Fifteen

MABILIS na lumipas ang mga araw. Today is our first grading examination. Almost four days din akong tinuruan ni Jairus sa math and I'm enjoying it. Natututo ako at the same time nakakasama ko siya.

For almost a decade na nag-aaral ako, ngayon lang ako naging confident na maipapasa ko ang exam sa math. Syempre magaling ang tutor ko ‘e.

Where sitting one seat apart. Pero hindi rin naman gaanong malayo talaga tama lang para hindi makapag-cheat at makapangopya.

“Pakopyahin mo ako, huh!” Kalabit ni Aiza sa akin.

“Anong papakopya ko sa'yo?”

“Naku! If I know my tutor ka, gaga 'to.” Saad naman ni Lara na may kung anung dinudukot sa bag niya.

Hindi pa pumapasok iyong teacher na magbibigay sa amin ng test paper kaya medyo nakakapagdaldal pa kami.

“Wala, ah!” Tanggi ko.

I look down on to my paper na pinagsusulatan ko nang kung anu-ano habang naghi-hintay sa teacher. Ayokong tumingin kay Lara dahil alam kong malalaman niya lang na nagsi-sinungaling ako.

“Kaya pala. Ano, Ai?” Baling nang babae kay Aiza na nasa likod.

“Oo, nakatambay lang siya sa likod.” She even rolled her eyes. “Walang bodyguards na humaharang para huwag pumunta sa likod ng building dahil may nag-aaral daw.”

I don't know about that. Kaya pala walang nagagawi sa likod habang nag-aaral kami. I thought it's natural because it's not really the students' cup of tea na tumambay sa likod pero sadya palang binabawalan.

“Taray,”

“Aray, hah!” Sabay kasi nilang hinila ang buhok ko.

Naka-upo na sa arm rest ko si Lara at nakatayo naman sa likuran ko si Aiza na hinahaplos ang buhok ko. May balak pala na sabunutan ako.

“Anong feeling?” Usisa ni Lara na umakbay sa akin at sinasakal na ako.

Tinapik ko ang braso niya. “Masakit, ah. Papatayin mo ba ako?”

Aiza laugh. “Ano ngang feeling?”

“Feeling of what? I don't get you, guys.” Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri. Hindi na ako nag-abalang hanapin ang suklay ko sa bag.

“Sus! Tanggi pa, Amarie. Akala mo di ko knows ang tsika?” Natatawang sabi ni Aiza na hindi na nakuntento sa pagtayo sa likuran ko. Hinila niya ang upuan niya at itinabi sa akin. Tumataas-taas ang dalawang kilay niya. May panunukso ang matang nakatingin sa akin. Sinusuri ako.

Sinamaan ko ng tingin si Lara na agad na itinaas ang dalawang kamay. Bumalik agad sa sarili niyang upuan para lang makatakas sa akma kong paghampas sa kaniya.

“Tsismosa ka talaga!”

“Nadulas lang,” animo tuta na sagot ni Lara.

Tawa naman ng tawa si Aiza na ibinalik na rin ang sariling upuan sa likod at tuwid ang upo. I folded my arms and held my lips tightly. Asar na asar sa dalawa at the same time hiyang-hiya. Si Lara talaga masyadong madaldal pero I know naman safe ang sekreto ko kay Aiza hindi siguro siya magda-daldal sa iba.

Another few minutes past and our teacher enter the room holding the test papers. Hindi namin alam kung anong subject ang una naming iti-take.

Hindi sinasabi sa amin ng adviser namin para daw mag-aral talaga kami. Mabuti na daw iyong hindi namin alam ang subject na unang i-exam. Hindi rin kami binibigyan ng schedule nang pagkakasunod-sunod ng examination.

“Good morning, Section A.” Bati sa amin ni Ma'am. Adviser namin.

“Good morning po.” Sabay-sabay na bati namin pabalik kahit na pare-parehas na na kinakabahan.

“Ano pong subject, Ma'am, ang una naming iti-take?” Tanong nang isa kong kaklase.

“For the first subject...” Pinasadahan ni Ma'am nang tingin ang test paper. “... Mathematics.”

Kaniya-kaniyang reklamo ang mga kaklase ko. While me, I just smile and breathe to relax. May natutunan ako sa tutor ko but I don't know if I can apply it on the exam. Baka ma-blangko ako. Nagawi ang tingin ko kay Lara na nakatingin din pala sa akin.

“Pakopya.” She mouthed. Tinawanan ko lang.

Luckily, I did answer the exam. I answered all the questions and problems. Hindi ko lang alam kung nasagutan ko lahat ng tama.

“Thirty minutes break.” Wika ni Ma'am.

It means our lunch time is only thirty minutes. Half day kada isang subject sa exam namin. So, every day dalawang subject lang ang iti-take namin.

Kaniya-kaniyang tayo at labas nang room ang mga kaklase ko. Kasama na doon si Lara at Aiza. Sasagap raw ng sariwang hangin para relax sila mamaya sa kasunod na exam. Iniwan nila ako. Masama daw ang loob nila sa akin dahil hindi ako nagpa-kopya. Tinawanan ko lang. Wala sana akong balak lumabas pero nilapitan ako ni Mark.

“Why?”

“Patrick texted me. Kain daw sa likod.”

“Bakit kasama ako?” Tanong ko pero sa loob-loob ko may nagta-tumbling na naman.

“Ewan–oh, ayan na pala ‘e. Dude, bakit daw kasama siya?”

Jairus raised his one eyebrow. Naglakad siya papalapit. “Why not?”

“Let's go. Nandoon na sina Rolan at Jayson. Binabantayan iyong pagkain.” Namewang ang binata sa harapan ko. “Tara?”

“Oh, okay.”

Sabay-sabay kaming lumabas nang room at ng building. Sinalubong kami ng dalawa sa bodyguard ni Jairus.

Nakarating kami sa tambayan sa likod. Nakahanda na ang mga pagkain. Not like the last time, ngayon may paper plates, disposable glass at kutsara na ang nakahanda sa sementong mesa. Nilagyan ni Jairus nang pagkain ang plate ko. Nakasimangot ko siyang pinapanuod. Paano ba naman puro gulay ang inilagay niya. Alam naman niyang hindi ako kumakain niyon.

Napansin ata niya ang simangot kong mukha. “Kainin mo iyang gulay, tatamaan ka sa'kin.”

Natawa naman ang mga nakarinig. Maging ang mga bodyguards nang lalaki. I heave a sigh. “Yes, Dad.”

Nalukot ang mukha niya. Lalo namang nagtawanan ang iba. Nanggigigil na nilagyan pa niya ng maraming gulay ang plato ko. “Ito talagang anak ko. O, sige. Ubusin mo iyan, hah!”

Sinakyan niya ang biro ko pero mas lalo namang dinamihan ang gulay.

“May beef naman, pwedeng iyon na lang?” I did my puppy dog eyes.

Nakita ko ang pamumula nang tainga ni Jairus. Walang pakialam ang mga kaibigan niya na panay ang subo at kain. Tahimik silang kumakain habang pinapanuod kaming mag-inisan nang lalaki.

“H-hindi... Kainin m-mo iyang nasa plato mo!”

“Ba't nauutal ka?” Panunukso ko pa sa kaniya. Napilitan na rin akong kainin ang nasa plato ko. Kada subo ko napapangiwi ako.

“Sapak!?” Inirapan niya ako saka siya nagpatuloy sa pagkain na namumula pa rin ang tenga hanggang leeg.

Natatawa kong itinuloy ang pagkain. Ang tatlo pa niyang kaibigan ay kanina pa natapos at nauna na ring umalis dahil may mag-istart na daw ang exam nila. Kahit si Mark ay nauna na rin. Parang hindi kami magka-klase sa pagmamadali niya. Ihinatid niya ako sa tapat ng pinto ng room namin.

“Good luck, babe!”

Nagulantang ako sa itinawag niya sa akin pero mas nagulat ako na halos lumabas na ang puso ko sa ribcage nito ng kabigin niya ako at yakapin. Naramdaman ko pa ang banayad na paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

Tulala ako habang hindi hindi nagsisimula ang exam. Ano bang pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon?

Kahit na hindi pa rin ako tinitigilan ni Lara at Aiza sa panunukso ay balewala sa akin. Hindi pa rin kasi maalis sa sistema ko ang ginawa ni Jairus.

Panaka-naka rin ay nakiki-sali sa panunukso ang mga kaklase ko. Mabuti na lang sa section namin walang maarte at bully. Yes, may maarte pero medyo lang hindi umaabot sa iniirapan ka na dahil sa inggit kapag may nangyayari, mga ganoon.

Bumalik lamang ako sa huwisyo nang pumasok ang teacher namin at nagsimula na sa pamimigay ng test paper. Even though my mind is clouded I did my best to answer the questions correctly because this is my favorite subject. MAPEH.

Yeah, I'm the sporty kind of student pero hindi masyadong nai-emphasize sa akin dahil nga maliit ako. Tuwing may PE kami saka ko lamang naiilabas ang liksi ko at kagustuhan sa larangan ng sports.

“Grabe, dalawa pa lang ang na-exam natin pero parang napiga na yung utak ko.” Reklamo ni Aiza.

Magka-kasabay kaming naglalakad palabas nang building. Panay ang reklamo ni Aiza. Si Lara naman ay tawa nang tawa sa reklamo nito. Magkakasabay kami hanggang sa parking lot. Kaniya-kaniya kasi kami ng service with driver.

Naunang sumakay si Lara at nagpaalam kasunod si Aiza. Nagda-dalawang isip pa ako kung uuwi na ba o tatambay pa sandali.

“Amarie, uuwi na ba tayo?” Tanong ni Manong Tony.

Hindi ko napansin na lumabas pala siya mula sa driver seat. Napansin siguro niya na nag-aatubili pa ako sa pagsakay sa sasakyan.

“Uuwi na po,” malamyang sumakay ako sa back seat.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hinahanap ko siya. Oo. Gusto ko bago man lang ako umuwi ay makita ko muna siya. But I failed.

Baka naman umuwi na, Amarie. I console myself.

Nagsisimula na naman akong dumipende sa kaniya. Hindi ko na talaga siguro maa-achieve na umiwas.

“Manong, daan nga po muna tayo doon,” turan ko.

Itinuro ko kay Manong iyong street foods stall na nadaanan namin agad akong bumaba nang ihinto ni Manong. Lumapit ako sa nagtitinda nang kwek-kwek.

“Bili na, Ineng.”

“Opo, magkano po isa?” Dumukot ako ng pera sa bulsa ng suot kong uniform.

“Limang piso ang isa, Ineng.”

“Pabili po nang twenty pesos, Ate.”

Nang maiabot sa akin ang kwek-kwek. Madali na rin akong bumalik sa sasakyan. Mag-gagabi na kasi at panigurado mase-sermunan na naman ako. Ang sakit pa naman sa tenga nang boses ni mama.

Days and months swiftly passed by like a blur. Until one day...