Chapter 3 Secret

Kinabukasan ay mas nauna pang pumasok sa akin si Kye. Saan kaya 'to pumunta kahapon at hindi namin natuloy ang pag pra-praktis dahil kulang kami.

Sasayaw kami para sa Mapeh. We're dancing the cotillion.

''Hoy! Babaeta. Saan ka galing kahapon?'' sabay batok ko sa kanya.

''Aray! Pwede namang magtanong ng walang batok ah!'' sigaw niya.

''Saan nga?'' tanong ko.

''Sa... Ano. Sa bahay ni lola ko. Binisita ko lang,'' sabi nya habang 'di makatingin ng diretso sakin.

Okay. Tatanggapin ko na muna ang rason niya sa ngayon.

''So, makakapag praktis na tayo mamaya?''

''Oo, ayaw ko namang malawalan ng grade no.'' sabi niya.

Laging stress yung leader namin dahil sa sayaw na'yon. Bakit parang ang big deal non sa kaniya. Next week pa naman 'yon.

Pumasok na kami sa room nang mabuksan yon. Pati taga bukas ng room nali-late, eh nasa harap lang naman ng school ang bahay nila.

Nilagay ko na ang bag ko sa upuan ko at hinintay na makarating sa pwesto ko si Kye. Oras na para mag chikahan. Wala pa naman si Tricio kaya don muna uupo si Kye.

''Oh anong chika ngayon?'' tanong ko.

''Narinig kong may bagong student dito. At nasa kabilang section lang.'' sulpot ni Arra.

Present lagi yan sa mga balita sa buong school. I wonder kung kilala nya rin yung crush ko no'ng nasa filipino club kami.

''Oh, ano daw? Mabait or suplada? Maganda or alam mona.'' tanong ni Kye.

''Maganda siya, Matalino din daw sabi ng mga kaklase nila sa kabila. Silipin natin pag break time na.'' aya ni Arra sa amin.

''Ngayon na lang kaya.'' sabi ko.

''Good morning class. Go back to your proper seat.'' sabi ni Ma'am.

Pangit ng timing mo Ma'am. Tumawa lang sila Kye at pumunta sa pwesto nila. Kanina pa pala nandito si Tricio. Nakikipag chikahan din sa iba.

''Good morning, Ma'am!'' sabay-sabay naming bati ng mga kaklase ko.

Nagklase na at hindi mawawala ang kadaldalan ng katabi ko. Bakit ba naging katabi ko to? Nakatuon lang atensyon ko kay Ma'am at hindi pinapansin si Tricio. Kakadaldal ko lang kanina ah.

Dumating ang break time at dali-dali kaming lumabas sa room para silipin ang new student.

''Ayon siya sa katabi ni Althea,'' sabi ni Arra.

Sabay naming nilingon si Arra.

''Sino si Althea?'' sabay na tanong namin.

Pareho kaming transfer student at hindi pa namin kilala ang iba sa school. Tinuro nito ang nasa harap. Ang isang babae ay naka ponytail na si Althea daw. At ang katabi nitong maiksi ang buhok.

Bigla itong humarap sa kinaroroonan namin. Dali-dali kaming napatago.

Mapaghahalataan kaming chismosa nito eh!

Maganda siya, mapula ang labi at may maputing balat. Mukha siyang si snow white.

''Nakita nyo na? Ang putla no?'' sabay tawa ni Arra.

''Gaga mo, baliw!'' Sabi ni Kye sa kanya.

''Ang bilis mong manglait. Pero sabagay maputla naman talaga siya.'' sabi ko

"Isa karin e no?" sakramong saad ni Kiera.

''Teka, bakit pinagtatanggol mo yun? Dapat nakikisakay ka sa amin.'' reklamo ko.

''Ang sasama kasi ng mga ugali nyo.'' sabi niya.

Napasimangot kaming dalawa at iniwan siya. Bahala siya dyan. Nauna na kami sa cafeteria at kumain. Pagbalik namin sa room ay wala si Kye don. Pero may note at isang chocolate sa mesa namin.

Sorry for that kanina. May pupuntahan lang muna ako. Don't worry papasok ako mamayang hapon.

Yun ang nakasulat sa note. Tiningnan ko ang kay Arra. Pero sorry lang ang nakasulat do'n. Hindi 'yon nakita ng mga kaklase namin dahil may mga sariling mundo ang mga yan. Kami rin meron.

Saan na naman kaya pupunta yon? bulong ko.

Napapadalas ata ah. Nakakahata na'ko.

''Yuna, May kasama ka?'' tanong ni Luca at sinilip ang nasa likod ko. ''Buti naman wala. Tara na!'' sabay hila niya sakin.

''Bakit nandito tayo, Luca?'' tanong ko nang dalhin niya ako sa garden ng school. Ngayon lang ako nakapunta dito.

''Dito tayo kakain.'' sabay lapag niya ng mga baunan sa mesa. ''Pinadala 'to ni Mama kaya kainin mo yan. Kung hindi, isusumbong kita,'' banta niya.

Umupo ako at sabay kaming kumain. Tahimik lang ang bawat subo ko. Malalim ang iniisip ko ngayon at tanging pag nguya lang ang ingay mula sakin.

''Yuna, Kanina pa kita tinatanong!,'' sigaw ni Luca sakin.

''Huh? A-ano yun?'' tanong ko.

''Sabi ko, may problema ka ba?'' tanong niya. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya.

''What is it? Yuna?''

Napabuntong hininga ako at kumuha ng tubig. Matapos inumin 'yon ay humarap ako sa kanya.

''Si Kye kasi lagi na lang umalis sa room. Kung hindi nag cucutting, lumiliban sa klase.''

''Alam mo, Yuna. Kaya niya ang sarili nya, okay? Malay mo may importante lang na gagawin,'' sabi nito na ipinagtataka ko.

''You supposed to say is, 'Bayaan mo sya' or 'Pakialam ko d'on?'' sabi ko.

Napakamot ito ng batok.

''You know, Yuna. I realized that na sobrang gwapo ko pala,'' pag iiba niya ng usapan.

Hinampas ko ng kutsara sa ilong nya. Mag iiba lang din naman ng usapan dapat tungkol sa mukha niya? Kapal naman nito.

''Sinong nagsabing gwapo ka?'' tanong ko.

Ngumiti ito tinuro ang nasa dulo ng garden. Tiningnan ko yun at nakita ko ang mga kumpulan ng mga babae don. May mga banner pa na 'Ang gwapo mo, Luca!'

Napangiwi ako at tiningnan sya ng nandidiring tingin. ''Malabo ang mga mata nila, Luca. Tingnan mo mga nakasalamin.'' natatawang sabi ko.

''Akala mo ah, Ayon pa oh. Mga cheer dance ang mga yan,'' turo niya sa kabilang dako ng garden.

Ganun din ang set up nila. May mga banner na puros kasinungalingan lamang.

''Oh. Naniniwala kana na gwapo ako?'' sabi niya habang naglalakad kami pabalik ng room ko.

''Kapal ng pagmumukha mo, no? Sabagay wala namang manipis na mukha.''

''Diba sabi ko say-'' putol na sabi niya.

''Pero hindi mo pa sinasabi kung bakit parang ayos na kayong dalawa samantalang kahapon lang ay halos magpatayan na kayo?'' tanong ko.

Magsasalita na sana ito nang tumunog ang bell. Bakit ba bad timing na lang lagi?

''Sige na. Balik kana sa room nyo, Luca.'' sabi ko at naglakad na patungong pinto.

May sikreto silang hindi sinasabi sa'kin. Kung ayaw nilang sabihin. Edi ako nalang ang gagawa ng paraan para malaman 'yon.