Twelve

I LOOK at him shocked and frozen. What does he mean?

“Hoy?”

“A-ahm, hah?”

“Tulo laway mo,” kunwari may pinahid pa siya sa baba ko. “Alam kong gwapo ako.”

Tinampal ko nga ang braso niya. Masyadong conceited. “K-kapal mo, ah.”

“Nag i-stutter ka pa, star struck, ‘e?”

Napalitan ng pagka-pikon ang kabang nararamdaman ko. Tinalikuran ko siya at dire-diretsong lumabas nang restaurant.

“Hoy! Sandali,” habol niya saka hinawakan ang braso ko para pigilan sa mabilis na paglalakad. “Akala ko ba may bibilhin ka pa? Tara, I'll come with you.”

“Nagbago na isip ko.” hinablot ko ang braso ko sa kaniya at nagmamadaling lumayo.

“Libre ko, dali!”

“Kaya kong magbayad.”

“Oh, sige. Ako na lang libre mo. Tara!”

Muli niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako patungo sa men’s store. Nabitiwan ko pa yung isang paper bag na dala ko.

“Gago! Yung paper bag ko!”

“Ay, sorry.” Mabilis naman niyang binalikan siya na din ang nagbitbit.

Rubber shoes pala ang laman ng men’s store na napasukan namin. Agad na nag-ikot si Jairus para magtingin-tingin ng rubber shoes na matitipuhan niya. Ipinatong ko sa sofa ang paper bags ko at sumunod sa pag-iikot niya.

Naisipan kong bilhan na rin si Kuya. Nagtingin ako nang mga designs na maaring magustuhan niya.

“Para sa'kin?”

Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Nabitiwan ko ang sapatos na hawak ko. Muling bumalik ang kaba na nararamdaman ko. Jairus face is just an inch to mine.

Kaunting galaw lang ay maari nang magdikit ang mga labi namin. Palipat-lipat ang tingin niya sa mata ko pababa sa labi ko. His brown colored eyes are staring at me like reading what’s on my mind. I feel my face flushed. Ang init nang mukha ko.

“Ehem!” Agad akong lumayo ng may tumikhim sa likuran namin. “Sorry for the interruption love birds.”

Isang matangkad na lalaki ang naka-ngisi sa gawi namin.

“The fuck! Czech Almonte.” Galit na mura ni Jairus sa lalaki. “Anong ginagawa mo dito?”

“Namimili?” Sarcastic na sagot ng tinawag na Czech.

“Maniwala sa'yo, pwede ngang ipa-deliver mo na lang sa bahay mo.”

“Ayaw ko,” Sa akin naman nagawi ang tingin nito. “Sino siya? Bago?”

“Gago! Di kita sasantuhin.” Akmang sasapakin ni Jairus ang lalaki ng may pumasok na mga naka-puting lalaki sa loob ng store.

Ano 'to? Men in white naman?

“Relax, dude. Para kang tanga! Tinatanong lang, ‘e.” tumawa ito. “Hi, Miss! What's your name?”

“Amarie Zaraga po.” Mukha kasi siyang matanda sa amin ni Jairus pero kung hayupin niya parang kaklase.

“Oh? How are you related to Christian Zaraga?”

“My brother.”

“Patrick, kilala mo kapatid nito? Hala ka! Sasapakin ka no'n di mo man lang ginalang kapatid niya pati sa public hinahalikan mo!”

Agad na uminit ang pisngi ko. “Ay, hindi po.”

Humalakhak siya na tila may nakuhang ibang ibig sabihin sa sagot ko. “Hindi sa public o hindi hinahalikan?”

“Layas na, nakakaasar ka na!”

“Bakit ako lalayas? Ipinasara ko 'to.” Ngumisi siya sa akin saka tumalikod. “Ge, tuloy niyo na.”

Nang makaalis ang lalaki dali-dali kong hinagilap ang paper bags ko. Hindi na rin ako nag-abalang bumili ng sapatos para kay kuya.

“Sa'n ka pupunta? Ili-libre mo pa ako, hoy!”

“Uuwi na ako.”

His eyebrow rose. “Bakit?”

Nagkibit-balikat lang ako. Akmang lalabas na ako ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagharang sa daraanan ko. “Ngayon pa ba? Wala na tayong kaagaw sa mall na 'to.”

My forehead furrowed. Naguluhan sa sinabi niya. “Huh? Bakit?”

“Nandito kasi si Czech.”

Lalo lang akong naguluhan. “Anong connect?”

Nakalimutan ko sandali ang pagka-ilang dahil sa mga pinagsasasabi niya.

“Eh, so slow!” Kumamot pa siya sa batok niya. “Tulad nga ng sinabi niya kanina, ipina-reserve niya 'tong buong mall para sa pamimili niya. Private person kasi iyong taong 'yon parang mamamatay pag may naka-kilala.”

“He's very rich ‘e.”

“I'm going to tell you why he's very private freak.” Lumapit siya sa akin na halos magkadikit na magkadikit na kami. Nag-bend siya ng konti katapat na nang tainga ko ang mapupula niyang mga labi.

My heart beats faster and my face flushed. Lalo akong nahiya nang makita si Czech Almonte sa labas na nakangisi siya sa akin at saka kumindat.

“Nakikinig ka ba?”

“H-huh?”

Naiiritang kumamot siya sa tenga niya. “You're not listening!”

“Obviously.”

“Wag na nga.” may kinuha siya sa sofa.

Iyong napili niyang sapatos nakalagay na sa paper bag.

“Bayaran mo, ah?” Turan ni Jairus ng makarating kami sa cashier.

Hindi na namin kailangan pumila dahil literal nga na ipina-reserve ang buong mall dahil walang tao. Walang sabi kong iniabot ang credit card ko sa counter.

Nakangiting inabot naman iyon nang babae. Mukhang natutuwa pa sa kalokohan ni Jairus. Yung nasa kabilang cashier naman halos lumuwa na ang mata sa pagtingin sa katabi ko. Nagni-ningning pa ang mata.

“Pwede po magtanong, Ma'am?” Tanong niya habang iniabot na sa akin ang card tapos ng i-process.

“Yes po. Ano po ‘yon?”

Itinuro nito si Jairus na busy na sa paghalungkat ng paper bag na akala naman hindi siya ang pumili niyon. “He's Patrick Agnila, right? Iyong sikat na model at commercial model?”

“A-ah,” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “H-hindi ko po alam.”

“Sikat 'yan, girl.”

Nginitian ko na lamang ang cashier. Alam ko naman kasing naririnig ni Jairus ang usapan namin nang babae pero pinili niya ang magbingi-bingihan.

Nauna na akong lumabas ng mall. May pangilan-ngilan din na lalaking naka-puti sa labas. Nakaka-curious talaga ang lalaking nakilala ko kanina.

Gabi na pala hindi ko namalayan ang oras. Ibinaba ko sandali ang mga bitbit ko at hinanap sa bag ko ang phone para tawagan ang driver ko.

“Hatid na kita, mang-iistorbo ka pa nang tao, ‘e.”

Matapos sabihin iyon ni Jairus ay may pumaradang Xpander na kulay red sa harap namin. Bumaba doon ang isang lalaki at pinagbuksan kami nang pinto sa back seat.

“Thank you, Kuya Roger.” Masayang bati ni Jairus.

“Walang anuman po, Sir.”

Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakasakay ako sa sasakyan niya at katabi pa siya. Daldal siya ng daldal habang nasa biyahe kami pero ako hindi nagsasalita, hindi alam ang sasabihin.

“Kilala mo na?”

“H-hah? Alin?”

Nagulat ako dahil bigla niya akong kinalabit tapos iyon lang ang itatanong. Nalilito tuloy ako kung ano ba iyon hindi ko naman kasi siya pinakikinggan.

“Buwisit ka kausap, alam mo iyon?” Lukot na ang mukha niya sa sobrang inis. Nakakunot-noo at salubong ang makakapal na kilay.

Agad akong bumaba nang sasakyan ng tumigil iyon hindi na nag-abalang sagutin ang walang kwenta niyang ikini-kwento kanina pa.

May isang parte sa akin na nanghihinayang dahil hindi ko na ulit mararamdaman ang presensiya ni Jairus at meron din namang nagpapa-salamat dahil hindi ko na mararanasan pansamantala ang kakulitan niya.

WALA na si Kuya pagdating ko sa bahay siguro umuwi na sa penthouse niya. Wala pa rin si Mama at Papa kaya ako lang ulit mag-isa.

Umakyat ako sa kwarto. Dumiretso sa isang cabinet sa kwarto ko na puro high heels. Nagpagawa talaga ako ng isang cabinet for my heels. Kaunti lamang ang rubber shoes at doll shoes ko kaya sa pinakababang parte ko na lang inilagay.

Inilagay ko sa espasyo sa gilid ng cabinet ang pitong stiletto na nabili ko... napili pala hindi naman ako ang nagbayad.

I took a picture of those saka ipinost sa IG ko.

'Welcome to my Closet'

Naglog-out din ako agad. Hindi na ako nag-abala pang magtingin nang ibang post. Nagbihis ako saka bumaba sa kusina. Nakakaramdam na naman kasi ako ng gutom hindi naman kasi ako nakakain ng maayos kanina dahil panay ang daldal at lagay ng kung anu-ano ni Jairus sa plato ko. Ayaw ko pa naman sa lahat ay ganoon habang kumakain. I feel disgusted about it.

Nadatnan ko sa kusina si Manang. “Manang, kakain po ako.”

“Sige, maupo ka na sa dining at ihahan–”

“Dito na lang ako sa kusina kakain Manang, wala naman akong kasabay.” Umupo ako sa maliit na mesa sa kusina. “Si Kuya pala kanina pa umalis?”

Inilatag ni Manang ang mga pagkain sa mesa sa harap ko. Pulos karne at kanin, walang gulay. “Pag-alis niyo ni Lara umalis na rin, may pasok raw kasi siya. Nagmamadali nga kasama iyong kaibigan niya.”

“Oo nga pala.”

Mabilis kong tinapos ang pagkain ng makaramdam ako ng antok. Mag-aalas nueve na rin kasi ng gabi mabuti lang at gising pa si Manang.

“Thank you, Manang. Good night po.”

“Hala, sige. Matulog ka na. Di ba'y may pasok ka na ulit bukas, ano?”

“Opo, matulog na rin po kayo.”

Nginitian ako ng matanda saka bahagyang tumango. Tumalikod na ako sa kusina saka dumiretso sa hagdan.

Balak ko pa sanang pumasok sa kwarto nila Mama pero narinig ko ang tunog ng cell phone ko. Sino na naman kaya ang istorbong iyon? Di man lang i-consider na gabi na. Itinaktak ko pa lahat ng laman nung bag na dala ko kanina dahil hindi ko mahanap yung phone ko napunta ata sa kailaliman.

Si Lara lang pala ang tumatawag. “Ano?”

“Galit, girl? So ano, tsika ka naman Mar's.”

“Ano naman ang sasabihin ko sa'yo?” Humiga ako sa sofa na nasa loob rin lang ng kwarto ko. Itinaas ko ang dalawang paa ko sa sandalan.

“E ano pa? Iyong date niyo nung dream boy mo,”

Kinikilig ako. Dream boy? He's literally my dream boy.

“Natahimik? Uy, kinikilig! Landi!” Narinig ko ang hagikhik niya sa kabilang linya. “Nag-date kayo? Sa'n pa kayo pumunta after I leave?”

“Ahm, sinamahan ko siya sa pagbili ng shoes. At ang gago, ako ang pinagbayad! Buwisit na iyon.” Sa halip na nanggagalaiti ako sa inis, nakangiti pa ako.

“Bakit parang di ka naman nabu-buwisit? Nakangiti ka pa ata ‘e?”

Umayos ako ng higa sa sofa. “A-ahm... What do you think?”

“Malandi! Ako'y kenekeleg!”

Sabay kaming nagtawanan. Masaya ako dahil napapansin niya ako despite of his very high status.

“Ano na gagawin mo?” Maya-maya ay seryosong tanong ni Lara sa akin mula sa kabilang linya.

Hindi pa ako nakakasagot nang muli siyang magsalita.

“Oh, wait!” Narinig ko ang pagpindot-pindot niya sa laptop or sa mouse ng laptop?

“Ano 'yan? May giyera kayo ng lappy mo?”Biro ko.

“Nag a-IG ako tapos biglang may nag-pop up na new story and when I look at it... Oh em gee! Patrick Agnila has a new post. Check yours now.”

Nalilito man hindi na ako nag-abalang tingnan ang sariling account. “Sabihin mo na lang kaya,”

“Actually, it's just a rubber shoes with a caption 'Thanks for the shoes. You know who you are baby'.” Narinig ko siyang tumili at parang nagtatalon pa siya. “Ikaw 'to 'no? Ikaw 'to Amarie!?”

“Di ko alam...”