Chapter 4 At the park
Pagbalik ko ng room ay nakatayo si Kye sa hamba ng pintuan. Hindi ko sya kinibo at pumunta agad sa pwesto ko. Ayaw ko sa isang tao na may inililihim sakin.
I had trust issue.
Nagsimula na ang klase at maraming gagawin. Tinambakan ulit kami. Stress na naman leader namin nito. Hindi naman ako worried sa grade ko, medyo lang. Hindi ako naglalagay ng maraming effort sa isang bagay.
Because, it's not worth it.
Last time na nag effort ako ng sobra ay napunta lang yon sa wala. Pinaghirapan mo yong bagay nayon. Pinaglaanan mo ng maraming oras. Tapos, yung grade mo mas bumaba pa sa first grading.
‘’Yuna! Magpra-praktise na! Bakit ang tagal mong lumabas sa room!?’’ sigaw na tawag sakin ng leader namin.
Ayan na naman siya. Alam ko namang mahalaga sa kanya yung grades dahil ine-expect na sa kanya yon ng mga teachers at lahat ng tao na kilala siya. Mas mabuti pang nasa gitna ka lang.
Hindi mahina, hindi rin matalino. Just right. Iwas disappointment din.
‘’May ginawa lang saglit e!’’ sabi ko nang nasa labas na ako.
Sa labas kami ng room nagpra-praktis dahil magulo pag nasa loob. Pero nakakahiya lang dahil tanaw kami ng ibang grades and section.
‘’Pa-importante ka e, no? Pumunta kana sa partner mo,’’ sabi siya sabay irap sakin. May pagka silahis yan kaya ganyan.
Pumunta na ako sa tabi ni Tricio. Okay lang naman sa kaniya na ako ang partner niya. Pero pag sumasayaw kami mas nagmumukha pa siyang babae kaysa sakin.
Patuloy pa rin ang pag iwas ko ng tingin kay Kye na nasa gilid ko. Partner niya si Cj. Ayaw ko na muna siyang kausapin. Baka ano pa masabi ko na pagsisihan ko sa huli.
Todo ang praktise namin ngayon dahil malapit sa itong i-perform. At mas nakaka-kaba pa ay may judges. Teachers namin sa ibang subjects.
Matapos ang praktise ay uwian na. Last subject kasi ang Mapeh.
Kinuha kona ang bag ko at dali daling lumabas. Hinanap ng mga mata ko si Luca. Gusto kong mag gala muna kasama siya.
‘’Luca!’’ sigaw ko na ikinalingon niya.
Kumaway siya sa'kin at minadali nito ang paglagay ng mga gamit niya sa bag. Kawawa sila dahil last subject nila ay math.
‘’Yuna, anong ganap?’’ nakangiting tanong niya.
‘’Gala tayo,’’ aya ko sa kanya.
‘’Sige, basta libre mo.’’ sang ayon niya.
‘’Gagala lang tayo hindi mamimili.’’
‘’Baka magutom ako e.’’
‘’Kapal mo! May pera ka 'diba?’’
‘’Wala na. Naubos dahil sa binayaran ko sa leader namin kanina. Ang laki ba naman kung maningil. Parang pa print lang e.’’ naiinis na sabi niya.
‘’Okay, libre kona.’’ Kahit labag sa loob ko.
‘’Yun, bumabait ka ata ngayon. Goods yan.’’
‘’Tara na nga! Ang daldal mo!’’ sabay hila sa kaniya palabas ng school.
Hindi kona nilingon si Kye at umalis na kami. Malapit lang ang park sa school kaya nilakad lang namin yon.
Maganda sa lugar na'to dahil may mga street foods na nakahilera. May kung ano ano na tinda din sa gilid-gilid.
Bumili muna kami ng pagkain at umupo sa sa isang upuan do'n. Pagabi na kaya, nagsisimula nang mag silitawan ang mga makukulay na ilaw.
Sakto lang din ang lakas ng tugtog kaya ang sarap pakinggan. Natapos ang kanta at sumunod ang kantang A thousand years, na kanta rin sa sayaw namin.
Nilahad ni Luca ang kamay nya sa harap ko. Hindi ko alam ang gagawin sa kamay kaya hinampas ko yun.
‘’Sabi ko, ako muna ang partner mo. Pareho naman tayo ng sayaw kaya mag praktis tayo ng konti’’ sabi niya at pinatayo ako.
Nakakahiya pero gusto ko rin kasi mag praktise. Nagsimula na unang lyrics ng kanta kasabay non ang paggalaw namin.
We’re smoothly dancing. Nakatingin narin ang ibang tao na nandoon samin. May nakangiti, may nakasimangot, may mga nakakunot ang noo at merong na-mimicture.
Nakatingin lang kami sa isa’t isa nang nakangiti. Lilinawin ko lang ha. Wala akong gusto kay Luca. Pero espesyal na tao siya para sa akin. I love him because he is my friend.
"I'll love you for a thousand more…" sabay naming kanta at tumawa nang malakas.
Matapos naming sumayaw ay nag palakpakan ang mga tao. Putik, nakakahiya! I hate attention!
Natatawa lang si Luca sa reaksyon ko habang naglalakad kami pauwi. Naka-nguso ako ngayon dahil hindi ko nagawa ang purpose ko kung bakit ko siya inayang gumala.
Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa naputol na usapan namin kanina. Kaso nadala ako sa praktise namin kaya ayan, nakalimutan ko. Hindi ko rin masabi kung ano ang nasa isip ko dahil mukhang wala akong makukuhang matinong na sagot sa kanya.
Nahahalata ko, ayaw niyang pag usapan ang tungkol don.
Papasok na sana ako sa bahay ng magsalita siya sa likod ko.
‘’Ano man ang gumugulo sa isip mo ngayon, ay sana huwag mo munang masyadong isipin. One day, magugulat ka na lang na may sagot na lahat sa mga katanungan mo. Huwag mo nalang madaliin,’’ sabi nya.
‘’Bye, sleep well and sweet dreams, Yuna,’’ bulong niya sabay pasok sa bahay nila.
Nakakadismaya dahil wala siyang balak na sabihin sa'kin ang tungkol do'n.