Thirteen

NAGISING ako na hinihingal. Ako? Buntis? Manganganak? At si Jairus ang ama?

What the heck! Ano ba naman kasing klaseng panaginip ‘yon? Weird, e! Naguguluhan akong bumangon sa kama saka ginawa ang aking morning routine.

Normal na araw na naman ibig sabihin may pasok na naman at puro aral na naman ang aasikasuhin. Hatid-sundo ako tulad noon pero nitong mga nakaraang araw hindi na umaalis si Manong Tony. Hinihintay niya na ako kaya ang destinasyon ko school-bahay-school-bahay lang. Tapos na nga pala ang Buwan ng Wika kaya wala na munang activities exam naman ang haharapin.

Simula nang i-post ni Jairus 'yong binayaran kong sapatos para sa kaniya hindi ko na siya masyadong pinapansin. Hindi ko na rin siya kinakausap kahit na nakikita ko siya nahihiya na kasi talaga ako kasi napa-panaginip-an ko siya.

Dali-dali akong nagsuklay ng kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko. “Nandyan na po!”

“Bilisan mo diyan, Amarie, at kanina ka pa hinihintay sa pagkain saka si Manong Tony nasa labas na din.”

Hinagilap ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ko sa school sa bedside table ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mama na nakabusangot.

“Tagal!” Reklamo niya. Nakabihis na rin siya at mukhang papasok na rin sa trabaho. “Faster! Sa inyo ako sasabay.”

“Why, Mom? Where's Dad? Di ba sabay naman kayo no'n?”

“Hindi papasok sa opisina. Magpapahinga daw muna siya.”

Sabay kaming bumaba nang hagdan at naglakad patungo sa kusina. Nadatnan namin doon ang mga helpers na abala sa paghahain nang pagkain. Umupo ako sa silya sa bandang kaliwa ng mahabang mesa, si mama naman ay kaharap ko.

“Bakit daw 'Ma?” Kumuha ako ng fried rice at hotdog.

Nagsimula na kaming kumain.

“Alam mo naman 'yon,” nagsimula na siyang kumain kaya nagsimula na rin ako. “Hayaan mo na't minsan na lang siya makapag-pahinga.”

“Where is he then?” Nagtatakang tanong ko. Hindi rin kasi siya sumabay sa pagkain. “Do you have a problem, Mama? Kayo ni Papa?”

Wala kasi akong maiisip na dahilan para hindi pumasok si Papa sa trabaho at hindi sumabay sa amin kumain.

“Tanga ka!”

“Grabe, 'Ma. Nasa harap tayo ng foods.”

“Eh, advance ka mag-isip.” Singhal niya. “Maagang pinuntahan ang Kuya mo sa condo magba-bonding daw muna sila, may pag-uusapan din daw e, boys thing.”

“Arte,”

Nagtatawanan na itinuloy namin ni mama ang pagkain. Ano kayang nakain ni Papa at naisipan ang huwag pumasok sa opisina at gumala kasama si Kuya. Nagbibinata yata.

Tahimik na natapos ang breakfast namin ni Mama. Sabay kaming sumakay ng sasakyan. Una akong ihahatid dahil malapit lang saka si Mama.

“Bye 'Ma.” Bago bumaba sa kotse ay humalik ako sa pisngi niya.

“Ingat ka. Aral mabuti, hindi ka pa naman matalino!”

My mother is harsh, you can say that. Inirapan ko siya. “Mana sa'yo!”

Dali-dali akong bumaba dahil hahablutin niya ako and god knows what she'll do to me.

“Gaga! Top honor ako nung nag-aaral. Papa mo ang kulelat palagi.”

“Ewan. Bahala ka diyan!” Naglalakad na ako palayo nang tawagin ako ni Mama akala ko lalaitin na naman ako.

“What?” Nakabusangot na baling ko kay Mama na malaki ang ngisi sa mukha.

“Don't worry, sa akin ka naman nagmana nang kagandahan.”

Akala mo talaga hindi abogada kung magsalita ‘e. Natatawang kinindatan ko lamang siya saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa building namin.

Harsh si Mama pero alam niya kung paano babawi. Sanay na ako sa mga panlalait niya, alam ko naman kasing biro lang iyon.

Ganoon din kasi siya kay Papa at Kuya.

HINDI pa man lang ako nakakaupo sa upuan ko ay sinalubong na agad ako ni Lara. Humawak siya sa braso ko. “Exam na! Pakopya ako, hah.”

“Paupuin mo muna ako, pwede?”

Iginiya niya ako sa silya sa tabi niya kinuha pa ang bag ko at siya ang nagdala. “Pakopya, hah!”

Humalumbaba ako sa arm chair ko. “Anong papakopya ko sa'yo? Di ako nagre-review.”

“Ikaw pa ba?”

Hindi ako nakasagot kay Lara dahil sa biglang ingay ng mga kaklase namin nagbubulungan sila pero ang lalakas naman. And Lara being Lara, sumilip siya sa bintana para makita ang sinisilip nang mga kaklase namin.

Nagmamadali siyang lumapit sa akin namumula pa ang mukha.

“What's that?”

“Si Jairus Patrick nasa labas nang building.”

Kumunot ang noo ko. “Ano naman ngayon?”

Pinipigilan ko ang sarili kong makisilip din. Ayaw ko siyang makita pangalan pa nga lang niya ang naririnig ko naghu-huramentado na ang puso ko.

“Gaga! Akala mo di ko nahahalata. Simula nung usapang sapatos palagi na 'yang tumatambay diyan. In fairness ‘e, marami siyang gwapong friends.”

Nung isang linggo nagkaroon nang away. Ewan ko kung anong dahilan. Kasama doon si Jairus Patrick. Hindi alam iyon ng school at wala silang pakialam dahil sa labas na nang campus iyon nangyari. May nag-abang yata kay Jairus at hinamon ng away sakto walang bodyguards na kasama ang lalaki.

Lumaban siya even though one versus six. I'm not sure kung paano nangyari pero ayon sa bali-balita, nakita nung ibang boys ang nangyayari, tinulungan nila si Jairus. Actually tatlo lang iyong tumulong sa kaniya. Pero kinaya, mga barumbado kasi. And the rest is history. They're become friends.

Updated ako sa buhay nang binata because I want it. Gusto ko alam ko kung anong nangyayari sa kaniya. Kahit na hindi ko siya pinapansin. Napagkakamalan nga ako nang mga kaklase ko na avid fan ni Jairus but I didn't tell them the truth. Hinahayaan ko lang sila sa alam nila.

Ayaw kong i-broadcast na gusto ko siya, na napa-panaginip-an ko siya and everything. Lalo sumisikat ang lalaki. Marami na siyang commercials at halos siya ang covers nang mga magazines. Bukod pa doon ay talaga namang mayaman siya. Hindi kilala kung sino ang magulang niya.

Super confidential.

Kaya tuloy napagkakamalang anak nang Mafia. Idagdag pa ang marami niyang Men in Black na kasama. Kaya lang na-tiyempuhan na wala siyang kasama noong nakaraan but that's a good thing for him, though. Nagkaroon kasi siya ng tatlong kaibigan in an instance.

“Malay mo naman ‘yong friend niya ang may sinusulyapan?”

She rolled her eyes at me nanahimik na rin siya dahil wala ng masabi.

“At saka classmate natin 'yong isa sa barkada niya, malay mo naman binibisita.”

“Oo na lang.”

I chuckled because for the first time she's speechless.

Yung dalawa sa new found friend ni Jairus grade twelve din sa ibang section nga lang tapos yung isa kaklase ko kaya siguro diyan sila sa labas tumatambay. Ang lalaki lang naman kasi ang taga-ibang building dahil special section siya.

Hanggang sa pagpasok ng teacher namin ay hindi na umimik si Lara. Nagbigay lamang naman si Sir ng pointers to review para sa first grading exam at pagtapos lumabas na rin saying he'll giving us time to review.

Hindi ako makakapag-review sa marami at maingay na tao kaya napag-pasyahan ko na sa likod ng building namin pumunta. Hindi naman delikado roon dahil may mataas na bakod saka malinis ang paligid katunayan may mangilan-ngilang upuan doon para sa mga estudyanteng nais nang tahimik na lugar.

Naka-monitor nga lang doon. May CCTVs dahil minsan may mga binu-bully na doon dinadala minsan ginagawa pang dating place.

“Sama!” Saad ni Lara ng makita akong palabas na sa room.

“Bawal.”

Akala ko makikipagtalo pa siya sa akin at mamimilit pero hindi. Nagkibit-balikat lamang ang babae saka ako tinalikuran. I found it weird but immediately ignored her. May topak siguro. It's an advantage for me, though, dahil makakapag-aral ako ng tahimik. Mag-aaral 'kuno'.

Marunong ako pero hindi matalino. Nakakaintindi naman maliban sa math. Enemy kami no'n ‘e! Hinding-hindi ko siya magugustuhan, ever. Mukhang maswerte ako ngayong araw dahil walang katao-tao sa lugar. Hindi naman ako matatakutin kaya okay lang na mapag-isa.

Inilabas ko lahat ng notebook ko at nagsimulang magbasa-basa, baka sakali, pero walastik sa math lang ako may notes!

Walang sulat ang iba kong notebook kundi ang math. My god! I thought I'm lucky today. Pero kahit enemy kami ni Math tinry ko pa ring basahin at unawain ang mga solving pero wala talaga.

Nanggigigil na ibinagsak ko sa lamesang semento na nasa harap ko ang notebook ko. “Ayaw ko talaga sa'yo!”

Para akong baliw na tumungo at sinabunutan ang sarili. At paulit-ulit na sinasabi ang katagang 'ayaw ko sa'yo'. Pero halos mahulog ako sa upuan nang sa pag-angat ko ng ulo ko ay may apat na lalaki na ang kasama ko.

Dalawa ay naka-upo sa magkabilang tabi ko hawak ng isa ang math notes ko at ang isa ay dictionary ko, ang dalawa pa ay nakatayo sa harap ko at iisa lang ang sinasabi ng mukha nila. Pagka-aliw at pare-parehas silang natatawa.

Sobrang hiya ko. Dali-dali kong inayos ang buhok ko at sininop ang gamit ko na itinaktak ko nga pala lahat kanina. I know my face turn red like a tomato. Hiyang-hiya ako at halos gusto ko ng magpalamon sa lupa.

Because one of the boys is my love, my dream, Jairus.

He's looking at me with amusement dancing in his brown eyes.