Sixteen
“WAIT, let's take a break. Pagod na ako.” Reklamo ko kay Jairus saka nagmamadaling hinagilap ang tubig ko.
Kasalukuyan kaming nasa gym sa Agnila Compound. Yes, Agnila Compound, pag-aari nila ang malawak na lugar na ito. Nag-aya si Jairus nang get together sa bahay nila. Matapos ang Christmas and New Year’s break.
Kasama namin ang mga kaibigan niya at isinaman ko naman si Lara at Aiza. Ewan ko lang kung saan sila nagsuot kaya kami lang ni Jairus ang magkasama ngayon.
Tapos sa gitna ay ang bahay nang mga Agnila, no, palasyo nang mga Agnila. Sobrang laki ng mansion nila tapos may iba't-ibang building pa sa loob ng compound. Just for example is the place where we are. The gym, located ito sa bandang kaliwa ng bahay.
“Pagod na agad? Ang hina mo naman.” Pang-aalaska pa nang magaling na lalaki. Ang laki pa ng ngisi niya na tila talaga inaasar ako.
“Mahina pala, huh!” I whispered but purposely said it enough to be hear by him. Ibinagsak ko ang raketang hawak sa sahig saka nagma-madaling naglakad papalayo. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo may matitigas na mga bisig ang pumulupot sa aking katawan.
He kissed my sweaty neck. “Just kidding, baby. Let's play again I'll be gentle this time.”
I rolled my eyes. “I'll be gentle mo mukha mo! Pagod na pagod na ako di man lang ako maka-score!”
Naglalaro kami ng badminton at kanina pa talaga ako naiirita sa kaniya dahil sa sobrang galing niya, hindi na ako maka-score man lang. Sporty ako pero hindi ko naman alam na magaling pala ang loko.
“Pahinga tayo tapos laro ulit. Don't worry, pagbibigyan na kita.”
Humiwalay ako at nagpumiglas sa yakap niya. “Huwag mo akong inu-uto, sapakin kita diyan!”
Iginiya ako ni Jairus sa bench kung saan nakapatong ang gamit namin. Kinuha niya ang sariling towel at pinunasan ang mga pawis na dumadaloy sa mukha hanggang sa leeg ko. Air-conditioned ang kabuuan ng gym pero pinagpapawisan pa rin talaga kami.
“Wag na tayo maglaro, pahinga na lang tayo saka uwi na. Ayaw kong napapagod ka masyado,” Patuloy siya sa pagpupunas ng pawis ko habang ako mataman lang siyang pinagmamasdan. “Babe...”
“Hmm?”
“Don't stare at me like that, baka sumabog ang puso ko.”
Sanay na ako sa mga gestures niya pero hindi sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. For almost five months now, palagi kaming magkasama plus our friends. At hindi talaga ako masanay-sanay sa kaniya.
Palagi pa ring kumakabog ang puso ko at palagi pa ring may nagta-tumbling sa tiyan ko. Mas lalo rin akong nahuhulog sa kaniya. Mapang-asar siya pero parang iyon ang ugaling pinaka-gusto ko sa kaniya.
I chuckled to make our surrounding light up. “Bakit naman sasabog iyan? May bomba?”
Natigil siya sa pagpunas ng pawis ko. “Mas higit ka pa sa bomba.”
“H-huh? Don't fool me, Agnila. Sasapakin kita.” Tumayo na ako at lumayo sa kaniya ng bahagya.
Awkward.
“Can I... Ahm, court you?”
Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa sinabi niya.
Court? Ligaw?
“W-what...?” I ask him dumbfounded.
“Crishan Amarie Zaraga, can I court you?”
Kahit kinakabahan hindi ko maiwasang matawa. Namumula na naman kasi ang tainga niya at leeg. Hindi rin siya makatingin aa akin ng diretso. Ganiyan iyan kapag nahihiya.
“I'm asking you. Huwag mo 'kong tawanan lang, Amarie.”
“Okay.” I said nodding.
I can't stop laughing nang muntik pa siyang matumba na tila nanghina ang mga binti.
“Thank you!” Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “Thank you, really.”
Naghiwalay lang kami ng may tumikhim. Jairus bodyguard. “Ipinatatawag na po kayo ni Mrs. Agnila.”
“Susunod kami, Kuya Roger.”
Sumaludo naman ang lalaki saka tumalikod at lumabas na nang gym agad naman kaming sumunod. Kinakabahan ako habang naglalakad sa pathway patungo sa harap ng mansion. Kanina nang dumating kami wala ang magulang ni Jairus may pinuntahan daw.
Pero hindi ko inaasahan na babalik agad. Sinalubong kami nang isang maid at dinala kami sa dining room. Naroon daw si Mrs. Agnila at ang mga kaibigan namin. Hindi pa man kami nakakapasok ng tuluyan sa dining ay dinig na namin ang halakhakan.
“Mom, mabuti at bumalik ka agad” bati ni Jairus sa ina. Lumapit ito saka humalik sa pisngi ni Mrs. Agnila.
Elegante ang ina ni Jairus. She's wearing a fitted red dress na lalong nagpatingkad ng kaputian ng ginang. Kumikinang din ang earrings nito.
“Madali lang naman ang nilakad ko kaya nakabalik ako agad.” Bumaling ang atensyon nang ginang sa akin. “And who is this lovely lady?”
Nahihiya akong bumati sa kaniya. “Hello po,”
Nakasuot lang ako ng jershey short at t-shirt saka rubber shoes kaya nanliliit ako sa harap niya.
“Hi! Amarie right?”
Nagulat ako na alam niya ang pangalan ko. “Opo,”
Tahimik na nakikinig ang mga kasama namin sa mesa. Pinapanuod kami na akala mo nasa isang teleserye.
“So you're the one, huh!” Nangingiting anang ginang. “Take a seat, you two.”
“Mom! Shut up ka na lang.” Singhal ni Jairus sa ina.
Ipinaghila niya ako nang upuan sa tabi ni Lara saka siya umupo sa tabi ko.
“Anong 'the one' Tita Pat?” Usisa nang madaldal na si Lara akala ko pa naman mananahimik lamang siya pero hindi pala.
Eleganteng nagpunas nang labi si Mrs. Agnila saka sumulyap sa anak na masama na ang tingin sa kaniya. “Palagi kasi siyang–”
“Mom, stop!”
Pero hindi nakinig ang ginang. “Ikini-kwento nitong binata ko. Everytime uuwi siya, sasabihin niya sa akin kung anong nangyari, kung anong ginawa niya kung nalapitan ba niya si Amarie o kung nakausap, mga ganoong bagay...”
Nakayupyop na sa mesa si Jairus. Namumula na naman ang tainga.
“... Kaya naintriga ako who's this girl na palaging bukambibig nang anak ko.” Tumingin siya sa akin. “Ikaw pala.”
Nagdadabog na nag-angat ng ulo ang binata. Masama ang tingin sa ina. “Hindi na ako magku-kwento sa'yo, Mommy! Hindi ko sasabihin sa'yo na nanliligaw na ako kay Amarie!”
Napuno nang hiyawan ang buong hapag-kainan lalong namula si Jairus tila napagtanto ang nasabi. I also feel my cheeks flushed dahil sa kahihiyan I bow my head as low as I can. Kung pwede lang magtago sa ilalim ng mesa ginawa ko na.
“Okay, wag mong sabihin Patrick.” Natatawang wika ni Mrs. Agnila. “Call me Tita Pat, Amarie.”
“Y-yes, Tita Pat.”
Natapos ang kainan sa dining na puno ng tuksuhan. Halos hindi ko na nga malunok ang kinakain ko dahil panay ang tikhim ni Tita Pat at nang mga kasalo namin sa hapagkainan kapag nilalagyan ako ni Jairus ng pagkain sa plato o sinasalinan ng tubig ang baso ko. Maging ang pagpunas niya sa gilid ng aking labi ay hindi nakawala sa mapanuri nilang mga mata.
Natuloy ang kwentuhan namin sa pool side. May pavilion doon na maaring silungan at panangga sa init ng araw.
“I don't have a husband.” Sagot ni Tita Pat sa isang tanong ni Lara. Bigla ring natahimik ang paligid.
“Bakit po?”
“I just don't want to. I decided not to get married when my ex-boyfriend impregnate and left me. Iniwan niya ako para sundin ang utos nang magulang niya na pakasalan ang anak ng business partner nila.”
“I'm sorry to hear that, Tita.”
Tita Pat chuckled. “Mahal ko naman pero iniwan ako, hinayaan ko na lang kasi kung mahal niya ako ipaglalaban niya but instead of fighting for me... he turn his back and married another woman.”
Kaniya-kaniya nang reaksyon ang mga kaibigan ni Jairus.
“That hurts.”
“Ouch!”
“Di bale Tita, maganda naman kayo, siya ang nawalan.”
Nanatili lamang akong nakikinig sa kwentuhan ni Tita at Lara. Mahigpit naman ang kapit ni Jairus sa kamay ko habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya.
“Are you okay?” Bulong ko.
He just nod as an answer.
Lumaki pala siyang walang ama. Ngayon alam ko na na hindi talaga totoo ang tsismis na anak siya nang mafia boss. Una hindi naman mukhang mafia si Tita Patricia at pangalawa hindi talaga ako naniniwala. Mayaman lang talaga sila.
“It's okay, matagal na iyon! Kaya ko namang palakihin ang anak ko na ako lang.”
“Oo nga po, Tita. Saka kita mo naman ngayon o, may pasandal na sa balikat.” Nanunudyong wika ni Rolan na ikinahiyaw nang iba pa naming kasama. Wala namang reaksyon si Jairus. Kanina kung maka-react siya wagas tapos ngayon balewala na lang ang panunukso nila.
Maging si Tita ay natatawang pinagmamasdan kaming dalawa bumaba pa ang tingin nito sa mga kamay naming magka-hugpong.
“Maka-singit lang po Tita Pat, ano po...” Saad ni Aiza na tila kanina pa may iniisip.
“Sure, go ahead.”
“Kanina po kasi, ahm... Namamasyal kami sa loob,” itinuro niya ang loob ng mansion. Siguro kanina nung naglalaro kami ni Jairus sa gym. “Tapos nagawi kami sa library, may nakita po kami doon na picture nang, I don't know if it is a king and queen, kasi po formal lang ang suot nila but they have a crown.”
Nangingiti lamang na nakikinig si Tita Patricia. Maging ang lalaki sa tabi ko ay bahagyang umuugoy din ang balikat upang pigilan ang tawa.
“Ano po sila?”
“Oh! They're my parents.”
“Wow, siguro po prom nila that time, ano po? Kasi naka-crown sila ‘e.” Parang tangang ani Aiza, she even giggled.
“Nope. They're Duke and Duchess.”