Chapter 14: Fourteen

“ARE you okay?” Jairus eyes are dancing with amusement. Ang mga kaibigan niya naman ay lihim na tumatawa. I don't know what I will do. Hindi ako makagalaw sa pagkaka-upo ko.

My lips parted a bit and tremble.

The corner of his mouth turned up. “What? Ti-titig ka na lang, Crishan Amarie?”

“H-huh? Ahm... I don't know what to say.” Mahinang bulong ko.

Mukhang hindi na napigilan ng mga kaibigan niya ang humagalpak ng tawa. Pumapalo pa sa mesa ang nasa kanan ko, na kaklase ko.

“Nahihirapan ka sa math?”

Kinuha niya ang math notebook ko sa katabi ko. Binuklat niya iyon at tiningnan ang bawat pages. Nakatitig lang ako sa kaniya habang binubuklat niya yung notes ko. Kinakabahan ako dahil nasa harapan ko na naman siya. Iniiwasan ko nga siya pero mukhang hindi ngayon.

Sumasakit ang dibdib ko sa sobrang pagkabog nito. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko. Shit! Sana wag niyang marinig ang kabog ng dibdib ko. Nakakahiya iyon, panigurado.

“Tinatanong ka, Miss!”

Nabalik sa reyalidad ang isip ko nang may sumapak sa braso ko. Nakatingin na pala silang apat sa akin at huling-huli nilang nakatitig ako kay Jairus.

“A-aray... Masakit, ah!” Kinakabahan man nagawa ko pa ding irapan ang walang-hiyang pumalo sa braso ko. Ang lalaking sa kaliwa ko.

“Sorry, nakatulala ka ‘e.”

Ibinalik ko ang tingin kay Jairus. Namumula ang mukha niya pati tenga.

“Ah. A-ano iyon?” I ask Jairus.

His nose crinkled. “Ahm... G-gusto mo, ahm... Kwan,”

“Ano ba iyan, dude. Ba't nauutal?”

“Patrick, nahihiya P're?”

“Shut up.” Umikot pa ang mata niya sa mga kasama hinampas pa ng notebook ang katabi niya.

“Ako nang magsasabi.” Sabi ni Mark, iyong kaklase ko. “Itu-tutor ka daw niya.”

“H-hah? Ahm,”

“Saka ano... Hinahanap ka ni Roan.” Kumakamot sa ulo na sabi niya. Nakaupo na sila ngayon sa kabilang bahagi ng mesa.

Bakit ako hahanapin nu'n? Robot kaya ‘yon. “Bakit daw?”

“Nami-miss ka ‘e.”

Naghiyawan ang mga kaibigan nang lalaki. Nagsasapakan na.

“Saka niya!” kantiyaw ni Mark. Kaklase ko na kaibigan niya.

“Sige.” Lalong silang naghiyawan sa sagot ko.

“E di balik na bebe mo, Patrick? Yeut!”

Bebe? I don't want to assume but I hope it's me.

“Una na kami 'bro, tutor ka na!”

Nagsasapakan pa rin ang tatlo habang papalayo sila sa pwesto namin. Ngayon na agad ang tutorial?

“Wala ka nang klase?” He ask. Umayos siya ng upo sa harapan ko ginulo pa niya ang buhok niya.

“Ewan ko lang. Nagbigay lang kasi si Sir ng mga pointers to review para sa exam.” Sagot ko. Binabalewala ang malakas pa rin na tibok ng puso ko. “Binigay na niya lahat kaya siguro, wala na. Ikaw ba?”

“Last na iyong exam namin kahapon.” Nauuna nga pala silang mag-exam.

“E iyong mga new found friends mo? Hindi mo naman sila classmates 'no? Kaya siguro hindi pa din sila nakaka-exam?”

Natigilan si Jairus. “New found friends... Yeah, hindi pa din.”

Tumango ako. “Ah.”

“So, payag ka?”

Feeling ko may nagta-tumbling sa tiyan ko. Mataman kasi siyang nakatitig sa akin na parang ina-analisa ang nararamdaman ko. “Yata?”

He chuckled. “Yata? Parang tanga ‘yang sagot mo.”

Sa halip na magdamdam sa sinabi niya natawa pa ako. “Ewan na lang.”

A line appeared between his brows naguluhan yata lalo kaya lalo akong natawa.

“Magulo ka palang kausap,” ibinaba ni Jairus ang notebook. “Tuturuan nga kita habang hindi pa exam.”

“Hindi ba nakakahiya?”

“Ano ka ba, share your blessings ‘ika nga. Saka well trained 'to ni Roan.” He said then wink.

Parang nag-summersault naman ang mga intestines ko dahil doon. “Ay, ganun.”

“Ganun nga. So, payag ka na?”

Napansin ko lang, kanina noong nandito ang mga kaibigan niya halos hindi siya makapagsalita tapos ngayon na wala ang daldal naman niya. Kanino ba siya nahihiya? Sa akin o sa mga kaibigan niya?

“Kailan simula? Saka, teka! Wala akong pambayad, ah.” Baka mamaya niyan singilin ako nang lalaki. May ibabayad ako, oo, pero kukuha na lang ako ng professional.

“Humihingi ba ako? Hindi naman, ah.” Nagsimula ulit siyang magbuklat sa notes. “Ngayon na.”

“As in now?”

“Yeah.” Pumayag na ako. Choosy pa ba ako, iyong mahal ko na ang lumalapit? Oo na lang.

Nagsimula siyang ipaliwanag sa akin ang mga formulas. Basic muna hanggang sa complicated solving. Mayroon din siyang idinagdag sa notes ko. Magaling siyang magturo, nakukuha ko agad at nauunawaan. Parehas kaming nakatungo sa papel na sinulatan niya ng bagong problem at gustong ipa-solve sa akin. Magkatabi na kami ngayon dahil mahirap daw kung malayo siya habang tinuturuan ako.

Itinaas ko ang ulo ko para matingnan siya habang nagpa-paliwanag at hindi ko inaasahan na magtataas din siya ng ulo. Kaya nag-kasabay kami. Nanlaki ang mata ko ng pahaplos na dumampi ang malambot niyang mga labi sa aking labi. Maging siya ay nanlaki rin ang mata. Mabilis ring kumalat ang pula sa mukha niya hanggang tenga at alam kong ganoon din ang sa akin.

Ako ang unang nagbawi ng tingin. Wala sa sariling hinawakan ko ang mga labi ko habang nakatulala naman sa kawalan. Hindi ko na muling nakuha pang tumingin sa binata sa tabi ko. Wala ring imik si Jairus mukhang nawalan rin ng sasabihin. Tulad ko na na-blangko ang utak nang sandaling maglapat ang mga labi namin.

“I-ahm... I'm s-sorry.”

“H-huh?” Sagot ko na pilit paring umiiwas ng tingin sa kaniya. “Okay lang, a-ano ahm...”

Sinulyapan ko siya mula sa peripheral vision ko. Nakatingin siya sa akin tapos ay bahagyang yuyuko. Pinaglalaruan ng isang kamay niya ang ibabang labi. Tapos ay bahagyang ngingiti pero mabilis na tinatabunan nang palad ang bibig.

Halos kalahating oras kaming walang imikan. Patuloy sa pagsusulat si Jairus pero ako nanatili ang atensyon sa malayo. O di kaya ay sa mga puno sa paligid. Hindi pa rin tinatapunan ng tingin ang katabi.

“Awkward!”

“'Nga ‘e.”

“Why naman kaya?”

Hindi rin namin namalayan ang paglapit ng mga kaibigan niya. Natawa pa ako ng kaunti ng mapa-igtad siya at mabitiwan ang hawak na ballpen.

“Patrick, anong meron? Tahimik, ah.”

“Ahm, gumagawa lang ako ng math problems para i-solve ni Amarie mamaya.” Bumaling ang lalaki sa akin. “Di ba?”

Mabilis ko lang siyang tinapunan ng tingin. “Huh? Ah oo... oo nga!”

Nagtawanan ang tatlo na parang may nakitang katawa-tawa.

“Bakit namumula kayong dalawa?”

“Shut up ka na lang, Rolan.” Singhal ni Jairus sa lalaking may hawak na Tupperware. Umakto naman siyang izinipper ang bibig. Akala ko okay na wala nang maguusisa pero may dalawa pa nga pala.

“I smell something fishy.” Suminghot pa siya sa paligid. “Naamoy mo din, Mark?”

“Oo. Naamoy ko, Jayson.”

Sumingit ako sa usapan nila. “B-baka naman, a-ano... Iyang dala niyo ang u-umaamoy.”

Mas lumakas ang tawanan nila. Maging si Jairus ay natawa din hindi ko tuloy naiwasang irapan siya.

“Mamaya na lang iyang fishy na iyan. Kumain na muna tayo.” Saad ni Mark. Umupo siya sa upuan sa harap. Nagsiksikan sila roon tapos magkatabi naman kami ni Jairus.

“Sa'n galing iyan?” Usisa ni Jairus sa tatlong Tupperware. Magkakapatong iyon kanina na dala ni Rolan. Medyo may kalakihan iyon.

“Sa bodyguard mo, iniabot sa amin. Nakasalubong namin papunta sa building niyo.” Nagsimula na itong kumain. “Ayun na sila, o.”

May itinuro siya sa banda roon. Sabay naman kaming lumingon nang lalaking katabi ko at oo nga, nakatayo sa di kalayuan ang limang MIB ni Jairus Patrick.

Kumakain na ang tatlo gamit ang disposable na kutsara. Ready ‘e! Nakakatuwa silang panoorin. Salo-salo sila sa isang Tupperware na kanin. Maging si Jairus ay kumakain na din kasalo nung tatlo. Naglalagay sila ng ulam sa ibabaw ng kanin tapos saka nila isusubo. Medyo yucky, pero hindi naman makalat.

Tumayo ako nang makaramdam ng gutom. Lunch time na. Sa canteen na lang siguro ako kakain kahit na hindi ko gusto ang pagkain baka iba na ang menu. Natigil sila sa pagkain at parang iisa na nakasunod ang mga mata aa bawat galaw ko.

“Bibili lang ako ng pagkain sa canteen.”

Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot. Mabilis akong umalis at lumayo sa pwesto nila. Hindi na pinansin ang ilang beses na pagtawag ni Jairus sa pangalan ko.

Tinawagan ko si Lara pero hindi siya sumasagot. Saan naman kaya nagsuot 'yun? Tinawagan ko si Kuya pero hindi rin naman sumasagot. I have no choice but to go alone in the canteen. Gusto ko sana sa cafeteria ng college pero masyado namang malayo saka bawal nga ang high school doon baka matyempuhan na naman ako ni President Black.

As usual, wala na namang matino sa menu. Puro gulay. In the end, I settled myself in one piece of burger and milk tea. Hindi ko talaga gusto ang gulay.

Natigilan ako ng may maalala. Bakit kumain ako ng gulay noong si Jairus ang kasalo ko sa pagkain. Napilitan lang ako. Oo napilitan lang. Pangungumbinsi ko sa sarili.

Pinili ko ang gulay sa burger. Ihiniwalay iyon at inilagay sa isang plato. Nang wala nang gulay saka ako kumagat sa tinapay at sumipsip sa milk tea. Gusto ko sana nang rice pero wala namang karne na maaring i-ulam so I settled myself on a burger. Mamaya na lang siguro ako kakain pagdating sa bahay.

Nangangalahati na ako sa burger na kinakain nng may maglapag ng isang paper bag na may tatak nang isang mamahaling restaurant sa labas ng University. Nagtatakang binaybay ko mula sa kamay niyon hanggang sa braso. Napa-igtad ako ng pagdating sa mukha ay si Jairus ang makita ko.

“Ipinabili ko sa resto. I know you don't want to eat foods here, kaya...” Nagkibit-balikat siya.

Nagugutom pa rin talaga ako kaya hindi na ako nahiya at inilabas ang styro na nasa loob ng paper bag. Nang buksan ko ang lalagyan ay umalingasaw sa pang-amoy ko ang masarap na beef steak. May kasama rin iyong kanin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nilantakan ko agad ang pagkain.

“Masarap?” Usisa nang lalaki na nakaupo na sa harapan ko at nakahalumbabang pinagmamasdan ako.

“Yeah, thank you.”

“Basta ikaw,”