Chapter 5 Baseball Bat
Days passed quickly. Ngayon na namin ipo-perform ang sayaw. We have 30 minutes left! At absent ang dalawa naming ka-grupo. Kita ko sa mukha ng leader namin ang frustration. Sino ba namang hindi?
‘’Okay, last practice tayo, guys. Bilisan nyo!’’ stress na saad niya.
‘’Hay nako! Ayan na naman siya,’’ bulong na reklamo sa'kin ni Tricio.
Wala si Kye at isa naming ka-grupo na lalaki. Kaya nag palitan na muna ang iba. Ewan ko kung saan napunta ang babaeng yun. Bahala siya d'yan wala siyang grade.
May ginawa na naman sigurong kabaliwan yun o baka katarantaduhan.
‘’Group 4 na daw ang susunod sabi ni Ma’am!’’ sigaw ng isa sa mga kaklase namin. Ayan ulit. Natriggerd na ulit leader namin.
Pumasok na kami sa room at nanood ng last na sasayaw bago kami. Dalawang tao lang yon. Marami kami sa isang grupo pero sila na lang siguro ang natira sa grupo nila. Hindi naki operate ang iba. I guess?
Nag palakpakan sila nang matapos yon. Kami na. Grabe ang kaba ko. Para akong nilagay sa ref sa sobrang lamig ng kamay ko.
‘’Ano ba yan, Yuna girl. Pasmado ka?’’ pang aasar sakin ni Tricio.
‘’Kabado lang, Bakla.’’ sabi ko.
‘’Me too, pero 'di ako pasmado.’’
‘’Huy ba! Sasayaw na tayo tapos nagdadaldalan pa kayo!?’’ sigaw samin ng leader.
Natawa na lang kami. Gago nga. Last na nga 'to at hindi na kami maiinis sa sobrang pagka-bossy nya.
Pli-nay na ang song at nagsimula narin kaming sumayaw. Nakita ko si Luca na nakadungaw mula sa labas ng bintana ng room namin. Parang tangang nakakunot ang noo habang kumakain ng mangga.
Medyo nawawala narin ang kaba ko. Tawang tawa kaming dalawa ni Tricio sa isa’t isa dahil sa ginagawa namin. Dapat daw kasi magkatitigan. Magkatitigan nga kami pero natatawa kaming pareho.
Natapos ang lahat sa isang palakpakan. Second kami sa napili. Magaling kasi ang nauna. Señorita ba naman ang sayawin. I love you when you call me senorita~
‘’Good job, nalang guys. Naging second tayo,’’ sabi ng lider namin na nakasimangot. Halatang dismayado dahil hindi kami ang first.
That’s the problem of being an honor student. Nakakapanghina sa kanila ang maging pangalawa. Though hindi ko nilalahat, may mga honor student na chill lang.
At dahil nakahinga na ako ng maluwag dahil successful ang performance namin. Pwera nalang sa leader namin na na de-depress na ngayon. Manlilibre ako ng matakaw ngayon.
‘’Sino ang second?’’ bungad agad sakin ni Luca pagkatapos kong magpalit ng damit.
‘’Bakit? pang ilan kayo ng ka-grupo mo?’’ tanong ko sakanya habang inaayos ang gamit para makauwi na.
‘’Syempre, first!’’ pagyayabang niya sakin.
‘’Happy ka? Edi wow!’’ sabi ko at lumabas ng room.
‘’Bitter yarn?’’ pang aasar niya sakin.
‘’Hindi.’’
‘’Hindi daw, pero parang naiinggit.’’
‘’Alam mo? Balak sana kitang ilibre dahil tapos na ang sayaw. Pero ngayon? Nagbago na isip ko. Hindi na kita ililibre!’’ sigaw ko sa kanya at nag marcha palabas ng school.
Tinawag ako nito pero hindi ako huminto sa paglalakad. Nakayuko ako dahil ayaw kong makita ng iba ang mukha ko na naiinis. Patuloy pa rin ang sigaw at paghabol niya sakin.
Nagulat nalang ako ng may nakabangga akong palito. Buto tumama sa akin at wala man lang ka laman laman. Itinaas ko ang paningin ko sa nakabunggo ko.
Putik! Akala ko hindi na sya nag aaral dito matapos ang election sa filipino club? Pero ayan sya sa harap ko tumatawa.
‘’Sorry, miss.’’ pigil na tawa niyang sabi. Nilahad nito ang kamay para tulungan akong tumayo. Kinuha ko naman yon.
‘’Such a palito.’’ bulong ko.
‘’Maka lait ka naman akala mo hindi ka mataba ah.’’ balik sa saad niya.
‘’Aba’t nang lalait ka? Magkaiba ang mataba sa malaman. Crush pa naman kita. Pero never mind.’’ sabi ko at pinagpag ang sarili ko.
‘’Anyari, Yuna?’’ sulpot ni Luca.
‘’Wala. May nakabangga lang akong palito.’’ sabi ko at umalis.
Tiningnan ko ng masama ang palito. Nakasimangot lang sya. I find it cute! Akala ko ekis na sya pero bakit ang cute niya?
Bumalik ako sa palito at hinarap siya sakin para magkaharap kami. May kinuha ako sa bulsa ko at binigay yon sa kanya.
‘’Sorry po.’’ sabay nilagay ang isang pack ng gummies sa kamay nya at tumakbo pa alis.
‘’Yuna! Ano yun ha!?’’ sigaw niya habang hinahabol ako.
Hindi ko mapigilang mamula dahil sa ginawa ko kanina. Nakakahiya! at the same time nakakakilig!
Huminto ako sa harap ng convenience store. Bumili ako ng dalawang magnum at isang pick a. Umupo ako sa upuan na may lamesa don at hinintay na makarating si Luca.
Nang dumating ito ay agad niyang kinain ang magnum. At pumunta sa ref, kumuha siya ng isang litrong royal. At binayaran niya sa counter.
‘’Tang*na mo, Yuna.’’ mura niya sakin habang hinihingal. At tsaka umupo sa katabing upuan.
‘’Ang cute pala ni Palito no?’’ lutang na sabi ko.
‘’Huh? Yung lalaking binigyan mo ng gummies na dapat sa bunso mong kapatid pero binigay mo don?" di makapaniwalang saad niya.
‘’Ay sh*t!’’ Mura ko nang maalala ang tungkol don.
‘’Oh ano na gagawin mo nyan? Mangako- ngako ka tapos hindi mo tutuparin? Anong klase kang Ate?’’ pang ngo-ngunsensya niya sakin.
‘’You are not helping, Luca!’’ sigaw ko sa kanya. Pero may ideyang pumasok sa isip ko. ‘’Unless, akin na lang ang sayo?’’
‘’Ano!? Hindi pwede! Akin to. Pinaghirapan ko to!’’ ani niya.
‘’Dali na! 10 pesos?’’ alok ko sa kanya. Pero umiling lang ito.
‘’50 pesos?’’
‘’Hindi padin.’’ pag tanggi niya.
‘’Fine, 150 pesos.’’ sabi ko.
‘’Okay, madali akong kausap.’’ sabi niya at kinuha sa bag niya ang gummy worm.
Nagpalitan na kami ng pera at gummies. Galing sa ibang bansa yon, kaya hindi ako makakabili ng ganon dito. Ibinigay samin yun ng Mapeh Teacher namin para sa mga nag participate sa sayaw.
Mukhang 150 naman ang kasama ko ngayon. Tuwang tuwa dahil naka budol siya.
Pauwi na kami at madilim na sa daan. Hindi naman problema ang madilim na langit dahil may mga poste ng ilaw sa dinadaanan namin. Busy lang uminom ng royal si Luca habang naglalakad.
‘’Paki-lunok narin ng bote, Luca.’’ sabi ko na naibuga nito ang iniinom niya kanina.
‘’Manahimik ka, Yuna. Ine-enjoy ko lang to.’’ sabay tungga ulit non.
Napairap nalang ako sa kawalan. Sa pag irap kong non ay nakita ko si Kye na nasa loob ng isang eskinita o baka namalik-mata lang ako? Nakatalikod ito pero alam kong sya yon. Para bang may kausap ito sa harap niya.
Tutungo na sana ako don nang bigla akong hilahin ni Luca. Nagtago kami sa isang puno. May mga kaedaran kasi naming naghahabulan ng mga baseball bat.
‘’Shhhh.’’ bulong nya sakin nang akma akong gumalaw.
‘’Anong nangyayari?’’ mahinang boses na sabi ko.
‘’Just keep quiet.’’ inis na sabi niya. Nauubos na ang pasensya niya.
Nanatili akong tahimik na nakamasid sa kumpulan ng mga tao. Napatingin ako sa relo ko. Alas diyes na. O baka mali ang relo ko? Lagot ako pag tama ang oras ng relo na'to.
Napatingin ulit ako sa kumpulan. Nagulat ako nang makita kong may hawak ng baseball bat si Kye. Hinampas niya yon sa isang lalaki na nakaluhod sa kalsada.
‘’Sh*t!’’ sigaw ko na kinaalarma nila maging si Luca.
‘’Sino yun? Tingnan nyo ang paligid at baka may nakakita!’’ rinig kong sigaw ni Kye.