Eleven

NAGULAT ako nang makita ang hindi inaasahang tao na nakasilip sa siwang ng gate namin.

“W-what are you doing here?” Naka-kunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.

“Papasukin mo kaya muna ako, 'no?” Inilusot niya yung kamay sa siwang at kumaway-kaway.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa kaniya. “Para kang tanga.”

“Bilis na!”

“Ano nga kasing gagawin mo dito?” Kumakamot sa ulo na tanong ko sa kaniya. Binitiwan ko ang hose saka lumapit sa gate at binuksan iyon.

“Akala ko wala ka nang balak buksan ‘e.” reklamo niya habang naglalakad papasok ng bahay. Nauna pa siya sa akin.

“Nasaan ba iyang Kuya mo?”

Kumakamot sa ulo na sumunod ako sa kaniya hanggang kusina.

“Dude! Kumusta?”

Natigil si Kuya sa paghu-hugas ng plato. “Oy! Matt aga mo, ah? Anong meron?”

“Wow! Naghu-hugas ka.” tumawa si Matt at tinabihan si Kuya sa harap ng lababo. “Ah, napadaan lang ako.” bahagya siyang lumingon sa pinto ng kusina kung nasaan ako.

Kaya si Kuya napatingin din, umirap pa. Parang baliw lang.

“Napadaan lang,” bulong-bulong ni Kuya. “Sa'n ka ba galing? Daanan ba 'tong bahay namin?”

Matt sexily chuckled. “Ahm, you know the real reason dude, don't embarrass me in front of your sister.”

Nagpu-punas na si Kuya ng kamay sa telang nakasabit sa tabi ng ref. “Let's talk outside.”

Kinaladkad niya palabas nang kusina si Matt. Parang mag-jowang may LQ. Bumalik ako sa labas ng bahay at dumiretso sa hardin dahil nakalimutan kong naiwan palang bukas yung hose baka bumabaha na sa labas. Malalagot ako kay mama.

Palabas na ako ng masalubong ko ang isa sa katulong namin.

“Good morning, Amarie.” Nakayuko niyang bati.

“Good morning po,” nilampasan na niya ako pero tinawag ko siya. “Nga pala, Ate Edith nakita mo si Lara?”

“Ah, nasa kwarto niyo po siguro.”

“Okay, thanks.”

Mamaya ko na lang siya pupuntahan kailangan ko munang tingnan kung naiwan ko nga bang bukas yung hose. Pero sa kabutihang palad, nai-off ko naman pala bago magbukas ng gate kanina.

Pumasok na lang ulit ako sa loob saka nagtungo sa kwarto ko nadatnan ko doon si Lara na nagsu-suklay.

“Where have you been, Amarie?” Tiningnan niya ako sa repleksiyon ko sa salamin.

“Nagdilig nang halaman,” umupo ako sa kama. “Di ka pa uuwi?”

“Grabe siya, oh. Ayaw mo na ako dito?” Humawak pa siya sa dibdib.

“It's not like that,” tumayo ako. Kinuha ang suklay sa kamay niya at sinuklay ang sariling buhok. “Pasyal tayo?”

“Treat mo?” Her eyes are shining. “Tara!”

I laugh at her. “Basta libre, Bes? Talaga?”

“Minsan ka lang manlibre dapat sulitin na.”

Dali-dali akong nagpalit ng damit. Sinpleng maong pants at white t-shirt at white sneakers lang ang suot ko. Nilagyan ko ng hairpin ang hanggang balikat kong buhok. Si Lara naman ay fitted na paldang kulay red at white tank-top at saka doll shoes.

Pababa na kami ng hagdan ay papasok naman galing sa labas si Kuya kasama si Matt.

“Kuya, labas lang kami.” Paalam ko.

Tumango naman si Kuya saka diretsong umupo sa sofa sa sala kasunod si Matt na hindi maalis ang tingin sa akin. Nginitian ko siya.

“Hi! Matt, 'musta? Aga mo, ah?” Turan ni Lara sa binata saka binalingan si Kuya na naunuod na nang tv. “Labas lang kami, Christian.”

Kuya wave his hands. “Shoo!”

Mabilis lang kaming nakarating sa mall. Inuna naming puntahan ang boutique na parehas naming paborito ni Lara.

A boutique full of high heels.

Palibhasa hindi kami biniyayaan ng tangkad umaasa na lang kami sa mga high heels. Parang hindi kami magkasama ng makapasok kami sa bilihan ng high heels tila kami dinala sa magkaibang dimension.

Pumili ako ng tatlong silver stilleto. Lumapit ako sa sofa na naroroon at sinukat isa-isa ang mga napili. Sakto lahat ang sukat sa paa ko naisip kong bumili na rin ng ilang kulay pa.

“Miss?” Agaw pansin ko sa sales lady na malapit sa gawi ko. “May iba pa kayong kulay nito?” Ipinakita ko sa kaniya iyong mga napili kong stilleto.

“Yes, Ma'am.”

“Okay. Please give me black and red of this, two pair each.”

Magalang na yumuko ang sales lady. “Please wait a minute, Ma'am.”

“Thank you.”

Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin kung meron bang nagtext man lang sa phone ko. May isang text galing kay Papa.

Papa: 'How are you, Hija?'

Tinatamad akong mag-type kaya tinawagan ko na lang si Papa. After a very long rings sinagot niya na.

“Hello, anak. May problema ba?” Iyon agad ang bungad niya sa akin.

Napangiti tuloy ako. “Nothing 'Pa, tinamad lang ako magtype kaya tumawag na lang ako, kumusta ang business?”

“Break kaya nasagot ko ang tawag mo.” naririnig ko sa background ang ingay mula siguro sa mga kasama niya.

“Where's Mom?”

“Negotiating,”

Natawa ako dahil doon. “Walang break?”

“Alam mo naman ang mama mo kahit simpleng usapan, negosyohan ang laban.” Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Papa mula sa kabilang linya.

“Mama talaga. Kailan kayo uuwi?” Nakita ko ang papalapit na sales lady may dala siyang mga kahon. “Oh wait 'Pa,” bumaling ako sa sales lady. “Is that it?”

“Yes, Ma’am.” binuksan niya ang mga kahon.

“Ano ‘yan, Amarie?”

“Wait lang, Papa. Nandito kasi ako sa mall nagliliwali–”

“Sige, anak. Start na ulit ng meeting namin. Bye, ingat!”

Hindi na ako nakapag-paalam ng maayos dahil agad nang naputol ang linya. Naiiling na binalingan ko ang sales lady na matiyagang naghihintay.

Binuklat ko ang kahon, tiningnan isa-isa ang bawat design. Wala naman iyong pinagkaiba niyon mula sa nauna.

Isinukat ko iyon and gladly kasya naman. “I'll take all of this.”

“Okay, Ma'am.”

Kinuha niya lahat ang mga stilleto at inilagay sa papaer bag. Patayo na ako sa sofa nang lumapit si Lara na may dala na ring ilang paper bags.

“Tapos ka na?”

“Yeah, bayad na tayo?” Nagpatiuna na akong lumabas ng boutique.

“I thought this trip is your treat?”

“Sinabi ko ba iyon?”

Nagtatalo pa rin kami hanggang sa kami na ang magbabayad. Ako naman talaga ang magbabayad niyon lahat gusto ko lang asarin ang babae.

“Eh? Akala ko makakatipid na ako!”

“Akala mo lang iyon,”

Kinuha ko na ang wallet ko at akmang ilalabas na ang card ko nang may mauna nang mag-abot sa cashier.

“I'll pay for them.”

“THANK you, Jairus.” Lara beamed humawak pa siya sa braso ni Jairus Patrick.

Papasok kami sa isang Japanese Restaurant. Matapos bayaran ni Jairus ang mga pinamili naming heels nag-aya naman siya na kumain dahil tanghali na rin naman.

As usual, libre niya. Balak ko pa sanang mamili mamaya pagtapos kumain but I don't think I can do it especially ngayon na mukhang sa lahat ng lakad namin ni Lara sasama siya.

“Hindi ka man lang magpapa-salamat?”

Nasa huli lamang nila akong dalawa kaya hindi ako umaasa na papansinin pa nila ako.

“Oo nga, Amarie. Mag-thank you ka naman kay Jairus.” Lara said and wink at me.

Hindi niya ako hiniwalayan ng tingin as if may ibig sabihin and I easily get it tungkol sa sinabi ko sa kaniya kaninang umaga.

“Sinabi ko bang bayaran mo?” I sneered at him. Inunahan ko sila sa paghahanap ng vacant table dahil dinadaga na nang husto ang dibdib ko.

“'Tamo 'tong babaeng 'to! Lara, ganyan ba talaga iyan?”

“Hah? Ah, baka nahihiya lang,”

Narinig ko pang usapan nila.

Umupo ako sa mesa na malapit sa salaming dingding agad naman na may lumapit na waiter. Tapos na akong um-order saka pa lamang natapos sa tsikahan ang dalawa.

Katabi ko si Jairus na tinulak-tulak pa ni Lara para maupo sa tabi ko. Sa harap naman siya. Inilalapag pa lang ng waiter ang order namin may tatsa agad ang lalaki sa mga pagkain ko.

“Anong makukuha mo sa puro beef? Wala ring kanin, iyan lang ba ang kakainin mo? No vegetables?”

Tahimik naman sa harap namin si Lara na patagong tumatawa.

“O? Ano naman sa'yo?” Umirap ako.

Kinakabahan na ako sa presensya nang lalaking kasama namin pero pilit kong itinatago sa pamamagitan nang pagta-taray at alam din iyon ni Lara Villas. Wala na akong maitago sa kaniya ‘e.

“Concern lang naman ako sa kalusugan mo. O heto kanin, samahan mo yang beef na in-order mo.”

Nilagyan niya ang plato ko nang kanin mula sa plato niya nakanganga naman ako habang ginagawa niya iyon.

“Eto pa gulay.”

Nang ilalagay na niya ang gulay sa plato ko dun na ako umangal. Hindi talaga ako kumakain ng gulay kahit anong pilit sa akin. “No!”

“Why? Veggies are healthy.”

“Hindi ako hayop para kumain nang damo.”

“Kailan pa naging damo ang gulay? Ngayon ko lang nalaman iyon, ah?”

Lara chuckled. “Now you know.”

I rolled my eyes pinagtu-tulungan nila ako. Hindi ko sila pinansin pinagtuunan ko ay ang pagkain ko. Itinabi ko sa gilid ng plato ang kanin na inilagay ni Jairus.

Na mukhang napansin nang lalaki.

“Bakit mo itinatabi? Kainin mo.”

I sigh but obliged. Kabang-kaba na ako. Gusto ko na lang matapos agad ang pagkain para makalayo na ako sa kaniya at makakilos ng maayos. Patapos na kaming kumain nang tumunog ang telepono ni Lara sandali siyang lumayo at pagbalik niya dali-dali niyang kinuha ang pinamili niya.

“Emergency, I need to go.”

Emergency pero palihim siyang kumindat sa akin.

Duda ako sa emergency na iyon sa totoo lang. Kanina kaya ko pang labanan ang kaba dahil kasama ko pa si Lara but this time, I don't think so.

Si Jairus pa rin ang nagbayad sa lahat ng pagkain na in-order.

Patayo na ako ng pigilan niya ako sa braso.

“So now, it's just you and me?” Tumayo siya sa harap ko at mataman niya akong pinagmasdan. “I'm waiting for this to happen from the very start.”