Eighteen
TWO weeks after my birthday celebration. Nag-aya si Jairus sa beach, sa private beach resort nila. Weekend naman kaya pumayag ako. Napapansin ko every weekend na lang gumagala kami. I'm not saying na hindi ko gusto but it's good nakikilala ko siya nang malalim.
Magda-dalawang linggo na rin simula nang magka-kilala si Tita Pat at ang parents ko. Nagkagulatan pa sila dahil client pala siya ni Mama and a major stock holder sa business ni Papa.
Nagkwentuhan lang sila. Hindi rin nakaligtas sa panunukso kaming dalawa nang lalaki. Gusto ko na nga'ng magtago sa ilalim ng table nang magsimulang dumaldal si Jairus about us.
Nabanggit din ni papa ang kasal. Kapag nakatapos daw kami ni Jairus sa college na kami pa, after graduation daw ipapakasal agad kami. Sumang-ayon si Tita at Mama, tuwang-tuwa naman si Jairus na hindi mapalis ang ngiti hanggang sa magpaalam na uuwi na.
That day, maayos na natapos ang kaarawan ko. Walang gulo at walang nanggulo. Natakot siguro sa sandamakmak na MIB na nakakalat na dala ni Tita Pat at ni Jairus.
Matapos ang ilang oras na biyahe, nakarating kami sa beach. Pumasok kami sa cottage at sandaling nagpahinga. Matapos ay agad akong nagbihis, excited to swim. Nakasuot ako ng one piece bikini. Dapat talaga two piece ang suot ko, iyong maninipis lang ang tali. Pero dahil dakilang kontrabida ang kasama ko, inaway ako at sinabing ‘wag nang lumabas kung hindi magpapalit.
Pero dahil ayaw ko namang mag-swimming ng naka t-shirt, red one piece bikini ang suot ko saka agad na lumabas. Ang siste nakabantay pala sa labas ng cottage ang loko. And in the end, hindi ako pinansin ni Jairus at iniwan niya ako. Hindi ko alam kung saan siya nagsu-suot. Kaya nag-iisa ako dito sa tabing dagat at tinatanaw ang malawak na dagat.
Ang ganda talagang tanawin ng malawak na karagatan. Habang malalim na nag-iisip I came to an idea na alam kong ikatutuwa niya.
A minute later nainip na ako sa paghi-hintay sa lalaki. Sinabi kasi niya kanina na sabay kaming lulusong sa tubig pero wala siya. Nagtampo siguro talaga. Bakit naman kasi pagbabawalan ako ‘e kami lang naman ang nandito saka ang pailan-ilang staff ng resort.
That's why I decided to go alone. Ilang minuto lamang akong nag-lunoy sa dagat dahil hindi ko naman ma-enjoy dahil nga nag-iisa lang ako.
Nakapagtataka na wala kaming kasamang mga bodyguards ngayon. Siya din ang nagdrive. Usually, pinapayagan siyang mag-drive sa malapit lang.
Dahan-dahan akong umahon sa dagat. Hinaplos ko patungo sa hulihan ang aking buhok. Feel na feel ko ang tubig dagat na umaagos mula sa mukha ko hanggang sa leeg at dibdib.
Hanggang tuhod ko na lang ang tubig-dagat nang may sumipol kasunod ang katagang, “Sexy.”
Hinanap ko kung saan nanggaling iyon. I know it's Jairus, kami lang naman kasi ang nandito sa lugar walang nagagawi ditong mga staff dahil nasa bandang dulo na ito ng beach. I look around to find my assumption and I was right.
There he is, nakasandal siya sa isang mataas na bato. Ang laki ng ngisi niya habang nakatanaw sa akin. Ang gwapo niya. Nakabukas ang polo na suot niya at nakapambahay na shorts lang ang suot niya. Naka-tsinelas lang din siya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya. Iniisip kung ngayon ko na ba sasabihin sa kaniya.
I raise my eyebrow. “Akala ko ayaw mo akong magsuot nito? Why whistling now and called me sexy, huh?”
“Binago na,” tatawa-tawa niyang sagot. Sinalubong niya ako at agad na humawak sa baywang ko.
“Tsansing ‘e.” pang-aasar ko.
He grinned and his eyes sparkle. “So sexy ‘e.”
Marahan niyang hinaplos ang bewang ko pataas-baba agad kong sinapak ang braso niya at humakbang paatras upang lumayo sa kaniya nang bahagya.
“Manyak!”
“Eh? Gusto naman.” Halakhak niya.
“Bahala ka diyan,” tinalikuran ko siya. “May sasabihin pa naman sa a ako sa'yo, ‘wag na lang.”
Agad niya akong hinabol at hinagip ang bewang ko. Dikit na dikit ang katawan naming dalawa. Not minding my wet body na nakadikit sa kaniya at maari siyang mabasa.
“Sorry. Sige na, tell me I'll listen.”
“I love you!”
“H-huh!?” Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin bahagya pa niya akong nabitiwan.
“Oo na po. Yes! sinasagot na kita.”
Nakatungo ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. Kahit na kasi napag-planuhan ko na nahihiya pa rin ako. Napataas ang ulo ko at masamang tumingin sa nasa harapan ko ng marinig ang sinabi niya.
“Ang bilis naman, hindi ako easy to get ‘e!”
Sa irita ko nagmartsa ako palayo. “Ayaw mo!? Huwag na nga, binabawi ko na!”
Natatawa naman akong hinabol nang lalaki. Ang mahinang tawa niya ay nauwi sa halakhak hanggang sa nagsisigaw na siya doon.
“Kami na! Yuhoo!”
Kahit na napahiya at nairita sa mga sinabi niya kanina hindi ko pa rin naiwasang panoorin siya na nagtata-talon sa hulihan ko. Naglalakad ko ng patalikod para makita ko siya ng maayos.
“Arte kasi.”
Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at dinamba ako nang yakap na naging sanhi ng pagtumba namin sa buhangin. Mabuti na lang bago tuluyan kaming bumagsak, nagawa niyang umiikot para siya nang bumagsak at nasa ibabaw ako.
“I love you, Beb.” Hinalikan niya ako sa tungki ng ilong.
“B-beb?”
“Hmm? Ayaw mo no'n? Common na kasi yong babe, baby, sweetheart, darling kaya beb tayo.” He chuckled.
Kita ko ang saya sa mata niya. It’s dancing with happiness, glowing and tears. Pinahid ko ang luhang tumulo sa gilid nang mata niya. “Why are you crying... Beb?”
Tumayo ako mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Jairus at inalalayan din siyang makatayo.
Agad niya akong niyakap nang mahigpit. “Thank you.”
Marahan kong tinapik ang likod niya. “Para kang bakla. Ba't ka umiiyak? Parang lugi ka sa'kin, ah?”
Natawa siya. “Masaya lang... Masayang-masaya.”
“Ako din,” hinaplos ko ang buhok niya. “I-uh, l-love you.” Nahihiya man ay nagawa ko paring sabihin iyon.
“I love you, too.” Bahagya siyang lumayo sa akin pero hindi inaalis ang kamay niyang nakapirmi sa aking bewang. “Beb?”
"Hmm?”
“Can I... Ahm, can I–”
“Ano? Kailangan talaga nauutal pa?” Kunwaring inis na saad ko.
“C-can I k-kiss you, beb?” Sabi niya. “Oh never mind, you're my girlfriend now so kahit hindi na magpaalam.”
And with that he kissed me. Magkalapat lang ang aming mga labi. Hindi gumagalaw. Tila ba dinadama lang naming pareho ang malambot at mainit na labi nang isa't-isa. Kahit ganoon lang, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. As if magigiba ang ribcage ko at lalabas ang puso ko. Ganoon din ang sa kaniya, ramdam ko iyon dahil nasa dibdib niya ang kamay ko. Kumukuha ng suporta.
Hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa ni Jairus. He bit my lower lip and enter his tongue inside my mouth. Halos himatayin na ako ng galugarin ng dila niya ang loob ng bibig ko. Estatwa lang ako habang hinahalikan niya. Hindi ako makagalaw na tila naparalisa ang buo kong katawan.
Ilang minutong ganoon bago kami nagbitaw. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko habang nakapikit ang mga mata niya.
“Mahal talaga kita,” Bulong ni Jairus na bahagya pang hinihingal. “Mahal na mahal, beb.”
He then kissed me again.
NAGTAMPISAW kami matapos ang pangyayaring iyon. Masaya kaming naghabulan sa tabing aplaya. Nagtampisaw sa dagat. Ang kinabukasang plano namin na uuwi naging sa hapon. Jairus said he's very excited to tell everyone that we're now together.
Masaya kami habang bumi-biyahe pauwi. Sabi niya sa bahay muna kami di-diretso para sabihin kina mama ang magandang balita. Thankfully, nasa bahay naman lahat sila ng dumating kami.
“Good evening po, Ma’am, Sir.” Panimula ni Jairus nang mag-settle na kami lahat sa sala.
Nag-aya si Papa na mag-dinner muna bago ang lahat.
“Ano iyang importanteng sasabihin niyo, Amarie, Jairus? Hindi ba pwedeng bukas na iyan. Excited na masyado?”
“Yes, Sir. Hindi na po makahintay ng bukas.”
“Ano ba kasi iyan?” Tanong ni Mama na nakaupo sa arm rest nang sofa na kinauupuan ni Papa. “Gabi na.”
“Hindi pa naman gabi 'Ma, six pa lang naman. Maaga lang talaga tayong nag-dinner.” Kahit nahihiya ay nagawa kong sabihin kay Mama.
“Manahimik ka diyan!” sikmat ni Mama sa akin. Inabot pa ang isang cushion sa sofa at akmang ihahagis sa akin pero napigil ni Papa.
“Huwag mong hiyain ang anak natin sa harap ng manliligaw niya, 'Ma.”
Nauwi sa tawanan ang tensyon sa sala.
“Ahm, gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na... ahm, kami na po ni Amarie.”
Kahit kinakabahan natawa ako sa reaksyon ni Mama at Papa. Si Mama muntik na mahulog sa arm rest, si Papa naman namutla at nasamid kahit wala namang iniinom.
“Teka! Teka ang bilis naman ata, Amarie?”
“Papa, naniniwala kasi ako na hindi ang panliligaw ang pinatatagal kundi ang samahan. Maari naman naming kilalanin ang isa't-isa habang magkasama.” Nahihiya man ay nagawa kong ipaliwanag ang nais kong sabihin.
Totoo naman kasi na maari nating makilala ang isang tao kapag mag-boyfriend-girlfriend na. So, bakit pa patatagalin ang panliligaw. Mas mabuti nga na iyong magkasintahan na habang kinikilala ang isa't-isa dahil lalabas ang tunay na ugali kapag tumagal. Dahil kapag nanliligaw pa lang ang isang lalaki susupilin at susupilin nito ang ugali upang hindi ma-turn off ang babae.
“Dalaga na ang bunso natin, Mahal.” Turan ni Mama habang nakasubsob sa batok ni Papa.
Mataman namang nakatingin sa akin si Papa. His eyes are dancing with amusement.
Nang lingunin ko sa Jairus sa tabi ko ay nakatitig lang siya sa akin at naka-awang ang bibig na tila gulat na gulat.
“Beb?”
Napahawak siya sa dibdib na tila nagulat at nang makabawi ay agad niya akong dinamba. “I love you na talaga, Amarie ko.”
Agad kaming nagbitaw ng may tumikhim nakalimutan namin na nasa harap pala kami ang parents ko. Mabuti na lang wala si Kuya. Hah! Late siya sa balita.
“Nasabi mo na ba sa Mommy mo 'yan?” Seryoso nang tanong ni Papa.
“Ngayon din po sana kung papayagan niyo si Amarie,” parang maamong tupa na pahayag ni Jairus. Nakatungo pa siya. Akala mo hindi nandamba kanina habang kaharap ang parents ko.
“And why? Where are you bringing my daughter?” Seryoso na rin si Mama.
“Sa bahay po para kasama ko siya habang sinasabi kay Mommy, shield po ba!”
Hinampas ko nga. “Hindi ako sasama!”
“E pumayag na si Papa at Mama, di ba po?” Baling nang lalaki kina Mama.
“Oo na. Basta ibalik mo nang buo 'yan, ah. Kahit may dagdag basta walang bawas.”
“Sira ulo ka talaga, Armando. Anong may dagdag? Bata pa 'yang mga yan. Diyos ko!” Sigaw ni Mama kay Papa na tila na-eskandalo.
Humalakhak naman si Papa at Jairus. Ako? Nakakunot ang noo, hindi ko ma-gets ang sinasabi niya.
. Hindi po muna magda-dagdag, saka na po pag ready na.”
Matapos ang huntahan. Umalis na din kami para magtungo naman sa Agnila Compound. But the saying 'After happiness theirs sadness' is really true.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa mayor ng mansion nang mga Agnila ay dinig na dinig na namin ang sigawan sa loob.
“Hindi ako papayag!” Boses iyon ni Tita Pat.
“Gusto ko lang makasama ang anak ko, Patricia. Anak ko din iyon, anak ko na itinago mo!” Boses naman nang isang lalaki.
Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Jairus sa kamay ko.
“Beb?”
He smiled at me but it didn't reach his beautiful eyes. “I'm okay, pasok tayo.”
Tuluyan kaming pumasok sa sala. Naabutan namin doon si Tita Pat na may kaharap na lalaki.
“Mom?”
“Patrick, anak!” tila nagulat pa si Tita nang makita ang pagdating namin. “Akala ko ay bu–”
“Anak ko?” Saad nang lalaking kaharap ni Tita.
Tumango si Jairus. Kalmado pero ramdam ko ang panlalamig nang kamay niya at paghigpit ng kapit sa akin.
“Senator Benedicto Del Mar.”