Chapter 9 Not Best Pleased

MIKHAIL’S POV

“Sigurado po ba kayong magko-commute nalang kayo? Pwede ko naman po kayong ihatid—”

“Naku, Mikmik. ‘Wag na. Hindi naman ganong kalayo ‘to sa’min. Magsasayang ka pa ng gas. Salamat, Mik, ha? Pasensya ka na.”

“Hindi po, Tita. Your family has done everything you could for us to survive. Now is the time to do the same. Malaki po ang utang na loob namin sa inyo ni Tito Ben, gusto ko lang pong makabawi, also on behalf of my parents. Hehe!”

“Ikaw talagang bata ka, sige na! Mauuna na ‘ko!”

“Ingat po kayo!”

Hindi mabura sa mukha ko ang ngiti habang papunta ulit sa kwarto ni Era. She’s deeply asleep at nahawa na ko sa kanya. It’s past midnight at hindi ko na namalayang nakatulog ako sa gilid ng higaan nya. Nagising nalang ako kasi parang may nakatingin sakin.

Ayun nga. Nakasandal nga sya sa pinto ng kwarto nya, may hawak na sandok habang nakatingin sakin. Oh. It’s already afternoon. I think I was exhausted yesterday. And her mom suddenly paying a visit without her knowledge… nah. Hindi ko na siguro dapat ipaalam sa kanya ‘yon. She would be furious, baka magkabukol ako nang wala sa oras.

“You know how to wake a person up, eh?”

“Kain na. Nagluto ako.”

Nag-inat muna ako bago tumayo at sundan sya. “What did you cook? You did not wake me up in the morning?” tanong ko. Ugh. Ang sakit ng likod ko.

“Nilaga,” she flatly replied. Hindi nya rin ako sinagot nang maayos. Psh. Why is she grumpy?

“Wow, may tyaga kasi ako.” Natawa nalang ako bigla sa paglukot ng mukha nya sakin. She’s easily irritated, goodness!

Pumipikit-pikit ang mga mata ko habang sinusundan sya papunta sa dining room. Ah, teka, “Ininom mo ba na yung gatas? Kinain mo rin yung ginawa kong soup? Baka mabinat ka nyan? Kumikilos ka agad—"

“Sir. Thank you sa pag-aalala. Pero wala ka na sa linya mo.”

Umupo agad ako sa mesa. Shit, ngayon nalang ulit ako kakain ng luto. Mostly kasi, bumibili lang ako sa karinderya o convenience store kaya medyo purga ang tyan ko sa carcinogen.

“What do you mean ‘wala sa linya’? I was doing everything—”

“Sir. Di mo ba nagegets? Hindi mo na problema kung magkasakit ako. Hindi mo na problema kung magutom ako, kung mauhaw ako. Malaki na ko, Sir. At nakakahiyang aminin na didepende na ko sayo magmula ngayon.”

Ano bang kinagagalit nya? Concern lang naman ako sa kanya kaya ko ‘yon ginagawa? May iba pa bang dahilan bukod gusto ko sya at nag-aalala ako para sa kapakanan nya? Wala naman, ‘di ba? Saka hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ‘yon. Parehas kaming magpapanic, sa nakikita ko.

“Sir, please lang ha. Baka pwedeng ‘wag mo ‘kong kausapin ‘pag nasa school tayo? Ayokong mahalata nila—"

“Ayoko nga. Ba’t kita susundin?” My, my, my. I don’t know what’s running on that sick mind of hers but… I think I’m getting offended by her attitude. And my brows start to narrow as I get annoyed. She’s getting out of hand.

Era rolled her eyes, just like how witches do their magics, “Sir naman—"

“You still haven’t accepted the fact that you’re under my care. You’re still struggling to capture the truth. Era, you’re already defeated. You’re already here in my house.”

Tumaas ang kilay nya sa narinig sakin. What? Did I say something wrong? Was she offended?

“Defeated?! Ano ba ‘to, Sir? Competition? Eh ano ka? Winner, ganon?! Pinabayaan na nila ako sa’yo, Sir! Hindi ba tumatakbo sa isip mo kung bakit sila pumayag sa kagaguhan mo? O baka naman nag-advance payment ka para pumayag sila—”

“ERA!”

Bumibilis ang paghinga ko, nararamdaman ko. Hindi ko na napigilang sumigaw. If her parents heard what’s running on her mouth, they’d be disappointed. Masasaktan sila, sa totoo lang. Napahilot nalang ako ng sentido para maibsan ang sakit ng ulo ko. Hinga, Mikhail. Habaan mo ang pasensya mo.

“Yeah, I get your fragile point. But still, you are my responsibility. Stop being high and mighty. It won’t help you get better.”

She gnarled and walked away. Wow. I bet she doesn’t still accept the fact that I am now her boss. Bon appétit, Mik.