CHAPTER SIX
Talitha's Pov
Hawak hawak ko ang kawayan na binigay sa akin ni Wolf habang nakasabit ito sa leeg ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at iniisip kung kumusta naba siya.
Maraming tanong ang lumilipad sa isipan ko pero kahit isa ay wala akong masagot. Pagkahatid niya sa'kin noong isang gabi sa bukana palabas sa gubat na ipinagbabawal ay hindi na ako nakatulog. Pasilip silip din ako sa gubat dahil baka bigla itong lumabas pero bigo ako.
Nahatid ko na kanina ang mga bata sa school kung saan naroon na ang mga magulang na susundo sa kanila. Masayang nakipag kwentuhan pa muna ako sa kanila bago nagpasyang umuwi na ng bahay.
Narinig ko naman si Talia na nagpapaalam kila Mama at Papa, ayaw nga siyang payagan pero nakuha niya sa lambing. Sabado ngayon at kapag sabado lagi silang may lakad ng mga kaibigan niya, pinapayagan naman namin para makapag libang naman siya.
Tumagilid ako sa pagkakahiga at pumikit, maaga pa para matulog pero gusto ko ng matulog para mapawi ang pagal kong katawan at makalimutan si Wolf na kanina pa ginugulo ang isipan ko.
******
Alas singko palang ng umaga ng magising ako, naligo agad ako nag ayos para makapag simba. Tinignan ko si Talia sa kama niya at mahimbing parin ang tulog niya, anong oras ba siyang umuwi kagabi.
Paglabas ko sa kwarto ay saktong lalabas din si Mama. Nagkagulatan pa nga kami ng makita ang isa't isa.
"Ang aga mo, may lakad ka?" Tanong nito
"Magsisimba lang Ma, gusto mong sumabay?" Tanong ko din sa kanya habang sinusuot ang flat shoes ko
"Mamaya pa ako ipagluluto ko pa kayo ng almusal" sagot nito
Tumingin ako sa relos na suot ko.
"Okay sige, alis na ako" paalam ko
"Mag ingat ka" sabi nito na ikinatango ko bago lumabas ng bahay.
Agad kong inilabas ang key fob ng kotse ko at pinatunog iyon. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagsimulang paandarin ito. Nasa kalagitnaan ako ng daan patungong simbahan ng maalala yung nabuong desisyon ko kagabi.
Nang makarating ako sa simbahan ay nagsimula na ang misa, mabuti nalang at may nakita pa akong mauupuan. Taimtim akong nagdasal at sinabi lahat sa panginoon ang mga tanong at alalahanin ko. Humiling din ako dito na laging protektahan ang pamilya ko at ilayo sa ano mang karamdaman.
Pagkatapos ng misa ay tumingin tingin ako sa mga nagtitinda sa daan. Kapag linggo dito sa bayan namin ay maraming nagtitinda sa palibot ng simbahan hanggang sa palengke.
May nakita akong pinipilahan ng mga tao kaya naki usyoso ako, nakita ko naman na may nagtitinda ng mga iba't ibang uri ng kakanin na nakalagay sa tub kaya nakipila narin ako.
Pagbalik ko sa kotse ko ay hindi ko na namalayan na ang dami ko palang nabili. Napailing nalang ako at nagmaneho pabalik sa bahay.
*******
Isang back bag na may lamang kumot, twalya, t-shirt, sando, isang short at isang pares ng tsinelas. Naglagay rin ako ng shampoo, sabon, conditioner, toothbrush at toothpaste. Huminga ako ng malalim at sinuot sa likod ang bag ko bago lumabas sa kwarto bitbit ang isang malaking paper bag.
"Ma, alis muna ako" paalam ko habang nasa sala silang tatlo at nanonood ng tv
"Saan ang punta mo? Ano ba yang mga dala mo?" Tanong ni Mama
Pilit na ngumiti ako.
"Wala to Ma, mga lumang damit ko lang na i d-donate dun sa mga nasunugan noong isang linggo" sabi ko.
"Bakit hindi mo agad sinabi may mga lumang damit din kami ni Papa mo, sandali kukunin ko" sabi nito na akmang tatayo na pero pinigilan ko
"Huwag na Ma nagmamadali kasi ako, may ibang pupuntahan pa kasi ako" sabi ko at sinuot ang flat shoes ko
"Mag ingat ka sa pagmamaneho mo" habilin naman ni Papa
"Hindi Pa, mag t-tricycle lang ako"
"Bakit hindi mo gamitin ang kotse mo? Sandali kukuha lang ako ng damit at ihahatid kita" tumayo si Papa pero pinigilan ko rin siya
"Huwag na Pa nagtitipid ako sa gas" hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na ako ng bahay. Sakto naman may dumaang tricycle na walang sakay.
"Kuya sa Mount Isabella tayo" sabi ko at umandar na paalis ang tricycle
******
Naglalakad ako kasabay ang ilang tao na tinatahak din ang lugar na pupuntahan ko, ang iba nga ay mga foreigners pa. Kung idedevelop lang nila ang lugar namin sigurado magiging tourist spot din ang Mount Isabella.
Marami rami narin ang mga tao na nasa paanan ng bundok at ang iba ay nagtatayo ng tent nila. May mga nakita rin akong mga marshal na sinasabihan ang mga tao kung saan lang kami pwede at kung saan yung mga lugar na pinagbabawal.
Pumunta ako sa pinanggalingan namin ng mga bata kahapon at may nakitang mag magbabarkada na nagkukuhanan ng picture. Maganda nga naman kasi ang view dito at napaka presko ng hangin.
Dahan dahan naman na lumapit ako sa lugar kung saan ako lumusot noong isang gabi, mabuti nalang hindi nakatingin yung mga nagbabantay. Mabilis akong naglakad para hindi makita ng mga marshal at huli na ng matakot ako.
Sa laki ng gubat paano ko makikita si Wolf? Nagsimula na akong kabahan at matakot. Pilit ko ring pinapaniwala ang sarili na walang lalabas na lobo dahil umaga pa kahit alam ko sa sarili ko na walang oras pinipili ang mga lobo para lumabas.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at iniisip kung paano ko makikita si Wolf. Lumingon naman ako sa pinanggalingan ko at naniniwala na diretyong daan lang tinatahak ko, baka kasi hindi ko makita si Wolf at least kahit papaano ay alam ko ang babalikan ko.
Pagod na ako sa paglalakad kaya naisipan kong umupo muna sa isang malaking naka usling ugat. Uminom ako sa baon kong botted mineral water at inikot ang paningin, pare pareho lang itsura ng mga puno kaya naman nagsimula na naman akong kabahan.
Alulong ng lobo ang nagpa nginig sa buong katawan ko, kagat labi na pinipigilang maiyak sa takot hanggang sa may mga ibon na nagliparan. Napahawak ako sa dibdib ko at nakapa yung kwintas na kawayang binigay sa akin ni Wolf, dali dali kong inilabas iyon sa blusa ko at malakas na hinihipan.
Walang tigil at paulit ulit kong hinihipan ang kawayan sa sobrang takot na nararamdaman ko hanggang sa may bumuhat sa akin.
"Wolf" bigkas ko habang nakatingin sa kanya
Nababakas sa mukha nito ang saya habang nakatingin sa mga mata ko. Nagpakawala naman ako ng mahinang tawa at dinikit nito ang noo niya sa noo ko tulad nung nagpaalam ako sa kanya.
Nakangiting lumambitin ang dalawang kamay ko sa leeg niya habang magkadikit ang noo naming dalawa. Aalis na dapat kami habang buhat parin niya ako ng pigilan ko siya, kumunot ang noo niya at tila nalungkot sa pag aakalang magpapahatid ako sa labasan.
Parang may sariling isip ang isang kamay ko at hinaplos ang pisngi nito. Ngumiti ako sa kanya at nagpa baba.
"May dala ako" turo ko sa bag at paper bag na nasa lupa
Kinuha ko yung bag at sinukbit sa likod ko pero kinuha niya yon sa akin at nakangiting sinuot niya ito. Kinuha ko naman yung paper bag at humawak sa kamay niya para makaalis sa lugar na iyon.
Dahil maliwanag ay kitang kita ko ngayon ang dinadaanan namin, masukal ang loob ng gubat pero hindi rin nagtagal ay magaganda at sari saring bulaklak naman dinaanan namin.
"Malayo paba yung batis?" Tanong ko sa kanya, naalala ko kasi na may batis kaming dinaanan dati
"Talitha" nakangiting sagot niya malayo sa tanong ko.
"Siguro kailangan kitang turuan sa mga bagay bagay hindi puro pangalan ko lang at ni Yu ang binabanggit mo" nakangiting sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi niya naiintindihan
Pagod na talaga ako sa paglalakad pero hindi ako nagreklamo kay Wolf. Napansin naman niyang bumagal ang paglalakad ko kaya naman binuhat niya ako. Hindi na ako tumanggi dahil mukhang hindi naman siya nabibigatan sa'kin, i f-feel ko nalang na isang beses sa buhay ko may nagbuhat sa akin na lalaki.
"Awooo!" Alulong nito at nakangiting tumingin sa akin. Ilang saglit lang at may nakita akong lobo na mabilis na patakbo pasalubong sa amin. Natakot ako at mahigpit na napakapit kay Wolf pero habang papalapit kami ay tsaka ko napansin na si Yu pala yung tumatakbo at sa likuran niya ay yung dalawang mas malaking lobo na naglalakad lamang.
"Yu!" Masayang sigaw ko at bumitiw kay Wolf. Umikot ikot ito sa'kin habang kumakawag ang buntot niya. Tawa ako ng tawa ng dambahin niya ako at mapaupo sa may lupa habang dinidilaan ang mukha ko.
"Talitha" napatingin ako sa nakangiting si Wolf habang inaabot nito ang kamay sa'kin para tulungan akong makatayo
"Hello" kaway ko naman sa dalawang lobo na nasa tabi na namin. "Kumusta kayo?" Nakangiting tanong ko
"Awoooo!" Sabay na alulong ng dalawa. Nawala ang takot ko sa kanila at hinaplos ang mga ulo nila
"Awooo!" Napatingin ako kay Wolf na nilapit din ang ulo
"Ano ka lobo? Para kang bata" tumatawang sabi ko pero hinaplos at ginulo din ang buhok niya.
Kinabig naman niya ako palapit sa katawan niya at kiniskis ang ulo nito sa leeg ko.
"Lobo kaba o pusa?" Sabi ko at hinayaan lang siya sa ginagawa niya
"Wolf Talitha" sambit nito bago inalis ang ulo niya sa pagkiskis sa akin
Binuhat ulit niya ako at magpapa baba sana dahil nasa baba ang paper bag ko pero kinagat yon ng lobo at sumabay sa paglalakad namin.
Medyo disappointed ako ng makarating kami sa kweba na hindi nakikita yung batis. Ibinaba ako ni Wolf sa loob ng kweba at binigay ulit ang bangkito sa'kin para may maupuan ako.
Hindi naman mawala ang ngiti nito sa labi habang nakatingin sa akin hindi ko tuloy mapigilan ang tumawa at nagulat ako ng tumawa rin ito.
"Ang sarap sa tenga ang tawa mo kaya dapat lagi kang tumawa" sabi ko sa kanya
"Tawa" sabi nito
"Tama kaya kapag masaya ka dapat tumawa ka" tumatangong sabi ko
Tumango naman siya.
Hindi ko alam kung naintindihan niya sinabi ko o ginaya lang niya ako, kahit na ano pa ang totoo ay masaya ako.
Kinuha ko yung paper bag at inilabas yung mga tub na kakanin pati yung mga kutsara na dinekwat ko pa sa kusina namin.
"Hindi ko alam kung masarap kasi hindi ko pa natitikman pero mukhang masarap naman kaya bumili na ako" sabi ko habang binubuksan yung isang tub na may kalamay ube.
Kinuha ko yung kutsara at sumandok ng kalamay at inilapit ang kutsara sa bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin at sa kutsarang hawak ko. Nilayo ko naman ang kutsara sa kanya at ako ang sumubo noon. Inulit ko ulit ang ginawa ko hanggang sa isubo na niya binibigay ko.
Halata sa itsura na bago palang sa panlasa niya yung kalamay na ube kaya umalulong ito. Lumapit naman sa'min yung tatlong lobo at parang kinakausap ni Wolf ang mga ito.
Tinuruan ko rin si Wolf kung paano gumamit ng kutsara at buti nalang hindi ako nahirapan sa pagturo sa kanya. Sa ngayon ang maja blanca naman ang kinakain niya. Dahil mukhang natatakam sina Yu at ang dalawa pang Yu ay binigyan ko rin sila.
Nang maubos ni Wolf ang kinakain niya ay chineck ko ang katawan niya kung may sugat ba ulit siya, nang makumpirmang wala itong bagong sugat ay binigay ko naman sa kanya yung loose sando na binili ko kanina. Parang nagtataka pa ito at hindi alam kung paano suotin iyon kaya ako na mismo ang nagsuot sa kanya. Pinakita ko rin yung ibang dala ko at pinasuot yung mumurahing tsinelas sa kanya. Malaki ng konti pero at least may sapin na siya sa paa, sa susunod alam ko na kung anong size ang bibilhin ko para sa kanya.
***********