang sabihin niya iyon. May pasabi-sabi pa ako nang ‘I’m so proud of you’.
“No! I should ask them first. Hindi pwedeng nagko-conclude lang ako agad. Tama!”
Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga saka bumaba nang sasakyan. Nakatingin lang sa akin si Manong hindi nagsasalita nakita rin niya ang nakita ko kaya siguro tahimik siya.
“Bye, Manong!”
“Sige Amarie, tanungin mo ah, huwag kang padalos-dalos.”
I nodded. “Thank you po.”
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa College building ay ramdam ko na ang mapanuring tingin sa akin nang mga kapwa ko estudyante na taga ibang section o siguro magiging kaklase ko iyong iba. Anong problema nila? May naririnig pa akong mga bulong.
“Di ba sila ni Amarie, bakit si Lara ang kasama ngayon?”
“Malay mo, nagbreak nung bakasyon.”
“Grabe, ang swerte ni Lara ‘no? Lumipat pa talaga si Patrick sa section nila galing sa special section para lang makasama si Lara.”
That really caught my attention.
“Excuse me!” agaw ko sa atensyon nang babaeng nagsabi niyon.
Umirap siya sa akin. “Bakit?”
“Anong sabi mo?” nanginginig ang kalamnan ko. Nag-aalburuto ang dibdib ko pero sa panlabas na anyo I am composed and relaxed.
“Ah oo, lumipat na si Patrick sa regular class, ang sabi-sabi para kay Lara.” Tumango pa ito at kinublit ang kasama. “Di ba?”
“Iyon ang sabi. Pero di ba kayo ni Patrick? Ba’t kayo nag-break? Tapos ang kaibigan mo naman ang sumalo. Astig rin ‘e ‘no?”
Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi nila. Lumabas ako nang building at hinanap ang dalawa nasabi rin kasi kanina sa bulong-bulungan na nasa cafeteria daw dumiretso ang dalawa. Dali-dali akong nagtungo roon. And they’re right, nandito nga ang dalawa masayang kumakain at nagsusubuan pa.
Sa mga ganitong senaryo hindi na dapat kailangan nang confirmation but I need to. Para hindi ako magmukhang kawawa. Lumapit ako sa kanila na agad naman na napansin nang dalawa.
“Beb?” tawag ko kay Jairus but he did not pay attention. Naka-tingin lamang siya kay Lara na hindi makatingin sa akin. “What’s the meaning of this? Beb?”
Nabuhayan ako nang loob ng tumingin siya sa akin but it was blank. Wala akong mabasang emosyon. Lalo akong nagulat nang itaas niya ang kamay niya, indicating that he was commanding his bodyguards to bring me out of his sight.