Chapter 21 Adi
Weeks had passed so easily and hindi na namin namalayang tomorrow na ang start nang classes. We were both busy na sometimes we ditch breakfast or even dinner just to take a rest, dahil madami kaming tanggap na shoots, and even si Javier na madaming events na pinupuntahan.
But we promised na today ay hindi kami magwowork dahil bibisitahin namin sina Tita Nelda. And ganun din kina mom and dad.
"Malaki ang naging ambag ng interview mo sa mga fans"
"Yah ateng. Nawala na din yung mga inggiterang mga bashers"
We were here at a cafe near my condo, and kasama ko ngayon ang buong team para i-celebrate yung interview and also sa past shoots/projects na natapos namin so far.
"Iba talaga ang isang Herrera. Magaling sumagot"
Ate Jodie said, and wala namang naging pagbabago sa mga answers ko, from my previous interviews with mom and dad's colleagues kapag sinasama nila ako noon sa mga party nila. I don't know but I have this feeling na kapag nag- lie ay mas magiging complicated pa ang lahat. So why lying in the first place right? Maliban na lang, of course, kung tungkol sa mga personal na tanong from the past. You know, I'm not that confident from my past experiences.
"Hayaan nyo na si Z. Mas magandang start yan sa modeling. At we all know na hanggang Paris dala-dala yan ng alaga ko"
Mamu giggled and it was really heart whelming knowing na they see me as an international model. Well, mangyayari naman talaga yon, soon.
"Hep hep. Itesh na pala ang sundo. Hello papa Javier"
Agad hinanap ng mga mata ko si Javier na saktong kakapasok lang sa cafe. He has that wide smile while looking at me. And naeexcite na akong umuwi sa bahay kasama siya.
"Pasensya na kailangan ko ng sunduin si Z."
He touches mamu's back, as if giving him an assurance na magiging safe ako sa kanya. Although alam naman talaga nilang lahat na hinihintay ko lang dumating si Javier, dahil paalis na rin kami.
"Nakapagpaalam na rin sa amin si Z. At paalis na rin kami. Mag iingat kayo"
I don't know why pero napapangiti na lang ako sa isiping, malapit na ang loob ni Javier kayna Mamu, that sometimes it makes me feel jealous dahil mas malimit pa silang magkatext or call everytime may shoot ako.
"Naku, ang pogi mo na ngayon Jose ahh. Kaya pala yung isa dyan, paranoid na"
"Oo nga Roxy. Wait. Papa Javier, okay lang bang yakapin kita? WAHH!"
"Shh ka bakla. Ako muna"
The hell. At kailan pa sila na-starstruck kay Javier? Before naman hindi sila ganito ahh.
Nahihiyang lumingon sa akin si Javier na siyang ikinataas ng kilay ko sa kanya. Is he asking for my approval?!
"Hmmm. S-sige."
"Yieeee! Bakla ako muna! Wow! Shit! Ang bango, at ang sarap mo naman papa Javier. Ibang iba kana talaga. Nong sa party, hindi kana lumabas kaya hindi na kami nakayakap sayo"
What's with the hug? Gosh. I forgot to say na nagmamadali kami!
Nakahalukipkip lang akong nakatingin kay Javier and ate Roxy na magkayakap pa rin hanggang ngayon. Damn! Bakit ba ang masculine niyang tingnan sa fitted shirt niya ngayon?!
"Ako naman bakla!"
Ngayon pa lang na nakikita ko silang mag-agawan kay Javier. What's more pa kaya kapag nag-start na ang pasukan.
Each seconds ay sinasadya kong tumingin sa watch ko, to wake up Javier's conscience. God!
"Thank you papa Javier!! Halika na Roxy. Iniwan na tayo nina Mamu!"
They immediately ran out from the cafe, para sundan sina Mamu na kanina pang nakaalis.
"Hey. Hintayin mo muna ako dito bibili lang akong kape."
Tsk. And now may gana pa siyang magpahintay! Kung kanina pa siya bumili, edi sana hindi na ulit ako maghihintay sa kanya.
"Hoy sungit! Sabi ko bibili muna ako. Nakikinig ka ba?"
Am I look deaf to him? And siya pa yung may ganang mairita ngayon. Duh! His face was so thick!
"I can clearly hear and see you flirt. Now go, maghihintay na lang ako sa labas"
Labas sa ilong na sabi ko, and I don't know kung bakit masaya pa siya. Gosh! It irritates me!
"Galit ka? Sige ikaw na lang yayakapin ko. Kahit makatulog o maglaway ka, okay lang. Hindi ko ipagkakalat"
What?
Nakahalumbaba pa siyang umupo sa tabi ko, habang may malawak na ngiti. Damn! He's so cute yet pinanatili ko pa ring nakakunot ang noo ko. Hayy! Hindi niya ako madadala sa mga pangiti-ngiti niya!
"Hug your face! Shooo! Bumili kana nga."
"Bakit ka nga galit? Hindi naman ako late, on time pa nga ehh"
Damn! Nangungulit na naman siya!
"Nothing! Just go. If you want mauuna na lang ako."
"Eto na. Eto na, sabi ko nga bibili na."
Habang nakapila siya papuntang counter ay hindi ko maiwasang panlakihan siya ng mata dahil para siyang ewan na nakangiti habang nakatingin pa rin sa akin. Really? Is he teasing me?
And dahil naiirita na ako sa pagmumukha niya ay naisipan kong mag-hintay na lang sa labas. Shit! Kahit sa public places ay nakukuha niya pa ring mang asar. Who knows baka magwacky face pa siya sa harapan ko.
I was wearing my disguise outfit, hoody, mask, shades and cap. That's why, hindi ako naco-conscious na baka mamukhaan ako ng mga tao. Although, may pailan-ilan na tumitingin sa akin, but it was just a short stare, siguro dahil naweweirduhan sila na nakajacket ako kahit sunny day naman.
"Bakit ka umalis? Alam mo bang nakiusap pa ko sa babae na ako muna yung unahin kasi akala ko umalis kana"
I feel like, I murdered someone the way he looks and speaks at me. Why is he so mad?
"Relax Javier. You're teasing me, that's why I decided na hintayin ka na lang sa labas"
"Okay, okay. Surrender na boss. Baka mabaliktad na naman yung sitwasyon at ikaw naman yung magalit sakin. Kaya tara na, moody kana naman"
He immediately get his motor and buti na lang maganda ang panahon ngayon. Maybe next time I will ask Javier for a trip.
Dumaan lang kami sa isang store for pasalubong, and ang first stop namin ay sa bahay nina Javier, dahil I know na wala pa ngayon sa bahay sina dad.
People were looking and got curious nang dumaan kami sa maliit na eskinita sa tondo. Siguro ay hindi na nila mamumukhaan si Javier dahil sa pagloloss niya ng weight. I don't know kung anong nagpush sa kanya na magpapayat but it's for his health, and it suits him naman.
Mas lalong nadefine ang biceps and yung back niya. And feeling ko mas lalo siyang tumangkad ngayon. Siguro, ilang weeks na rin siyang nagdidiet, and I also see some photos of him in the gym nang minsang hindi ko sinasadyang makita yung wallpaper ng phone niya.
We were now removing our helmet, nang sunod sunod na lumabas sa house nina Javier, si Tita Nelda, Stef, otep and I was surprised nang makita ko si Tito Lito na kasabay din nilang lumabas.
Wow. So they're complete.
"Tay? Napadalaw ho kayo"
Bakas sa mukha ni Javier ang gulat, nang lumingon siya kay Tita Nelda na tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Stef.
"Binisita ko lang ang mga kapatid mo. Tumawag kasi sakin ang nanay mo, hinahanap daw ako ni Joseph at Stef"
"Oo kuya! Tingnan mo to ohh. Binilhan ako ni tatay ng mga bagong laruan."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin ako kay Javier. He's happy in a way na nasasaktan pa rin ako.
"Ako din kuya, binilhan ako ni tatay ng bagong phone para sa pasukan. Ganda ohh. Hindi ko na kailangang magtanong kay Tenten nang mga announcements sa school. Salamat Tay, the best ka talaga!"
"Wala yon mga anak. Basta kung anong pangangailangan nyo magsabi lang kayo sak----"
"Pinayagan ka ni Tita na pumunta dito?"
Gosh! I know he's not mad. But the way he speaks, he's so serious, and I was amazed and scared at the same time dahil ngayon ko lang siya nakitang maging protective sa family niya.
"Ahh. Hindi na niya kailangang malaman pa. Besides kayo naman yung pinunta ko. It's doesn't matt---"
"It does Tay. Pano kung bigla na naman niyang sugudin si nanay katulad noon. Magsisigaw, at magsalita ng masasama. Ano? Lilipat na naman kami---"
"Jose anak. Pumasok na muna tayo. Halika na. Z, pagpasensyahan mo na"
I slightly smile at Tita Nelda, and alam kong kahit siya ay nahihirapan sa inaasal ngayon ni Javier. There's no wrong naman if andito si Tito Lito. Besides it was nice nga to see na kompleto sila.
"Nelda, pumasok na kayo sa loob. Hindi na rin ako magtatagal pa. Binisita ko lang talaga ang mga bata"
"Tay. Mamaya na po kayo umalis. Kadarating lang nina kuya ohh"
Ramdam ko ang bigat sa dibdib na nararamdaman ni otep ngayon. Because just like him, I also tried to convince my dad na wag munang umalis for work. But I know, in the end walang magagawa ang pag-iyak ko. He will still chose to leave and be with his work.
"Don't cry. I promised babalik ako sa weekend."
I was just looking at them, how otep pleaded his father to stay. Hindi ganito ang inaasahan ko pagbalik namin ni Javier. But yah, destiny has its own way to change everything, beyond our control.
"Kanina ka pang tahimik. Pasensya kana kanina. Ganito sadya kapag bumibisita si tatay. Magulo, malungkot, tsaka tahimik ang buong bahay"
If I were his siblings, siguro naquestion ko na si Javier. Hindi ko maintindihan kung bakit he's so rude to his father. I could see naman na Tito Lito really make his way para maging mabuting father sa kanila.
We were supposed to be happy today dahil madami kaming foods na dala. Pero si Tita Nelda lang yung nasa kusina habang sina otep at Stef ay nagkulong na sa room nila.
"You should make him stay, para kina otep. You see, they missed each other, lalo na si Tito Lito"
As much as I don't want to get involved, pero part of me wants to help Javier from healing, dahil nakikita ko naman sa kanya na may galit pa siya kay Tito Lito.
"Kusa siyang umalis. Kung gusto niyang magstay, magsasabi siya"
"Pero the way you talk to him parang gusto mo na siyang paalisin"
Yes, I admired Jose, from taking care of his family. Alam ko na ginagawa niya lang yon, para wala ng gulo between his mother and Tito Lito's wife. But this is too much. I mean, he should consider otep and Stef's feelings before deciding what's the best.
"Alam mo, walang patutunguhan tong usapan na to. Eat up. Ihahatid na kita sa inyo"
What? The hell! Sinasabi ko lang naman yung opinyon ko. And we both agreed na magdidinner kami sa bahay. We were okay earlier. Ano ba talagang issue niya sa dad niya. Before naman he idolize his father, and now, something is wrong!
Kinuha niya lang ako ng food sa plate and then hindi na siya bumalik pa sa kitchen. I get it, mukhang hindi siya sanay na may nagcocorrect sa kanya.
"Z, Kamusta kayo ni Jose sa condo? Nakita ko yung picture ng bahay nyo, maganda. Sa susunod bibisitahin ko kayong dalawa"
I couldn't help but to sigh heavily, when Tita Nelda touches my hand, as if telling me na hayaan ko muna si Javier.
"We're okay naman po Tita. He's so responsible po lalo na sa mga gawaing bahay. Honestly nga po ehh siya yung in charge sa pagluluto. But I also did my best po para magbalance po kaming dalawa"
This was the first time na nag-usap kami ng matagal ni Tita Nelda. She's so soft spoken, and napaka-opposite nila ni mom.
"Alam mo si Jose, simula nang magbinata yan, gustong gusto niyang lagi siyang kasama ni Gardo sa site. Mahilig talaga siyang magkumpuni ng mga sirang kagamitan, ultimo bahay pinakikialam niyan."
I could see the longing on Tita Nelda's eyes. Siguro, the name Gardo, was her late husband. Hindi naman siya naikukwento sa akin ni Javier, maybe it was too painful for him to open up.
"Kaya noong nawala si Gardo dahil sa pagkahulog sa ginagawang bahay. Tumayo ng padre de pamilya si Jose sa amin. Hindi siya humingi ng tulong noon kay Lito. Pinilit ko lang talaga siya dahil hindi ko siya mapapag-aral sa magandang eskwelahan. Kaya pagpasensyahan mo na ang inasal niya kanina. Nasanay lang ang anak ko na magdesisyon para sa amin. Pero wag kang mag-alala, bigyan mo lang ng panahon makikinig din yan sayo"
Tipid na ngiti lang ang naitugon ko, nang magpaalam sa akin si Tita Nelda na maglilinis sa labas. Hindi na rin bumalik pa si Javier, kaya't mabilis ko na lang na inubos ang pagkaing binigay niya sa akin.
Now I know kung bakit ganon na lang siya magreact nang makita niya si Tito Lito. He's not used to having someone for them, dahil nasanay siyang mag-isa. And I know na kaya niya lang tinatanggap yung tulong ng dad niya, is because of his family, and also because of me. I shouldn't asked him for Tito Lito's gain, dahil alam kong sa condo pa lang bumaba na ang ego niya. God! I'm so dense!
"Hey, sorry kanina. I didn't mean na makialam sa in----"
Agad akong napahinto sa pagsasalita nang itaas ni Javier ang kanyang kamay, at tapikin nito ang upuan sa tabi niya. He's quiet, but I can feel his heavy breathing habang nakatingin ito sa malayo.
"Malaki na kami ni Stef nang malaman namin ang tungkol kay tatay. Wala akong galit sa kanya, pero andon pa rin yung lungkot dahil hindi niya kami hinanap noon"
So that's the reason why, he's so hard. Kung bakit hindi sila madalas magkita ni Tito Lito.
We just talked about his childhood, and about Tito Gardo, his stepfather. Hindi ko akalaing ganon kagrabe yung napagdaanan niya bago niya nakilala si Tito Lito. And now, mas lalo lang akong humahanga sa kanya. He's really a good son, brother and also a friend.
After the talked we had ay nagpaalam na rin kami kay Tita Nelda, otep at Stef na parehong nakikipagkulitan na rin. Hindi na rin sinusumpong si Javier that's why sinamahan na niya kong umuwi sa bahay.
I was just teasing him the whole time dahil sa pagwawalk out niya kanina. Gosh! I feel like, para akong nag-aalaga sa isang six year old baby na mahilig magtampo.
Pagkarating namin sa house ay kaagad akong niyakap ng mahigpit ni Nay Sabel. Maaga ding umuwi sina mom and dad dahil inaasahan talaga nila na darating ako. Even si cliff ay naririto rin para mang-gulo. Pagkatapos ng dinner ay nagbeer pa sina dad, cliff and Javier, bago ko siya inayang umuwi sa condo.
Bawal siyang malasing ngayon dahil tomorrow ay start na ng classes, and ayoko ding magsama ng lasing pauwi!
"You sure iha na kaya nyo ng umuwi? Pwede naman kayong matulog sa mansion"
"Yes mom. Nasa condo din po ang mga gamit namin for school, so hindi kami pwedeng matulog dito"
I just bid good bye kay mom and dad, and hinatid na kami ni Mang Tonyo sa condo.
Nang makarating ay agad kaming naghiwalay, siya papunta sa room niya and ako naman sa bathroom para maghalf bath.
Kakausapin ko pa sana si Javier about his schedule, but nakita kong mahimbing na siyang natutulog so pumunta na rin ako sa room ko para ayusin yung mga gamit na dadalhin ko bukas and also para matulog na rin.
When the morning came, as expected ay maagang nagising si Javier para magprepare ng food.
"Hey good morning. How's sleep?"
He's busy putting all the foods in a plate, and I can feel na excited na siya sa first day of school.
"Okay naman. Anyways, I'll give you my schedule later. Sana magkatulad tayo ng sched para may kasabay akong maglunch, umuwi, and bumili ng food sa cafeteria"
Gosh! Hindi ko na kayang mag-isa!
"Ganon mo ko kamiss?" He said, na ikinataas ng kilay ko. Damn! He's so full of himself!
"Of course not. Pwede ko namang isama ang girls. Anyways, maliligo muna ko."
I immediately get my towel, and hindi naman ako nagtagal dahil magliligpit pa ako ng mga plates na pinagkainan namin.
Mang Tonyo was our driver for today, and hindi na kami nagcommute dahil baka malate pa kami sa opening ng school.
"Good morning ma'am. Good morning Jose. Namiss ko kayong magkasama"
Gosh! I'm so excited! After a tiring and long time for work, finally, dating gawi na naman kami ni Javier!
"I miss you too Mang Tonyo, but not Jose po. He's annoying"
"Tsk ako pa talaga"
He murmured and akala niya siguro hindi ko narinig. So I just ignored him habang nasa byahe at hindi rin naman siya nagsasalita, so hanggang sa makarating sa school ay tahimik lang kaming dalawa.
When the car stop at the school's gate ay nagulat na agad ako sa dami ng tao na naghihintay sa labas.
"What happened?"
I asked Javier and bakas sa mukha nito na hindi rin niya alam ang nangyayaring kaguluhan sa labas.
"Stay here. Titingna---"
He was about to go outside, nang biglang mabilis na nagtakbuhan ang mga estudyante sa palibot ng car. Oh my god!
"Kelzy!"
"WAHH! Andyan siya sa loob!"
"Papicture Kelzy!"
"Kelzy I love you!"
"Sana maging classmate kami!"
"OH MY GOD KELZY!"
The hell! Paano kami makakalabas ni Javier?!
Nagpapanick na napatingin ako kay Javier na hindi man lang makikitaan nang pagkataranta. He's so calm, na parang sanay na siyang palibutan ng mga tao, or he's just pretending to be okay.
"Ma'am. Dumarami na ho ang tao sa labas, tatawag na ho ba ako ng ilang body guard ng dad niyo?"
Yah. That's the safest way para makalabas kami ni Javier.
"Yes ple---"
"Lalabas tayo"
What?! Is he out of his mind?! Kailangan namin ng guard para kung magkagulo man, hindi kami masasaktan!
"We can't just do that, baka mapaham---"
"I'm here. Hindi kita pababayaan."
I'm not sure kung magwowork ba na si Javier lang yung magpoprotekta sakin. But yah, I trusted him.
My heart was pounding nang dahan dahang binuksan ni Javier ang pinto ng sasakyan. I can feel the student's excitement and kahit nasa loob pa ako ay may mga kamay nang nagsusulputan sa bukas na pinto ng sasakyan.
"Let's go"
He offered his hand at me, and walang pag-aalinlangang tinanggap ko naman ito.
"WAHH! KELZY!"
"Ang ganda niya noh!"
"Oo. Shit! Teka, sino yung kasama niya? Boyfriend niya?"
"Oo nga noh! Pero bagay sila!"
"I love you Kelzy!"
"Teka, diba si Jose yon. Yung sa engineering department"
"Magkaibigan pa rin pala sila"
Everyone has their own words to say, and hindi pa rin mawala-wala yung kaba ko, na baka anytime ay lumapit silang lahat sa akin.
"Makinig kayo. First day of school ngayon, bigyan nyo muna ng time si Z na magpahinga. Pwede nyong ibigay sa akin ang mga nais nyong ipaabot sa kanya. But for now, hayaan nyo munang maging normal na estudyante siya. Naiintindihan nyo naman ako?"
Shit! Para akong sira ulong nakatago lang sa likod ni Javier, habang nagsasalita siya. Every words that he said ay talagang tumatagos, and I don't know kung paano niya nagawang mapapayag ang mga estudyanteng nagsisibalikan na ngayon sa loob ng campus.
"Tara na! Siguro next time na lang"
"Oo nga. Mukhang natakot pa satin si Kelzy."
"Lagot! Malalate na tayo!"
Sa isang iglap ay unti-unti nang nagsisialisan ang mga estudyante sa harapan namin. And binitawan ko na rin ang polo ni Javier na nagusot dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito.
"Sabi ko naman sayo. Akong bahala. Tara na?"
May pagkindat pa siyang nalalaman bago kinuha ang bag ko, na sobrang gaan lang naman.
"Ako na Javier. You don't have to do this"
"Akin na. Ngayon lang ako magiging mabait sayo"
"But magaan lang talaga yan"
"Mas okay. At least magaan naman pala"
Hayy! Ipipilit na naman niya yung gusto niya!
"Pero---"
Hihigitin ko na sana ang bag ko sa pagkakahawak niya nang may isang babaeng tumawag sa pangalan ni Javier.
"Joselito! You're here!"
Isang pamilyar na mukha ang lumapit at yumakap kay Javier na bakas ang gulat sa mga mata.
Wait! I know this girl. Nakita ko na siya.
"Adi?"
Javier said, and that's when I remembered kung saan ko nga ba siya nakita noon.
In Javier's house. The last time I checked magkayakap na sila noon sa labas nang bahay ni Javier. And now, they were doing the same thing again, but the difference is, I'm not hiding.