Chapter 10: Kundisyon
YVONNE'S POV.
Humahagulhol ako habang nakaupo sa kama. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Si Ervin ay nakaupo lang sa harap ko habang may pagkamanyak na tinititigan ang mukha ko. Isang puting polo lamang ang suot ko. Nakabukas ang mga bitones niyon kaya't kita ang damit pang-loob ko. May pasa na rin ang gilid ng labi ko.
Pinilit kong tumakas kagabi pero nabigo ako nang magising siya. Isang malakas na pagsampal at pagsuntok ang tinamo ko sa kaniya. Dahil sa ingay ng pag-iyak ko, itinali niya ako sa kama at nilagyan ng busal ang bibig ko. Hindi tuloy ako makapagsalita. Gusto kong maghihiyaw pero ang baril niya, hawak na naman niya.
"Hindi ba ang sabi ko ay walang aalis? Bakit kasi ang kulit mo, honey? Alam mo namang ayaw kitang mawala sa buhay ko," may pagkabastos na sabi niya. Ang boses niya, nakakapandiri sa pandinig.
Ano ba kasing nangyayari kay Ervin? Hindi siya ganito dati. Ni minsan, hindi pa siya naging ganito.
"Kung sanang mabibigyan mo pa ako ng ikalawang pagkakataon... papakawalan na kita, e."
Animo'y paa ng tao niyang inilakad ang dalawang daliri niya paakyat sa hita ko. Lalong napasama ang timpla ng mukha ko sa ginawa niyang iyon.
"Pagbigyan mo na kasi ako," hiling niya kasunod ang paghalik niya sa hita ko habang ang tingin niya ay nakataas lang sa akin.
Napalunok ako at paulit-ulit na nag-isip.
Kung bibigyan ko siya ng ikalawang pagkakataon, makakawala ako rito. Kung hindi naman ay habang buhay niya na akong igagapos at gagawing parausan. Mas malaki pa ang tiyansa na barilin niya ako. Hinang-hina na rin ako at kailangan ko ring kumilos upang makakain at makapaglinis ng katawan. Duming-dumi na ako sa sarili ko.
"Honey, magdesisyon ka na. Naghihintay ako..." Patuloy niyang nilawayan ang hita ko bago ako umimik.
"Hmm... Hmm.."
"Bakit, honey? Tatanggalin ko na ba ang busal mo? Bibigyan mo na ba ako ng ikalawang pagkakataon?" excited niyang tanong at umayos nang pagkakaupo.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Good! Mahal na mahal mo talaga ako," tuwang-tuwa pa niyang sabi at tinanggal ang nakatakip sa bibig ko. Nakahinga ako nang maayos ng gawin niya iyon.
"Salamat, honey! Pangako, magbabagong buhay na ako," aniya ngunit hindi ako nagsalita.
Ayoko nang maniwala na magbabago na siya o hindi na siya magloloko. Kilala ko na si Ervin.
Habang tinatanggal niya ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko, nakayuko lang siyang nagsasalita.
"S-Sana mapatawad mo ako, honey, sa ginawa ko. Alam ko, sobrang brutal ko na para sa 'yo. Sorry, honey. Natukso lang talaga ako ni Sheila," aniya.
Nanatili akong walang kibo. Hindi ko nararamdaman ang sincerity ng sinasabi niya dahil sa mga ginawa at ipinakita niya sa akin.
"Mahal naman kita honey, e. Hindi mo lang talaga kayang punan ang lahat ng gusto at pangangailangan ko bilang isang lalaki at asawa."
Napataaas ako ng kilay.
Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Pero habang tumatagal, mas nakikilala kita at mas nakikita ko ang tunay na ikaw. Mahal kita, honey. Walang-wala si Sheila sa 'yo o kahit sino pang nakarelasyon ko noon. Sana hayaan mo akong iparamdam at patunayan sa 'yo ang pagmamahal at pagbabago ko," malungkot niyang sabi na hindi ko na lang pinansin sa huli.
Kung talagang mahal niya ako, hindi niya ako igagapos ng ganito.
"Sorry, ha?" Hinawakan niya ang pisngi ko pagkatapos niyang kalasin ang mga tali sa kamay at paa ko.
"Hm, teka? May gusto ka ba? Ipagluluto kita," suhestiyon niya pero hindi ako kumibo.
"Oh, sige." Gumuhit ang isang maliit at pilit na ngiti sa labi niya at saka tumayo. "Magluluto na lang ako kung ano'ng meron sa ref," dugtong niya.
Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko hanggang sa umalis siya.
Napayuko na lamang ako kasunod no'n ang pagtulo ng mga luha ko.
"Pa-iba-iba ang mood niya. Ang gulo niya. Para siyang may sayad sa utak," sunod-sunod kong bulong sa sarili ko bago ako bumuntong hininga.
Sige. Last na 'to. Kahit mukha na akong tanga at mukhang hindi marunong mag-isip, pagbibigyan kita. Durog na durog na ako pero sana, huwag mo na itong sayangin pa.
Ervin, huwag mong hintaying magising ako bago ka magbago.
Naligo at nagbihis ako. Inayos ko ang buong kwarto lalo na ang sarili ko. Nang humarap ako sa salamin, bigla kong naituro ang sarili ko.
Ang laki ng pasa ko sa mukha. Napansin ko na rin ang pangangayayat ko. Ang makakapal at maiitim na eyebags ko at ang mabigat na katawan ko. Sobrang pangit ko na. Kaya siguro naghahanap ng iba si Ervin dahil hindi na ako katulad ng dati na maganda. Mukhang may kasalanan din yata ako. Kailangan ayusin ko rin ang sarili ko. Parte lang siguro ng pag-aasawa ang pag-aaway. Wala namang perpektong relasyon, e. Malay mo naman ay umayos din kami. Bago ko tatapusin ang lahat, lalaban muna ako para sa aming dalawa at sa pinapangarap naming buhay mag-asawa. Kung hindi talaga kami ang para sa isa't isa, tatanggapin ko na lang. Pero bago ako susuko, pipiliin ko munang lumaban.
Sana ganoon ka rin, Ervin. Sana katulad ko, hanapin mo rin sa sarili mo kung ano'ng mali at pagkukulang mo. May karapatan ako para magalit, pero choice ko kung magpapalamon ako sa galit ko o hihinahon ako para maayos ang dapat ayusin. Mahirap kung puro galit na lang ang paiiralin ko pagkatapos ay ako ang mahuhulog sa sarili kong bangil sa huli. Ayokong lumala ang isang bagay na matagal nang malala tapos lalo ko pang pinapalala.
Tinapalan ko ng foundation ang pasa ko sa mukha. Naglagay ako ng kaunting make-up para maging presentable sa harap niya kahit galing kami sa malalang 'di pagkakaunawaan na muntik pang ikinalagay ng buhay ko sa peligro. Nagdamit ako nang maayos at saka tinitigan ang sarili ko sa salamin.
Much better.
"Honey?" narinig kong tawag ni Ervin mula sa labas ng kwarto. Kumakatok siya ngayon sa pinto.
Kahit na may kirot sa puso ko at malaking sama ng loob, pumikit at huminga ako nang malalim at saka siya pinagbuksan ng pinto.
"Honey, kakain na tay—"
Bigla siyang natigilan nang makita niya ako. Napayuko tuloy ako. Bigla akong nahiya. Nasa bahay na lang kasi ay nag-make-up pa ako. Paano ko ba naman hindi gagawin iyon, e, ang kapal ng eyebags ko, ang putla ng mga labi ko pagkatapos may malaki pa akong pasa sa mukha. Baka tuluyan niya na akong ipagpalit sa iba.
"Kain na tayo?" pagbasag ko sa katahimikan niya.
Ang awkward, e.
"O-Oo," aniya nang pautal-utal.
Tumango ako at nauna nang lumabas ng kwarto. Hindi ko na siya hinintay pa at lalong nagiging awkward ang paligid.
Nang kapwa kami makarating sa kusina, inasikaso niya ako. I-ni-offer niya ang upuan at saka naman ako umupo. Ipinagsandok niya ako ng kanin at nilagyan ng ulam ang plato ko. Umupo pa siya sa gilid ko at siya na ang naghalo ng pagkain ko pagkatapos ay sinubuan pa ako.
Kabisadong-kabisado ko na si Ervin sa tuwing bumabawi siya. Ganito ang palaging ginagawa niya sa tuwing may kasalanan siya. Aasikasuhin niya ako at i-be-baby. Pagkaraan naman ng ilang araw, balik na naman siya sa dating gawi.
Wala na lang akong kibo at palihim na bumubuntong hininga.
"Ano? Kumusta ang lasa? Masarap ba?" sunod-sunod na tanong niya.
Tumango lang ako at hindi naglabas ng kahit na ano'ng salita sa bibig ko.
"Good! Hm, honey? Gusto mong manood sa labas?"
Bahagya akong nagulat sa tanong niya pero umiling lang ako.
"Gano'n ba? E, ano'ng gusto mong gawin?" mausisang tanong niya.
"Nothing," maikling sagot ko at saka uminom ng tubig, "Okay na ako. Salamat sa pagkain." Tumayo ako pagkatapos kong magsalita.
Hindi ko naman siya narinig pa at nagpatuloy na lang ako sa paglakad paakyat sa kwarto namin.
Sa loob ng kwarto ay nagmukmok at umiyak ako nang tahimik. Yakap ko ang sariling unan nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko at nagpanggap na natutulog.
Maya maya ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang braso ko habang ako ay nakatalikod sa kaniya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko bago ko narinig ang mga katagang…
"Patawarin mo ako, honey..."