Chapter 6 Misunderstood
ERA’S POV
“Mas masakit pag walang ulo.”
Ayan, ayan. Mas lalo akong nabwisit. Malapit na ata akong reglahin. Hindi alam basta lahat ng mapansin ko nakakairita.
“Joke! Hahaha! Eto naman, pinapatawa ka lang. Sige, let’s just take those out para makauwi na tayo. Miss!”
Sya na mismo ang naglagay sa compartment ng mga pinamili namin. Siguro dahil napansin nyang nakasimangot na ‘ko kaya bumabawi sya sa’kin sa pagiging gentleman. Gentleman, Tsk. Bwisit sya.
Magkakalahating oras na ata syang nagmamaneho. Naipit kami sa traffic kahit linggo ah. Hindi naman ako makaidlip kasi baka kausapin nya ko, nakakahiya naman.
“I know you’re wondering why we bought our groceries there. Two hours away from home. Isn’t it weird?”
“Bakit ng aba, Sir? Ang dami-daming grocery store doon.”
“I hate greeting someone. Especially students. And— you’re with me. What if they think beyond the line? Something malicious thoughts or such?”
Putangina, sumasakit na talaga yung ulo ko. Bakit naman ngayon pa? Nabati ba yung kanina? Joke lang yun! Argh, puta.
“A-Are you okay?!”
Napansin nya sigurong napapapikit ako habang hinihilot ang sentido ko. Masyado naman ‘tong OA. Ganito ba talaga sya?
“Iidlip lang po ako, Sir. Pwede po ba?”
“Y-Yeah! Isasandal ko ng konti yung upuan mo para makatulog ka nang maayos.”
Hindi naman ako nakatulog sa buong byahe eh. Pano ba naman kasi, ang ganda ng boses nya. Bakit ganon? Bakit lahat ng characteristic ng isang nabiyayaang tao nasa kanya? Bakit ako kahit leadership skills tagilid pa?
“Lamang lupa san mo ba ko dadalhin?” Ugh. Nakakabwiset naman. Kanta pa talaga ni Unique ang pinapakinggan ko sa kanya.
“Era, hey. Wake up.”
Naalimpungatan ako sa tapik sakin. Ang init ng kamay nya. Lalo ngayon at inaalalayan nya kong umupo mula sa pagkakahiga.
“Patayin mo yung aircon… ang lamig…”
“Have this soup first before you sleep again.”
Huh? May sakit ba ko? T-Teka?! Bakit iba na yung damit ko?!
“Y-Yung damit ko...?”
“Ah. I changed it. Pawis na pawis ka kagabi eh. You almost had a convulsion.”
A-ANO?! B-Bakit parang wala lang sa kanya ang mga sinabi nya?! Siguro marami na syang hinubaran na babae, ano?!
“Wala naman akong nakita. Bakit? Meron ba?”
Hindi ko napigilang batukan sya. Nanggigigil ako sa kanya! Bakit ako matatakot?! Edi isingko nya ko!
“Naririnig mo ba yung sinasabi mo?!” gigil kong tanong sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko sa galit!
“Oo? Hindi naman kita hinubaran ng under— AAH!! OUCH!”
“Masakit? Masakit ba?!”
“Nagpiring ako, okay! Eto pa nga yung ginamit kong panyo, oh! Bakit naman kita pagnanasahan? Baliw ka ba?”
Nahimasmasan ako sa narinig ko. Oo nga. Eto pa rin yung underwear ko. Tama, tama. Mukha naman syang sincere. Hinga, Era. Hinga. Kumalma ka. Wala naman dapat siguro akong ipag-alala, ‘di ba?
“S-Sorry.”
“Have this soup first. Papasok na ko— “
Unconsciously, nahawakan ko ang sleeves ng damit nya. Napapikit ako ng ilang beses, pilit pinifigure out sa sarili kung bakit ko ‘yon nagawa.
“Mag-a-undertime nalang ako para may kasama ka, ha? I’ll be here after lunch.”
“S-Sige…”
Inalalayan nya akong humiga at kinumutan bago sya umalis. Nahihilo ako, sa totoo lang. Pero sinubukan kong bumangon. Nahihiya ako. Dapat naglilinis ako ng bahay ngayon. Ano pang silbi ko sa kanya kung hindi ko gagampanan ang trabahong binigay ni Sir sa’kin?