EPILOGUE 02:

IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV PART 02:

Sa daming tao sa mundo na pwedeng gawing secretary ay ex ko pa talaga, mapaglaro nga naman ang tadhana.

"Really? Meant to be kayo kung ganun Ignacio, ayeehh" pang-aasar ni Shemaia sa akin habang sinusundot ng daliri niya ang gilid ng bewang ko. Kaya matalim ang ipinukol ko na tingin sa kanya pero ang isang 'to, hinampas lang ako. Ang hilig nitong manghampas.

Binisita ko ang fake ko na kapatid na ito sa Manila dahil sa ilang araw ng walang paramdam at ang sabi nagbabakasyon lang. Bakasyon my ass, tapos maya-maya ako na naman kukulitin ni mommy na hindi ko na pinuntahan at binisita itong kapatid ko raw.

"Sa tingin ko kayo talaga ang itinadhana na dalawa kapatid kaya ihanda mo na at ilabas ang mga kayamanan mo sa isang magarbong kasalan. Okay!" umirap ako at nakita niya yun kaya panay tawa ni Shemaia. Kung ito ang inaasar, ang lakas ng toyo.

"Sorry boss!" Hingi niya ng tawad pero bakit ako naiinis sa tinawag niya sa akin. Why Gomeza?

"Next time, do your job properly. Nauubos ang oras ko sa biyahe." sabi ko dahil ibang meeting place ang sinabi niya sa akin kanina, yun pala nasa southbound hindi papuntang north. Okay lang sana kasama ko siya kahit hindi na ako dadalo sa business meeting na yan at naglilibot na lang kami sa buong Talisay Cebu. Pabor yun sa akin.

Really Ignacio? Wala na ngang kayo. Fuck this heart!

"May alam ako… may alam ako… " hindi ko alam kung ano ang drama nitong si mommy. Kanina pa siya nasisiyahan simula ng dumating ako sa bahay.

May condominium naman akong tinutulugan pero napapunta ako ngayon dito dahil inaanyayahan ako ni mommy na mag dinner.

"Kanina pa po kayo sa kakanta niyang may alam ako. Sino ba ang singer na yan at yan lang ang alam mo na lyrics mom?" Shit! Nakatikim pa ako ng isang batok sa ina ko.

"Ikaw talaga na bata ka, pilosopo mo. Wala ka kasing alam kaya manahimik kang sperm cell ka! " see. Saan na kaya napunta ang espiritu ni mommy at parang hindi na siya ito. Nahawaan na yata ito ni Shemaia na moody.

Pagkarating ko sa office ay naabutan ko na wala si Mrs Gomeza pero sabi ng guard na nasa loob na daw ng building hanggang nalaman ko na nakipagkita pala si mommy sa kanya. Hindi ko na inalam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa, I know for sure it's all about her salary and works.

Tapos ito ako, nagseselos agad-agad sa ka officemate niya.

Hindi niya itinanggi na may anak na siya, so meron na nga. Sino kaya ang naging asawa niya? Yung schoolmate namin na nakahalikan niya o si Jackson na kaibigan niya? Bakit hinahayaan lang siya ng kanyang asawa na pumunta si Mica sa mga bar para magliwaliw.

Kung ako niyan ay talagang igagapos na lang kita sa kama at oras-oras ko siyang pasayahin kaysa pumunta sa ganyang mga lugar. tsk.

Wala na kami pero bakit nagagalit pa rin ako kapag nakikita siya na iba ang kasama?

Pero hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko na marinig ko isang gabi, mismo sa bunganga niya na single mom siya. Heck that kung single mom siya, wala akong pakialam at tatanggapin ko pa rin siya na buo.

I took her again and again and again. Alam ko na namimiss namin ang isa't-isa. Ilang beses na may nangyari sa amin pero paggising ko ay bigla na lang akong napamura na wala na siya sa kama at kahit saang sulok sulukan man dito sa condo ko ay wala talaga siya. Tanging underwear na black niya lang ang naiwan sa gilid ng sofa. So umalis siya na walang underwear? Shit Mica!

Makulimlim na naman ang panahon, umulan na na ilang araw at ngayon, nautusan na naman ako ni mommy na pumunta sa school na kung saan nagdo donate ang pamilya ko. Pwede naman niya na utusan ang tauhan niya para ibigay ang cheque pero laging ako ang gustong pumunta at kahit ano ang sinabi ni mommy ay sinunod ko naman. Mabuti at hindi naman malayo ang lugar na puntahan ko.

"Maraming salamat iho. Pakisabi sa nanay mo na maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay niya sa paaralang ito." Tumango ako at ngumiti sa principal.

Wala na akong gagawin kaya nagpaalam na ako sa kanya. Habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan ay may nakita ako na guro na nataranta.

"Tulong!" Nilapitan ko ito dahil wala namang pumunta para tulungan siya.

"What happened?" Tanong ko.

Pagkasabi niya na may lagnat ang isa sa mga estudyante niya ay agad akong pumunta pero ganun na lang ang pagkakunot ng noo ko na mapatanto kung sino ang bata na nakikita ko. No way.

"What is his last name?"

"Gomeza po sir."

"His mother's name? "

"Uhmm, ano po Michaella Gomeza po!" Fuck! This is my son. I knew it. His nose, his eyes. He's my born copy.

Why do you do this to me Mica, why?

Dali-dali ko siyang dinala sa hospital, naawa ako sa kalagayan ng anak ko. Nanginginig ako na buhat-buhat siya. Dinala ko siya sa malapit na private hospital.

Hanggang nalaman ko na ang lahat na anak ko talaga si Saul. My son, Louis Saul. Hindi ko alam kung paano ko nabuntis si Mica. I used protection everytime we made loved and then malalaman ko na lang na may anak kaming dalawa at inilihim niya ito sa akin.

Kahit itanong ko sa kanya kung paano nangyari ay nauuwi lang ito sa away. Ayokong naman na pilitin ko siya na sagutin ako kaya umaasa pa rin ako na sabihin niya sa akin ang totoo.

Alam ko na, simula na may nangyari sa amin sa condo ay wala akong ginamit ni isang panlaban para hindi siya mabuntis. Kung hindi siya umiinom ng gamot ayon sa sinabi ng ibang kaibigan ko ay for sure mabubuntis ko siya at tama nga ang hula ko nung dinala ko siya sa doctor and fuck how happy I am knowing na magiging isang ama na ako, knowing na matagal ko ng pinangarap sa isang babae lamang at walang iba kundi si Mica and God answered my prayer. She came back to me.

"Please ilang days lang naman tayo sa Maynila at tingnan mo lang yung next projects na ipapatayo natin na building and malls." pangungulit ni Eula.

May ginawa siyang masama kay Mica dati pero dahil may connection ang mga business ng pamilya namin kaya hanggang ngayon pinapansin ko pa rin siya. Pero hindi ko pa rin siya napapatawad.

Kung mag kasama man kami ay akala ng iba na may something kaming dalawa kahit ang totoo niyan ay wala naman talaga kaya hinayaan ko na lang, dahil alam ko sa sarili ko na wala talaga. May mag-ina na ako at kung may gusto man akong pakasalan ay si Mica yun at ang magiging anak namin at si Saul ang magkasama. Walang ibang makikihati.

Pagkarating ng Maynila ay pinuntahan ko agad ang last projects na gustong ipatayo ni Eula. Pero may nakalap ako na balita na pure illegal business ang itatayo niya dito at hindi normal na business. Kaya I declined the offer. She was upset of course and I explained it to her about my opinion and she said she understood. I hope so.

Inaasikaso ko na ang mga dadalhin ko sa pag-uwi dahil namimiss ko na ang mag-iina ko, but Eula invited me sa isang party. Bilang kakilala ng pamilya niya kaya pumunta ako. Everything was fine until when I drank my last wine and I felt something unusual. Something weird about my body. At that moment I knew, someone put something into my drink.

Nahilo ako at bumagsak sa sahig. Nagising ako sa madilim na kwarto. What happened? Bakit hubo't-hubad ako? Dali-dali akong bumangon at nagbihis, kinapa ko ang cellphone ko pero wala na. Shit? Anong nangyari?

Alam ko na kagagawan ito ni Eula because I saw her na natutuwa sa nangyari sa akin a while ago na hilong-hilo. Kailangan kong makatakas dito at baka ano pa ang gagawin n'ya sa pamilya ko. Hindi naman ako nakatali and I thank God about that.

May narinig ako na pinihit ang siradora kaya agad akong nagtago sa likod ng pintuan and the moment na may pumasok ay agad ko siyang sinuntok at timing na out of balance at hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya siya nawalan ng malay.

Kinuha ko ang baril sa kanya. Ano itong pinadalhan niya sa akin? Hotel? Or what? Wala na akong pakialam ang tanging iniisip ko na lang na makaligtas ako dito at makauwi sa mga mahal ko.

Tama ang investigator ko na may ginagawang hindi maganda si Eula. May plano siya na pabagsakin ang negosyo namin.

Nagmamadali agad akong umuwi sa bahay namin sa Maynila. Pagkarating sa bahay ay wala na akong oras kung ano man ang sasabihin ng mga tao doon. Kinuha ko ang isang cellphone ko sa kwarto at may nakita ako na tawag.

Mas lalong napasabunot na lang ako sa buhok ko sa mga nababasa ko na may nangyaring masama sa mga magulang ko sa ibang bansa, ayon sa mga bodyguard na nagbabantay na may humarang sa mga magulang ko na black na sasakyan at pinaulanan sila ng putok ng baril. Naging alerto naman ang bodyguard ko at agad nilang nahuli ang mga salarin.

May tama ng bala sa balikat si daddy na para sana kay mommy pero hinarang ni dad ang katawan niya kaya siya ang tinamaan. Gusto ko sana silang puntahan na may natanggap naman ako na text galing kay Keville na kinidnap ang anak ko at nasa ospital ang ate niya.

Bigla akong nanghina.

Kaya habang nasa private chopper na pinahiram sa akin ng kaibigan para makabalik agad sa Cebu ay nakausap ko si mommy at naiintindihan niya ako, mas kailangan din ako ngayon ng anak at asawa ko.

Nagpadala na rin ako ng mga tauhan para masiguro na ligtas ang mga magulang ko, dahil baka sa mga oras na ito ay hinahanap din sila ng ibang may galit kay daddy dahil sa negosyo.

Pero sa ngayon, uunahin ko muna ang malapit lang dito sa Maynila. Lalo na si Saul, kailangan kong mailigtas ang anak ko, hindi ko yata kaya na mawala siya sa amin lalo at ngayon lang kami nagkita.

Si Mica, kumusta na kaya siya? Hindi niya nasagot ang tawag ko, marahil lowbat o nakasilent kaya hindi niya alam na tumatawag ako o natutulog dahil mahimatay daw ito.

"Anong balita?" tanong ko sa kakilala ko na pulis para tumulong sa paghahanap ng anak ko.

"May abandonadong sasakyan kaming nakita sir dito sa masukal na lugar. Hindi na madadaanan ng cctv kaya nahihirapan na ma trace kung saan nila dinala ang kinidnap. May nakita kami na bag at confirm po na sa anak niyo po ito basi sa mga nakasulat na pangalan."

"Pakibilis-bilisan na lang ang paghahanap, salamat." Iyon lang ang sinabi ko at pinatay ko na ang tawag. Mahirap kasi sa lugar namin dahil halos walang cctv kaya wala silang makita agad na ebidensya.

Ang tanga ko kasi hindi ko man lang na bigyan ng bodyguard ang anak ko at si Mica, sobrang kampante ko na walang gagawa sa kanila ng ganito.

Meron sa mga magulang ko na nagbabantay sa kanila without their knowledge dahil minsan na din silang nakatanggap ng death threat dahil sa may inggit sa negosyo ng pamilya ko at kumuha narin talaga ako ng bodyguard para sa kanila simula noong naaksidente si mommy sa banyo, pero hindi nila alam dahil alam ko na hindi sila papayag na may nakabantay sa kanila. Kaya bantay-sarado ang mga bodyguard ko sa kanila sa malayo.

Pagkarating sa ospital ay agad akong pumunta kung nasaan ang kwarto ng mahal ko. Wala na akong pakialam sa itsura ko, gusto ko lang talagang makita ang mahal ko lalo ngayon na buntis siya.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila lalo na kay Saul na nasa kamay ng mga armado, kung may gagawin man sila sa anak ko ay hinding-hindi ko sila mapapatawad.

Papatayin at papatayin ko sila ng paulit-ulit.

Pero hindi ko inaasahan ang lahat sa pagpasok ko sa loob, wala akong pakialam kung nakatikim man ako ng suntok galing sa ama ni Mica ang hindi ko lang matanggap ay galit na nakikita ko sa mga mata ng mahal ko.

"Please! Ibalik niyo lang sa akin ang anak ko, hindi ko kayo guguluhin ni Eula, pangako. Ibalik niyo lang talaga siya sa akin, Ignacio please ang baby ko!" Pagmamakaawa niya. Hindi ko alam kong ano ang pinagsasabi ng mahal ko. Ang masakit sa lahat ay kaya niya akong ipamigay sa iba. Ayaw niya na sa akin at ako ang sinisisi niya sa nangyari sa anak namin.

Ako rin ang sinisisi ng mahal ko kung bakit niya itinago si Saul sa akin ilang taon na ang nakaraan, na hindi niya ipinaalam sa akin. Wala akong kaalam-alam kung ano man ang nangyari dati after graduation, pero lahat ng ito isa lang ang sigurado, si Eula ang may gawa. Siya lang ang may pakana at pati ang pamilya ko at ang anak ko ay dinamay niya pa.

Nahihibang na ba siya? Bakit nagawa niya ito sa pamilya ko at sa pamilya ni Mica? Sino ka ba talaga Eula Solano?

Hinding-hindi talaga kita mapapatawad, ang dami mong kasinungalingan na ginawa at higit sa lahat sa anak ko. Sising-sisi ako na binigyan ko siya ng pagkakataon na sumama ang anak ko sa kanya dahil naman pala may gagawin siyang hindi maganda at gusto lang kunin ang loob ng anak ko.

Lahat naka plano at pati mga magulang ko ay dinamay niya.

"Umalis ka sa paningin ko. Ayaw kitang makita kahit kailan." may diin na sabi ni Mica. Hindi… hindi ito gagawin ng mahal ko.. pero pinagtabuyan na ako ng mahal ko. Sobrang sakit na marinig ko ang mga kataga na galing mismo sa kanya.

Nilapitan ako ni mama, "umalis ka muna kahit diyan ka lang sa labas maghintay, buntis ang kasintahan mo kaya intindihin mo muna. Ilang beses na siyang dinudugo at baka maulit at hindi na kumakapit ang anak niyo kaya pagbigyan mo muna sa ngayon." mahinang sabi ni mama.

Tumango ako dahil sa sinabi niya, kahit gusto ko lang samahan si Mica. Binalingan ko siya at baka sakali na pigilan niya akong lumabas pero hindi nangyari at nakatuon lang ang mga mata niya sa cellphone.

Pagkalabas ko ng room ay agad kung tinawagan ang mga kakilala ko para matulungan nila ako.

"Tinawagan ko na si Jaymark at sa palagay ko gumagawa na sila ng action. Hintayin mo na lang ang go signal nila, pare." sambit ni Devi Valentino pagkalabas niya ng room kung nasaan naroon ang asawa niya at kausap ang mahal ko.

"Thanks bud!"

"No problem, noong panahon na nagkaproblema din ako dahil sa nangyari sa asawa ko. Nandiyan ka parati sa tabi niya kaya thank you and anytime pwede mo rin akong tawagan kapag may kailangan ka." Tumango ako.

"Yeah," ani ko. May tumawag sa phone ko at si Jaymark ito. Pumunta muna ako kay papa sa presinto at kinausap ko siya na gagawin ko ang lahat para maligtas lang ang anak namin ni Mica.

Alam ko na may pagdududa sila sa akin dahil akala nila na kasabwat ko si Eula.

Tumawag ako kay mama at ok naman ang mahal ko, nakatulog nga raw ngayon. "Papa, ihahatid ko muna kayo sa hospital." Tumango lang siya at hindi nagsalita.

Nagtext na si Jaymark na alam na nila ang building na pinagtataguan ng anak ko. I tried to call Eula's phone kanina pero out of coverage na. That bitch.

Pagkarating namin sa hospital at malapit na kami sa pinto na agad bumukas ito at lumabas si mama na panay iyak.

"Bakit ma?" tanong ni papa.

"Roger! Ang anak natin, si Mica. Nawawala. Wala na siya sa higaan niya at may iniwan lang siya na maliit na sulat kamay niya. Ililigtas niya si Sa– Roger? Ignacio tulong."

" Papa, ano pong nangyari sa inyo?" tanong ko sa papa ni Mica. Pero hindi na siya nakakapagsalita. Agad akong tumawag ng doctor.

Inatake si papa sa puso kaya panay naman iyak ni mama, papunta na ang kakambal at ibang kaibigan ni Mica para bantayan sila, nadagdag na rin ako ng tauhan at baka may bigla na lang na pumunta sa hospital at sila naman ang sasaktan.

"Wag kang padalos-dalos pare, isipin mo na tatlong tao ang nakataya dito. Balita ko marami ang mga tauhan ngayon ni Eula sa building na ito at balita ko pa na may explosive device raw na pinakalat sa buong building, kaya kung ayaw mo na may mangyari sa kanila, dapat nasa tamang pagpaplano tayo. "paliwanag ni Jaymark.

Tumango ako dahil naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. Nasa kotse niya ako papunta sa building kung saan nila dinala si Mica. May nakakita sa cctv na sumakay si Mica sa isang sasakyan. What are you planning to do babe? Sana hinintay mo muna ako.

Sa likod kami dumaan pagkarating sa building, naglakad kami para walang makapansin sa amin at ang sasakyan ay iniwan namin sa malayo at ang ibang mga kasamahan naman ay nasa kanila-kanilang posisyon na at paparating pa lang ang iba. Everytime na may nakikita kami na kaaway ay pinapatahimik ni Jaymark, he knows combat fight while I'm just a follower. May alam ako sa pakikipag-away at paghawak ng baril pero hindi sapat ang kakayahan ko para gawin ang bagay na hindi ko pinangarap na gawin.

Pagkarating namin sa pangalawang palapag ay pinaulanan niya na ang mga tauhan ni Eula na nagbabantay na naroon gamit ang silencer. Hindi nila inaasahan na naroon kami.

"Puntahan mo ang mag-iina mo, ako na ang bahala sa labas at marami pa sila sa kabilang kwarto o sa ibang sulok ng gusali. Wag kayong gumawa ng ingay at baka makatunog ang target natin! Parating na ang mga kasamahan ko, kung may pagkakataon na umalis kayo ay gawin niyo na!" Utos niya. Nagbantay siya sa labas at nagpalinga-linga at baka may kaaway na umakyat.

Nasa isang kwarto o office sila nilagay, agad kong binuksan ang pinto at dahan-dahan na pumasok habang may hawak na baril.

Sa pagkakita ko pa lang sa mag-iina ko, nadudurog ako na makita ang kalagayan nila kaya kailangan ko silang mailigtas.

Pero bago pa kami makalabas ay pumasok si Eula at ang mga tauhan niya. Where's Jay?

Marami siyang sinasabi at binibilog niya ang asawa ko para maniwala sa kanya. Please babe! Paniwalaan mo ako. Walang kami. Ikaw lang ang laman ng puso ko at aangkin sa katawan ko. Walang nangyari sa amin. Please babe.

Nakita kong kinalabit ni Eula ang baril kaya agad akong pumagitna at mabuti na lang na braso ko lang ang natamaan at parang daplis lang. Hindi nakapasok ang bala sa katawan. Kaya pa. Thanks God.

Hanggang nakarinig na kami ng putukan sa labas at maya-maya nakita namin si Eula na nakahandusay na sa sahig.

Dali-dali kong inilabas ang mag-iina ko at tinuro ng kaibigan na sa basement ang daan namin.

Sa pag-aakala na safe na kami ay hindi pa pala dahil nasundan kami ni Eula na akala ko natamaan na kanina.

Dahil may hawak ako na baril ay binaril ko si Eula bago pa niya mabaril sa mga mahal ko ang hawak niya.

Isang kalabit lang ng baril pero may narinig akong sunod-sunod na putok at ganun na lang ang gulat ko na nakahandusay na si Eula at wala ng buhay.

Tumayo agad ako at tinulungan sina Mica at Eula pero shit dahil may naapakan ako. Alam ko itong device na ito dahil nakikita ko ito sa movies. Kapag inangat ko ang paa ko ay madadamay pa ang mga mahal ko. Hindi ko kaya. Hindi ko pinaalam sa kanila dahil alam kong hindi nila ako iiwan.

Mabuti at napilit ko.

"Babalikan kita!" bulong ni Mica. Gusto kong umiyak sa harapan niya at sabihin na wala na siyang babalikan.

"I love you!" tanging sagot ko. Marami akong sinabi sa kanya how amazing and wonderful she is and everything pero paulit-ulit din ang katagang binitawan niya na babalikan niya ako.

If given a chance…

I cried…

Kapag pagbibigyan lang ulit ako ng tadhana.

I won't run…

We won't hide anymore about our feelings…

We will never escape, instead I will fight for our love babe.

If God allows me to be with you once again. I will always choose you.

"Michaella Gomeza!"

May tumawag sa akin.

But then…

May narinig ako na pagsabog.

I smiled.

"This is the end, huh!"