Chapter 11 Taste of My Own Medicine

ERA’S POV

“You sound like my mother.”

Puro strips lang ng baka ang kinuha nya. Ah. Ganyanan pala, ah. Siguro ang romantic tignan kapag nilalagyan mo ang isang tao ng pagkain sa plato nila? Pero hindi ganon ang naging setup namin. Ang sama nya tumingin!

“What the hell are you doing?”

“Pinapainom mo ‘ko ng gatas oras-oras. Edi kumain ka din ng broccoli. Ang sarap-sarap neto—“

“Era. I’m not in a mood for jokes,” bigla syang tumayo at pabagsak na binaba ang kubyertos na hawak nya, “Wala pa ‘kong gana. Mauna ka nang kumain.”

Hala ka. Nagwalk-out? Edi don’t. ‘Di naman ako magugutom. Bleh.

Kinaumagahan, nagluto muna ako ng agahan bago mag-ayos ng sarili. Ang alam ko, ako ang mauunang pumasok eh. Saka dinikit ko sa ref yung schedule ko para alam nya. Kaya lang ‘yung kanya hindi ko pa alam.

“Sir? Aalis na po ako.”

Hindi sumasagot. Baka tulog pa? Hindi rin nya ginalaw yung ulam kagabi. Wow, patigasan pala tayo dito. Sige tignan natin kung sinong mananalo.

Pumasok ako sa room nang gutom at nanlalata. Dapat pala kumain muna ako. Wrong move tayo, Era.

Pagkababang-pagkababa ko palang sa bag ko, biglang may pumasok na matangkad na lalaki, “One seat apart.”

Hala, shit! Prof ko pala sya ngayon?! One seat apart?! Ano?! May quiz?! Halos lahat kami nagtitinginan dahil wala naman syang sinabing meron nga!

Naglakas-loob akong magtaas ng kamay at tumango sya sa’kin. Shet, nakakatakot yung tingin nya! “S-Sir? May quiz po? ‘Di ba hindi pa po tapos yung discussion— “

“Yeah. After the quiz, I’ll continue our discussion. For now, the items of the quiz will be thirty.”

Napasinghal nalang ako. Pota. Bakit ka naman ganito? Ginagantihan mo ba ko?! Dinamay mo pa sila?!

Nakasimangot ako sa buong quiz. Pano ba naman kasi puro Haworth projections yung sinulat nya! Tapos identify kung anong monosaccharide yon, eh hindi pa nga nya tinuturo to eh! Nakakabwiset talaga!

“Stop writing. Pass your papers forward.”

At ang gago, nakangisi pa habang isa-isang tinitignan yung papel namin. Ano bang isasagot namin don?!

“Guys, I’ll remind you. Read your books. I do not require you to buy one but pdfs are available. Your answers make me wanna gouge my eyes out and wash it. These are not answers. Guesswork.”

Aba! Tumingin pa sakin ang kupal.

Hindi ko alam, pero kinuha ko nalang ang bag ko at sinukbit sa balikat ko, saka umalis ng room. Ang init ng pisnge ko. Bakit kaya ako ganito? Okay lang naman sigurong magcutting, ano? May libro naman ako, may library naman. Hehe, bahala ka dyan Sir.

“Era!”

Hm. Si Franz. Himala. Hinahabol ata nya ako.

“Bakit?”

“Anong bakit?”

“Gago ka ba? Ako nagtatanong ibabalik mo sakin? Bahala ka na nga, nabubwisit na ko.”

Baliw, amputa. Pero mas nabaliw ako nang higitin nya ang braso ko palapit sa kanya. Wow. Hindi ata si Franz ‘tong nasa harap ko.

“Francisco dela Fuente, kailangan mo ba ng autograph ko?”

“Pinupuntirya ka ni Sir. Mag-iingat ka,” sabay bitaw nya sa’kin. Sa sinabi nya tumaas ang balahibo ko. Kasi parang totoo. Ano ba to? Bakit ang weird naman?

Since wala na ‘kong pangalawang subject, minabuti ko nalang na umuwi at maglinis ng bahay— kahit wala naman akong lilinisin. Yung niluto kong ulam kagabi ang tinapon ko. Napanis eh.

Ganun ba talaga ‘pag mayayaman?

Naalimpungatan ako sa kaluskos sa sala. Nakabukas na ang ilaw. Nakita ko rin sa bintana ang kotse nyang matte black. Nandyan na si Sir.

“Sir? Kakain po ba kayo? Iinit ko po yung ulam— “

“Nevermind that. I’ll sleep now.”

Kalampag ng pinto nya ang nagpatigil sa pagtatanong ko. Naiinis na ko ha. Naiiyak na ko sa inis.

Pumunta ako sa kwarto nya. Tahimik. Pero hindi ko na talaga kayang tumahimik.

“Sir. Mag-usap nga tayo—"

“I’m tired. Go to sleep now.”