Chapter 22 His Ex
"I'm glad you're here! Kadarating lang nina dad from Spain. And guess what?!"
"Ano?"
"Dito na kami magsstay!"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, habang masayang magkayakap si Javier at adi sa harapan ko. Ngayon ko lang nakitang maging masaya si Javier na kahit sa ganong bagay ay masayang masaya siya. It was as if, his wish granted.
"Talaga, dito na kayo?! Grabe buti pumayag si Tito"
"Of course. I said to him na hindi mo naman ako pababayan. Just like before, right?"
Now I realized na hindi lang sakin protective si Javier. Siguro likas lang talaga sa kanya na mahalin at alagaan yung mga taong malalapit sa kanya. God! Here I thought special ako sa kanya, bakit ko nga ba namisinterpret yung kabaitan niya sakin?! Damn you self!
"Anyways, adi, si Kelzy nga pala. Kaibigan ko"
I immediately wipe off my tears. Na hindi ko namamalayang tumutulo na pala. Damn! Bakit ba ako umiiyak?! Diba ito naman talaga yung dapat mangyari? Makakahanap siya ng babaeng para sa kanya, at lalaking para sa akin.
"Hi adi. It was nice to finally meet you. Palagi kang kinukwento ni Javier sakin."
"Really? That's so sweet!"
I forced myself not to look at Javier na alam kong nabigla at naguluhan sa sinabi ko. If he's really the sun he's talking about, sino naman ako para harangan yung pagmamahalan nila right?! Yah. Tama lang yan Z.
"So anong story naman yung sinasabi mo sa kanya? Is it about our past?"
Gosh! I'm not yet ready to hear their cheesiness.
"Ahm. Excuse me Javier, Adi. Sorry I need to go, hinihintay na ako nina Bea sa loob ehh. Anyways it was really nice to meet you"
Breathe Z! Breathe!
"Wait sungit, papasok na rin kami sa loob. Tara"
Tipid na ngiti lang ang tinugon ko kay Javier at adi na siyang naglalakad sa likuran ko. They were laughing, and ngayon ko lang naramdaman, yung pakiramdam na hindi ko alam kung saan ako tatayo sa friendship namin ni Javier.
"Sungit, teka lang. Hindi pa magtitime bakit nagmamadali ka?"
"Joselito was right. Why don't you come with us? After all, gusto ko ding makilala ang naging best friend ni Lito"
Hindi ko alam kung matatawa o malulungkot ako na tinawag siyang 'Lito' ni adi. How ironic right? He hated that name, pero pumapayag siyang tawagin sa pangalang yon.
"Ahm. Maybe next time. Besides ngayon pa lang kayo nagkikita ni Javier. Atsaka hinahanap na rin ako ni Bea. So, mauna na ko."
Hindi ako pwedeng masaktan. Ano namang karapatan ko diba? I'm just his best friend. Magkaibigan lang kami.
"Zzzzzz! Girl! Grabe pala yung nangyari sa parking kanina! Ano, ayos ka lang? Teka. Si Jose nasan? Magkasabay ba kayo?"
I didn't imagine na darating ako sa point na to. Yet, hindi ko din alam kung kaya kong lumayo sa kanya.
"Yah. He's with adi."
Hindi ko pinakitang affected ako sa pagkikita nila. Well, wala naman talagang dapat ipag-alala sa kanila. Sa kabilang banda, masaya pa rin ako kay Javier. At least siya, nahanap na niya agad yung taong para sa kanya.
Bakas sa mukha ni Bea ang kaguluhan dahil sa pagbanggit ko nang pangalan ni adi. Damn! She's a certified chismosa nga pala!
"Javier's girl. Nagkita sila kanina sa parking. And magkasama sila ngayon"
"Ay grabe, kaya pala ang pait."
Tsk! Kaya ko nga sila iniwan kasi ayoko silang makita, at maalala. Yet, hindi na naman ako matatahimik dahil sa kanila!
"Really? May girlfriend si Jose?"
"Oo, Sy. Imagine, first day of school tapos hindi sila magkasama ni Z! Grabe ni hindi nga natin sila mapaghiwalay!"
"Sorry to hear that Z."
What? Why do I feel like, namatayan ako?!
"God, Hannah babes, you don't need to feel sorry. Magkaibigan pa rin naman kami ni Javier. So there's nothing to worry"
We were here sa gym ng campus dahil may mga announcements and program na hinanda ang school para sa opening ng school year.
Cliff, Enzo, and Tim were also here, at our back. And hindi ko alam ang sasabihin ko, kung sakaling magtanong sila about Javier.
"Pero Z, can I ask you something?"
Hindi ko mapigilang kabahan nang marinig ko ang boses ni Mori. I know she knows something na kahit ako ay hindi ko mapangalanan.
"Do you like him?"
I was expecting na magugulat ako sa tanong ni Mori. But no. Wala akong maramdaman ngayon kundi ang kaguluhan at pagkalito.
"Yo, Jose. Dito ka. We reserved seats for you."
I acted like I didn't heard his name. Pero ramdam ko ang pag-upo niya sa likuran ko. He's with adi. She's beautiful, bagay nga sila.
"Who's that girl Jose? Your friend?"
Bea asked and I know na sinadya niya yon para kompirmahin ang sinabi ko. God! Anong oras ba magsisimula yung program?!
"Hi. I'm Addison Zin. Adi na lang for short. I'm Joselito's---."
"Friend. Kaibigan ko siya"
Feeling ko ay mabibilaukan ako dahil sa kaba nang marinig ko ang baritonong boses ni Javier. He's here. Andito siya pero parang ang layo niya.
"Oww. Friend lang naman pala. Anyways, hi adi. I'm Bea. Ito si Sy, si Hannah. Tapos si Mori. Siguro naman kilala mo na si Z no?"
"Ahh yah. I met her earlier. She's also Joselito's friend right?"
Hindi ko alam kung alin sa sinagot ko kanina ang hindi malinaw sa kanya. Duh! I already said na nga na magbest friend kami!
"Alam mo yung MU? Ganon sila. Kulang na lang magpalit yung mukha"
"MU? As in mutual understanding?"
What?
Nakakunot ang noo na napalingon ako sa kanila. Bea was smirking and I know na nagsspread na naman siya ng fake news!
"Hindi adi. MU, as in Magkasamang Ulaga. You know, moody kasi yang dalawang yan"
Damn! Now I regret turning back! It was just Bea's plan para humarap ako!
"Really? Z, pwede ba kitang maging friend? Besides, magkaibigan naman kayo ni Lito. And I think magkakasundo tayo sa modeling. I'm a model too. Sa Spain."
Hindi ako makatingin ng diretso kay adi, dahil sa nakangiting mukha ni Javier na kanina pang nakatitig sa akin. Shit! May dumi ba ko sa mukha?!
"A-ahm. Yah. Of course. I would love too"
Kung ang pagiging awkward ay nakakamatay lang. Siguro kanina pa akong nakaburol ngayon.
Hindi pa rin naaalis ang titig sa akin ni Javier hanggang sa magsimula na ang program ng school.
Sa kalagitnaan ng program ay biglang tinawag ang pangalan ko para pumunta sa stage. Halos hindi magkumayaw ang mga estudyante na tumitili at nagpapakita ng suporta sa akin, lalo na sina Bea, Sy, Mori at Hannah.
"We're very pleased and proud to have Ms. Kelzy Herrera, as one of the trending model in this country. She really nailed it. So Ms. Herrera, how's life? Sobrang bilis ng pag-usad ng pangalan mo sa mundo ng modeling. At take note, andito ka pa rin para mag-aral. You're such an inspiration!"
It was overwhelming knowing na nag-iba na yung trato nila sakin, compared noong kata-transfer ko lang bilang transferee.
"Kelzy!"
"WAHH!"
"Honestly, I didn't expected this to happen but thank you, to all students, professor, for supporting me. It really means a lot to me. And about po sa pag-aaral, actually, may gusto akong pasalamatan, kung naririnig mo to. Thank you for pushing me to be the best."
Gosh! Finally I said it! Hindi man direkta, pero sana ramdam niya.
"Whoa! Sorry boys taken na pala si Ms. Herrera. Anyways, thank you Kelzy, you may now seat"
Kanya-kanyang reaction ang mga estudyante sa sinabi ko and because of that, hindi malabong makarating ito sa media.
Habang pababa ng hagdan ay dama ko ang titig ni Javier. I know na nagulat siya sa sinabi ko, and wala akong balak magpaliwanag sa kanya.
"Girl! Sino yon? Kilala ba namin?"
Bea teased while she's looking at Javier. God! Ang hirap maging masaya kapag nakikita ko si adi na nakapulupot sa kanya.
"Hmm. No. Kayo yon. I was pertaining to you guys"
Now I regret saying those words!
"Sus! You said na 'sana marinig mo to' meaning isang tao lang. Aminin!"
Naiiling na nakinig na lang ako sa mga announcements pa ng university. And then, after that ay naghiwa-hiwalay na rin kami para pumunta sa kani-kaniyang department.
I don't know kung bakit nasa likod ko pa rin si adi, and nang pumasok siya sa room na pupuntahan ko ay saka ko lang narealized na classmate ko siya. Damn! She's a model nga pala and hindi malabong iisa lang kami ng course na tinake!
"Z! Come here. Tabi tayo"
Damn! She's so kind and nakakaguilty na meron akong bad thoughts sa kanya.
"I really don't know kung anong mangyayari sakin ngayong school year. But now that you're here, I know na magiging magkasundo tayo"
She's beautiful, siya yung tipo ng girl na mapapatingin ka talaga. Mabait, she has that angelic face. Kaya siguro nagustuhan din siya ni Javier. They're perfect.
"Alam mo ba sa school ko dati sa Spain. They also treated me as what they treated you earlier. And I planned din na magtry sa agency mo. You can help me naman diba?"
Kakikilala ko pa lang sa kanya yet she still demanded as if matagal na kaming magkaibigan. I mean, wala namang masama kung gusto niya, but of course kailangan niyang paghirapan yon, in her own way.
"I don't know if I can help you adi---"
"Silly. That's okay. I'll talk to Joselito na lang para samahan ako sa agency"
Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa pagsasama namin ni Javier sa isang condo. But then, I refused to dahil naisip kong si Javier na lang ang magsabi sa kanya.
We stopped talking nang dumating na ang professor namin para sa orientation. Next week pa naman ang mismong start ng klase, so mahabang time pa ang nalaan namin para makilala ang isa't isa. Although hindi naman nagbago yung mga classmates ko last year.
"Hi. My name is Addison Zin Suarez. I'm from Spain and both of my parents decided to settled down here in Manila. So, yah, I'm looking forward po to be your friend"
"Mukha siyang anghel"
"Bro. Isa na naman sa pantasya ng university."
"Shh. Kay Z pa rin ako"
Some of boys were talking and comparing us, and hindi ko maiwasang hindi mainis dahil magkaiba naman talaga kami ni adi.
"Pupunta ka bang cafeteria? Can I come? Nagtext kasi sakin si Lito, naghihintay na daw siya don"
Oh shoot! Paano kaya maipapaliwanag ni Javier, na kailangan niyang umuwi sa bahay. Baka pati si adi, kasama niya. God! Not this one!
"Sure. Let's go."
She's very clingy. Hindi ko akalain na pati sa paglalakad ay nakakapit siya sa arms ko. Damn! Kaya siguro magkatugma sila ni javier, parehas silang isip bata!
Ngayon ko lang hindi naenjoy ang pagbitbit ko sa Gucci kong bag dahil kay adi. Pero nang makarating kami sa loob ng cafeteria, ay mabilis pa sa alas kwatro siyang tumakbo palapit kay Javier.
I couldn't help but to rolled my eyes at them, nang biglang matuon ang paningin ko kay Bea na may mapanglarong tingin sa akin. Tsk! This bitch really know how to play big time!
"Z! ANDYAN KA NA PALA! COME HERE. ANDITO SI TIM OHH"
I don't know kung talagang pinapalapit niya lang ako o para mapatingin sa akin si Javier?! Shit ka Bea! I'm going to kill you!
Parang mapupugot ang paghinga ko nang dumaan ako sa table nina Javier na kalapit din naman ng table nina Bea. We used to be in that table, ako, siya, at ang mga girls pero I know na nag-iba na ng table sina Bea to give space sa kanila.
"Sungit. Dito kana. I reserved this chair for you"
Madaming estudyante ang nakatingin sa amin at kahit si adi ay natahimik nang biglang tumayo si Javier. He's pertaining to the chair, infront of him and may nakalagay na ding small box of beef pizza with lemonade juice.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalalayan niya akong maupo. Damn! Ganito na ba talaga ako karupok!
"So, gaano na kayo katagal magkaibigan?"
Agad nagsalubong ang paningin namin ni Javier sa biglaang pagtatanong ni adi. She's now slowly getting into the picture, and honestly, hindi pa ako handa sa mga maaaring mangyari.
"A months ago. Second sem nong magtransfer siya dito"
"Really? So we're the same. Do you still remember nong elementary days natin. I'm also a transferee and then eventually naging mag best friend tayo. How lucky right? We both destined to met you"
I didn't mean to get their attention nang bigla akong mabulunan dahil sa huling sinabi ni adi. Bakas sa mukha ni Javier ang pagkataranta habang mabilis na binubuksan ang lemonade na nasa tabi ko. God! I can't breath!
"Here. Okay ka lang?"
He's now caressing my cheeks, and feeling ko in just a split of second ay nakita ko kung gaano ako kahalaga sa kanya.
"Okay ka na? Namumutla ka. Dalhin na kita sa clinic."
"Ahm. N-no. Go back to you seat. I'm good."
His touched! God! Hindi ko magawang tumingin kay adi at Javier na nasa harapan ko.
"Hi Kelzy. Pwede pa picture?"
"Sure"
After that picture I had with my senior ay dumarami na rin ang lumalapit sa akin para magpapicture. Some of them were my schoolmates and yung iba ay meron pang dalang gifts for me and also letter. Actually kinahiligan ko na rin lately ang pagbabasa ng mga letters galing sa fans ko. And it's overwhelming.
"Z sasabay ka ba sakin sa next subject? Ihahatid kasi ako ni Joselito"
Agad akong napatigil sa paglalagay ng mga letters sa bag ko nang magsalita si adi na nasa tabi ko na pala. They were now ready to leave, and I don't know kung bakit naghihintay pa ako ng iba pang sasabihin ni Javier. He looks okay naman and mukhang hindi niya ako naalalang ihatid. But that's okay, I can handle myself naman.
"You can now go dude. Sasabay sa akin si Z"
My eyes widen when I saw Tim at my back. He's wearing his cute specs na bumagay din naman sa suot niyang jersey.
"That's great! Let's go Lito."
Hindi ko na nakita pa ang reaction ni Javier dahil mabilis na siyang hinigit ni adi palayo. Thanks god! Wala na sila!
"You okay? Bakit hindi ka samin sumabay? I also preferred food for you"
What?! My eyes diverted at the veggie food his holding and a smoothie na sa palagay ko ay hindi na malamig.
"Ibibigay ko na lang sa iba. Siguro sa mga kateam mates ko na nasa gym ng---"
"No. I mean that's for me right? I can eat pa naman, besides hindi ko din naman naubos to dahil nabulunan ako kanina. So shall we?"
I was talking about the pizza, Javier gave. And agad kong hinigit patayo si Tim, na naguguluhan pa rin.
"Bye girls. See yah around"
I shouted nang dumaan kami sa table nila and halos sila na lang din ang tao sa cafeteria.
"Wait Z. Where are we going? May klase pa tayo diba?"
Tsk. As if naman umaattend siya. Duh! Wala nga siya kanina nong first period. And orientation pa naman so we can ditch!
"Sa garden tayo. Kakainin ko diba yung food na ibibigay mo."
"Really? Nagdiditch ka pala"
"Of course. I'm not saint"
Nang makarating kami sa garden ay wala nang ibang tao pa ang naroroon. Somehow I missed Javier. Kung wala siguro si adi ay siya yung kasama ko ngayon.
"Here food. The smoothie wasn't that cold as before. But, it still taste good. I bet?"
Kibit balikat na sabi nito and I couldn't help but to laugh dahil halata naman sa mukha niya na hindi pa siya nakakatikim ng smoothie. Tsk. A varsity player was scared at fruits.
"Hey don't laugh. I hate berries okay. You can't blame me, it tastes bland."
I can't believe na hindi talaga siya kumakain ng berries. It tastes good kaya, I love berries, especially sa lipstick. I feel hot.
"So, may training ka? Kasisimula pa lang ng klase ahh"
"Ahh yah. Preparation for the upcoming sports fest. Rival ng university yung kalaban namin. And ikaw gagawin naming muse"
Well. I owe him a yes nga pala.
Hindi na namin namalayan ang oras nang matapos ang isang subject ay bumalik na rin ako sa room namin at si Tim naman ay pumunta sa gym dahil hinahanap na siya ng coach nila.
Pagkapasok ko pa lang ng room ay bumungad na sa akin ang nakangiting si adi na nakatingin sa likod ko. What? May hinihintay ba siya?!
"Hi. Sana sumama na lang ako sayo. Ang boring ng orientation kanina"
She's so clingy na naman. I'm not sure kung ganon lang talaga siya, o gusto niya lang maputol ang pagtitimpi ko.
"Javier doesn't want that kind of girl. You should stick to his principles"
As Javier's best friend karapatan ko naman siguro ang tiyakin na nasa tamang babae siya. And for adi, hindi ko pa masasabi sa ngayon kung mapagkakatiwalaan siya.
Mabilis na natapos ang klase ko sa araw na ito. MWF lang yung klase ko in every week. And hindi ko tuloy alam kung paano ko I-aapproach si Javier. I was torn between talking to him na sabay na kami umuwi or baka naman may iba siyang plano ngayon.
"Adi, where's Javier?"
I saw her sitting on the benches and feeling ko magkikita sila ni Javier. I don't came here naman para mangdemand. I just wanna ask Javier kung sasabay siya sakin.
"He's busy pa sa room nila. And he said din kanina na ihahatid niya ko. Wait. Katext ko siya ehh, sasabihin ko na lang sa kanya na hinahanap mo si----"
"Ahh, no need adi. Pasabi na lang na nauna na ako. Take care"
I don't get it. Bakit hindi man lang siya makapagsabi sakin na hindi siya sasabay. What if, hinintay ko siya? So magiging kawawa din ako at the end dahil ihahatid niya pala si adi. Gosh! First day of school yet he's missing!
"Ma'am kayo lang? Si Jose?"
"He's busy pa po Mang Tonyo. Mauna na lang po tayo"
Hanggang sa makarating sa condo ay iniisip ko pa rin kung bakit ganon na lang ako baliwalain ni Javier. Alam ko naman kung saan ako tatayo as his friend. Tsk!
I'm not sure kung uuwi paba siya kaya naisipan ko na lang magluto. I tried to cook adobo, but ang ending ay binigay ko na lang sa pet owner sa baba dahil hindi siya naging edible for me. Damn! It was so hard to decide what to eat, and also how to cook!
I don't want to risk pa, para makapag luto, dahil alam kong masasayang lang yung foods, so nag order na lang ako sa isang resto. Plano ko sanang bumili lang for me, but dahil naisip ko na naman si Javier ay binilhan ko na rin siya. Shit! Nag-eexpect pa rin ako na uuwi siya!
When the evening came ay naghintay pa rin ako kay Javier. I even waited him for dinner, pero hindi ko na rin napigilan pang hindi kumain dahil nagugutom na rin ako.
I was now readying my bed for sleep, and nilocked ko na rin yung door ng condo dahil mukhang hindi na talaga siya uuwi. Hayy! Promises are meant to be broken talaga.
I just hope it was worth the sacrificed.