CHAPTER SEVEN
Talitha's Pov
Mahigit isang buwan at walang mintis ang aking pagdalaw kay Wolf dito sa bundok kahit isang oras lamang ang nilalagi ko dito. Ang nakakatuwa ay hindi nasayang ang pagpunta punta ko dito dahil nakakapag salita na ito ng maayos at nakakaintindi ng mga bagay bagay.
Maayos narin ang kwebang tinutuluyan niya, nilinis ko kasi iyon at pinalitan ng bago mga gamit sa loob. Dinalhan ko rin siya ng groceries at ibang kailangan gamit sa pagluluto at kusina para may matinong magamit siya, sa wakas nagmukhang bahay na ang kwebang tinutuluyan niya.
May mga pangalan narin ang dalawang lobo, pinangalanan namin silang Empress at King at ang mas maliit na lobo ay nanatiling Yu ang pangalan. Si Wolf ang nag isip ng pangalan nila Empress at King, nakuha niya yung pangalan dahil sa korean drama na tagalog dubbed na pinapanood niya sa phone ko.
Ang totoo ay malaki ang naitulong ng panonood niya ng drama, pelikula at sitcom dahil kasi sa mga ito mas napadali ang pagtuturo ko sa kanya, ang problema lang sa kanya ay ayaw nitong mag suot ng damit pang itaas kahit ang lamig lamig na. Pagdating naman sa pagsusulat ay nasusulat na nito ang pangalan niya pero hirap parin bumasa.
"Talitha" tawag nito tsaka ito lumapit sa'kin habang pinapakita ang hawak niyang tablet na binili ko talaga para sa kanya. "Tignan mo'to"
Tinignan ko naman yung pinapakita niya at nakita si Park Seo Joon na hinahalikan si Park Min Young. Ilang sandali lang ay ginaya nito ang ginagawa ni Park Seo Joon na paghalik kay Park Min Young sa korean drama na What's wrong with secretary Kim?.
Lumambitin ako sa leeg niya at sumabay sa bawat galaw ng mga labi niya, pasensiya na may pagka marupok ako kahit na alam kong hindi tama. Dahil nasa tamang pag iisip pa ako ay pilit kong kinontrol ang sarili ko at bumitiw kay Wolf. Inilayo ko ang mukha niya sa mukha ko na pilit pa nitong hinahabol.
Habol hininga naman akong ngumiti sa kanya at inilagay ang dalawang kamay sa dibdib niya para hindi na mas makalapit pa.
"Wolf, ang mga naghahalikan ay ang may mga relasyon lang tulad ng mag boyfriend at mag asawa" sabi ko "tayong dalawa ay mag kaibigan lang kaya hindi tayo pwedeng maghalikan" paliwanag ko pa sa kanya pero nakatingin lang siya sa'kin. Minsan kapag may pinapaliwanag ako sa kanya na ganito ay matagal pa bago niya maintindihan, katulad ngayon.
Binalik ko ulit sa kanya ang tablet niya at kinuha naman niya iyon. Imbes na manood ulit siya ay umupo nalang ito sa likod ko at niyakap ang mga paa niya sa mga paa ko at pinalupot ang dalawang kamay niya sa bewang ko. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito kaya hinayaan ko nalang.
Tumingin ako sa relos ko at pinakita pa iyon kay Wolf, oras na naman kasi para umuwi ako. Araw araw nalang malungkot ang mukhang pinapakita niya satuwing aalis na ako pero wala naman akong magagawa dahil may pasok pa ako sa school kinabukasan. Ayoko rin maglakad pauwi sa gabi, hindi na ako takot sa mga lobo pero takot parin ako sa multo.
Tulad ng nakaugalian binubuhat ako ni Wolf hanggang sa labasan, ilang ulit ko narin sinubukan na ilabas siya dito sa gubat pero ayaw niya. Mukhang hindi pa siya handa kaya hindi ko siya pinipilit.
"Balik nalang ako bukas pagkatapos ng klase ko" paalam ko sa kanya
"Hihintayin kita" sagot nito
Ngumiti ako sa kanya pero hindi siya ngumiti pabalik katulad noong isang araw.
"Hayy naku may sumpong na naman ang baby ko" sabi ko sabay yakap sa kanya na may ngiti sa labi. Hindi niya ako niyakap pabalik katulad ng ginagawa niya dati kaya tumingala ako sa kanya at nakipaglaban ng titigan. Pinakita ko sa kanya ang pagsimangot ko at kinuha ang isang kamay niya at inilagay sa baywang ko. Kahit hindi ko sabihin gusto kong iparating sa kanya na gusto kong yakapin din niya ako.
Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at kinabig pa lalo sa katawan niya. Hindi rin nito hinihiwalayan ng tingin ang mga mata ko hanggang mapunta iyon sa mga labi ko. Huli na at hindi ko na siya mapigilan ng muling ilapat nito ang labi niya sa labi ko. Noong una ay magkadikit lamang hanggang sa gumalaw ang mga iyon.
Diniinan pa niya lalo ang pagkakayap niya sa baywang ko habang ang isang kamay naman nito ay nasa pisngi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napapikit at sinabayan ang bawat galaw ng mga labi niya. Kapwa habol ang hininga naming dalawa ng maghiwalay ang mga labi naming dalawa. Nakangiting yumakap ako sa kanya, mahigpit na yumakap din siya pabalik sa akin tila ayaw akong pakawalan.
"Kapag hindi pa ako aalis gagabihin ako sa daan" sabi ko
Unti unti namang lumuwang ang pagkakayakap nito sa akin hanggang sa mag tama ang mga mata namin.
"Hihintayin kita bukas" sabi nito
"Opo" nakangiting sagot ko
Inilapit nito ang noo niya sa noo ko at idinikit iyon. Napapikit ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa leeg niya hanggang sa maghiwalay na ang mga noo naming dalawa.
"Mag ingat ka" may lungkot parin sa tinig na sabi niya
"Ikaw din mag ingat ka pabalik, kainin niyo yung niluto ko babalik din ako bukas dadalhan ko kayo ng pasalubong" nakangiting sabi ko tipid naman siyang ngumiti hinayaan na akong makalabas.
*******
"Nandito kana pala," sabi ni Mama
"Si Talia nandito naba?" Tanong ko kay Mama
"Nasa kwarto niyo at nag r-review may quiz daw yan bukas" sagot ni Mama
Pagkahubad ko sa sapatos ko ay pabagsak na umupo ako at sinandal ang likod sa sofa. Si Mama naman ay patuloy lang sa panonood.
"May nakakita nga pala sa'yo kanina," kinabahan ako na napatingin kay Mama "nakita ka daw ni Tina sa may baryo parang papunta ka daw sa Mt. Isabella"
"A-anong sabi niyo?" Nabulol na tanong ko
Tumingin sa'kin si Mama
"Tinanong ko siya kung may kasama ka, sabi niya wala daw kaya sinabi ko na may tinututor ka banda doon" sagot nito sa'kin
"Doon nga banda yung estudyante ko na tinututor ko Ma" sabi ko at pilit na tumawa
"Ayun nga ang sinabi ko, tinanong pa niya kung may boyfriend kana daw ba" bigla naman pumasok sa isip ko si Wolf "ang sabi ko ay wala, biruin mo ibinida yung anak niyang si Teodore baka daw magkagustuhan kayo" tuloy ni Mama sa pag kwento
"Sa susunod na may nagtanong ulit ng ganyan sa inyo ni Papa sabihin niyo na may boyfriend na ako" sabi ko
"Bakit may boyfriend ka naba?"
"W-wala!" Mabilis kong sabi na nautal pa
"Bakit ba hindi kapa mag boyfriend nasa tamang edad kana, kung pwede nga ay mag asawa kana. Huwag kang tumulad sa'min ng Papa mo na may edad na ng magsama kami hayan tuloy dalawa lang kayong naging anak namin" sabi nito na ikinatawa ko
"Parang gusto mo lang magka apo eh" tumatawang sabi ko
"Masama ba? Sino naman ang aayaw sa mga cute na bata. Minsan nga nanaginip ako na may batang lalaki na tumatakbo palapit sa akin at tinatawag akong Lola" hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas. Pinalo tuloy ako ni Mama sa braso.
"Hanggang panaginip ka nalang Ma, sabi nga kabaligtaran yung nangyayari sa panaginip hahaha!" Sabi ko na patuloy sa pagtawa
"Kahit panaginip lang iyon pwede rin maging posible kung mag aasawa kana kaya simulan mo ng maghanap ng boyfriend!" Palo ulit nito
"Bakit ako? Si Talia ang sabihan mo" tumatawa paring sabi ko
"Mas matanda ka kaya ikaw dapat ang mauna"
"Paano kung mahanap kong boyfriend walang trabaho" pigil ang pagtawang sabi ko
"Eh ano ngayon, hindi mo pa naman siya asawa. Tulungan mo nalang makapag hanap ng trabaho"
"Paano kung tricycle driver? Mag bo bote, bakal dyaryo?" Marangal na trabaho mga iyon, kahit mataas ang pangarap namin sayo ni Papa mo kung mahal mo ay susuportahan ka namin.
Napangiti ako sa sinabi ni Mama at napayakap sa kanya.
"Hayaan mo Ma, sasagutin ko na yung janitor namin sa school" sabi ko
"Dyaskeng bata ka! Mas matanda pa samin yung janitor niyo paano ka mabubuntis nun!" Palo ulit ni Mama sa braso ko na ikinatawa ko
"Edi yung naglalako nalang ng mani" sabi ko
"Sino sa mga yun?" Interesadong tanong ni Mama na ikinatawa ko
"Joke lang! Malalaman mo rin kapag nagka boyfriend na ako" sabi ko na nakayakap parin sa kanya
"Buhay pa kaya kami nun" sabi naman nito
"Mabubuhay kayo ng matagal ni Papa at maaalagaan niyo pa mga apo niyo sa talampakan" nakangiting sabi ko
"Batang ito, ang gusto lang namin ay makita namin kayo ni Talia na maayos ang buhay sa piling ng mga magiging asawa at mga anak niyo" pagdadrama nito
"Huwag mainip darating din yung panahon na may ipapakilala kami sa inyo ni Talia na lalaking makakasama namin habang buhay" sagot ko naman
Nagkaroon na ako ng nobyo noong college ako, umabot din kami ng walong buwan pero naghiwalay din nung nalaman kong hindi lang pala ako ang nobya nito, mabuti nalang at hindi ko siya naipakilala kina Mama at Papa.
Sinamahan ko nalang si Mama na manood ng balita, hindi na bago sa'kin yung krimen na napanood ko lalo na sa Maynila kadalasan nangyayari yon. Hindi ko naman sinasabi na walang krimen nangyayari dito sa probinsiya namin pero hindi naman ito kalala katulad ng mga ibinabalita sa radyo at tv.
"Magdala ka ng payong bukas baka umulan" sambit ni Mama habang pinapanood ang weather report ni Mang Tani sa 24 oras.
*********