Seventeen
HINDI pa din ako makapaniwala sa nalaman. I'm thinking of it until home. Apo ng Duke at Duchess si Jairus Patrick Agnila. Kaya naman pala umu-OA sa dami ng bodyguards ang lalaki kailangan naman pala talaga.
Hindi na in-elaborate ni Tita kung saang bansa. May tumawag kasi sa kaniya kaya agad siyang nagpaalam. Kami naman nanatili pa nang ilang sandali sa pool side saka nagpasyang umuwi. Hindi na kami nakapag-paalam kay Tita dahil umalis daw.
Ihinatid kami nila Jairus sa kaniya-kaniya naming bahay. Kinabukasan naman kailangan na ulit pumasok. Hindi naman pwedeng puro gala na lang. Kailangan ding mag-aral.
Gusto ni Jairus Patrick na sunduin ako sa bahay pero sabi ko may service ako kaya hindi na siya nagpilit. I also told him na sa school na lang kami magkita.
Maaga akong nagising sa kalabog sa pinto ng kwarto ko. I know it's my mother pero bakit hindi siya pumapasok sa silid ko ngayon? Dati naman nagigising ako sa hampas ng unan sa likod ko.
“Amarie, tanghali na!” Nangunot ang noo ko nang hindi boses ni mama ang marinig kundi boses ni Manang Liz.
Bumangon ako sa kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko. “Good morning po,”
“Bangon na, anak. Hinihintay ka na nang parents mo sa hapagkainan. Nandiyan din ang kapatid mo.”
“Si Kuya po nandiyan din?”
“Oo, umuwi kahapon.”
“Okay po, susunod ako.”
Nauna nang bumaba si Manang. Ako naman naligo nang mabilis at isinuot ang uniform para diretso na sa school binitbit ko na din ang bag ko. Tahimik ang buong hapag-kainan nang pumasok ako.
“Good morning!” isa-isa ko silang nilapitan para mag-mano at bahagyang hampasin si Kuya.
“Kumain ka na baka ma-late ka sa school.” Si Papa ang unang nagsalita.
Umupo ako sa tabi ni Kuya. “Hi, Kuya!”
Tinanguan lamang niya ako at hindi nagsalita. Naguguluhan ako sa ikinikilos nila but I set it aside. I have a weird family, after all.
Matapos kumain ay mabilis na din akong umalis nang bahay. Hindi na ako nagpaalam sa kanila. Nadatnan ko si Jairus Patrick sa harap ng building namin. Aga-aga niyang tumambay diyan kasama si Jayson. Wala pa siguro iyong dalawa.
“Good morning, Amarie.” Si Jayson ang unang nakapansin sa pagdating ko.
“Good morning, Jay. Aga niyo diyan, ah?”
“Ah, oo. Hindi pa simula ng klase ‘e.”
Nakatingin lamang sa akin si Jairus. Hindi nagsasalita.
“Hi, Jairus!”
“A-ah, H-hi babe...”
Natawa si Jayson dahil sa pagkautal nang lalaki maging ako ay natawa.
“Una na ako, ah.”
Hindi ko na hinintay ang sagot nilang dalawa. Agad akong humakbang papasok sa building. Nasa first floor lang naman ang classroom namin.
Mabilis na natapos ang maghapon. Wala naman masyadong nangyaring kakaiba. Puro klase lang. As usual madaldal si Lara at Aiza.
Nakakalungkot lang na walang nakaalala. Today is January 29 and it's my birthday. Ni walang bumati sa akin kahit sa bahay kanina walang man lang nakaalala.
Wala akong kasabay pauwi dahil naunang umuwi si Lara ganoon din si Aiza. Hindi ko rin napansin ang magkaka-barkada ni Jairus. Dati naman pakalat-kalat sila sa labas ng building at nagtatawanan nagtutulakan pa kapag may mga babaeng dumaraan.
Gusto kong umiyak. Wala man lang bang magpapasaya sa akin ngayon? Ni walang bumati sa mga kaklase ko. Hapon na pero wala pa rin. Sa sama nang loob ko hindi muna ako umuwi. Tumambay ako sa soccer field at nagmuni-muni.
Pero nang magdilim na nagulat ako nang makita si Jairus na hinihingal na papalapit sa akin. Nakatitig lamang ako sa pawisan niyang mukha habang papalapit siya.
He's really handsome. Deep set of brown eyes. Natural red color of his lips na bahagya niyang binasa gamit ang dila. Hindi ko siya nakikitang hipid ang buhok palagi na lang parang bagong gising pero bagay naman sa kaniya. Lalong nagpapa-angat sa hitsura niya.
“Amarie!”
“H-hah?”
Napakamot siya sa baba. “Ti-titig ka na lang? Kanina pa kita kinakausap hindi mo naman pala ako pinapakinggan.”
“A-ah, sorry.”
“Bakit ba nandito ka pa? Gabi na! Delikado na. Kanina pa tumatawag sa inyo iyong driver mo kasi hindi ka pa raw lumalabas... kaya napasugod na ako... dito.” Sandali siyang tumigil at humugot ng malalim na hininga. “Bakit hindi ka pa umuuwi?”
“Bakit alam mong tumatawag na sa bahay si Manong Tony?”
“H-hah? A-ah, sabi ni... ano, ni Christian. Oo sabi niya. Tumawag sa akin baka daw nakita kita.”
Bakit tatawag sa kaniya si Kuya? Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Balisa ang mukha niya na parang nahuli.
“Ayaw ko pang umuwi...”
“Why? It’s dark here hindi ka ba natatakot?” Umupo siya sa tabi ko.
Kahit pawisan siya amoy ko pa rin ang natural niyang amoy na ang sarap sa ilong. “Just.”
“Hindi ako naniniwala. Let's go!”
Pagtayo niya hinawakan niya ang kamay ko kaya napilitan na rin akong tumayo. Halos kaladkarin na niya ako papunta sa parking lot.
“Bakit wala si Manong? Saan ako sasakay pauwi?”
Iginiya niya ako sa Xpander na white. Dati red ang dina-drive niya, ah? Sabagay, magtataka pa ba ako royalty pala 'tong kasama ko. Hindi ko na siya tinanong tungkol doon nakakahiya naman na uusisain ko pa siya.
“You're driving?” Tanong ko nang pumasok siya sa driver seat matapos akong makapasok sa front seat.
“Yep.” He answered.
“Where's your guards?” Tanong ko habang siya naman ay binuhay ang engine saka minani-obra ang sasakyan palabas ng gate nang Cuarteros.
Nagkibit-balikat balikat ang lalaki. “Diyan lang,”
“Eh?”
Tinawanan lang niya ako. Nag-focus siya sa pagda-drive.
Mas lalo siyang guma-gwapo habang mahigpit ang kapit niya sa manibela at mina-manipula ito. Paminsan-minsan ay ginugulo nito ang buhok at itutukod ang isang braso sa bukas na bintana saka paglalaruan ang ibabang bahagi nang kaniyang labi.
I am mesmerized by the beautiful view in front of me. Kahit wala nang makaalala sa birthday ko, ayos lang, bawing-bawi naman sa nakikita ko ngayon. The consequence is that I am falling deeply, na parang wala nang magagawa kundi hayaan.
Nabalik ako sa ulirat nng itinigil ni Jairus ang sasakyan sa labas nang subdivision kung nasaan ang bahay namin.
“Bakit? Hindi ka ba papapasukin?” Naalala ko nga na hindi pala nagpa-papasok ang guard kapag walang sticker ang sasakyan.
Naguluhan ako ng kumuha siya nang blindfold sa likod at sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Ako naman agad na lumapit.
“Para sa'n 'to?”
“Just wait and see, hmm?”
Panatag naman ako na hindi niya ako pababayaan kaya tumango ako. Naramdaman ko ang muling pag-usad ng sasakyan. At ilang minuto ay muling huminto. Narinig ko ang pagbaba ni Jairus at ang pagbukas nang pinto sa tabi ko.
“Tara.”
Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan ako patungo sa kung saan. Alam kong nasa bahay na kami. Just my instinct. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa braso ko ilang hakbang pa lang. Hindi naman ako nagpanic. I have this feeling na may ginawa sila ‘e. Na may surprise sila but I don't want to assume kasi masakit iyon.
Ilang minutong nanatili akong nakatayo sa kawalan saka nagpasyang tanggalin ang blindfold. Ikinurap-kurap ko pa nang ilang beses ang mata ko dahil madilim pero sadya naman madilim ang paligid.
Nasa garden ako base sa halimuyak ng mga bulaklak sa paligid ko. Ilang minuto na pero walang nangyayari. Nanatiling madilim ang paligid. I heave a deep sigh. Napagkatuwaan na naman ako.
Malapit nang tumulo ang luha ko pero naudlot nang unti-unting bumukas ang maliliit na ilaw na tila mga alitaptap sa gitna nang gabi. Sinabayan iyon ng malamyos na awitin na pumapailanlang sa paligid.
Nang tuluyang lumiwanag ang paligid. I saw my parents, brother, Classmates and even Tita Patricia is here.
They're singing a happy birthday song to me. Ang naudlot na luha ko ay tuluyang tumulo. I thought they forgot, hindi pala, they're just pretending na nakalimutan for this surprise. Matapos ay isa-isa nila akong binati nag-abot din sila nang mga regalo.
“Happy birthday, anak.” Bati ni Papa. Niyakap niya ako at hinalikan sa buhok.
Natatawa naman si Mama. “Akala mo nakalimutan namin 'no?”
“Opo,” naiiyak na naman ako.
“Syempre oo, pinaalala lang nang binatang kaklase mo.”
“Mama naman!”
“Joke lang,” Tinawanan pa niya ako lalo. “Hindi namin makakalimutan iyon, ano ka ba!”
“Nanliligaw na pala, huh?” Turan ni Kuya ng lapitan niya kami.
Nakaupo kaming pamilya sa isang mesa. Nahihiya akong tumungo dahil kahit sila mama at papa ay naglalaro ang panunukso sa kanilang mga mata.
“Dalaga na ang baby namin.” pahayag ni papa hinahaplos ng marahan ang balikat ko.
“Yeah, pwede na mag-asawa.” Banat na naman ni Mama.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Mama talaga basag trip saka nineteen pa lang ako.”
Tumango siya. “Sige, pag twenty na.”
Nagdadabog na iniwan ko sila sa mesa narinig ko pa ang halakhakan nila. Lumapit ako sa table ni Tita Pat nag-iisa kasi siya sa table.
“Hi, Tita!”
“Oh! Hi, hija! Happy Birthday.” Iniabot niya sa akin ang paper bag na nakapatong sa mesa. “Here's my gift for you.”
I decided to sit beside her. Sasamahan ko na lang muna siya.
“Thank you po. Hindi ka na po dapat nag-abala.”
“I didn't mind. Para naman sa nililigawan nang anak ko ‘e.”
I feel my face burning because of what she said hindi ko alam kung anong ire-react ko.
“Thank you po.” May gusto akong malaman pero nag-aalangan ako kung itaitanong ko ba sa kaniya. Tungkol kasi ito sa anak niya.
“May sasabihin ka ba?” Nahalata ata niya.
“Ahm... Nakakahiya po,” I waved my hand dismissing the topic. “Huwag na po.”
“It's okay, you can ask me.” Nginitian niya ako. Ang bait talaga niya. Madali siyang makapalagayang loob. “Maybe I can feed your curiosity.”
Ngunit hindi ko pa man naibubuka ang aking mga labi upang magsimulang magtanong dumating si Jairus Patrick.
“What we have here?” Umupo siya sa harap namin nang kaniyang ina. “Oh? Talking heart to heart?”
“Actually no,” Si Tita Pat ang sumagot. “Nagku-kwentuhan lang kami nitong nililigawan mo.”
Nasamid ako sa sariling laway dahil doon. Kailangan talaga palaging sabihin ang salitang nililigawan?
“Sasagutin ba daw niya ako, Mom?”
“Undecided raw ‘e.”
Nag-uusap ang mag-ina na animo hindi nila ako kasama.
“Hindi pwede 'yon, Mommy! Kausapin mo pa siya, dali! benta mo 'ko sa kaniya.”
I feel uneasy dahil sa kanilang dalawa at mas lalong dumagundong sa kaba ang puso ko ng makitang papalapit sa gawi namin sina Mama at Papa.