Nine

HINDI ako sanay sa atensyon I'm fine with just my family and my only friend kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.

Before I lost consciousness, may nahagip ang paningin ko na nagpabalik sa aking kamalayan. Jairus Patrick. Seryoso ang bukas ng mukha niya pero iba ang kinikislap nang kaniyang mga mata.

Pag-aalala.

Dahil doon, lumakas ang loob ko ayaw kong mapahiya sa harap niya. Naging determinado akong lumaban. nang muling tawagin ang section namin lakas loob akong humakbang kasabay si Adi. Muli kong nilingon si Jairus pero nakatalikod na siya sa gawi ko kausap niya si Olivia. Pinasadahan ko lang sandali ang audience saka nagmamadaling bumalik sa back stage.

“You did great.” Bati sa akin ni Adi. Tinapik pa niya ng marahan ang balikat ko.

“We did great but we need to do best later.” Sabi ko sa kaniya na tinawanan niya lamang. Because it’s just a beginning.

Matapos ang pagpi-present sa lahat nang candidates nagkaroon ulit ng ilang special numbers galing naman sa high school department. Kami naman ay kaniya-kaniya nang bihis para sa susunod na number.

Ni-retouch ako nang make up artist ko at tinulungan naman ako ni Lara sa damit. Sina Mama at Papa kasama sa audience but I didn't saw them awhile ago.

“Aja, girl!” Turan ni Lara nang muli na kaming pumila para sa susunod.

Ang susunod ay ang production number. Lahat nang kandidata ay nakasuot ng maong jeans, ang sa akin ay may maiksing silver chains na nakasabit sa baywang, white crop top. At tinernuhan iyon ng rubber shoes. Ang sa lalaki naman ay white t-shirt.

Ganoon ang suot namin para sa production at sasayaw kami, just basics steps though. Bukod ang production number nang girl candidates at boys.

Hanggang sa matapos ang production at masundan nang talent portion hanggang sa ang highlight na nang gabi ang kasunod. Instead of a fabulous gown, a dress full of fruits and vegetables are what we are wearing for the last part of the event.

Iyon din ang suot namin sa question and answer portion. Napapangiwi na lamang ako dahil sa bigat ng damit ko na may mga nakasabit na gulay at prutas.

Apat ang judges na magtatanong sa amin. The Cuarteros Owner, President, Dean and I never expect na pati isang senador ay magiging judge for this pageant.

Bubunot kami nang pangalan kung sino sa kanila ang magtatanong sa bawat isa sa aming mga kandidata.

Nawala na ang kaba ko nang magsimula ang event pero nang dumating ang turn ko para sa Q and A bumalik iyon. Pero kahit ganoon naka-ngiti akong lumakad sa center stage, mahigpit ang kapit ko sa braso ni Adi.

Pinabunot kami ng MC. Ako ang unang tinanong kung sino ang pangalang nakuha ko that means ako ang unang sasagot sa katanungan.

“Mr. Benedicto Del Mar.”

“Okay. Our guest for today, Senator Del Mar is the one giving you a question.” Pahayag ng MC. “Senator, please do the honor.”

Nanatili akong nakangiti kahit na kinakabahan na talaga ako. Hindi ako ganoon katalino pero siguro naman hindi tungkol sa academics ang itatanong.

“Good evening.”

“Good evening po,”

Sandali siyang nag-isip. “Ito ang aking katanungan...”

Hindi siya iyong tipikal na judge na isinusulat ang mga itatanong. Kumbaga impromptu ang tanong niya.

“... Kung nananaginip ka ng isang magandang panaginip, or let's say for example, napanaginipan mo iyong crush mo, ano ang iyong gagawin? Mas pipiliin mo bang manatiling natutulog para makasama siya o gumising at tanggapin ang realidad na hanggang sa panaginip mo lang siya makakasama?”

Akala ko ba nutrition month 'to? Bakit hindi naman related sa theme ang mga tanong nila? But nevermind, kailangan kong masagot ang tanong ni senator sa akin. It's exactly my question for myself these past few days.

“Thank you for that wonderful question, senator...” Naghiyawan ang mga kaklase namin ni Adi. “As for me, pipiliin ko pa rin po ang magising at harapin ang realidad. Why? Ang panaginip ay panaginip, kahit anung gawin natin it remains as a dream. But in reality, Hindi man natin hawak ang reyalidad at hindi man natin malaman kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw. There's always a coincidence na baka isang araw kasama mo na yung taong gusto mo. Kasi po sa reyalidad maaring magbago ang takbo ng panahon hindi tulad sa panaginip na pag nagising ka, wala na.”

Malakas na hiyawan ang narinig ko matapos kong sumagot. Narinig ko din ang bulong ni Adi sa tabi ko. “Hugot. May pinagdadaanan?”

Nginitian ko lamang siya hindi ko na sinagot dahil nagsimula na rin siyang tanungin ng judge.

Nang matapos kami ay agad na tinawag ang kasunod. Jairus and Olivia.

“What would you choose? A dream or love?”

A question from our school Dean for Jairus. Ako ang kinakabahan para sa kaniya. Madali naman ang tanong pero hindi ko alam bakit ako kinakabahan.

“Thank you for that question. Dream is important dahil ito po ‘yong nais nating mangyari sa atin sa hinaharap. It’s our guide on what we want for the future. And love, is everyone’s ways to express. Nagmamahal tayo dahil gusto natin hindi dahil kailangan lang.

“And what I will choose is Love. Because a dream for me is love. A dream without love is like filling a basin with hole. Hindi mapupuno. Hindi makakamit kapag hindi mo sinamahan ng pagmamahal.

I thought he’s finish answering the question pero nang mahanap niya ang aking mata. Nang magtagpo ang aming mga paningin, muli siyang nagsalita.

“A dream like love is very fulfilling once I achieved such thing.”

At the end, second runner up lang ang nasungkit ko. First runner up iyong babaeng first year ng special section at si Adi naman sa lalaki. At champion ang kanilang third year na pambato.

Olivia and Jairus.

I'm not that hurt na hindi ako nanalo. What do I expect for a first timer like me, right? Pagbaba ko sa stage sinalubong ako ni Lara, Mama, Papa at nagulat pa ako ng maging si Kuya ay nandoon.

“Congrats, Amarie! Ang galing mo do'n.” Ani Lara na nakayakap na sa akin. “Pak na pak ang sagot ‘e.”

Nakangiti naman si Papa, at si Mama as usual poker face na naman, kanina sa bahay habang inaayusan ako ang bait-bait niya. Naka-ngisi naman si Kuya.

Pero hindi hindi ko siya pinansin at pinagtuunan ng pansin si Mama. “Ma, are you disappointed of me?”

Pinalo niya ang braso ko.

“Gaga! Alam ko namang hindi ka mananalo, ang liit mo kaya.” Sabi niya na umani ng tawanan at tuksuhan. Yumakap naman sa akin si Papa na natatawa pa.

“Ang galing nang anak ko!”

“Thank you, Papa.”

Matapos ang picture taking hindi na ako nakapagpaalam kay Adi at sa mga kaklase ko hinila na kasi ako nila mama pauwi. Sa bahay matutulog si Lara kaya kasama rin namin siya. Si Kuya, may sariling condo kaya di namin siya kasama.

Naglinis lang ako ng katawan bago naghanda ng matulog. Si Lara busy pa sa kakatingin at kaka-upload nung mga pictures na nakuha niya kanina sa pageant. Dito siya sa kwarto ko matutulog. Panaka-naka ang hagikhik niya habang busy sa kakapindot at kakapanuod nang mga pictures.

Tinabihan ko siya sa kama at nakisilip na sa laptop.

“Ano ba yan?” Hinila ko ang comforter na nakabalot na lahat sa katawan niya.

“Here, look at these pictures...”

Ihinarap niya sa akin ang laptop. Nangunot ang noo ko, “Oh? Anong meron diyan?”

Ako lang naman iyon noong Q and A at noong nasa stage na lahat ng candidates kaya medyo my hagip na ibang contestant. Ini-zoom niya ang picture at inilagay sa iang partikular na bagay or I may say tao. Nanlaki ang mata ko sa nakita ipinakita pa niya sa akin ang ibang kuha niya at ganoon din doon.

In every picture, Jairus Patrick's eyes never leave me. His eyes only bore into me. Matiim siyang nakatingin sa akin.

Dapat creepy ang dating niyon sa akin but it was the opposite I feel special because of his stares.