Chapter 10 Spit The Dummy
ERA’S POV
May mahigit isang lingo na rin siguro since nangyari ang, hindi ko alam kung matatawag ba ‘yong pagtatalo. Kahit na napansin kong parang nairita sya sa sinabi ko, tuloy pa rin ang pagiging maasikaso nya sa’kin. Minsan kasi sinisinat pa ‘ko. Simula nung tumira ako sa bahay nya, naging ganito na ang siste ng katawan ko.
At kasalukuyan nya akong hinahabol para uminom ng maligamgam na gatas. Naalala ko pa kung pa’no nya ‘ko pangaralan na ‘wag dumipende sa gamot kung kaya naman ng tubig, gatas, at pahinga. Pa’no nalang kung lactose intolerant ako? Edi nagkalat ako ng tae sa bahay nya? Tsk!
Mas maganda siguro kung lunurin ko nalang sya dito? Habang nililinis ko yung pool nya, hangga’t madumi pa. Pero, wait. Wala nang magpapasweldo sakin. ‘Wag na pala.
“Era!”
Ah, nakakabwiset talaga! Bakit ba napakapapansin nya? ‘Di, wag mo syang pansinin Era. Magsasawa din sya.
“Drink this milk first!”
Bahala ka dyan. Kala mo natutuwa ako sayo ah—
“Inumin mo muna ‘to.”
Muntik na kong malaglag sa pool! Nasa gilid ko na pala sya! Buti nalang natukod ko yung handle ng pool skimmer. Putangina talaga.
“Bakit ba ang kulit mo, Sir?! Ano ba?! Di na ko natutuwa, ah!”
“Don’t take any medicine yet when you’re in pain. Warm milk and water would do. And rest if you can. If these won’t suffice, then I’ll let you take proper remedy.”
Kinuha nya sa’kin ang hawak ko at pinalitan ng baso ng gatas. Naghihintay sya kaya no choice kundi inumin. Nakakabwiset. Ngumingisi pa sakin.
“Remember: you are just my maid. You have to obey me no matter what.”
Tsk! Ginulo pa talaga yung buhok ko! Nakakagigil na, ha?!
Alas tres ng hapon. Sinimulan kong punasan ang ibabaw ng mga gamit nya na maalikabok na. Naglampaso rin ako. Pero ang nakakabanas? May hawak na naman syang maligamgam na gatas, pinapainom na naman nya sakin. Punyeta talaga.
“Isa. Dalawa—“
“Eto na nga, iinumin na nga eh.”
Panlasa ko tuloy tubig na yung gatas. Kaya pala nya ‘ko pinakuha ng isang dosenang karton ng fresh milk nung naggrocery kami. Ah. ‘Yun pala ‘yun.
Nang makita kong lahat ng kailangang gawin ay tapos na, pumanhik na ko sa kwarto ko para magreview. May quiz kami bukas. At sa susunod na bukas. At sa pangatlong bukas. Araw-araw may quiz, putangina.
“Era.”
Ugh. Eto na naman sya, kumakatok sa pintuan ko. Oo nga pala, magluluto pa pala ako ng hapunan.
“Bakit Sir? Magluluto pa po ako ng hapunan.”
Iniwan ko sya na nakasandal sa pintuan habang ako, dire-diretso lang sa kusina. Ano bang meron sa ref nya? Baka? Uy, may broccoli rin.
“Hindi ka ba napapagod ipagsiksikan ang sarili mo sa mga ‘kaibigan’ mo? You know, a lot of things have happened inside their group without you knowing those events even a bit.”
“Sir. Ako nga na nakatira sa inyo pinagsisiksikan ko sarili ko eh. Napapagod ba ko?”
Tumahimik sya eh. Bakit nya papakielamanan ang social status ko kung sya nga walang ganun?
“I don’t like broccoli. Cook something else.”
Napakapit ako sa lababo sa lakas ng padyak nya paalis sa kusina. Hala?! Nagdadabog? Ano ‘to? Balik teenager? Ako nanay nya, ganon?
Wow. Ibang klase ka din, Sir. Hindi ko alam kung hindi nya alam kung pano makipag-usap nang hindi nananakit. Eh ayun pa naman yung pinakabasic na instruction kapag makikipag-usap ka sa hindi mo kaclose.
Anyway, kahit ayaw nya ng broccoli, ‘yun pa rin ang niluto ko. Hindi ata sya kumakain ng gulay. Yung nilaga nga nung nakaraan karne lang kinain nya eh.
Mag-aalas otso na ko natapos sa paghahain. Magrereview pa ko mamaya.
“Sir?”
Nakailang katok ako sa pinto nya. Puta! Muntik na kong mapaupo! Bigla ba namang binuksan yung pinto?!
Ang gulo ng buhok, nakatagilid ang suot na salamin at medyo nanliliit pa ang mga mata. Bagong gising. Tama nga ata ang kasabihang ‘Wag lokohin ang bagong gising’.
“What?!”
“K-Kakain... na?”
Mga ilang segundo syang nakatayo sa harap ko, hinahanap pa ata ang wisyo. Kaya tumingkayad ako para ayusin ang buhok at salamin nya.
“Kain na? Hehe...”
Aba, aba. Nilampasan lang ako ng puta.
“’Di ba sabi ko magluto ka ng iba—“
“Bakit ka pa bumili ng mga gulay kung hindi naman pala lulutuin? Ano, display lang? Saka, kumain ka nga ng gulay! Ako lang kumain ng gulay sa nilaga eh.”
“Tsk. You sound like my mother.”
Puro strips lang ng baka ang kinuha nya. Ah. Ganyanan pala, ah.