Ten
I CAN'T explain what I feel right now. I have a dream, it was me and Jairus having a baby.
Dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi magising ang katabi ko. This is so frustrating madaling-araw pa lang, I can't sleep anymore because that dream is bothering me.
Kinuha ko ang phone ko at dahan-dahang naglakad patungo sa terasa ng kwarto ko. Tumambay ako sandali doon habang nagbo-browse sa Instagram. Puro mga pictures lang nang nangyaring event ang nakikita ko.
Lumipat ako sa Facebook at ganoon din pero mayroon ding nasisingit na mga pictures galing sa fandom nang mga sikat. Tulad nang group nila Matt, ni Kuya at ni Jairus na nag-perform kagabi.
Ang Twitter ko naman ang sunod kong binuksan. Pagbukas ko pa lang tumambad agad sa akin ang tweet ni @patrickagnila saying: Can't sleep, thinking of you.
Iba rin ang trip niya kasi kasama nung tweet na iyon is a picture of a dressing room door. Iniisip niya iyong dressing room?
“Gago pala 'to ‘e.”
Bumalik ako sa Facebook account ko at doon na lang ulit nag-browse in-stalk ko na rin si Matt. Kahit crush ko siya never ko pa itong ginawa, ngayon lang, dahil sa sobrang bored ko. Ang dami niyang pictures na in-upload tungkol sa event kanina na akala naman niya kasali talaga siya, nag special number lang naman.
May mga pictures din siya sa soccer field. Naka-upo siya sa damuhan habang hawak yung bola at naka-ngiti sa camera. Sino naman kaya ang kumuha nito?
Gwapo talaga si Matt but this past few days hindi na ako kinakabahan at natataranta kapag nakikita siya, dati-rati naman kahit sa picture lang kinakabahan na ako. Napansin ko 'to since napanaginipan ko si Jairus Agnila nawala na ang pagka-crush ko kay Matt.
Busy ako sa pag scroll sa timeline ni Matt nang may mag-pop na message. Akala ko kung sino lang, so I swipe it down on the bottom of my phone so it was remove from the screen.
Nagpatuloy ako sa pag-stalk kay Matt, ngayon ko lang 'to ginagawa kaya susulitin ko na. Again, another message pop up. I am busy scrolling when I accidentally click it. Walang profile that's why I don't know who it is but when the message open, nakita ko ang pangalan.
Si Patrick.
Patrick Agnila: 'How are you?'
Ako: 'I'm fine.'
Patrick Agnila: 'Okay'
Ako: 'Okay?'
Naghintay ako nang sagot pero wala na hindi na siya nagreply pa. Ano bang pumasok sa isip nang lalaking iyon? Bigla-bigla na lang magpaparamdam tapos mawawala ulit. Hanggang sa sumikat na ang araw ay nanatili ako sa terrace dahil hindi na muli ako dinalaw ng antok.
Nang tumaas na ang araw at masakit na sa balat saka ako nag-decide na pumasok na sa kwarto nadatnan ko si Lara na nakahiga pa rin sa kama pero gising na at nagpo-phone.
“Oh? Sa terrace ka natulog?” Lara ask curiously when she notice me entering from the terrace.
Naglakad ako patungo sa closet. “No.”
“Ang aga mo naman atang magising. Di ba late na tayo natulog kagabi?”
“I just had a weird dream...” Kumuha ako ng damit saka siya nilingon na nakaupo na sa kama.
Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. Sinusuri niya ang mukha ko na parang makikita niya roon kung nagsasabi ako ng totoo. “Ano naman iyon?”
I'm hesitant to tell her. Baka hindi niya ako paniwalaan, baka pagtawanan lang niya ako. Umupo ako sa harap ng vanity mirror at tiningnan siya sa salamin. “Don't laugh at me, okay?”
“Depends.”
I sigh. “It's about Jairus Patrick Agnila.”
Lara lifted her eyebrow. “What about him?”
“In my dreams, I have him...” Muli akong humugot ng buntong-hininga. “In my dreams, we're together.”
Pinagmasdan ko ang reaksyon niya. The corner of her eyes crinkled halatang hindi naniniwala. But I don't care, gusto kong mailabas ito upang makahinga naman ako ng maluwag.
“In my dreams, he loves me and I also do...” my lower lip tremble. “at saka meron kaming baby.”
Naalala ko ‘yong isinagot ni Jairus sa contest. A dream like Love.
“You're crazy, Amarie. Ano 'yan?”
“Hindi ko din alam. This' all started when he helped me and bring me to the clinic.”
“Tagal na no'n, ah?” naiiling siyang bumalik sa kama, umupo siya doon nang indian sit at humalumbaba habang mataman pa ring nakatingin sa akin. “I thought you have a crush on Matt, pero bakit ngayon si Jairus naman?”
“I don't know! Simula ng mapanaginipan ko siya parang bulang nawala iyong pagka-crush ko kay Matt.”
She massage her temple. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.”
Nang wala akong makuhang matinong sagot tumayo ako at nagdiretso sa banyo para maligo. Paglabas ko wala na si Lara sa loob ng silid baka lumabas na siya at nagpunta sa kusina, mabilis magutom iyon ‘e kaya doon ko siya hinanap. And I was right but the one shocked me is that she's with my brother, Kuya 'Tian.
“Kuya? You're here.” Bati ko pagpasok ko sa kusina.
“Ah, yes. Tumawag si Mama, samahan daw kita dito. Maaga silang umalis ni Daddy may business daw.”
Si Mama at Papa, palaging magkasama kapag mga business trips at meeting. My Mom is our company lawyer, too. Pero may lakad din siya na hindi related sa kompaniya may sarili din kasi siyang mga clients.
Kumuha ako ng tasa at nagsalin ng gatas. “As always, Oy! Lara dahan-dahan sa pagkain walang aagaw sa'yo niyan.”
Inirapan lang naman niya ako saka nagpatuloy sa pagkain. Tumabi sa akin si Kuya sa island counter.
“Ano pala iyong sinasabi ni Lara?”
Kinabahan ako. Sinabi ni Lara kay Kuya?
“Anong sinasabi?” Sinamaan ko ng tingin si Lara na agad umiwas ng tingin.
“About your dream?” Sumandal siya sa counter na nakatiklop ang mga braso sa tapat ng dibdib. “Jairus Patrick, ‘e?”
Ano pa nga bang aasahan kay Lara pagdating kay Kuya?
“I-uh, h-hindi ko alam kung anong nangyayari but it's true Kuya.”
NANATILI ako sa garden after my conversation with Kuya. Dahan-dahan kong inu-ugoy ang swing gamit ang mga paa ko. Hindi maalis sa isip ko ang usapan namin ni Kuya I thought he's going to laugh at me but he's not, instead he gave me advices.
It's just a small talk pero lahat ng sinabi ni Kuya may sense.
“Unconsciously, minamahal mo na siya idagdag pa na napa-panaginip-an mo siya.”
“I can't understand,”
“Kailan pa ba iyan?”
“When he helped me nung nagka-asthma ako. ‘Yong dinala niya ako sa clinic.”
“Ahm,” natigilan si Kuya na tila ba nag-iisip. “Iniisip mo siguro siya simula noon kaya hanggang sa panaginip unconsciously nadadala mo.”
Napailing ako. Hindi alam ang isasagot.
“Figure it out, Sis.” Tinapik niya ang balikat ko saka iyon marahang hinaplos. “Kaya mo iyan.”
“Mahal ko na yata siya, Kuya.”
His eyes widened with what I said. “A-ano?”
Ang nananahimik na si Lara ay biglang sumabat. “Siguro dahil halos gabi-gabi niyang napa-panaginip-an kaya ganoon, tapos nakikita pa niya at nakakausap.”
Ngayong na-realize ko na mahal ko na siya, hindi ko alam kung paano pa siya pakikitunguhan. Mapansin kaya niya ako? I am just nobody and he's a star kaya baka malabo, baka hindi.
Nakakapanghinayang lang kung sa una kong pag-ibig ay hindi ko makakamit at hindi ko makukuha ang happy ending.
“Hija...”
Mabilis kong pinahid ang luhang hindi ko namalayang dumaloy sa pisngi ko saka ko nilingon ang tumawag sa akin.
“Manang, bakit po?”
“Itatanong ko lang sana kung ayos ka lang ba? Kanina pa kita pinagmamasdan.”
Si Manang Azon. Yaya na siya ni Mama since dalaga pa si Mama at ngayon kami naman ang inaalagaan niya. Umupo siya sa tabi ko habang hila-hila pa niya yung hose. Mukhang nagdi-dilig siya kanina nang makita ako.
“Okay lang po ako, may iniisip lang.” Nginitian ko siya.
Muli siyang tumayo. “Kumusta nga pala ang pageant kagabi? Nanalo ka ba?”
Umiling ako. “Hindi po, second lang po ako.”
“Oh!”
“Opo,” I smiled at her. “Pero okay lang po iyon basta alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.”
“Ay oo naman,” turan niya na tumatango-tango pa. “Okay na ang second place para sa baguhang tulad mo Amarie, magandang simula na iyon.”
“Oo nga po,”
“Ay sige at ipagpapatuloy ko na itong pagdi-dilig nang halaman at may gagawin pa ako sa loob pagkatapos.”
“Ako na po ang magdi-dilig, Manang.” Inagaw ko sa kamay niya ang hose at sinimulang diligan ang mga halaman sa gilid ng gate namin.
Naiisip kong ako na ang magtuloy upang kahit papaano ay may gawin ako at sandaling mawaglit siya sa isip ko. Diniligan ko lahat ng halaman, maging yung bermuda grasses na tinatapakan ko ay winasiwasan ko ng tubig.
“Kasama ba talaga sa dini-diligan ang bermuda grass?”