Chapter 5 Shopping
ERA’S POV
“Hm? Why are you here?” Napaurong ako nang makita kong nasa akin ang atensyon nya habang hawak ang isang lata ng beer. Medyo namumula na ang mga mukha nya kahit
“M-Magbabanyo ako?”
“Tch. You’re bad at lying. You want some beer? Oh, you should not drink. Why are you still up?”
Lagok ng beer, sabay tingin sa’kin. Nang malalim. Mukhang inaantok na sya pero pinipigilan nya lang ang sarili nyang matulog.
“Hm. You can’t sleep. I see.”
“Ikaw, Sir? I-Inaantok ka na ata?”
Hindi ko mapigilang magkamot ng batok habang kausap sya. Ngayon palang na lasing sya hindi ko na sya makausap ng may lakas ng loob, pano pa kaya kung nasa wisyo na sya bukas?
“Nah. It’s my free time to be drunk. After all the conversations and discussions with everyone. I just missed being alone.”
Uhh. Okay. Ano bang dapat kong isagot don? Hindi ko alam eh.
Binalak kong umalis na dahil baka ayain nya ulit akong uminom. Puta, ayoko ngang nakikipag-inuman eh. Tapos si Sir pa ang kasama ko—
“AAHH!”
UGH! Buti nalang marunong akong lumangoy! Pano ba naman kasi hinatak nya ko sa pool! Tapos tinatawanan nya lang ako?
“Ano ba?! Alam mo Sir, feeling close ka!”
“Oh. I do?”
“Oo!”
Aba! Tinatawanan nya lang talaga ako! Nakakatawa yon? Nakakatawa? Ah! Nilalamig na tuloy ako. Nakakabwisit. Samantalang sya pafloating-floating lang.
“Era, wala sakin kung maging carefree ka sa harap ko. Alam kong mabigat ang nakapatong sa’yong responsibilidad, but I think it would be best if you forget it now.”
Forget? Bakit? Ganon lang ba kadaling kalimutan ang problema? Madali lang bang sabihin sa sarili mo na ‘Ah! May sasalo na sakin. Okay!’ Hindi ganun yon.
“Because I will now be the one to take care of that responsibility for you. Enjoy your youth, okay?”
Natigilan ako sa narinig ko. Nakatayo lang ako sa pool, nakatingin sa kanya na nakangiti. Iniisip ko lang, bakit ang bait nya? Ano bang ginawa ko sa kanya para maging ganyan sya sakin?
“Ano? Ang pogi ko diba?” Napalunok ako sa ngiti nya sa’kin. Oo, alam ng lahat yon, bakit ko ipagkakaila?
“Ha? Lasing ka na, Sir. Aahon na ‘ko.”
“Maligo ka agad para di ka sipunin. Mamaya na ko.”
Nagising ako ng mag-aalas otso ng umaga. May text pa sa cellphone ko. Galing kay mama.
‘Bumangon ka ng maaga. Gawan mo ng almusal ang professor mo.’
Hindi ko kailanman nasuway ang dalawa sa gusto nila. Pero ngayon parang ayaw ko na silang sundin.
“Good morning!”
Napatalon ako bigla. Wala na. Puta. Inunahan na nya ako. Pano ako magluluto kung meron nang nakahain sa mesa? Nagkakape pa sya sa harap ko. Tch.
“I thought you’d like a glass of milk. Here. Have breakfast with me.”
Tinubuan ako ng malaking hiya. Oops, Era. Isantabi mo muna ‘yang hiya mo. Nagugutom ka na ‘di ba?
Anong araw ba ngayon? Bakit ba nandito ‘to? Wala ba syang pasok? Kasi hindi ko kayang nandito sya kasama ko eh. Sobrang nahihiya ako sa kanya.
Saka, wala namang nakahalo sa pagkain diba? Pampatulog? Laxatives?
“Come on, you getting suspicious of me wouldn’t fill your tummy.”
Umupo nalang ako. Kumuha ng kanin at itlog. Kahit hindi ako nakatingin, aninag ng peripheral vision ko na nagmamasid lang sya sa’kin. Hindi ko gets kung bakit lagi syang nakangiti. Masyado syang passive at kalmado. Parang hindi ko yata kaya ‘yon.
“After that, we will head to a grocery store. Buy your necessities, toiletries and stuffs— “
“Sir, baka naman malugi ka sakin nyan?”
SUPERMARKET
“Oh. I like Mr. Chippy. Kuha mo nga ako ng dalawang malaking pack.”
Ugh. Alam ko na. Maid nya nga pala ako kaya ako ang tagatulak ng cart, ako rin ang tagakuha ng sinasabi nya. Sinusundan ko lang sya kung san sya pupunta.
“Kuha ka rin ng iyo, wag ka nang mahiya— “
Kumuha ako ng dalawang pack ng krimstick na ube pati na rin ang mamisong polvoron. Nginingisihan nya ‘ko kaya ‘di ko mapigilang mapasinghal.
“Are you a kid?”
“Bakit? Requirement na ba ang maging bata para kumain ng mamisong kendi?”
Tahimik sya nung binalik ko yung tanong eh. Kaya ayun, sya na ang nagtutulak. Nainis ata sakin. Hindi maipinta ang mukha. Kuha nalang ng kuha ng bibilhin. Eh bakit ba? Hindi sya malulugi sakin, gamit na gamit nga ako eh.
Nauwi kami sa Savory pagkatapos maggrocery. Nakalimang malalaking econo bag din kami. Sakin tatlo, sa kanya dalawa. Kanina nga lima yung bitbit ko eh. Buti nalang naawa sakin, kinuha nya yung econo bag na may mabibigat na laman.
“Ano pong order nila Sir?”
“Whole chicken and a fillet. Three bowls of fried rice. Drinks would be a pitcher of iced tea.”
“Dessert po Sir?”
“No, thanks.”
“Ulitin ko lang po, Sir. Bali isang whole ng chicken then fish fillet. Tapos three bowls of fried rice then isang pitchel po ng iced tea for dine in.”
Hindi manlang nya ako tinanong kung anong gusto ko?! Ganon ba ko kainvisible sa kanya?
“Why are you frowning like that?”
Eh kasi... ah. Nahihiya ako. Pero bat ba ko nakasimangot? ‘Di ba dapat sya yung mainis kasi sya yung gumastos sakin?
“Ano na— “
“Masakit lang po yung ulo ko, Sir.”
“Mas masakit ‘pag walang ulo.”
Ayan, ayan. Mas lalo akong nabwisit. Malapit na ata akong reglahin. Hindi alam basta lahat ng mapansin ko nakakairita.