Chapter 4 My New Home
ERA’S POV
“May bisita ata kayo, Era? May kotse sa tapat eh.”
Ahaha... Ang isa sa chismosa dumating na. Kumakati ang dila. Kailangan ata neto ng formalic acid. Alam ko meron kami sa stock room ng school eh. Ito na ba ang tamang oras para kumulimbat ng isang bote? Ipepreserve mo muna yung bibig nya para wala nang masasabi.
“Ah. May nadaan lang ho sigurong kotse. Nakiparada lang siguro dyan.”
Yan. Napakasafe na sagot. Hindi na siguro nya ‘ko kakalkin?
“Baka boypren mo yan? Nakita ko may kasama kang lalaki kanina eh— “
“Aling Puring, naikwento ko na ba ho sa inyo yung aninong sumusunod sakin kapag naglalakad ako sa eskinita nyo?”
“Diyos mio! Bata ka!”
Napairap nalang ako pagkaalis nya. Kung hindi lang matanda yun baka mas grabe pa dun ang sasabihin ko eh. Gusto ng mga matatanda na galangin sila, edi magbigay sila ng ugali na makakakuha ng respeto. Tanginang mindset yan, ganon lang kasimple ang bagay.
Biglang nagpop ang cellphone ko— ‘UMUWI KA NA DITO MAG-UUSAP TAYO.’
Badum tss! Ayan na! Nagtext na ang tatay ko! At nakacapslock pa!! AAAH!! Kakalbuhin na ba nya ako?!
Kinakabahan akong maglakad, na sa bawat hakbang ko lalo lang tumitindi ang kabog sa dibdib ko. Pero mas lalo akong natakot nang makita ko ang kapatid ko na kinukuha ang dalawang maleta galing sa compartment ng kotse ni Sir—
“Hoy! Anong ginagawa mo?!”
“Babye na! Pinapamigay ka na ni Papa! Sakin na Harvest Moon mo sa psp ah?”
“HA?!”
Wah. Nginusuan nya pa ‘ko para lang mang-asar. Grabe, bakit effective? Saka bakit naman ako papabayaan ni Papa sa puder ng prof ko? Hibang? Ganon?
“Pa?!”
“Sige na. Mag-impake ka na.”
“Ma?! Pati ikaw?!”
Pansin kong lumabas si Sir. Nakaramdam siguro na kumukulo na ang dugo ko kaya lumayas.
“Ma?! Ano ‘to? Bat ikaw na ang nag-iimpake ng gamit ko?!”
“Era. Mas may kinabukasan ka sa kanya. Saka makakatulong ka samin. Kailangan lang nating magtiis pare-pareho.”
May kinabukasan?! Binenta na nila ako kay Sir?! Ganon ba kayaman si Sir para bumili ng serbisyo ng isang tao?! Bumigay na agad sila?!
“Sundin mo nalang kami, Era. Ayaw din namin na magtrabaho ka, pero kakayanin nating magtiis. Kung dito ka lang sa bahay, hindi ka na namin mabibigyan ng pangtuition. Baon mo nga lang sa araw-araw hirap na hirap na kaming maghanap eh. Wala, anak. Wala na kaming ibang malapitan. Kaya imbis na magalit ka sa teacher mo, magpasalamat ka.”
Tahimik lang akong nakaupo sa passenger’s seat. Kumakain sya ng lollipop na binili pa sa chismosang tindera samin, nakikinig sa pop music, tinatapik ng kamay ang hita nyang sumasabay sa beat. Pinipilit kong hindi umiyak sa tabi ng presensya nya, pero kusang tumutulo. Kaya nakatingin lang ako sa bintana.
“I didn’t buy you, and they didn’t sell you to me. Stop contemplating things.”
Huminto kami sa tapat ng isang medyo malaking bahay. Bumukas ng kusa ang gate na parang de-remote. Pero hindi pa rin papatinag ang tulo ng luha ko.
Ayokong umalis ng kotse. Gusto kong mapag-isa. Pero ang pagtanggal nya ng seatbelt ko pati na rin ang luha ko ay isa sa mga katangian na nasa ideal man ko.
“Come on, I know it’s tough. Separation anxiety is tough but there are times that we must make rational decisions for us to go on.”
Isang ngiting nakakalusaw ang ipinamalas nya bago bumaba ng kotse. Akala ko iiwan nya ko pero pinagbuksan pala nya ako ng pinto. Sya na rin mismo ang kumuha ng maleta sa compartment.
Hindi naman separation anxiety ang issue dito, Sir. Hindi mo ba talaga naiisip kung anong problema? Bakit parang ang babaw nya mag-isip? O baka naman sarili nya lang ang iniisip nya?
“Alam kong pagod tayong parehas kaya bukas ka na mag-umpisa. Dadalhin nalang kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka.”
Sinundan ko lang sya. Wala ako sa wisyong naglalakad. Nauntog pa nga ako sa likod nya. Ah? Huminto na pala sya?
“Matulog ka muna. Wala ka namang pasok bukas kaya okay lang na wag ka munang mag-umpisa. Magpahinga ka nalang muna— “
“Gusto mo ba talaga ‘to?! Bakit sa lahat ng tao ako ang pinili mo?!”
“You’re just exhausted from what happened. I’ll go now— “
“Sabihin mo muna sakin! May malalim ‘to na dahilan! Hindi mo ‘ko pipiliin nang ganun-ganun lang!”
Alam kong padalos-dalos ako makipaghuntahan sa kanya, pero gusto ko talagang malaman kung bakit. Hindi pipilitin ng tao ang isang bagay sa kanya nang walang dahilan.
Sa pagbuntong-hininga at pagkakamot ng kilay, mukhang ayaw nyang sabihin sakin. Hindi, Era. Kahit hindi nya sabihin sayo, marami kang oras para magtanong. Iisa lang kayo ng bahay eh—
Puta... ano? Sya lang ang kasama ko dito?!
“Let’s call it a day, okay? We’re both exhausted. Or do you want me to sleep here with you— “
“Hi-Hindi! Dun ka! Wag ka dito!”
Ugh! Talagang inaasar nya ko! Sa sobrang inis ko, nabato ko nalang sa kanya yung unan. Baliw.
Humiga ako sa kama. Hmm. In fairness, ang lambot. Saka amoy fabcon. Wow, wala akong ma-say.
Pano na kaya ‘to bukas? Parehas kaming walang pasok. Edi nandito sya? Hala? Edi ang awkward non?
Naalimpungatan ako ng mga bandang ala-una ng madaling araw. Hindi man magandang tignan pero lumabas ako ng kwarto at inikot ang bahay. Malaki naman. Pero dalawa lang yung kwarto, magkatapat pa— Shit! Ibig sabihin nandun si Sir sa kwarto?
Halatang hindi maarte pagdating sa design ng bahay. Gray and black ang interior hindi katulad samin. Actually, sa sala lang ako natutulog. Kaya naninibago akong may sarili akong kwarto ngayon.
Pagdating sa gazebo, may pool. At bigla akong napaatras nang makita ko syang nakaupo sa gutter. Syempre natakot ako bigla. Pero kilala ko ang likod nya kaya alam kong sya yun. Umiinom sya ng beer.
“Hm? Why are you here?”