CHAPTER FIVE

Talitha's Pov

"Anong lugar to?" Tanong ko sa lalaking kasama ko ng ibaba niya ako.

Nililibot ko ang mga mata ko sa paligid habang hawak niya ang kamay ko at naglalakad papasok sa may kweba.

"Dito ka nakatira?" Kunot noong tanong ko ng bitawan niya ang kamay ko at binigyan ako ng plastik na upuan na pang bata. Umupo naman ako at minasdan ko ang loob non.

Maraming mga backpacks ang nasa tabi, yung iba ay mukhang luma na. May mga blankets din na siguro'y higaan niya. Kasalukuyan niyang iniihaw ngayon ang isdang nahuli niya. Minamasdan ko lang siya sa pagiging abala nito. Nang tumingin siya sakin ay mabilis siyang pumunta dun sa may mga bags at kumuha ng isang tuwalya at binalot sa katawan ko. Mukhang ngayon palang niya napansin na basang basa ako at nilalamig.

"Salamat" tanging sabi ko ng ibalot niya ang tuwalya sa katawan ko. Ng bumalik ito sa niluluto ay tinanggal ko ang tuwalya at hinubad ang jacket na suot ko. Tsaka muling binalot ang tuwalya sa katawan ko.

Nakatingin lang ako sa lalaki at minasdan ang likod at dibdib niyang may mga sugat. Lumapit ako sa kanya at binalabal ang tuwalyang ibinigay niya sakin kanina sa kanyang katawan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya

Ngumiti lang ito sa'kin

Nang maluto ang isdang nahuli niya ay binigay niya agad ito sa'kin. Minuwestra pa niya kung paano kainin yon dahil nakatingin lang ako sa isda.

"Hindi kaba nakakapag salita?" Tanong ko

"Awooo" sagot niya sa'kin at muling ngumiti

"Paano tayo magkakaintindihan niyan?" Tanong ko ulit at bumuntong hininga "naiintindihan mo ba ako?" Turo ko sa sarili ko

Bigla naman itong umalis at may kinuha doon sa mga blankets niya. Nakangiting nagbalik ito sa'kin at may pinapakitang hindi ko alam kung ano. Nginitian ko nalang siya.

Kinuha nito ang kamay ko at inilagay yung maliit na kawayan na may tali sa kamay ko.

"Awooo!" Alulong nito

"Sorry hindi ko alam kung ano ang gusto mong sabihin" sabi ko

Kinuha nito yung kahoy sa kamay ko at itinapat nito sa bibig niya. Namangha naman ako ng maglabas ito ng tunog. Para siyang pito pero ang lumalabas na tunog ay parang galing sa flute. Binalik ulit nito sa'kin yung kahoy. Siguro gusto niyang subukan ko kaya naman hinihipan ko yon at naglabas naman ng tunog.

"Awooo!" Alulong ulit niya tsaka ito tumingin sakin na naka ngiti. Nginitian ko naman siya pabalik.

"Nasaan pala parents mo? Itatanong ko sana kung saan yung daan palabas dito" sabi ko habang tinitikman yung isdang niluto niya

Nakatingin lang ito sa'kin na parang walang narinig. Bumuntong hininga ulit ako. Paano kaya ako makakalabas dito. Ngumiti ako sa kanya at inalok yung isda. Kakagatin na sana niya yung isda pero binawalan ko siya.

"Hindi ganyan ang pagkain niyan" sabi ko at pinakita kung papaano ako kumuha at sinubo yung isda. Nakatingin lang ito sa'kin na parang hindi parin niya naiintindihan.

Muli akong kumurot sa isda at pinanganga siya. Mukhang mahihirapan akong pakainin siya dahil hindi yata marunong ngumanga. Pinakita ko ulit sa kanya kung paano ako kumain kaya nung sunod na kumuha ako ng isda tinapat ko ang isang daliri ko sa labi niya para ipabuka iyon pero nakatingin lang ito sa'kin.

Gusto ko ng sukuan siya pero pinaalala ko sa sarili ko na teacher nga pala ako, at ang mga guro ay hindi basta sumusuko. Iisipin ko nalamang na estudyante ko siya at kailangan ang gabay ko.

Muli kong sinubukan pakainin siya at sa awa ng Diyos natuto rin itong ngumanga, kaya naman mabilis kong inilagay yung isdang kinuha ko sa bibig niya. Sunod kong tinuro sa kanya ay ang pagkuha ng isda, ginabayan ko ang pagkuha niya at tumawa pa ito ng makakuha siya ng laman.

Inilapit nito ang kamay niya sa bibig ko para subuan ng isda kaya naman ngumanga ako. Hayyy... buti nalang marunong na siya, kung hindi ko siguro siya pinigilan kanina kakagatin nalang niya basta yung isda at ngunguyain kasama pati tinik. Napangiwi naman ako sa naisip.

Tumingin ako sa relo ko.

"Paano pala ako makakalabas dito?" Tanong ko ulit sa kanya, nalatingin lang ito sa'kin

Dahil hindi siya nagsasalita at mukhang wala naman akong mapapala ay tumayo ako at naglakad palabas ng kweba. Nagulat pa ako ng makita ulit yung tatlong lobo na papalapit ngayon sa akin.

Takot na takot na tumakbo ako papasok sa kweba at pumunta sa likod ng lalaking nagligtas sa sa'kin kanina. Pumasok yung tatlong lobo at nanginig ang katawan ko sa takot.

"Awooo!" Alulong ng lalaki at umalulong din yung tatlong lobo sa kanya. Binalingan ako ng lalaki at ngumiti sa akin.

Paano niya nagagawang ngitian pa ako sa mga ganitong sitwasyon?

Tuluyang nakalapit yung tatlong lobo sa kinaroroonan namin at nahiga yung dalawa. Lumapit naman ang isang lobo sa lalaki at parang maamong tuta na nagpa haplos ng sa kanya.

"A-alaga mo ba sila?" Takot na tanong ko sa lalaki

"Yu" sagot nito sa'kin. Inangat ng dalawang lobo ang ulo nila at tumingin sa amin.

"Yu" ulit ng lalaki, lumapit naman sa'min yung dalawa at nahiga sa tabi niya

"Yu?" Hindi ko parin maintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Yu" sabi ulit nito at tumango tango pa na may paskil na matamis na ngiti

Napangiti ako at tinignan ang tatlong lobo.

"Yu" sabi ko at tinangkang haplusin ang ulo ng nahihigang lobo.

Dahil natatatkot parin ako ay hinawakan nito ang kamay ko at inilagay sa ulo ng lobo. Dahan dahan kong hinaplos ang ulo nito pababa sa katawan niya at mukhang nagustuhan nito ang ginawa ko.

Kung kanina ay mabangis na lobo ang tingin ko sa kanya ngayon ay napalitan ng parang tuta na sabik maglaro.

Nang tinanggal ko na ang kamay ko sa tiyan ng lobo ay pinatong naman nito ang isang paa niya sa kamay ko, parang sinasabi niya na gusto pa niya kaya naman ni rub ko na ang tiyan niya. Napangiti ako at tumingin sa lalaki na nakangiti rin.

"Yu ba ang pangalan niya? Eh ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya

"Yu" ulit nito. Napakunot ang noo ko, Yu din ba pangalan niya?.

"Yu" turo ko sa lobo "Talitha" turo ko naman sa sarili ko

"Yu" turo rin niya sa lobo "Talitha" turo naman nito sa'kin

Ngumiti ako sa kanya at tumamgo

"Talitha" turo ko ulit sa sarili ko "Yu" turo ko ulit sa lobo at tinuro ko naman siya "ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko ulit

"Talitha" sagot nito na tinuro ulit ako. Napaka inosente nitong tignan lalo na kapag nakangiti siya.

"Wala ka bang pangalan?" Tanong ko pero nakangiti lang talaga siya

Paano ko ba siya makakausap kung pati pangalan niya hindi ko alam.

"Ah! Bigyan nalang kitang pangalan" masayang sabi ko tsaka nag isip kung anong pangalan ba ang bagay sa kanya. Napatingin ako sa dalawang lobong natutulog at ang makulit na lobo na nasa kandungan niya.

"Wolf" sambit ko at tumingin sa kanya "Wolf nalang ang itatawag ko sa'yo" sabi ko sa kanya na malapad na ngumiti

"Yu" turo ko ulit sa lobo "Talitha" turo ko ulit sa sarili ko "Wolf" turo ko sa kanya

Tulad kanina ginaya niya ulit ang sinabi ko.

"Ako si Talitha at ikaw naman si Wolf" muwestra ko sa kamay

"Ako si Talitha at ikaw naman si Wolf" sabi nito

"Mali, ako si Talitha at ikaw si Wolf" turo ko sa kanya "dapat ang sabihin mo Ako si Wolf at ikaw si Talitha" hindi ko alam kung gets niya sinasabi ko pero napangiti ako ng sa wakas ay tumama rin siya.

"Ikaw si Talitha at ako si Wolf" tumango ako dahil tama siya.

"Talitha Wolf" turo nito sa aming dalawa

Ngayon magkakilala na kami. Ang problema nalang ay kung paano ako makakalabas dito sa gubat.

"Pasensiya na ha? Kailangan ko na kasing umalis, alam mo ba ang daan palabas?" Turo ko sa labas ng kweba.

Hindi ito nagsalita kaya malungkot na ngumiti nalang ako.

"Thank you sa pagligtas mo sa akin kanina pero kailangan ko na talagang umalis babye" sabi ko at tipid na nginitian siya.

Muli kong tinignan ang dalawang tulog na lobo, kahit mabait yung isa hindi ako sigurado sa kanilang dalawa. Nilakasan ko ang loob ko at tumayo. Tumingin naman sakin si Wolf. Dahan dahan akong naglakad palabas para hindi makagawa ng ingay na magpapagising sa mga lobo pero nagising ko parin sila. Inangat nila ang mga ulo nila at tinignan ako.

"A-alis na ako bye" paalam ko sa kanila hanggang sa makalabas ako sa kweba. Tumingin muna ako sa relos ko at napansing menos singko para mag alas tress na. Huminga muna ako ng malalim at tinignan kung saan ba ako dadaan.

Naglakad ako at sinubukang tandaan yung dinaanan namin kanina ni Wolf pero madilim ang paligid at maging ang liwanag ng buwan ay hindi makasilip sa kakahuyan.

Ilang minuto na akong naglalakad ng makarinig ako ng kaluskos. Natakot ako at kinabahan dahil baka mga lobo iyon. Kahit hindi alam ang pupuntahan ay pikit mata akong tumakbo.

Napasigaw ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Tatakbo pa sana ako pero bigla ko nalang naramdaman ang pag angat ko sa lupa at nakita si Wolf. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Wolf Talitha" bigkas niya

Habang buhat buhat ako ay mabilis itong tumakbo, naririnig ko mga tuyong sanga na naaapakan niya pero wala itong pakialam at tuloy lang sa pagtakbo. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya. Napaka amo talaga ng mukha niya at hindi maitatangging gwapo siya.

Tumingin ito sa akin habang tumatakbo ito, nakakabilib dahil hindi man lang siya nadapa o natisod kahit hindi tumitingin sa dinadaanan niya. Nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot habang tinitignan ako hanggang sa huminto siya sa pagtakbo.

Hindi ko alam pero may kung anong pumipigil sa'kin para hiwalayan ang tingin niya. Naramdaman ko nalang ng ibaba niya ako at ng sumulyap ako sa paligid ko ay nakita ko yung maliit na daan na may karatula na dinaanan ko kanina.

Nakahinga ako ng maluwang at masayang tumingin kay Wolf. Ngumiti din ito sa akin pero iba ang ngiting nakikita ko ngayon sa mukha niya para bang nalulungkot ito.

"Thank you" sambit ko at yumakap sa kanya

Nanatili lang itong nakatayo habang yakap ko siya. Humiwalay ako sa kanya at muling tinitigan siya.

"Thank you so much" sinserong sabi ko at nag bye na sa kanya. Wala itong reaction kaya naman tinalikuran ko na siya.

Nakakadalawang hakbang palang ako ng maramdaman ko ulit ang kamay niya sa braso ko. Lumingon ako sa kanya at sinalubong ang tingin niya.

"Wolf Talitha" sambit niya na ikinangiti ko

"Wolf" turo ko sa dibdib niya "Talitha" turo ko sa sarili ko habang nakangiti

Bigla naman nitong tinaas ang kamay niya at muling pinakita sa'kin yung kawayan na hawak niya. Sinuot niya ito sa leeg ko at muling nagpasalamat sa kanya.

Hindi ko naman inaasahan ng ipagdikit nito ang noo naming dalawa. Napapikit nalang ako, ganito siguro ang paraan na alam niya para magpaalam. Bago nito ilayo ang mukha niya ay dampi sa labi ang binigay ko sa kanya.

Muling nagsalubong ang paningin naming dalawa pero nauna akong umiwas ng tingin dahil sa pag halik na ginawa ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba ginawa iyon pero ang nakakatuwa ay hindi man lang ako nakaramdam kahit kaunting pagsisisi.

***********