YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE ( SPECIAL CHAPTER)

Michaella Gomeza POV:

Nakatingin ako sa notebook ko nung highschool na nawala ito sa akin. Panay ang hanap ko nito kasi nandito ang mga drawings ko lalo na sa mga alaala ko kay Ignacio.

Naisipan ko kasi magligpit at baguhin ang ayos ng kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya. Habang naglilinis ay nakita ko ito sa cabinet niya. Familiar sa akin kaya pinakialaman ko na. Sabi ni mommy nakita daw ito ni Ignacio sa sahig ng paaralan kaya pinulot niya at nakalimutan na ibalik sa may-ari at ako yon.

Panay iyak ko dahil sa mga nababasa at nakikita ko sa loob nito noong nahanap ko.

Narinig kong bumukas ang pinto.

"Iha! Ready kana? Nakahanda na ang sasakyan na dadalhin niyo ng mga anak mo papuntang cemetery. Yung anak mong si Saul excited ba namang pumunta, hay naku inuubos na niya ang mga pananim ko na bulaklak sa garden dahil panay pitas niya kahit pwede namang isang steam lang, gusto pa talaga kumpol-kumpol na bulaklak." natatawa ako dahil sa sinusumbong ni mommy habang nagpapadyak ng kanyang paa.

"Okay mommy, pagsabihan ko po," ani ko.

"Thank God! Oh tinitingnan mo na naman yan!" Tukoy ni mom sa notebook na hawak ko. Tinanguan ko siya.

"Alaala po namin ito ni Ignacio mommy, halos natapos ko na rin po I drawing yung hindi ko po natapos na mukha niya!" Sambit ko.

"Naiiyak ka ba habang dinadrawing mo siya? Kasi ito pa ang chismis my dear. Panay iyak ng baby boy ko nung ginuguhit ka niya, yan yung kasagsagan na broken hearted siya ha." Dagdag pa ni mommy kaya natawa ako dahil hindi ko maimagine na umiiyak si Ignacio habang tinatapos niya itong mukha ko habang ginuguhit o di kaya tumutulo na ang sipon niya.

Naiiyak ako kasi yung mga picture na nandoon siya ay ginuguhit niya ang mukha ko. Hindi ko alam na may alam pala siya sa pagdadrawing. Akala ko hanggang basketball at modelling lang ang kaya niya pero may ganito rin pala siya na talent. Hindi niya rin pinalampas ang mga tigyawat ko dahil naka drawing din, ang iba detelyado pa nga kung saan sa mukha ko nakalagay ang mga friends ko dati.

Sabi ni mommy magandang gawing exhibit yun dahil nakaguhit mismo gamit ang lapis at yung gamit naman ni Ignacio ay ballpen na blue at hindi ito kuha galing mismo sa camera kaya nginitian ko na lang si mommy dahil sa naiisip niya.

Kaya pala architect ang isa sa kinuha ni Ignacio na kurso.

"Kung nasaan man ang anak ko ngayon, alam kong masaya yun kaya dapat Ikaw... wag ka ng malungkot. Smile." saad ni mommy.

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ay nagbihis na ako ng bagong damit paglabas ni mommy sa kwarto.

Simpleng light blue shirt dress ang suot ko dahil pupunta muna kami ng mga bata sa opisina bago sa cemetery.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko sa sala ang mga anak ko na nanonood na lang ng tv sa kakahintay sa akin.

"Yeheey! Mommy is here! Hi mom-my!" ngiting bati ng anak kong si Astraea Joy.

"Ready?"

"Ready!" Masayang sabi ng anak ko na two years old pa lang. Samantalang ang kanyang kuya ay hindi na maipinta ang mukha. Naiinip na sa kahihintay sa amin.

Umiling na lang ako dahil hindi pa nga lumalaki itong anak ko na panganay ay magkaugali pa yata sila ng kanyang ama na malamig pa sa yelo.

Namimiss ko na si Ignacio… sobra.

Pagkarating ng opisina ay kanya-kanyang baba naman ng mga anak ko at tinulungan kami ni manong Leo na driver namin na ibaba ang ibang gamit ng mga bata at iniwan namin sa sasakyan ang bulaklak para dalhin sa puntod mamayang hapon.

"Good morning ma'am Baltimoore!"

"Good morning madam!" Nginitian ko ang mga empleyado at binati sila, kumaway lang ang mga anak ko sa kanila.

"Be careful Joy! Wag nagmamadali. Hintayin si mommy o di kaya si kuya, " paalala ko sa anak ko na makulit. Marunong na siyang maglakad kaya kailangan na talagang bantayan ng maigi.

May kasambahay naman kami na kasama sa bahay pero sa pagbabantay at pag-aalaga sa mga anak ko ay talagang hands-on ako at kung maari ay ako talaga ang kumikilos para sa kanila, pero kapag hindi na talaga kaya ay saka pa ako hihingi ng tulong sa mga kasamahan ko.

Pagkabukas ng elevator ay agad na kaming lumabas. Nasa tapat na kami ng pintuan ay si Saul na ang nagbukas at anak ko naman na si Astraea Joy ay bumitaw na sa mga kamay ko para tumakbo sa loob.

"Daddy!" Napangiti ako dahil sa lakas na tili ng anak ko na babae papunta sa kanyang ama.

Nakapasok na si Saul para magbless sa kanyang daddy at ako naman ay nasa hamba pa ng pintuan at nakasandal ang likod ko habang pinagmasdan ang mga mahal ko lalo na si Astraea na pinugpog na ng maraming halik ang kanyang ama.

"I miss you po daddy!" sabi ng anak ko.

"Me too, anak!" sagot naman ni Ignacio at nagpababa na muna si Astraea sa pagkarga sa kanya.

Nakapamewang ito na lumapit sa akin at habang nasa harapan ko na siya ay tiningala ko na siya dahil matangkad siya sa akin. Ngumisi siya.

"Akala ko ba next month pa ang dating mo ng Cebu?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. Galing kasi siya sa Maynila at tinapos lang ang projects na pinangako niya sa isang kaibigan doon.

"Nahh, one day pa nga lang na magkalayo tayo namimiss ko na kayo. What more pa kaya kung one week, month or year pa yan? Mababaliw ako Mrs Michaella Gomeza Baltimoore." Aniya at agad akong hinagkan sa noo at mga labi. Nanonood ng tv ang anak namin na babae at nagbabasa naman ng libro si Saul.

Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi nya. Isa sa mga bagay na pinag pasalamatan ko sa Panginoon ay yung time na niligtas niya sa kapahamakan ang asawa ko sa pagsabog.

May explosive device siyang naapakan kaya 50/50 na mailigtas niya ang sarili niya, kaya pala inuna niya kaming lumabas ng building na yun dahil alam na niya na may masamang mangyari.

May tumulong sa kanya na pangalan ay Choco. It turns out na yun pala ang kaibigan na tinutukoy ni Saul. Habang sumasabog na sa ibang parte ng building ay pinatakbo siya ng batang lalaki. Bata pa kasi, nasa 15 years old pa lang siya na sumali na siya sa mga ganung gawain para lang matustusan at matulungan ang kanyang kapatid na babae.

Walang ibang mahanap na trabaho o mag-aaruga sa kanila kaya para kay Choco, sa kanya mas madali siyang makahanap ng pera sa illegal na paraan kaysa legal na trabaho lalo at ulila na sa ama at ina.

Nalaman ko yan noong kinekwento ni Saul sa amin at yun din ang tumulong pala kay Ignacio. Habang tumatakbo si Ignacio palabas ng building para iligtas ang kanyang sarili ay akala niya na sumunod ang bata sa kanya pero hinarang pala ng binata ang kanyang katawan para siya ang mapuruhan sa pagsabog, hindi alam o walang idea si Ignacio na ganun pala ang gagawin ni Choco na handa siyang magsakripisyo kahit hindi niya kakilala at dahil naramdaman niya na may nagmamahal sa kanya kaya bilang ganti ay nagbuwis siya ng buhay.

Kung alam lang ni Ignacio ay hindi niya gagawin ang sinabi ng binata pero huli na ang lahat. Namatay siya bilang bayani at hindi kaaway o armado. Kaya ginawaran namin siya ng award at inilagay sa magandang libingan.

Natamo si Ignacio ng mga mild na sugat at ngayon ay unti-unti na itong gumagaling pero my ibang peklat pa rin akong nakikita.

Hanggang ngayon nasa amin pa rin ang litrato ng kapatid niya na ngayon kinuha ni Saul dahil siya daw ang magtatago ng larawan, pinaghahanap pa rin namin matagal na pero hanggang ngayon wala pa kaming balita para malaman niya na wala na ang kanyang kuya at kung papayag ay pwede namin siyang kupkupin.

Itong asawa ko naman imbis na sa bahay na dumiretso ay dito na lang siya naghintay sa amin sa opisina niya dahil nga pupunta na rin kami sa cemetery para dalawin ang puntod ni Choco at ni Eula at kakain na rin sa labas.

Hindi man maganda ang ginawa ni Eula sa pamilya ko ay nagawa ko parin siyang patawarin dahil wala man ako sa kalagayan niya pero alam ko na hindi niya ginusto ang napili niya na landas na maging masama. Instrumento lang siya ng impluwensya ng ibang tao at ang masakit lang ay ang mismong ina pa niya ang may pasimuno.

Nasa Negros kami ngayon dahil bukas ay ikakasal kami ulit na dalawa. Taon-taon yata kaming laging kinakasal. Ito kasi ang tanging bagay na panata na ng mga magbabarkada na magpapakasal taon-taon kapag nakapangasawa na dahil isa ito sa pangarap ng isa sa kanilang kaibigan na namayapa na.

Bilang respeto at maalala pa rin nila ang dating kaibigan kaya lagi nila itong ginagawa.

Nakakatuwa nga dahil tinatawag nila itong kasalang-bayan na usong-uso sa probinsya. Ginagaya nila kahit mga may pera naman para gumastos ng malaki sa araw ng kasal pero gusto nila simple lang at pabor naman kaming mga kaibigan diyan na babae.

Tinulugan ako ng mahal ko pagkatapos ng round 3 namin ah, wala ang mga bata at hindi namin kasama dahil nag sleepover sa bahay ng lola nila sa Cebu kasama ang Ibang mga bata ng kaibigan namin.

Nasa bahay kami dito sa Negros naka stay at ang oras ng kasal naman namin bukas ay hapon pa ng three o'clock. Sa Maynila naman ang napili ng mga barkada noong isang taon para ikasal. Di ba ang bongga nilang magplano. Nakakatawa na ewan.

Next year sa ibang bansa naman daw magpakasal.

Inilagay ko ang daliri ko sa pisngi ng mahal ko, hindi siya gumalaw kaya ipinagpatuloy ko ang pagtrace ng mga hintuturo ko sa kanyang katawan. Hubo't-hubad parin kaming dalawa at tanging kumot lang ang nakaharang sa katawan namin. Nakatagilid akong nakahiga habang tinitingnan ang asawa ko.

Napunta ang daliri ko sa matangos niya na ilong, mapupulang labi at pababa papunta sa kanyang leeg at pababa at bago ba umabot sa kanyang puson ang daliri ko ay may umagaw na sa mga kamay ko.

Nagulat ako ng makitang gising na si Ignacio at nakangiting nakatingin sa akin.

"Babe, gisingin mo ako kung gusto mo pa ng isang round. Baka mamaya niyan at malalaman ko na lang na buntis ka na naman na hindi ko alam." Tinampal ko siya sa kanyang tiyan ng mahina at pinasok ang ulo ko sa kumot para magtago kaya umalingawngaw ang tawa niya sa kwarto niya na soundproof naman.

Agad niyang hinatak ang kumot kaya lumabas lang ang ulo ko dahil hinawakan ko ng maigi ang kumot para hindi niya tuluyang maagaw sa akin.

"Hindi ah, pinagsasabi nito." ani ko.

"Aha, are you sure? Ipaalala ko lang babe na sobrang lasing ako sa mga oras na iyon na may ginawa ka sa katawan ko kaya hindi ko talaga alam na may nabuo tayo, akala ko nag wewet dream lang ako, pero totoo pala yon,"

Yeah! Birthday kasi yun ng kaibigan namin at marami ang pinainom kay Ignacio na panay naman niya tanggap at dahil hindi na kayang magmaneho kaya kami ang hindi na nakauwi at pinatulog na lang kami sa may guest at ang iba ay kaya pang magmaneho o maglakad kaya nakauwi.

Habang pinupunasan ko kasi siya ay hindi ko namamalayan na pinapantasya ko na pala siya habang tulog. Ang hot kasi niyang tingnan sa kama. Kaya ayun nakagawa ako na kahit ako hindi ko alam na kaya ko pala siyang ipasok pero yun nga lang hindi ko alam kung malapit na ba siya o hindi pa, wala sa utak ko ang condom na nabili niya, shit lang.

"Ayokong ikaw lang ang nakakaalala kung paano natin binaliw ang isa't-isa, so gusto mo pa ng isa? Dalawa o ilang round pa yan bago tayo ikasal bukas? Hmmm, Game?" sambit niya na mas lalong nagpainit ng mukha ko.

Bago ko pa takpan ulit ang mukha ko ng kumot ay hinawi niya na ito at pumaibabaw sa akin.

" I love you always and forever babe." Napangiti ako dahil sa wakas hindi ko na kailangan magtago lalo kapag may hindi kami napagkaintindihan, kasi we cannot escape from reality na malalaman at malalaman pa rin ang katotohanan.

Natutunan ko na dapat maging open up kayo sa relasyon niyong mag-asawa para hindi na lumaki at lumala pa ang mga bagay na hindi niyo napagkaintindihan.

Wala na akong hahanapin pa, mahal ko ang asawa ko hanggang dulo.

"Be gentle," bulong ko.

"Aha!"

"Kasi may number 3 na tayo!" Sambit ko.

"Ahh… what?" nalilito niyang tanong. Kumukurap siya na may natanto. Napangiti ako..

"Yeah, be gentle lang kasi baby number three is coming. I love you!" sabi ko at wala ng ginawa ang asawa ko kundi ang mag thank you habang hinahagkan ang mga labi ko at ang maliit ko pa na tiyan.

"The best gift ever!" aniya.

——THE END ——